Kabanata I Guide

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Sta.

Lucia High School


30 Tramo St. Rosario Village, Sta Lucia, Pasig City

Implikasyon sa Paggamit ng Canva Kaugnay sa Akademikong Pagganap


ng mga Piling Mag-aaral ng SHS sa Sta.Lucia High School Taong
Panuruan 2021-2022: Isang Masusing Pananaliksik

Isang Papel-Pananaliksik na Iniharap


Kay Danilo G. Agpaoa, LPT
Bilang isa sa mga Pangangailangan sa Kursong
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ng
G.11- ICT 2 – SET B
Maala Davidking
Naiga, Niejaye T.
Omandam, Lanz Amirr A.
Pacheco, Jethro Allen G.
Pelegaria, Stephen Richardson T.
Pillora, Christopher Jhon J.
Pisngot, Jericho
Rojas, Jaztin D.
Sornillo, Edison Julius R.
Susana, Earl Auery C.
Targa, John Marlo S.
Tejano, Donrick E.
Villarin, Sean Allen R.
Villegas, Angelica Grace T.

Hunyo, 2023
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t ibang Teksto Tungo sa pananaliksik, ang
pamanahong papel na ito pinamagatang Implikasyon sa Paggamit ng Canva
Kaugnay sa Akademikong Pagganap ng mga Piling Mag-aaral ng SHS sa
Sta.Lucia Senior High School Taong Panuruan 2021-2022: Isang
Masusing Pananaliksik ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa 11-ICT 2 Set B na binubuo nina:

Maala Davidking Sornillo, Edison Julius R.


Miyembro Miyembro
Pillora, Christopher Jhon J.
Miyembro
Naiga, Niejaye T. Targa, John Marlo
S.
Miyembro Miyembro
Pisngot, Jericho
Miyembro
Omandam, Lanz Amirr A. Tejano, Donrick E.
Miyembro Miyembro
Susana, Earl Auery C.
Pinuno

Pacheco, Jethro Allen G. Villarin, Sean Allen R.


Miyembro Miyembro
Rojas, Jaztin D.
Miyembro
Pelegaria, Stephen Richardson T. Villegas, Angelica Grace T.
Miyembro Miyembro

Tinatanggap sa ngalan ng kagawaran ng Senior High School – Filipino,


Sta. Lucia High School, bilang isa sa mga pangapngailangan sa asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Danilo P. Agpaoa, LPT


Gurong Tagapayo

i
PASASALAMAT

Taus-pusong kaming nagpapasalamat sa inyo at sa mga sumusunod na


indibidwal dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon, ay suporta tungo sa
aming matagumpay na reyalisasyon sa pamanahong papel na ito.

Salamat sa aming mga kaibigan at kamag-aral na tumulong sa amin


upang magawa namin itong pananaliksik

Sa mga awtor, editor, at mananaliksik ng mga akdang pinagkuhanan


namin ng mga mahahalagang impormasyon upang makatulong sa aming
paggawa.

Nais naming pasalamatan ang aming mga magulang na nagbigay ng


lakas ng loob upang matapos at maiprinta ang aming isinagawang
pananaliksik.

Sa aming guro na si G. Danilo P. Agpaoa sa kanyang walang humpay


na paghahatid ng gabay at supporta para sa aming pag-aaral. Hindi rin namin
ipinagpaliban ang pagbibigay pugay sa kanyang mga naibatid niyang kaalaman
sa amin na kaniyang mga estudyante.

Sa aming mga miyembro sa kanilang mahabang pasensya at pakikiisa


para sa aming ginawang pananaliksik. Sadyang hindi magiging posible ang
lahat ng ito kung hindi nila ipinahiramang oras ng bawat isa.

Higit sa lahat, maraming salamat sa Panginoong Diyos na walang


humpay nadinig ang aming mga panalangin. Wala kami sa aming kinalalagyan
kung hindi dahil sa kanyang paggabay at pagmamahal.

Muli, kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik

ii
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahinang Pamagat

Dahon ng Pagpapatibay...........................................................................................i
Pasasalamat… ........................................................................................................... ii
Talaan ng mga Nilalaman… ...................................................................................iii

Kabanata I - Ang Suliranin at Kaligiran Nito… .................................................. 1

A. Paglalahad ng Suliranin ................................................................ 2-3


B. Kahalagahan ng Pag-aaral .............................................................. 3
C. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral................................................... 4
D. Depinisyon ng mga Terminolohiya ................................................ 4-5

Kabanata II - Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral. ............................... 6-9


Kabanata III - Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik ...............................10

A. Disenyo ng Pananaliksik ................................................................ 10


B. Mga Respondente ......................................................................... 10
C. Instrumento ng Pananaliksik .......................................................... 11
D. Tritment ng Datos .......................................................................... 11

Kabanata IV – Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos.............. 12-24


Kabanata V – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon… ............................ 25

A. Lagom ....................................................................................... 26-27


B. Konklusyon ......................................................................................28
C. Rekomendasyon............................................................................. 29

