Pagbasa PTT

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri ng Isang Tekstong Naratibo

ni Jean Merlith Leona Librea


I. Panimula
a. Pamagat: Mabangis na Lungsod
b. May-akda: Efren R. Abueg
Si Efren Reyes Abueg ay isinilang noong Marso 3, 1937 sa Tanza, Cavite. Siya
ay nagtapos ng elementarya sa Naic Elementary School noong 1954 at ng
secondarya sa Arellano High School. Nagtapos naman siya ng kolehiyo sa Imus
Institute Junior College sa kursong Associate in Arts noong 1957 at sa Manuel L.
Quezon University sa programa at kursong Bachelor of Science in Commerce, Major
in Accounting noong 1960. Tinapos rin niya ang kaniyang Masters in Arts in
Language and Literature sa De La Salle University at nakakuha ng PhD sa Filipino
at Translation Studies sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2000.

Si Efren ay hindi lang isang tanyag na manunulat. Siya rin ay kilala bilang isang
mahusay na propesor sa literatura, tagapaglathala, at pinuno ng mga organisasyon
gaya ng Student Publications Office ng De La Salle University, Kapisanan ng mga
Propesor ng Pilipino, Linangan ng Literatura ng Pilipinas, at Philippine Folklore
Society.
c. Sanggunian:
Wikipedia contributors. (2024, February 2). Efren Abueg. Wikipedia.
https://en.wikipedia.org/wiki/Efren_Abueg
II. Tauhan
a. Adong – Ang labindalawang taong gulang na pangunahing tauhan sa maikling kwento.
Panglilimos ang ginagawa niya upang maibsan ang pangangalam ng kaniyang
sikmura.
b. Aling Ebeng – Si Aling Ebeng ang kasamang tauhan sa kwento. Ang matandang pilay
na katabi ni Adong sa panglilimos at ang laging nagsasabi kay Adong kung paparating
naba si Bruno.
c. Bruno – Si Bruno naman ay ang katunggaling tauhan sa kwento. Siya ang lalaking
may malaking pangangatawan na palaging kumukuha ng mga nalimos na pera ni
Adong at kung hindi niya ito ibibigay ay sinasaktan siya ito.
III. Tagpuan
Ang tagpuan sa kwento ay ang simbahan ng Quiapo sa lungsod ng Maynila.
IV. Simbolo/Paksa
Ang simbolismo sa maikling kwento ay ang simbahan ng Quiapo. Sinisimbolo
nito ang buhay ni Adong, kung paano siya binubuhay at binibigyang pag-asa nito.
Ang paksa naman ng kwento ay kung gaano kalupit ang mundo para sa mga
mahihirap. Pinapakita ng kwento na kahit ang isang batang wala pang kamuwang-
muwang sa reyalidad ng mundo ay nakararanas na ng kalupitan nito.
V. Galaw ng Pangyayari
a. Simula
Pinakilala ang lalabindalawang taong gulang na si Adong at sinabing walang
kabuluhan para sakaniya ang mga nasa paligid, mapamatatayog na gusali man o
ang mga tindahan sa Quiapo dahil ang buhay ni Adong ay nakasentro lamang sa
simbahan. Ang simbahan na ang buhay ni Adong dahil sa tapat noon siya
nanglilimos.
b. Papataas na Pangyayari
Halos araw-araw na napapaiyak si Adong dahil kung hindi siya nakakatanggap
ng irap, pandidiri, pagkasuklam, at mga hindi Magandang salita ay kawalang
pakialam naman ng mga taong nagdaraan ang kaniyang natatanggap. Isang araw
ay dumating si Bruno sa pwesto nila Adong at kinuha ang kaniyang nalimos. Walang
nagawa ang labindalawang taong gulang na si Adong dahil sa takot niya sa may
malaking pangangatawan na si Bruno.
c. Kasukdulan
Napawi ang tuwa ni Adong nang sabihin ni Aling Ebeng sakaniya na papalapit
si Bruno sakaniya. Sa kaniyang pangamba na kukuhanin nanaman nito ang kaniyang
mga nalimos ay tumakbo siya palayo kay Bruno at nagtago sa loob ng maliit na
iskinita.
d. Kakalasan
Narinig ni Adong ang pagtawag ni Bruno sakaniya at sinundan ng papalapit na
yabag sa pinagtataguan niya. Gusto niyang tumakbo at patuloy na magtago, ngunit
huli na ang lahat dahil nahawakan na ni Bruno ang kaniyang bisig.
e. Wakas
Natigil sa pagpupumiglas si Adong nang maramdaman niya ang malupit na
kamay ni Bruno. Nahilo siya at makalipas ang ilang sandali ay napalitan ng
kapayapaan ang kalupitan na ibinigay sakaniya ng mundo.
VI. Pagsusuri
a. Uri ng Panikitan
Ang uri ng panitikan ng akda ay maikling kwento.
b. Estilo ng Paglalahad
Ang estilo ng paglalahad ay pagsasalaysay. Binibigyang buhay o inilalarawan
ng akda ang reyalidad na hinaharap ng mga mahihirap, lalong-lalo na ng mga batang
wala pang kamuwang-muwang. Sinasalaysay rin ng may-akda ang nangyayaring
pang-aabuso ng mga mas makapangyarihan sa mga mas mahihina sakanila, na
kung minsan ay kung sino pa ang dapat na nakakaintindi sa sitwasyon na mayroon
tayo ay siya pa ang manghihila sa atin pababa.
c. Sariling Reaksyon
Sa paraan ng paglalahad ng buong kwento ay gumamit ang may akda ng
maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Masasabi ko na mabilis ang
mga pangyayari ngunit walang detalyeng naiwan o hindi nakakalito para sa mga
mambabasa ang pagiging mabilis nito. Maganda ang pagkakalahad ng kwento
kahit na bitin ang dulo nito dahil hindi sinabi kung namatay ba ang pangunahing
tauhan o hinimatay lamang dahil sa ginawang pagbubuhat ng kamay ng
katunggaling tauhan sakaniya. Mahusay rin ang may akda sa paglalahad ng
kwento dahil kahit na napakaikli lamang nito ay napukaw nito ang damdamin ko.
Nakakalungkot lang din isipin na pinapakita talaga ng maikling kwentong ito ang
reyalidad na nararanasan ng maraming bata na maaaring mas bata pa kay Adong
sa iba’t ibang sulok ng bansa.

You might also like