5 AP6Q4Week1
5 AP6Q4Week1
5 AP6Q4Week1
ALAMIN NATIN
Ipinahayag ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Setyembre 21, 1972 na ang
Pilipinas ay nasa ilalim ng Batas Miltar upang mapanatili ang kaligtasan sa bansa at mamamayan
nito. . Ano nga ba ang kahulugan ng batas militar? Bakit at paano nga ba nagkaroon ng batas militar?
a. New People’s Army (NPA) – Itinatag ang samahang ito noong 1969. Ito ay binubuo ng
mga magsasakang nakipaglaban dahil sa hindi kanais-nais na gawain ng mga may-ari ng lupang
kanilang sinasaka. Ang kilusang ito ay lumaganap hanggang sa Mindanao.
b. Communist Party of the Philippines (CPP) – Itinatag noong 1968 ni Jose Maria Sison,
dating propesor sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang layunin ay katulad sa ideolohiya ni Mao
Tse Tung, ang pinuno ng komunistang Tsina. Dahas ang kanilang gamit sapagkat naniniwala silang
ang pag-aaklas na lamang ang natitirang solusyon upang makamit ang hinahangad na pagbabago
at kaunlaran ng bansa.
c. Moro National Liberation Front (MNLF) – Marso 18, 1968 nang itinatag ito ni Nur Misuari.
Siya ay isa ring propesor sa Unibersidad ng Pilipinas. Nais nang grupo ng mga Muslim na ito ang
magtatag ng hiwalay na pamahalaan. Tinawag nila itong Republika ng Bangsamoro. Dahil sa di
umano’y pagpapabaya ng pamahalaan sa kanilang kaunlaran kung kaya’t nag-aklas ang grupong
ito.
Page 1 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Nagsimula silang manalakay noong 1971 partikular sa mga pamayanang Kristiyano sa Mindanao. Ito
ay sa kadahilanang pang-aagaw ng mga ito sa kanilang mga lupang ancestral o minanang lupain.
Ang pagkilos na ito ay nagdulot ng panganib sa katatagan ng pamahalaan at pangamba sa buhay ng
mga mamamayan.
3. PAGBOMBA SA PLAZA MIRANDA – Agosto 21, 1971 ginanap ang pagpapahayag ng mga
kandidato ng Partido Liberal sa Plaza Miranda Quiapo, Maynila. Sa kalagitnaan ng pagtitipong iyon ay
may sumabog na granada sa entablado na kinaroroonann ng mga kandidato. Maraming tao ang
nadamay, nasugatan at ikinasawi ng ilang Pilipino. Itinuro sa New People’s Army (NPA) ang naganap
na pangyayari subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napatutunayan.
Page 2 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 1
Kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa
loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang ng bawat bilang.
Batas Mlitar Agosto 21, 1971
Makakaliwang Pangkat Jose Maria Sison
Pagbomba sa Plaza Miranda Writ of habeas corpus
Pagsuspinde sa writ of habeas corpus Moro National Liberation Front
Paglubha ng suliranin sa katahimikan at kaayusan New People’s Army
______________2. Binubuo ng mga Muslim ang pangkat na ito na itinatag ni Nur Misuari.
______________4. Dahil nawala ang tiwala ng mga tao sa pamahalaan, naging madalas
ang rali at demonstrasyon ng mga estudyante at manggagawa. Ano ang naging bunga
nito sa mamamayan at bansa?
______________8. Itinatag niya ang samahang CPP noong 1968. Sino siya na dating
propesor sa Unibersidad ng Pilipinas?
Page 3 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 2
TANDAAN
Page 4 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PANUTO: Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi.
________1. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdeklara nang Batas Militar sa Pilipinas
noong Setyembre 21, 1972.
________3. Ang pagsilang ng mga makakaliwang pangkat ang isa sa mga pangyayaring
nagbigay daan sa pagtatakda ng Batas Militar.
________4. Itinatag ni Jose Maria Sison ang Communist Party of the Philippines (CPP)
noong 1968.
_______8. Tanging mga kandidato lamang ng Partido Liberal ang nasaktan sa pagsabog na
naganap sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971.
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa
na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:
CRISELDA A. SANTOS
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
Official Gazette f the Republic of the Philippines, Sunday Express
Baisa-Julian et al. Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishing House 2009, p.294
Page 5 of 25
Module Code: PASAY-AP6-Q4-W1-D2
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
ALAMIN NATIN
Ang Proklamasyon Blg. 1081 o mas kilalang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972 na
ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nagdulot ng malaking epekto sa usaping politikal.
