Ang Kultura NG Aking Kinabibilangang Rehiyon: (Ap3Pkr Iiia-1)
Ang Kultura NG Aking Kinabibilangang Rehiyon: (Ap3Pkr Iiia-1)
Ang Kultura NG Aking Kinabibilangang Rehiyon: (Ap3Pkr Iiia-1)
Aking
Kinabibilangang
Rehiyon
(AP3PKR IIIa-1)
balikan
Panuto: Suriin ang mga salita sa ibaba. Piliin at isulat sa loob
ng kahon ang mga salitang may kaugnayan sa salitang
“kultura”. Gawin ito sa sagutang papel.
Sa mga babae
Baro– pang-itaas na may mahabang manggas na
parang jacket
Saya – kapirasong tela o tapis na inikot sa baywang.
Patadyong naman ang tawag ng mga taga-Visayas dito.
Ang ating mga ninuno ay nakayapak o walang sapin sa paa.
Sila ay may mga suot ding sari-saring alahas tulad ng hikaw,
singsing, pulseras, at kuwintas. Sinasabing hindi lamang tenga,
leeg at kamay ang nilalagyan nila ng alahas. Nilalagyan
din nila ang kanilang mga binti, braso, at pagitan
ng mga ngipin. Ang mga alahas ay yari sa ginto at mamahaling
bato na kanilang nakukuha sa pagmimina.
Sa ngayon, makikita natin ang mga modernong
kasuotan sa lahat ng Pilipino anoman ang antas sa buhay.
Sa mga espesyal
o pormal na okasyon, ginagamit ng mga malikhaing
Pilipino ang karaniwang materyales na makikita sa
kanilang kapaligiran sa kanilang kasuotan kagaya ng pinya,
abaka at seda.
Pagkain
Ang pagkain ng mga ninuno natin noong
unang panahon ay galing lamang sa dagat, ilog at
mga punong kahoy sa kagubatan dahil hindi pa
sila marunong magtanim Unti-unti, natuto