Rose

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KAKAYAHAN SA PANGGRAMATIKANG FILIPINO NG MGA MAG-

AARAL NG GRADE 11 SA LILIONGAN NATIONAL HIGHSCHOOL

INTRODUKSYON

Sa linggwistika, ang gramatika ay isang set o hanay ng estruktural na tuntunin

na binubuo ng iba’t ibang kayarian tulad ng sugnay, parirala, pangungusap, pagbuo

ng mga salita at maging ang paggamit ng wastong salita.

Pinatunayan ito ni Lathica (2003) na isa ang kasanayang panggramatika sa

mga kailangan sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Kasama nito

ang kakayahang estratehikal, kakayahang sosyolinggwistika, at kakayahang

pagpapahayag.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at mabigyang sulusyon ang

mga suliranin ukol sa paggamit ng wasto at angkop na salita maging ang paggamit

ng balarila sa pagsulat at pagsasalita ng isang tao. Batay sa obserbasyon ng

kasalukuyang mananaliksik, maraming mga mag-aaral gayundin ang mga

tagapagturo ng wika ang nalilito at nahihirapan sa pagpili at paggamit ng mga salita

at pagbuo ng tamang pangugusap sa paraang pasalita o pasulat man.

Base sa aming nakalap na datos sinabi ni Madsen (2005) na magkatuwang

ang pagtuturo at pagtataya na tuklasin kung gaano ang pagkatuto ng mga mag-aaral

sa anumang kasaysayan o aralin pagkatapos ng ginagawang pagtuturo.

Ang wika ayon kay Gleason, sa pag banggit nina Garcia et al. (2008), ay

masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog inaayos at pinipili sa paraang

arbitaryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.


Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahan ng mananaliksik na

makakatulong ito sa mga guro sa paggamit ng wasto at angkop na mga salita at

magiging instrumento ng mga guro upang mapataas ang kaalaman ng mga mag-

aaral pag alam at pagkatuto ng balarilang Filipino na siyang gamitin sa larangan ng

pang-akademikong kagalingan. Ang kasanayang pangramatika sa mga kailangan sa

mabisang pagpahayag, pasalita man o pasulat.

Kasama nito ang kakayahang estratehikal, kakayahang sosyolinggwistika, at

kakayahang magpahayag. Sa paglinang ng kakayahang komunikatibo at

panggramatika ng mga mag-aaral, dapat na gumawa ang guro ng pagtataya upang

matiyak na nalilinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayang dapat malinang sa

kanila.

Makatutulong din ang pag-aaral sa mga mag-aaral dahil mababatid nila ang

mga kahinaan na dapat pa nilang pagsikapang pag-aralan gayundin ang mga

kalakasan na dapat nilang pag-ibayuhin.

Nakasaad sa pag-aaral ni Akmajian (2017) na nagkakaiba ang paggamit ng

wika sa karamihan sa kadahilanan ng mga dayalektong umusbong kaya napag

pasyahan di ng karamihansa mga bansa na magkaroon ng pambansang wika. Ito

ang sentro ng kalakalan at maaaring maging sentro ng pakikipagtalastasan dahil

magiging mandatoryo ito o ipapatupad sa buong bansa.

Nilayon ng pananaliksik na isinagawa sa University of the Cordilleras, Taong-

Aralang 2009-2010 na tukuyin ang antas ng kakayahang panggramatika sa Filipino

ng mga mag-aaral; ilarawan ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika ng mga

mag-aaral sa mga bahagi ng pananalita; at kilalanin ang pagkakaiba ng antas ng

kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral ayon sa kolehiyo at unang wika.


LAYUNIN

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang gramatikal na kakayahan ng mga

mag-aaral na may kabuohang 80 na kalahok sa baitang 11 ng Liliongan National

High School. Kaakibat ng pag-aaral na ito ang mga mungkahing gawain sa

pagpapa-angat ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.

1. Paano linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng

Amorsolo?

2. Paano malaman at mabigyang solusyon ang suliranin ukol sa paggamit ng

wasto at angkop na salita?


REBYU NG PAG AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Lomtong hinalaw ni Heramia (2017), pinakabiktima ng maling

paggamit ng mga balarila ay ang “nang” at “ng”, ginagamit ang “nang” bilang kasing

kahulugan ng noong, para at upang. Samantalang ang ng ay ginagamit tuwing

sinusundan ito ng pangalan (noun). Ayos ng pangungusap. Ito ay ang tamang

pagkaka-ayos ng pangungusap sa pahayag. Karaniwang binubuo ng Karaniwang

Ayos at Di-karaniwang ayos. Karaniwang Ayos kong ito ay pinangungunahan ng

panaguri at susundan ng Paksa o Simuno at Hindi lantad ang “ay”. Di karaniwang

ayos kong ito ay pinangungunahan ng paksa/at sinusundan ng Panaguri ay lantad

ang “ay” Tanawan, S., Lartec, J. at Nacin, A. (2008).

Sinasabi ni J. Lee (2015) ang isang tao ay maalam sa larangan ng gramatika

ay may kaangkopan sa paggamit ng wastong deliberasyon ng kanyang balarila sa

kanya ring magagamit sa pagsulat ng isang makabuluhang pangungusap at may

kahusayan sa komunikatibong pangwika tungo sa kanyang pagpapahayag.

Sa pagpapahayag ni Almario (2015) “Sa kabilang dako, hindi maipagkakaila

na nalilito ang mga guro ng Filipino sa nagbabanggaang mga panukalang uri at anyo

ng wikang Filipino sa kasalukuyan. Pagkatapos baguhin ang pangalan ng wikang

pambansa mula “Pilipino” tungo sa “Filipino” at repormahin ang alpabeto tungo sa


pagkakaroon ng 28 titik, dapat lamang asahan ang pagsulpot ng mga haka at

panukala upang makaahon ang wikang pambansa.

