LP Health 1.

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 1

I- Layunin:
1. Nakikilala ang mga masusustansyang pagkain na mainam sa kalusugan at kung
kalian ito kakainin.
2. Natutukoy ang pagkain na masusustansya sa ating katawan at hindi masusustansiya
para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.

II- Paksang Aralin :


Pagkilala sa mga pagkaing masusustansya at hindi masusustansya.
A. Kagamitan: Laptop. Powerpoint Presentation
B. Sanggunian: MELC, K to 12 Health Curriculum Guide
C. Integrasyon: ESP- Naisasagawa nang palagian ang pangangalaga at pag-iingat sa
katawan.

III- Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Balik-aral
 Ang Masusustansyang Pagkain
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak-MOTIVATION
 Awitin ang bahay “Bahay Kubo”

2. Paglalahad-PRESENTATION
 Pagbasa ng kwento “Si Tintin Ang Batang Patpatin”
(Ni Bernadette V. Carpio)
 Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa napakiggang
kwento.
3. Pagtatalakay-DISCUSION

Mga Masusustansyang Pagkain na Mainam sa Ating Katawan.

 Pagpapahalaga:
Ano ang mga epekto ng masusustansyang pagkain sa ating
katawan? Paano tayo makakaiwas sa mga nakakahawangsakit ng
Covid-19?

4. Pagyamanin:

Panuto: Bilugan ang mga pagkaing masusustansya sa katawan at


ikahon ang mga pagkain na hindi masusustansya sa katawan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
5. Paglalahat:
1. Ano-ano ang mga masusustansyang pagkain na kailangan ng ating
katawan?
2. Anu-ano ang naidudulot nito sa ating kalusugan?
3. Anu-ano ang mga hindi masusustansyang pagkain na dapat nating
iwasan?

6. Paglalapat:
Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong. Salungguhitan
ang tamang sagot.

1. Ugaliin ang pagkain ng prutas at (gulay, junk foods, kendi).


2. Ang bata upang maging malakas ay dapat araw-araw na uminom ng (coke, kape, gatas).
3. Alin sa mga pagkaing ito ang nagbibigay ng enerhiya sa katawan? (kanin, isda, manok)
4. Ang mga pagkaing nagpapatibay sa ating buto ay (dilis, hotdog, frenchfries).
5. Ang batang hindi kumain ng gulay, di umiinon ng gatas ngunit mahilig sa mga pagkain tulad ng
sitsirya,
at iba pang junkfoods ay maaring (magkasakit , maging malusog, tumangkad).

IV- Pagtataya:

Panuto: Pilin ang tamang letra ng larawang tinutukoy mula sa loob ng kahon at isulat ito
sa bawat patlang.

A. B. C

D E

_____1. Isa itong masusustansyang pagkain na nagpapalinaw ng mata.

_____2. Ito ang mas mainam iniinom ng mga batang katulad nyo upang tumangkad at maging malusog.

_____3. Ito ay dapat iwasan na inumin dahil maaaring magdulot ng pagkakasakit balang araw

_____4. Nakapagbibigay ito ng enerhiya sa katawan upang hindi antukin sa pag-aaral.

_____5. Pagkain itong mayaman sa bitamina C upang makaiwas sa pagkakaroon ng sipon, ubo at lagnat.
V- Takdang-Aralin

Panuto: Gumuhit ng 3 pagkaing masustansiya at 3 pagkaing hindi masustansiya sa tamang


hanay.

Masustansyang Pagkain Hindi Masustansyang Pagkain

Inihanda ni:

RACHEL ANN L. COSGAPA


Aplikante

You might also like