Ang kapangyarihang mamahala sa panahong iyon ay nasa iisang tao lamang, kung kaya’t tinawag
itong pamahalaang diktaturyal. Nasa pangulo lamang ang kapangyarihang magdesisyon at
magtakda anumang naisin niya para sa bansa.
Nagkaroon ng referendum noong Enero 10-15, 1973. Pinagtibay rin ang Saligang Batas
ng 1973, Nagbago ang uri ng pamamahala sa bansa, mula pampanguluhan ito ay naging
parliamentaryo. Sa pamahalaang parliamentaryo ay may Pangulo at Punong Ministro. Ang gumanap
sa dalawang tungkulin na ito ay si Ferdinand E. Marcos. Nasa Batasang Pambansa ang
kapangyarihang lehislatibo o pambatasan sa ilalim ng pamamahala.
Page 6 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
Page 7 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
Malinaw at klaro na ba sa iyo ang mga epekto ng Batas Militar sa usaping politika? Kung
hindi pa ay maaari mong balikan ang nasa panimulang impormasyon upang magbigay linaw sa
iyo. Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
1. Ano ang nakasaad sa Proklamasyon 1081? Bakit ito ipinatupad ni dating Pang.
Marcos?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________.
Page 8 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 2
TANDAAN
Malaki ang naging epekto ng Batas Militar sa politika ng bansa gaya ng
mga sumusunod:
Pagkakaroon ng curfew hour
Pagtatakda ng Batasang Pambansa
Pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1973
Pagbabago ng uri ng pamahalaan mula pampanguluhan tungo sa
pamahalaang parliamentaryo
Umiral ang pamahalaang diktaturyal
Maraming mga kalaban sa pulika ang dinakip at nakulong
Dinakip din ang ilang komentaristang tumuligsa laban sa kaniyang
pamahalaan at maging ang ilang kabataan raliyista/aktibista
Page 9 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PANUTO: Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi.
________4. Ang uri ng pamahalaan noong panahon ng Batas Militar ay nagbago. Mula sa
pampanguluhan ito ay naging monarkiya.
_______8. Ipinatupad ang curfew hour sa buong Pilipinas mula 6:00 PM – 4:00 AM lamang.
Inihanda ni:
CRISELDA A. SANTOS
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
Official Gazette f the Republic of the Philippines, Sunday Express
Baisa-Julian et al. Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishing House 2009, p.294
Page 10 of 25
Module Code: PASAY-AP6-Q4-W1-D3
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
ALAMIN NATIN
Para naman sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, ipinatupad nito ang Atas ng
Pangulo Blg. 21. Ito ay nagbunga ng pagkakaroon ng Pambansang Komisyon sa Pag-uugnayan sa
Paggawa upang mangasiwa sa mga usapin ng mga mangagawa. Mayo 1, 1974, pinagtibay ang
bagong Kodigo sa Paggawa. Binigyang-linaw nito ang karapatan ng mga mangagawa at mga
nagpapatrabaho. dalawa. May probisyon ukol sa programang apprenticeship o ang pagsasanay
nang mga manggagawa sa aktuwal na trabahong papasukan.
Page 11 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
Page 12 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 1
Page 13 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 2
TANDAAN
iMay mabuti at masamang epekto ang Batas Militar sa pangkabuhayan
ng bansa gaya ng mga sumusunod:
Mabuting Epekto
1. Ipinag-utos ang mga Atas ng Pangulo at iba pang Proklamasyon
2. Nagkaroon ng Green Revolution para sa sapat ng suplay ng palay
3. May programang pang-lakas enerhiya para sa bansa
Masamang Epekto
1. Nagpasasa sa yaman ng bansa ang pamilya Marcos at ang kanilang
mga kronis
2. Ipinasara ang mga pahayagan, radyo, at telebisyon
3. Pinangasiwaan ang PLDT at Meralco
Page 14 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PANUTO: Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi.
