Ap4 Q4 Mod7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

4

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Pagpapahalaga sa Bayan:
Kailangan para sa Kaunlaran

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Pagpapahalaga sa Bayan: Kailangan para sa
Kaunlaran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jason H. Hadap
Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico
Tagasuri: Ana N. Calisura
Tagaguhit:
Tagalapat: Edsel D. Doctama; Paulina Crescini
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao Jr.
Grace U. Rabelas
Ma. Leilani R. Lorico
Imelda R. Caunca
Marites B. Tongco

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City 4500


Telefax: 052) 225-4668, (052) 225-4669
E-mail Address: [email protected]
4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Pagpapahalaga sa Bayan:
Kailangan para sa Kaunlaran
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Natutunan mo sa mga nakaraang aralin ang kahalagahan ng


kagalingang pansibiko sa mas nakararaming mamamayan sa
lipunan.
Pag-aaralan mo naman ngayon ang ambag nito sa
kaunlaran ng ating bayan. Lubos mo ring mauunawaan ang mga
dapat gawin upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng
ating bansa.
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang- unawa sa
pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
Pamantayang sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na
nagpapakita sa kanyang pagganap sa kanyang tungkulin bilang
mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan.

Pamantayan sa Pagkatuto
Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan
sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.

Kaalinsabay ng kagalingang
pansibiko, paano pa ba maitataguyod
ng mamamayan ang kaunlaran ng
bayan? Anu-ano ang mga bahaging
ginagampanan ng mamamayan upang
umunlad ang bansa?
Tara! Sabayan mo akong tuklasin ito
sa bagong aralin.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


1
Subukin

Panuto. Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat


ang FACT kung ito ay nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang
bansa at BLUFF naman kung hindi. Gawin ito sa loob ng 5
minuto. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang


manilbihan sa ibang bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.
3.Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay
pinagtatrabaho.
4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunungkulan sa
pamahalaan.
5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.
6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating
bansa.
8. Naaabuso ang mga likas na yaman.
9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang
mga batas.
10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


2
Aralin
Pagpapahalaga sa Bayan:
1 Kailangan para sa Kaunlaran

Balikan

Panuto: Tukuyin ang gawaing pansibikong isinasaad sa bawat


bilang. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot mula sa
pagpipilian. Gawin ito sa loob ng 4 minuto sa sagutang papel.

A – Kalikasan C – Pampalakasan
B – Kalusugan D – Edukasyon

___1. Pagsasagawa ng paligsahan sa pagpipinta ng mga batang


lansangan.
___2. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak
na labi.
___3. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.
___4. Pagbibigay ng libreng check-up para sa mga buntis sa health
centers ng malalayong barangay.
___5. Pagsama sa pagtatanim ng maliliit na puno sa Sierra Madre.

Panuto: Isulat ang WASTO kung ang pahayag ay nagpapakita ng


kagalingang pansibiko at HINDI WASTO naman kung hindi.

___6. Pagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng


kalamidad.
___7. Panlilibre sa mga barkada at panunuod ng sine.
___8. Paglalaan ng oras sa mga bahay ampunan at batang
lansangan.
___9. Pagtulong sa mga taong nangangailangan.
__10.Pagsawalang kibo sa nakikitang pang-aabuso sa
kapaligiran.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


3
Tuklasin

Panuto. Basahin at isaayos ang mga jumbled letters sa ibaba


upang mabuo ang mga salita na naglalarawan sa araling ito.
Gawin sa loob ng 2 minuto sa sagutang papel.

MAGPAINN GN AMMAYAMAN
___________________________

Naisaayos mo ba at nabuo ang


salitang may kaugnayan sa aralin sa
modyul na ito? Magaling!
Anu-ano ang mga katangian ng
isang maunlad na bansa? Paano
maitataguyod ng mga mamamayan
ang kaunlaran ng bansa?

Suriin

Panuto. Basahin at unawain ang nilalaman ng aralin sa modyul


na ito. Gawin ito sa loob ng 7 minuto sa sagutang papel.
Ang kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa kasaganaan ng
mga mamamayang bumubuo nito. Itinuturing na maunlad ang
isang bansa kung pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at
maayos ang pagpapatakbo ng lipunan. Kung pantay ang turing sa
lahat, walang aabuso sa karapatan at kapangyarihan. Wala ring
mapagkakaitan ng mga yaman at benepisyo na kadalasang sanhi
ng katiwalian o krimen na malaking hadlang sa pagbabago at pag-
unlad. Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay maibabatay
sa kakayahan nitong guminhawa ang pamumuhay mula sa
kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