Listahan ng mga Sanggunian… .................................................................... 30-31


Apendiks/Dahong Dagdag… ............................................................................... 32

A. Liham ng Panghinging pahintulot sa sarbey................................. 33


B. Talatanungan… ................................................................................. 34-35
C. Resume ..................................................................................................... 36

iii
KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksiyon

Sa kasalukuyang panahon, naging mahalaga na ang paggamit ng


teknolohiya sa mga akademikong gawain upang mapataas ang kalidad ng
pagtuturo at pagkatuto. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang Canva, ay isang
tool na nagpapahintulot sa iyo na magdisenyo ng anumang content at mag-
publish nito kahit saan. Maaring gamitin ito sa smartphone at desktop
computer. Lumikha na ang Canva ng mahigit 400 milyong disenyo para sa
mahigit 10 milyong mga gumagamit sa 179 na mga bansa. Ginagawa ng Canva
ang paggawa ng magagandang layouts at kreatibong mga dokumento para sa
anumang okasyon at layunin na mas madali (Canva, 2019). Bilang isang
website, ang Canva ay isang visual media resource na pwedeng magamit
bilang bintana sa mas malawak na mundo sa labas ng mga language courses,
at mayroon ding koleksyon ng tunay na mga materyales na madali ring ma-
access.

Ayon kay Faiza na binanggit ni (Maryunani, 2021), ang aplikasyon ng


Canva ay may magandang disenyo at mga tampok na madaling ma-access
gamit ang mga smartphone o laptop. Ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng
kreatibidad ng mga guro at mag-aaral sa pagdisenyo ng mga midya sa
pagkatuto at nakatipid din ng oras sa pagdisenyo ng midya sa pagkatuto.

Ang pagbabago ng panahon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa


paraan ng pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan. Dahil sa pagbabago ng
kalagayan, ang mga guro at mag-aaral ay naging limitado sa paggamit ng
tradisyunal na paraan ng pagtuturo at pag-aaral. Upang makasabay sa mga
hamon ng panahon, ang paggamit ng teknolohiya ay naging mahalagang
aspeto sa pag-aaral. Sa larangan ng edukasyon, ang Canva ay isa sa mga
digital na tool na ginagamit upang maghatid ng mga magagandang disenyo ng
presentasyon, poster, infographics, at iba pang kahalintulad na materyales.

Ngunit, bagaman malawak na ang paggamit ng Canva sa iba't ibang


larangan, hindi pa ito lubos na nasusuri sa konteksto ng akademikong
pagganap ng mga mag-aaral, lalo na sa larangan ng Inpormasyon at
Komunikasyon Teknolohiya (ICT). Kung kaya't mahalagang masuri ang
implikasyon ng paggamit ng Canva sa pagkatuto at pagganap ng mga piling
mag-aaral sa Sta. Lucia High School.

Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang mga implikasyon ng paggamit ng


Canva sa mga mag-aaral ng ICT, STEM, ABM sa Mataas na paaralan ng
Sta.Lucia.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga epekto ng teknolohiyang ito sa mga


mag-aaral, magkakaroon tayo ng mas malalim na pang-unawa sa kahalagahan.
Layunin ng pag-aaral na malaman kung paano nakakaapekto ang paggamit ng
Canva sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng ICT, STEM, ABM kung
ano ang mga benepisyo at limitasyon nito, at kung paano ito maaring
mapalawak ang pagtuturo ng mga guro sa asignaturang ICT, STEM, ABM.

Bilang mga tagapagdaloy ng pag-aaral, nais naming magbigay ng


impormasyon at rekomendasyon sa mga guro at mag-aaral sa larangan ng ICT,
STEM, ABM upang mapalawak ang kanilang kaalaman at mapataas ang
kanilang akademikong pagganap sa tulong ng teknolohiya.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan hinggil sa iminungkahing


pananaliksik ng nararapat na sagutin ng mga respondente at ito ay ang mga
sumusunod;

1. Ano ang demograpikong profile ng respondete kaugnay sa;


1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 strand/section
2. Gaano kadalas gumagamit ng Canva ang mga piling Mag-aaral ng SHS
sa Sta. Lucia High School taong panuruan 2021-2022?
3. Ano-ano ang mabubuting naidudulot ng paggamit ng Canva ng mga
piling mag-aaral ng Senior High School sa Sta Lucia High School taong
panuruan 2021-2022?
4. Ano-ano ang nagging hadlang sa paggamit ng Canva ng mga piling
mag-aaral ng Senior High School sa Sta Lucia High School taong
panuruan 2021-2022?
5. Ano-ano ang maaring gamiting alternatibong presentation apps sa
paggawa ng presentation o proyekto ng mga piling mag-aaral ng Senior
High School sa Sta Lucia High School taong panuruan 2021-2022?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pagsusuri sa implikasyon ng paggamit ng Canva sa mga piling mag


aaral ng Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Sta.Lucia ay upang
malaman kung ano ang mga epekto ng paggamit ng Canva sa mga mag-aaral
ng Senior High School sa kanilang pagganap sa mga akademikong gawain. Sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring malaman kung makatutulong
ba ang paggamit ng Canva sa kanilang pag-aaral at kung paano nito maaring
mapalawak at mapabuti ang kanilang kasanayan sa pagbuo ng mga
presentasyon at biswal na pantulong. Dagdag pa rito ang pagsusuri sa mga
maaaring maging hadlang sa paggamit ng Canva na kahaharapin ng mga piling
mag-aaral ng Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Sta.Lucia.