________4. Ang Land Emancipation Act 1972 ay para sa mga mayayamang negosyante.
_______9. Nakinabang ang pamilya Marcos at maging mga kaalyado o kronis nito sa yaman
ng bansa
______10.Ang pamahalaang Marcos ang nangasiwa sa kompanya ng PLDT at MERALCO.
Inihanda ni:
CRISELDA A. SANTOS
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
Official Gazette f the Republic of the Philippines, Sunday Express
Baisa-Julian et al. Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishing House 2009, p.294
Page 15 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
Module Code: PASAY-AP6-Q4-W1-D4
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
ALAMIN NATIN
Ngunit sa kabila ng mga positibong pagbabagong nangyari sa bansa noong unang mga taon
ng pag-iral ng Batas Militar ay marami ring nagsasabing ang lahat ng ito ay pansamantala lamang
at pawang huwad na kaunlaran. Sa likod ng magagandang bagay na ipinakikita ng pamahalaan ay
napakaraming suliranin sa bansa na siyang naging ugat ng pag-usbong ng mga krisis panlipunan at
pang-ekonomiya na nakaapekto ng lubos sa pamumuhay ng mga Pilipino. . Patuloy pa ring
naghihirap ang malaking bahagdan ng mamamayan. Maging ang yaman ng bansa ay hindi patas at
maayos na naibabahagi sa lahat.
Page 16 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
Nagbago ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa mga ipinatupad nitong kautusan
gaya ng mga sumusunod:
1. Paglaganap ng NepotismoIto
Ito ang paglululuklok sa mga taong kamag-anak o kaibigan ni Marcos na walang
inatupag kundi ang magpayaman lamang.
2.Pagtaas ng antas ng katiwalian sa pamahalaan
Ito naman ang naging bunga ng sabwatan ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan,
at ilang mga opisyales ng pamahalaan sa pagpapalabas ng napakalalaking halaga mula sa
mga hinawakan nilang proyekto at iba pa.
3. Pagsasara ng mga himpilan ng pahayagan, radyo, at telebisyon at pagsupil sa mga
pahayagan, kaya hindi nalaman ng mga mamamayan ang nangyayaring katiwalian.
4. Pagpapatigil sa operasyon ng mga kagamitang pampubliko at mahahalagang
industriya tulad ng mga panghimpapawid, mga daang baka, kompanya ng telepono,
MERALCO, at mga kompanyang lokal ng koryente.
5. Pagsikil sa mga karapatang pantao gaya ng pagbabawal sa mga pulong pampubliko,
mga demonstrayon ng mga mag-aaral at mga welga.
6. Pagpapahirap at pagpatay sa mga bilanggong politikal at sa sinumang
mapaparatangang kalaban ng pamahalaan.
Ang mga nabanggit na pangyayari ay nagdulot ng negatibong epekto sa pang-araw
araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Namuhay sila ng may takot at pangamba sa kanilang
kaligtasan. Ang mga mamamayan ay nawalan ng tiwala sa Pangulong Marcos at kronis nito.
Maging ang mga dayuhang kapitalista ay nangamba at tumigil mamumuhunan sa Pilipinas.
Malinaw at klaro na ba sa iyo ang mga epekto ng Batas Militar sa usaping pangkabuhayan?
Kung hindi pa ay maaari mong balikan ang nasa panimulang impormasyon upang magbigay linaw sa
iyo. Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
Page 17 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 1
Page 18 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 2
Page 19 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
TANDAAN
May mabuti at masamang epekto ang Batas Militar sa pangkabuhayan ng
bansa gaya ng mga sumusunod:
Mabuting Epekto
1. Ipinag-utos ang mga Atas ng Pangulo at iba pang Proklamasyon
2. Nagkaroon ng Green Revolution para sa sapat ng suplay ng palay
3. May programang pang-lakas enerhiya para sa bansa
Masamang Epekto
1. Nagpasasa sa yaman ng bansa ang pamilya Marcos at ang
kanilang
mga kronis
2. Paglaganap ng katiwalian sa pamahalaan
2. Ipinasara ang mga pahayagan, radyo, at telebisyon
3. Pinangasiwaan ang PLDT at Meralco
PANUTO: Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi.
Page 20 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
_______9. Nakinabang ang pamilya Marcos at maging mga kaalyado o kronis nito sa yaman
ng bansa
Inihanda ni:
CRISELDA A. SANTOS
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
Official Gazette f the Republic of the Philippines, Sunday Express
Baisa-Julian et al. Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishing House 2009, p.294
Page 21 of 25
Module Code: PASAY-AP6-Q4-W1-D5
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
ALAMIN NATIN
Ipinahayag ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Setyembre 21, 1972 na ang
Pilipinas ay nasa ilalim ng Batas Militar upang mapanatili ang kaligtasan ng bansa at mga
mamamayan nito. Ano ang Batas Militar? Anu-ano ang mga naging epekto sa mga mamamayan ng
pagpapatupad nito?
