WEEK1kabuluhan at Kahulugan NG Wika

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

1

Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga


konseptong pangwika.
 Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa
pag-unawa sa mga konseptong pangwika,
 Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit
ng wika sa lipunan,
 Natutukoy ang mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad
ng Wikang Pambansa.
3
Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang sangkap sa mabuti o


epektibong komunikasyon?
2. Ano-ano naman ang nagagawa ng
isang tao na nakahahadlang sa mabuting
komunikasyon? Magbigay kahit tatlo.
4
Panuto: Kumpletuhin ang kasunod na semantik map. Isulat
sa mga bakanteng bilog ang mga naiisip mong salitang
kaugnay ng salitang nasa loob ng panggitnang bilog.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

WIKA

. 5
Mga Gabay naTanong;

1. Ano ang wika para sa iyo?

2. Bakit kailangan ng tao ang wika?

3. Ano ang wika na iyong sinasalita?

4. Ano ang maaaring maging sitwasyon sa lipunan


kung walang ginagamit na wika?

5. Paano nagkaroon ng wika ang tao?


6
Kahalagahan ng Wika
Napakahalaga ng wika sa sangkatauhan.Kung
walang wika,maaaring matagal nang pumanaw ang
sangkatauhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa
ngayon.Dito ipaliliwanag ang apat na pangunahing halaga ng
wika sa tao.
1.Instrumento ng Komunikasyon.Ang
wika,pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan
ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
2.Nag-iingat at Nagpapalaganap ng
Kaalaman.Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang
saling-lahi at napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.
7
4.Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip.Kapag tayo ay
nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya’y kapag
tayo’y nanonood ng pelikula,parang nagiging totoo sa ating
harapan ang mga tagpo niyon.Maaaring tayo’y napapahalakhak
o napapangiti,natatakot o kinikilibutan,nagagalit o
naiinis.naaawa o naninibugho.
3.Nagbubuklod ng Bansa.Nang makihamok ang mga Indones
sa kanilang mga mananakop na Olandes,naging battle cry nila
ang Satu bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir(Isang Bansa!
Isang Wika! Isang Inang bayan!).Maagang nakilala ng mga
Indones ang tungkulin ng wika upang sila’y magbuklod sa
kanilang pakikipaglaban nang magkaroon ng kalayaan. 8
Wika ang pinakamahalagang sangkap at
ugnayan sa pakikipagkapwa-tao.Malaki ang
tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at
pakikisalamuha sa tao sa kaniyang
tahanan,paaralan,pamayanan, at lipunan.
Kahit na sa anumang anyo,pasulat o
pasalita, hiram o orihinal,banyaga o
katutubo,wika ang pinakamabisang sangkap sa
paghahatid ng diwa, kaisipan, at damdamin natin.
9
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong nasa sa
iisang kultura.
Propesor emeritus sa
University of Toronto

-Henry Gleason(1961)
Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo
ng mga tunog.Gayunman hindi lahat ng tunog ay
makabuluhan o may hatid na makabuluhang
kahulugan,hindi lahat ng tunog ay itinuturing na
wika.Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa
tunog.Mga tunog ito na mula sa paligid, kalikasan,
at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng
tao.
11
Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng
simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot
sa mga taong may kultura o ng mga taong
natutunan ang ganoong kultura upang
makipagtalastasan o di kaya’y makipag-
ugnayan.

Finnocchiaro
(1964) 12
Ang simbulo ay binubuo ng mga biswal na
larawan,guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o
maraming kahulugan. Halimbawa nito ang simbolo
ng krus, araw, ahas, elemento ng kalikasan (lupa,
tubig, apoy, hangin ) at marami pang iba na
sumasalamin sa unibersal at iba’t ibang kahulugan
mula sa sinaunang sibilisasyon hanngang
ngayon.Nangangahulugan lamang na ang tanging
layunin kung bakit may wika ay upang magamit ito
sa pakikipagtalastasan. 13
Ang wika ay isang sistema ng mga
simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa
komunikasyong pantao.

Sturtevant (1968)
14
Lumutang ang konseptong
“ponosentrismo” na nangangahulugang “una ang
bigkas bgo ang sulat”.Ibig sabihin din
nito,nakasandig sa sistema ng mga tunog ang
pundasyon ng anumang wika ng tao.