4
Sa isang banda, itinataguyod ng mamamayan ang maunlad
na lipunan sa pamamagitan ng iba-ibang gawain. Ang
mamamayan ng bansa ay may mga gampanin na maaari nitong
maging kontribusyon sa pagtataguyod sa pambansang kaunlaran.
Mabilis din ang magiging pagbabago ng bansa kung ang lahat ng
mamamayan ay alam kung ano ang maaari nyang gawin upang
maging kapaki-pakinabang.
Pag-aralan ang graphic organizer kaugnay sa gampanin ng
mamamayan para makatulong sa pag-unlad ng bayan.
Mga Gawain ng Pagpapahalaga ng Mamamayan sa
Pagtataguyod ng Pambansang Kaunlaran

Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan

Makabubuting linangin ng bawat isa ang sariling


galing at talento hindi lamang para sa sarili kundi para sa
bayan.

Pagiging produktibo.

Maging malikhain at maabilidad upang matustusan


ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba. Hindi
kailangang humingi palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa
iba upang makamit ang kasaganahan. Kung ang bawat isa
ay marunong humanap ng sariling pagkakakitaan,
magiging madali ang pag-unlad ng bayan.

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino.

Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran. Kung ang


bawat Pilipino ay susuporta sa isa’t isa at hindi
maglalamangan, magiging masagana ang ating bayan. Isa
sa pinakakonkretong halimbawa nito ang pagtangkilik sa
mga produktong Pilipino. Liban sa malaki ang maitutulong
nito sa pagbawas sa kahirapan, nakapagbibigay-kita at
trabaho pa ito para sa ating mga kababayan.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


5
Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at
maling gawain sa pamahalaan.

Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang


sa pamahalaan ang kabang bayan, polisiya, at iba pang mga
batayang serbisyo para sa bayan. Marapat lamang na
tiyaking tapat at mahusay ang ating mga pinuno nang sa
gayon ay magiging maayos ang takbo ng ating lipunan.

Pagsunod sa mga batas.

Binuo ang mga batas upang pangalagaan ang ating


kapakanan, buhay, at ari-arian. Kung hindi igagalang ang
batas, magugulo ang kaayusan sa ating bayan. Maging ang
seguridad sa payapa at matiwasay na buhay ay maitataya.
Marapat na sundin ito sa tahimik, sagana, at maayos na
paninirahan sa ating bayan.

Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi.

Inihahandog ng kalikasan ang lahat ng batayang


pangangailangan upang mabuhay ang tao. Marapat lamang
na pangalagaan ito sa pamamagitan ng pagtitipid, pagpigil
sa polusyon, paghihiwalay ng basura, at pagre-recycle. Ang
ating pamanang lahi ay ating pagkakakilanlan at tayo ay
tagataguyod ng pambansang dangal at kasaysayan.
Marapat na kilalanin at ingatan ito hanggang sa susunod
na mga salinlahi.

Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar.

Pangalagaan ang mga gusali at impraestruktura tulad


ng mga kalsada at tulay, paliparan, at ospital na galing sa
pagsisikap sa trabaho at pagpupunyagi sa kabuhayan ng
mga Pilipino. Bilang mga paraan sa pag-unlad ng ekonomiya
at kabuhayan, pag-ingatan ang mga ito at iwasan ang
maling paggamit at kapabayaan.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


6
Pagyamanin

GAWAIN 1
Panuto. Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Iguhit sa
sagutang papel ang puso kung ito ay nagpapakikita ng gampanin
ng mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa at bituin
naman kung hindi. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.

1. Pagtatanim ng mga halaman at punongkahoy sa mga


bakanteng lote.

2. Pagtawid sa kalsada kapag ang ilaw ay kulay berde.

3. Hindi pagbubuhos ng tubig sa inidoro sa tuwing


gagamit ng pampublikong palikuran.

4. Pakikisabwatan sa paggawa ng illegal.

5. Tinatapos ang gawain sa takdang panahon.

6. Pagsali sa mga paligsahan upang mapaunlad ang


talento.

7. Pagbili ng mga produkto na yari sa ibang bansa.

8. Pagtulong sa matandang tatawid sa kalsada.

9. Pagbubukod-bukod ng mga basura ayon sa uri nito.

10. Pagshishare ng mga magagandang lugar o pamanang


lahi ng bansa sa social media.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


7
GAWAIN 2
Panuto. Piliin ang tamang salita upang mabuo ang pahayag na
naglalarawan ng pagganap ng mamamayan sa pagtataguyod ng
kaunlaran ng bansa. Sagutin ito sa sagutang papel sa loob ng 3
minuto.