Mga Guro ng Senior High School. Maaari nilang gamitin ang mga
natuklasan ng pananaliksik upang maunawaan kung paano ang paggamit ng
Canva ay magiging mabuti ang epekto nito sa akademikong pagganap ng mga
mag-aaral sa kanilang paaralan.

Mga Mag-aaral ng Senior High School. Ang mga mag-aaral ay maaaring


matuklasan ang mga benepisyo ng paggamit ng Canva sa kanilang mga
proyekto at presentasyon at kung paano ito maaaring magdulot ng positibong
epekto sa kanilang mga marka at kahusayan.

Mga Magulang ng mga Mag-aaral. Ang mga magulang ay maaaring


malaman ang mga bagong kasangkapan na ginagamit ng kanilang mga anak
sa pag-aaral at kung paano ang mga ito ay nakakaapekto sa kanilang
akademikong pagganap.
Iba pang mga Mananaliksik. Maaaring magamit ng ibang mananaliksik
ang inyong mga natuklasan upang magpatuloy sa pag-aaral sa mga kaugnay
na paksa tulad ng pag-aaral sa epekto ng iba't ibang teknolohiya sa pag-aaral
at pagtuturo.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay limitado sa mga piling mag-aaral ng Senior High


School sa Mataas na paaralan ng Sta. Lucia, partikular sa mga mag-aaral ng
ABM, ICT, STEM. Hindi sakop ng pag-aaral ang ibang mga mag-aaral na hindi
kabilang sa nasabing kurso, at hindi rin gagamitin ang ibang mga kasangkapan
sa disenyo at graphic design maliban sa Canva. Ang mga respondenteng
kasama sa aming pag-aaral ay mga mag-aaral na nababagay sa mga
nabanggit na pamantayan. Ang sukat ng aming sampol ay limitado sa 292
respondente na sasagot sa mga ihinandang katanungan na ihinanda ng mga
mananaliksik patungkol sa paksa. Ang aming pag-aaral ay inaasahang
matatapos sa loob ng 3 buwan.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas maipaliwanag at mas maunawaan ang mga terminolohiya na


may kaugnayan sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na termino ay
ipapaliwanag.

Literal

Aplikasyon- Sa teknolohiya, ang "aplikasyon" ay tumutukoy sa mga software


programs na ginagamit sa mga mobile device o computer upang makapagbigay
ng mga serbisyo, gawain, o entertainment sa mga gumagamit nito.

Canva- Isang pangalang pambayang na ginamit ng isang online graphic design


platform. Ito ay isang konkretong bagay na mayroong tiyak na pakay at gamit.

Disenyo- Ang disenyo ay ang proseso ng paglikha ng plano o konsepto ng


isang bagay o produkto bago ito gawin o ipatupad.

ICT- Ang ibig sabihin ng Impormasyon, komunikasyon, at teknolohiya o ICT


Strand, ay tumutukoy sa isa sa iniaalok sa ilalim ng Technical-Vocational

Livelihood (TVL) Track ng K–12 curriculum. ICT strand na paksa naghahanap


upang turuan ang mga mag-aaral ng mga konsepto at kasanayan sa
teknolohiya ng impormasyon.

Konseptuwal.

Aplikasyon- Tumutukoy sa isang pangkalahatang konsepto o ideya na


nagbibigay ng solusyon sa mga pangangailangan ng mga tao sa iba't ibang
aspeto ng buhay.

Canva- Isang online na plataporma para sa disenyo ng grapiko at pag-eedit ng


mga larawan. Ito ay nagbibigay ng mga tool at mga pre-designed na mga
template upang makatulong sa mga gumagamit na lumikha ng mga
propesyonal na disenyo nang hindi kailangang magkaroon ng malalim na
kaalaman sa disenyo o karanasan.

Disenyon- Ang proseso ng paglikha ng isang konsepto o ideya at pagpapakita


nito sa paraang visual o estetiko. Ito ay isang pagpapahayag ng kaisipan o
pananaw ng isang tao o grupo ng mga tao sa pamamagitan ng mga elemento
tulad ng kulay, hugis, tekstura.

ICT- Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng teknolohiyang gumagamit ng


impormasyon at komunikasyon para magbigay ng mga solusyon sa mga
suliranin at mga pangangailangan ng mga tao sa iba't ibang larangan ng buhay

You might also like