15
Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyong simbolikong gawaing pantao.Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nakalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha
at simetrikal na estraktura.

-Archibald A. Hill (1976)


Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa
ponema.Maraming uri ng tunog, maaaring ito ay
galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig sa
batis,langitngit ng kawayan,pagaspas ng mga
dahon, kulog at iba pa.Ngunit ang binibigkas na
tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga
sangkap sa pagbigkas ng tao tulad ng
labi,dila,ngipn,gilagid, at ngala-ngala.
17
Ang wika ay masasabing sistematiko.Set ng
mga simbolikong arbitraryo,pasalita,nagaganap,
sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng
tao.
Ang mga ponema(sinasalitang
tunog) ay pinili sa pamamaraang
napagkasunduan ng mga taong gumamit ng
wika o batay sa kapasyahan sang-ayon sa
preperensya ng grupo ng mga tao. 18
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at
viswal na signal para makapagpahayag.
Pinakamabisang instrumento ang wika upang
makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagama’t
maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga
senyas, pagguhit o mga simbulo, hindi pa rin
matatawaran ang paggamit ng wika upang
maisakatuparan ang malawak at mabisang
pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa. 19
Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit
at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Nilikha ang wika upang magkaunawaan ang
mga tao.Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi
dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang
kaibahan ng kanilang ibinubulalas sa salita sa mga
Pilipino.

20
Ang wika ay isang sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga pasulat
o pasalitang simbolo.

Noah Webster
(1974)
isang edukador
at Pilosopong Ingles: “Ang
wika ay kabuuan ng kaisipan
ng lipunang lumikha nito.”
-Ibig ipahiwatig nito na ang wika
ay salamin ng lahi.
22
Emmert at Donagby,1981
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag ng
binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na
letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais
ipabatid sa ibang tao.

23
Block at Trager,1942;Peng,2005
Ngunit sa lingguwistikong
paliwanag,tinatawag na wika ang sistema
ng arbitraryong pagpapakahulugan sa
tunog at simbolo,kodipikadong paraan ng
pagsulat,at sa pahiwatig ng galaw o kilos
ng tao na ginagamit sa komunikasyon
24
Paz,Hernandez,at
Peneyra(2003:1)
Ayon sa kanila ang wika ay tulay na ginagamit
para maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin..Ito ay
behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon
na epektibong nagagamit. 25
Cambridge Dictionary
Ito ay isang sistema ng komunikasyong
nagtataglay ng mga tunog,salita,at gramatikang
ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri
ng gawain.
26
Charles Darwin
Naniniwalang ang wika ay isang sining tulad
ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake, o ng
pagsusulat.Hindi rin daw ito tunay na likas
sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang
pag-aralan bago matutuhan.
27
Νoam Chomsky
“Ang wika ay proseso ng malayang paglikha:ang
mga batas at tuntunin nito ay hindi
natitinag,ngunit ang paraan ng paggamit sa mga
tuntunin ng paglikha ay malaya at nagkakaiba-
iba.Maging ang interpretasyon at gamit ng mga
salita ay kinasasangkutan ng proseso ng malayang
paglikha.”
Karl Marx
“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan,ang wika ay
praktikal na kamalayan na umiiral din para sa ibang
tao….ang wika,gaya ng kamalayan,ay lumilitaw
lamang dahil kailangan,dahilan sa pangangailangan
sa pakikisalamuha sa ibang tao.”
NELSON MANDELA

“kapag kinausap mo ang tao sa wikang


kanyang nauunawaan,ito’y patungo sa
kanyang isip.Kapag kinausap mo siya sa
kanyang wika,ito’y patungo sa kanyang puso.’
JOSE RIZAL
“…habang pinangangalagaan ng isang bayan ang
kanyang wika,pinangangalagaan niya ang marka ng
kanyang kalayaan,gaya ng pangangalaga ng tao sa
kanyang kalayaan habang pinanghahawakan niya
ang sariling paraan ng pag-iisip.”
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
4. Ang wika ay arbitraryo.
5. Ang wika ay ginagamit.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
7. Ang wika ay dinamiko/nagbabago. 32
8. Makapangyarihan ang wika.
9.Bawat wika ay natatangi.
10.Ang wika ay komunikasyon
11. May antas ang wika.
12.Kagila-gilalas ang wika.
13.May pulitika rin ang wika.
14.Ang wika ay kasama sa pagsulong ng
teknolohiya at komunikasyon. 33
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak
na balangkas.Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito.
Ang balangkas ng wWika
Morpolohiya
Ponolohiya Sintaksis