1. Si Lito ay mahilig kumanta kung kaya siya ay (naglalaro, nag-


eensayo, sumisigaw) para sumali sa paligsahan.
2. Habang nagmamaneho si Ben ay nakita nyang kulay pula ang
ilaw trapiko kung kaya siya ay (nagpatuloy, huminto,
naghanda).
3. Si Alan ay sumama sa pamamasyal at may nakita siyang batang
nagsusulat sa pader ng lumang simbahan kung kaya agad nya
itong (tinulungan, sinuntok, pinagsabihan) sa ginagawa nito.
4. Ang mga opisyal ng pamahalaan ay dapat laging iniisip ang
kapakanan ng (sarili, kamag-anak, mamamayan) sa pagganap
ng kanilang tungkulin.
5. Para maging isang produktibong mamamayan ng bansa ay
kailangan na magkaroon ng (seksi, sakitin, malusog) na
katawan.

GAWAIN 3
Kumpletuhin ang titik ng mga salitang tinutukoy sa bawat bilang
upang mabuo ang gawain na kinakailangan sa pagtataguyod ng
pambansang kaunlaran. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 2
minuto.
1.Kinakaikailangan na linangin sa sarili upang maging kapaki-
pakinabang. ( K _ _ A L I _ U H A N at _ A K A _ A _ A N )
2.Kung ang lahat ay susunod dito ay maiiwasan ang di
pagkakaunawaan at mapapanatili ang kaayusan at
katahimikan. ( _ A _ A S )
3.Sa pamamagitan nito ay lubos na mapapakinabangan ang likas
na yaman kung ito ay mapangangalagaan.(K _ P A L _ _ I _ A N)
4. Sa tuwing gagamit ang mga tao nito ay dapat panatilihing
maayos at malinis. ( P A _ P U B _ I _ O N G G _ M _ T )
5. Kapag ito ay nanatili sa sistema ng pamahalaan ay hindi
magkakaroon ng maayos na lipunan. ( _ A T I _ A L _ A N )

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


8
Isaisip

Panuto. Basahin ang bawat parirala sa kahon at pagdugtung-


dugtungin ito upang mabuo ang pangungusap na tungkol sa
impormasyong natutunan sa aralin. Gawin ito sa sagutang papel
sa loob ng 2 minuto.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


9
Isagawa

Panuto. Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na palagay mo ay iyong


nagagampanan bilang isang mamamayan para sa pagtaguyod na
pambansang kaunlaran. Gawin sa sagutang papel sa loob ng 4
minuto.

Katangian ng Mamamayan Palagi Minsan Hindi

1. Tinatapos ang gawaing nakaatang


sa iyo
2. Pinapangalagaan ang likas na
yaman
3. Ginagamit nang maayos ang mga
pampublikong pasilidad o lugar
4. Pagwawalang kibo sa mga
pangyayari sa kapaligiran
5. Tinatangkilik ang mga
produktong
yari sa bansa
6. Nag-aaral nang mabuti upang
mapaunlad ang sarili

7. Natutulog sa oras ng gawain

8. Pagtatapon ng basura sa tamang


lalagyan
9. Pakikiisa sa mga programa sa
inyong paaralan
10. Pagtulong sa iba sa oras ng
pangangailangan.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


10
Tayahin

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin


at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Gawin ito
sa loob ng 5 minuto.
1. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging isang
produktibong mamamayan?
A. Si Mila na humihingi ng awa sa ibang tao para sya ay
tulungan.
B. Si Pedro na nakapagtapos ng pag-aaral pero umaasa sa
mga magulang na buhayin ang sarili.
C. Si Abel na nagsusumikap sa pagtatrabaho bilang isang
janitor para buhayin ang pamilya kahit siya ay nag-aaral.
D. Si Benito na nagnanakaw para may maiuwing pagkain sa
bahay.
2. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa?
A. Sirain ang mga panpublikong kagamitan at lugar.
B. Makipagsabwatan sa katiwalian sa pamahalaan.
C. Umaasa sa iba at huwag linangin ang sariling
kakayahan.
D. Paunlarin ang sariling kakayahan para maging
kapakipakinabang.
3. Paano mo mapapaunlad ang iyong sariling kakayahan?
A. Maging tamad at mandaya sa mga aralin sa paaralan.
B. Mag-aral nang mabuti at magsanay upang mapaunlad
ang talento.
C. Iasa sa iba ang iyong gawain.
D. Magpatulong palagi para hindi mahirapan sa paggawa.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


11
4. May nakita kang matandang tatawid sa kalsada na may dalang
mabigat na gamit. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihan ang matanda na mag-ingat sa pagtawid.
B. Magkunwaring hindi nakita ang matanda.
C. Bitbitin ang dala ng matanda at tulungan itong
makatawid sa kalsada.
D. Sabihan ang ibang nakakakita na tulungan ang
matanda.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa


kapaligiran?
A. Labis na paggamit sa likas na yaman.
B. Pagpuputol ng puno upang gawing muebles.
C. Pagtatapon ng mga basura sa mga anyong tubig.
D. Pagtatanim ng mga punong kahoy at pakikiisa sa mga
programang pangkalikasan.

