Elem. PANG ABAY DLP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan

I. Layunin
Matutukoy mo ang mga salitang naglalarawan at nagagamit ang mga salitaang
pang-uri at pang-abay sa paglalarawan.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan
b. Sanggunian: K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf - Google Drive
c. Kagamitan: Mga Larawan, Chalk, Papel, Lapis.

Pamamaraan
GURO BATA
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo na ang lahat para sa panalangin “Mahal naming Panginoon...”
2. Pagbat
Magandang umaga mga bata!
Maaari nang umupo ang lahat. Magandang umaga din po ginang emie
3. Pagtukoy sa mga lumiban
May lumiban bas a klase ngayong araw?
Mahusay, ako ay nagagalak na kumpleto kayo
ngayong araw. Wala pong lumiban titser
4. Balik-Aral
Bago natin simulan ang ating aralin ngayong
araw, mag balik aral muna tayo. natatandaan
nyo pa ba kung ano ang pang-abay?
Tama! Bigyan natin sya ng ang galing galing
palakpak.
5. Pagganyak
Mayroon akong mga larawan na ipapakita sa inyo,
ang
tanging gagawin nyo lamang ay suriin ang mga
larawan na ipapakita kung ito ay nakikita, Ang pang abay ay isang bahagi ng pananalita na
naaamoy, naglalarawan at nagbibigay turing sa pandiwa,
nahahawakan, nalalasahan o naririnig. Magbigay pang-uri at maging sa kapwa nito pang-abay.
ng
mga katangian nito. Itaas lamang ang kamay kung
gustong sumagot.

Ano ang larawang ito?


Keyk po titser!
Tama ito ay keyk. Ang keyk ay nakikita,
naaamoy, nalalasahan at nahahawakan.
Ito rin ay masarap!

Para sa ikalawang bilang, ano ang

Babaeng kumakanta
larawang ito?

Para sa ikatlong bilang, ano ang

larawang ito?
Tama, pabango. Ito ay nakikita,
naaamoy at nahahawakan. Ito ay
mabango popabango po

Para sa ikaapat na bilang, ano ang


larawang

Tanawin po

?
Tama, ito ay tanawin. Ito ay nakikita at
nahahawakan, Ito din ay maganda at payapa

Para sa ikalimang bilang naman, ano ang


larawang uto?
Unan po titser!

Ito ay nakikita at nahahawakan, Ito din ay


malambot.

Mahusay mga bata, napagtagumpayan


ninyo ang ating panimulang gawain.
B. Panlinang na Gawain
(Ang mga bata ay nagbabasa)
1. Paglalahad

Alam nyo bang kulang ang isang pahayag kapag


hindi ka nakapaglalarawan. Kailangan mong
mailarawan ang mga bagay na iyong nakikita,
naririnig, naaamoy, nalalasahan at
nahahawakan upang maging epektibo ang
isang pagpapahayag.
Bukod sa nabanggit ay maaari mo ding
ipahayag ang iyong ginagawa at ang mga
mismong bagay na binibigyan mo ng
paglalarawan. Sa paglalarawan ng mga ito ay
gumagamit tayo ng pang-uri at pang-abay.

Pang-uri
Ang pang-uri ay may mga salitang Pulang-pula po titser
nagbibigay turing o naglalarawan sa
panggalan o panghalip. Maaari itong
ilarawan ang isang tao, bagay, hayop,
lugar o pangyayari.
Hugis bilog
Mga halimbawa ng pang-uri:
Kulay-pula
Sukat-malaki
Dami-isang kaban
Itsura-maganda
Bilang-marami
Isang kaban
Hugis-bilog

Pansinin ang mga pangungusap na may pang-uri.

1. Pulang-pula ang nabiling damit ni leo para sa


nanay niya.
Anong kulay ang nabiling damit ni leo
para sa nanay niya?
Tama! Pulang-pula. Ito ay naglalarawan sa
salitang damit.

2. Hugis bilog ang buwan kagabi.


Anong hugis ng buwan kagabi?
Tama, ito ay hugis bilog. Ang salitang
hugis bilog ay naglalarawan sa salitang
buwan.
3. Isang kabang bigas ang ipinamigay ni
Mayora Leslee Bautista sa mamamayan ng
Bagiuo.

Gaano karami ang ipinamigay na bigas


ang ipinamigay na bigas ni mayora Leslee

Bautista sa mamamayan ng Angat?


Tama! Isang kaban. Ang salitang isang (Ang mga bata ay nagbabasa)
kaban ay naglalarawan sa salitang bigas.