Politika at Pamahalaan
Sa ilalim ng aspetong ito, naganap ang mga pagbabago sa pamahalaan.
1. Pagbabago ng Saligang Batas
Sa ilalim ng Saligang Batas 1973, naging isa ang sangay ng lehislatibo at tagapagpaganap.
2. Pagbabago ng Sistema ng Pamahalaan
Nagbago ang uri ng pamahalaan mula pampanguluhan ay naging parliamentaryo. Ito ay
may pangulo at punong ministro, na siya namang parehong ginampanan ni Marcos.
3. Paglaganap ng nepotismo
Magkakamag-anak ang nakapwesto sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan kung kaya’t
lumaganap rin ang katiwalian at korapsyon.
4. Pagpapadakip sa mga kalaban sa politika
Ang paghuli o pagpaslang sa mga politikong kalaban. Gayundin ang mga ilang komentarista
sa radyo at telebisyon na tumuligsa sa kanya at pagpigil sa pag-alis ng bansa ng mga kalaban niya.
Page 22 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
Katahimikan at Kaayusan
Nasiil ang mga karapatang pantao at nawalan ng kalayaang magpahayag
1. Pagsuspindi sa karapatan sa writ of habeas corpus
Nawala rin ang karapatang ipagtanggol ang sarili at sumailalim sa tamang proseso ng
pagdakip at paglilitis.
2. Pagbabawal sa pagdaraos ng mga rali, welga, at pampublikong pagpupulong. Ipinatupad rin
ang curfew hours mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-kwatro ng umaga .
Ekonomiya at Pangkabuhayan
1. Ipinasara ni Marcos ang lahat ng pahayagan, radyo,at telebisyon. Sa pagpapasarang ito,
maraming mga Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay.
2. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng ilang kompanya tulad ng Philippine
Long Distance Telephone Company (PLDT) Manila Electric Company (MERALCO), at mga
sasakyang panghimpapawid.
Malinaw at klaro na ba sa iyo ang mga naging suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino
sa ilalim ng Batas Militar? Kung hindi pa ay maaari mong balikan ang nasa panimulang impormasyon
upang magbigay linaw sa iyo. Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa naging suliranin at hamon
sa ilalim ng batas militar at MALI kung hindi.
_________1. Pagpigil sa pag-alis sa bansa ng mga kalaban sa politika.
_________2. Pagpapasara ng lahat ng pahayagan, radyo,at telebisyon.
_________3. Ang paglakas ng pwersa ng makakaliwang pangkat at mga rebelde.
_________4. Humina ang kapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas sa panahon ng
Batas Militar.
_________5. Ang pagsuspinde ng writ of habeas corpus na nagdulot ng di-
makatarungang pagdakip at paglilitis.
________________________________ B
Page 23 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: _________________________
PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat sa loob ng bawat kahon ang dalawa (2) sa mga naging suliranin
at hamon na kinaharap ng mga mamamayan sa ilalim ng Batas Militar.
TANDAAN
Ang mga naging suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar ay
nagdulot ng epekto sa mga Pilipino at sa bansa. Ito ay ang :
Mabuting Epekto
Hindi rin naman maikakaila na nakaranas ng gitong panahon sa
panahon ng pag-iral ng Batas Militar sa ilalim n g rehimeng Marcos,
bagama’t ito’y panandaliang lamang
Masamang Epekto
Sa kabilang dako, nanaig ang negatibong epekto sa mga mamamayan
na nagdulot ng pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, takot, at
pangamba sa buhay ng mga Pilipino na nagresulta sa pagbagsak ng
ekonomiya at di na mapigilang kaguluhan kinalaunan.
Page 24 of 25
PANUTO: Thumbs Up o Thumbs Down?
Inihanda ni:
CRISELDA A. SANTOS
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
Official Gazette f the Republic of the Philippines, Sunday Express
Baisa-Julian et al. Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishing House 2009, p.294
Rama. M.DC. et al; Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat 1(2006), EdCrisch
International Inc.,pp.244-246
Page 25 of 25