6-10. Panuto. Isulat sa sagutang papel kung anong gawain ng


mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ang tinutukoy sa
bawat bilang. Piliin sa scroll ang sagot:

Pagsunod sa Batas
Paglinang sa Sariling Kakayahan
Pagmamahal sa Bansa
Pagtulong sa Pagtigil ng Katiwalian
Pangangalaga sa Kapaligiran

_____6. Si Marlon ay nag-aaral sa TESDA upang matutuhan ang


ibat-ibang kakayahan na makatutulong sa kanya sa
pagtatrabaho.
_____7. Si Edith na ginagawang kapakipakinabang ang mga
patapong bagay.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


12
_____8. Laging sumusunod sa patakaran sa oras o “curfew” si
Obet sa kanilang barangay.
_____9. Isinumbong ni Lando ang nakita niyang panunuhol ng
isang drug lord sa isang opisyal ng pamahalaan.
_____10. Mas pinipili ni Stephanie ang pagkain ng adobo at laing
kaysa sa pagkain ng spaghetti at hamburger.

Karagdagang Gawain

Bilang isang mag-aaral ay maaari ka nang makagawa ng mga


simpleng paraan upang maging kapaki-pakinabang sa iyong
pamayanan. Magsulat ng tig-iisang halimbawa na maaari mong
gawin para sa ikauunlad ng ating bansa. Gamitin ang talahanayan
sa iyong pagsagot. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3
minuto.

MGA HALIMBAWA NG
GAWAIN SA
PAGPAPAHALAGA SA MGA GAWAING MAAARI
MONG GAMPANAN
PAGTATAGUYOD NG
PAMBANSANG KAUNLARAN
Paglinang sa Sariling
katalinuhan at Kakayahan

Pagiging Produktibo

Pagmamahal sa Bansa at
Kapwa

Pagsunod sa Batas

Pangangalaga sa Kapaligiran at
Pamanang Lahi

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


13
14
CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7
ISAISIP Pagyamanin SUBUKIN
Ang kaunlaran ay GAWAIN 1 1. BLUFF
nakabatay rin sa
panlipunang kagalingan 2. BLUFF
tulad ng kalayaan ng 3. BLUFF
mamamayang pumili at 4. FACT
magpasiya para sa sarili, 5. FACT
maabot ng mga batayang
serbisyo, matamasa ang 6. BLUFF
pagkakapantay-pantay, at 7. FACT
maranasan ang 8. BLUFF
katarungang panlipunan. 9. BLUFF
10. FACT
ISAGAWA
BALIKAN
Answers may Vary
1. D
2. B
TAYAHIN 3. C
1. C 4. B
2. D 5. A
3. B 6. WASTO
4. C GAWAIN 2
7. HINDI WASTO
5. D 1. NAG-EENSAYO
6. Paglinang sa Sariling 8. WASTO
2. HUMINTO
Kakayahan 9. WASTO
3. PINAGSABIHAN
7. Pangangalaga sa 10. HINDI WASTO
kapaligiran
4. MAMAMAYAN
8. Pagsunod sa Batas 5. MALUSOG
9. Pagtulong sa pagtigil
GAWAIN 3 TUKLASIN
ng katiwalian
10. Pagmamahal sa Bansa 1. KATALINUHAN AT GAMPANIN NG
KAKAYAHAN MAMAMAYAN
2. BATAS
KARAGDAGANG 3. KAPALIGIRAN
GAWAIN 4. PAMPUBLIKONG
GAMIT
ANSWERS MAY VARY
5. KATIWALIAN
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V. , Marian A. Caampued, Charity A.


Capunitan,Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R.
Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino,
Maria Lucia L. Manalo, Jose B. Nabaza, Evelyn P. Naval,
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang, Unang Edisyon 2015.
Kagamitan ng Mag-aaral, Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS),
pp.164-170.

CO_Q4_Araling Panlipunan 4_Module 7


15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like