Sa paggamit ng pang-uri tiyaking angkop


ang salita sa nilalarawan nito.
Halimbawa: Maaring sabihin matangkad
ang isang tao ngunit hindi ang gusali.
Matangkad-tao
Mataas-gusali

Pang-abay
Ang pang-abay ay makikilala dahil sa
kadalasan nitong kasama ng isang
pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay
na bumubuo sa isang parirala o
pangungusap.

Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang


naglalarawan kung paano, saan, at kailan
ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos o
galaw na isinasaad ng pandiwa. (Ang mga bata ay nagbabasa)

Pansinin ang mga pangungusap na may


pang-abay.
1. Ang temperature sa lungsod ng
Bagiuo ay masyadong mataas.
Gaano kataas ang temperatura sa lungsod ng
bagiuo? Tama, masyado. Ito ay naglalarawan sa
salitang mataas. Ang salitang mataas ay isang
halimbawa ng pang-uri. Ang salitang masyado
ay nagsisilbing pang abay sa salitang mataas.

2. Mabilis mauhaw ang mga tao dahil sa


init ng panahon.
Paano mauhaw ang mga tao dahil sa
init ng panahon?
Tama, Mabilis. Ang salitang mabilis ay
naglalarawan sa salitang mauhaw, ito
ay isang halimbawa ng pandiwa. Ang
salitang mabilis ay nagsisilbing pang-
abay sa salitang
mauhaw.

Pansinin ang mga may salungguhit na salita .

A. Mabilis ang mga tao kaya hindi sila


nahuhuli sa pagtapon ng basura.
(Ang mga bata ay nagbabasa at nagsasagot)

B. Mabilis na nakikipag-agawan ang mga tao


sa track ng basura.
Sa unang pangungusap, ang salitang mabilis ay
naglalarawan sa tao. Sa dakong ito ang salitang
mabilis ay nagsisilbing pang-uri at ang salitang
tao ay nagsisilbing panggalan.

Para sa ikalawang letra naman ang salitang


mabilis ay nagsisilbing pang-abay para sa
salitang nagkikipag agawan. Ang salitang
nakikipag-agawan ay isang halimbawa ng
pandiwa.
Nagsasagot
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Panuto: Pansinin ang mga salitang may
salungguhit at tukuyin kung ito ba ay pang-abay
o pang-uri.

A. Mahusay ang bata sa matematika


B. Mahusay sumagot ang bata
Nagsasagot
A. Malakas ang katawan ng mga
manlalaro B. Hinila niya ng malakas
ang tali

A. Mabilis sa pagsulat ang mga mag-


aaral B. Tumakbo sya ng mabilis

Mahusay mga bata dahil nasagot niyo ng tama


lahat ng aking katanungan bigyan niyo ang
inyong sarili ng Mahusay klap!
2. Paglalapat
Panuto: Ang klase ay hahatiin ko sa dalawang
grupo. Punan ang angkop na pang-uri ang
puwang sa pangungusap. Pillin sa loob ng
kahon ang inyong sagot.

Mahusay mga bata, lahat ng inyong sagot ay


tama! Bigyan niyo nga ang inyong sarili ng
Mahusay klap.

3. Pagtataya
Panuto: Umisip ng dalawang pang-uri at dalawang
pang-abay na naglalarawan sa keyk at gamitin ito
sa pangungusap. Maaari mong iugnay ang yong
sariling karanasan upang makabuo ng

pangungusap.

4. Takdang-aralin
Panuto: Gumawa ng dalawang talata sa iyong
sariling karanasan bilang isang mag-aaral.
Gamitin ang pang uri at pang-abay.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG TALATA

5 Puntos
Napakahusay ng pagkakagamit ng pang-
uri at pang-abay; pagkakaayos, duloy at
pagkakaugnay ng mga ideya.

4 Puntos
Mahusay ang pagkakagamit ng pang-
uri at pang-abay; pagkakaayos,
duloy at
pagkakaugnay ng mga ideya.

3 Puntos
Katanggap-tanggap ang pagkakagamit ng
pang-uri at pang-abay; pagkakaayos
duloy at pagkakaugnay ng mga ideya.

2 Puntos
Mapaghuhusay pa ang pagkakagamit ng
pang-uri at pang-abay; pagkakaayos,
duloy at pagkakaugnay ng mga ideya.

1 Puntos
Nangangailangan pa ng pantulong na
pagsasanay upang magamit ang wastong
pang-uri at pang-abay; maiasaayos pa ang
duloy at pagkakaugnay ng mga ideya.

You might also like