Ang gramatika ay tumutukoy sa mga uri ng salita at lipon nito na nakabuo ng

pangungusap hindi lamang sa Ingles kundi pati na rin sa ibang wika. Lahat ay may

kakayahan sa gramatika, maski ang mga bata ay kayang bumuo ng pangungusap.

Ngunit,upang malaman kung paano nabubuo ang mga pangungusap at kung anong

klase ng mga salita ang gagamitin, iyan ay malalaman sa pamamagitan ng pag-aaral

ng gramatika. (Haussamen,et al. , 2002)

Ang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng elementarya.

Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong 1940

ang Executive Order No. 263, isinulong na nag-uutos sa lahat ng pribado at

pampublikong paaralanna isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa.

Ito ngayon ang tinatawag nating asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol

sa tamang paggamit ng ating wika at mga literaturang ininuturing nating kayamanan.

Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa

pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Sumasalamin ang

asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay Tipones

(2003), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino.

Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura,

tradisyon, kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-aaral ng Filipino ay

pag-aaral natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino
ay simula upang mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. (bakit

mahalaga ang Filipino.” 2014)

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong

pangangailangan sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na

maging sanay tayo sa sarili nating wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw

na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan man o kalsada, maraming mga Pilipino

pa rin ang hindi bihasa rito.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino/ Filipino:

Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong

Quezon noong ika-30 ng Disyembre, 2000 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan

ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng

isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na

ekonomiyanito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001)

sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklot ang ating mga

watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming

tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyumna Wikang Filipino.

Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin

ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at

malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil Malaki ang naging gampanin nito

noon at magpahanggang ngayon.

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat

sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may
kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat

pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan

natin.”

Ayon kay Tarsoly at Valijari (2013) Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wika

ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan. Dahil sa kakayahan ng mag-aaral sa

panggramatikang Filipino nabigyan ng pagpapahalaga ang ating wikang mayroon

ang isang lipunan dahil makikita rito kung paano binibigyang pagpapahalaga ang

sariling wika kung kaya’t ang kakayahan ay nagkakarooon ng kaalaman sa ating

sariling wika.

Ayon kay Milambiling (2011), ang kakayahan ng bawat pilipinong mag-aaral

ay sang-ayon sa kanya ang taong nagsasalita ng dalawa o maraming wika ay mas

nakakaalam sa mga baryabols ng panggramatikang Filipino at gamit nito kaysa sa

taong iisa lang ang alam na wika. Ang kakayahan ng pagkakaroon ng maraming

alam sa lenggwahe ay lubos nagbibigay kaalaman at makisalamuha sa marami o

iba’t ibang tao. Isang katotohanang hindi mapapasubalian na ang nakaraan ng

paggamit ng wika ay maaaring magbunga ng pagbabago sa isip, damdamin at

maging sa gawi ng mga tao. Malaki ang kaugnayan ng wika sa kakayahan o

kahinaan ng isang tao, pansinin, karamihan sa kung hindi man lahat sa mga wika

matatagumpay ng tao sa lipunan ay may mataas na kaalaman at kakayahan sa

paggamit ng wika at pagpapahayag.

Ayon naman kay Macasmag (2011) kung natututo ang isang bata sa

gramatika nagiging maalam ito nagpapayaman ang kanyang kakayahan sa

kalaaman ng panggramatikang Filipino. Yumayabong ang kakayahan nito kapag


madalas ang pakikipag-usap. Sa pakikipagkomunikasyon, nasusuri ang wasto at

maling gamit ng gramatika. Nalilinang sa pakikipagtalastasan ang kabihasaan at

kakayahan ng isang mag-aaral. Dito nakikita kung ano ang kanyang natutunan ukol

sa larangan ng gramatika.

Ang kabuuhang resulta sa kakayahan ng mga mag-aaral sa baitang 11 sa

pang-uri ay sumasang-ayon sa natuklasan ni Epistola (2003) na nagsasabing

kakaunti ang kamalian ng mga mag-aaral sa pang-uri. Nangangahulugang may

taglay na kaalaman din ang kaniyang mga naging respondente sa tamang paggamit

ng pang-uri.

Lumalabas din sa pag-aaral ni Tibagacay (2004) na panghuli sa ranggo ng

mga kamalian ang mga kamalian ng mga mag- aaral ng baitang 11 sa pang-uri.

Ayon kay Malaya (2003), sa pagtuturo ng wika mula sa elementarya hanggang sa

kasalukuyan, ang mag-aaral ng baitang 11 ang pangunahing layunin nito ang

paglinang sa kakayahan na magamit ang wika sa lalong maayos, masining,

malikhain, makabuluhan, mabisa, pasulat man o pasalita.

Salungat naman ito sa resulta ng mga pag-aaral nina Taguba (2003),

Tibagacay (2004), Hufana at Minong (2005) at Lartec (2002); kung saan,

natuklasang may kahinaan sa pangalan ang mga mag-aaral dahil bilang ito sa mga

nanguna sa ranggo sa mga kamalian nila sa pagpapahayag.

Katamtaman din ang kakayahan ng mga mag-aaralsa pandiwa at pang-abay

na nasa pang-apat at panlimang ranggo. Indikasyon ito na na medyo nahirapan ang

mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga tuntunin sa gamit ng mga pandiwa at pang-


abay kaya kailangan pa nila ng karagdagang pagsasanay. Nahirapan ang mga

respondente sa mga aytem hingil sa pandiwa dahil sadyang mahirap na paksa ito

para sa mga mag-aaral lalo na ang tungkol sa pokus at kaganapan ng pandiwa.

You might also like