Salitang-
ugat +
Tunog Pangungusap Diskurso
panlapi+m
Morpema
orpemang
(Ponema) Ponema (Sambitla)

(Morpema)
35
Apat na bahaging mahalaga sa
pagbigkas ng mga tunog.
1.Dila at panga (sa ibaba)
2.Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa
likod)
Paraan ng
artikulasyon
PUNTO NG ARTIKULASYON
Labi Ngipin Gilagid Ngalangala Glottal
Palatal Velar
Pasara
Walang tunog p t k ‘
May tunog b d g
Pailong
May tunog m n n

Pasutsot
Walang tunog s h
Pagilid
May tunog l
Pakatal
May tunog r
Malapatinig

May tunog y w
Ponemang Patinig (Santiago,2003)
HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS i u
GITNA e o
MABABA α
Sa lahat ng pagkakataon,pinipili natin ang
wikang ating gagamitin.Madalas ang pagpili
ay nagaganap sa ating subconcious at
magkaminsan ay sa ating concious na pag-
iisip.Bakit lagi nating pinipili ang wikang
ating gagamitin?Ang sagot:Upang tayo’y
maunawaan ng ating kausap.
39
Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong
gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon (Rubin,
1992). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan
at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng
tagapagsalita nito.Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo
ang wika,nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad
wika ang kumbensiyong panlipunan na nagbibigay dito ng
kolektibong pagkakakilanlan bilang isang pangkat o
grupo.Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang
magkatulad ang baybay at bigkas sa maraming wika
subalit magkaiba nag kahulugan.
Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan,kailangang patuloy itong
ginagamit.Likas ang wika, ibig sabihin,
lahat ay may kakayahang matutong
gumamit ng wika anuman ang
lahi,kultura, o katayuan sa buhay. 41
Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa
daigdig?Ang sagot,dahil sa pagkakaiba-iba ng
mga kultura ng mga bansa at mga pangkat.Ito
ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan
sa isang wika ang walang katumbas sa ibang
wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika
ang kaisipang iyon ng isang wika.
42
Bawat wika ay tuwirang magkaugnay sa
kultura ng sambayanang gumagamit nito.Wika
ang pangunahing tagapagbantayog ng mga
kaugalian,pagpapahalaga, at karunungang
mayroon ang isang komunidad.Ang wika at
kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa
isa’t isa.
43
Dinamiko ang wika.Hindi ito maaaring
tumangging magbago.Ito ay dinamiko
upang mapanatiling masigla at buhay ang
lahat ng wika,kailangang makasabay ito sa
pagbabago ng panahon.Nagbabago ang
paraan ng pananalita ng mga tao maging
ang angking kahulugan ng salita sa
paglipas ng panahon. 44
Ang wika ay makapangyarihan dahil ito ay may
taglay na malalim,malawak at natatanging
kaalaman at karunungan.Ito ang dahilan kung bakit
ang tao ay natutuwa,umiiyak at minsan ay
nagagalit. Ang wikang ito ay mahiwaga na
nagpapabatid ng mga kaalaman ay lalong
mabisang maikakasangkapan sa ating
pambansang kaunlaran kung ito’y puspusang
pinapairal sa iba’t ibang larangan at disiplina. 45
C. Teorya ng Wika
1. Teoryang Bow-Wow - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang
wika raw na ito mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

2. Teoryang Pooh-Pooh - Unang natutong magsalita ang mga


tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulang ng sakit, tuwa.

3. Teoryang Yo-He-Yo - Pinaniniwalaan ng mga


nagmumungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
46
4. Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay -Ayon sa teoryang ito, ang wika
raw ng tao ay nag-uugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan.

5. Teoryang Ta-Ta - Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na


kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila
at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsasalita.

6. Teoryang Ding-Dong - Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon


daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. 47
D. Gamit ng Wika
1.Gamit sa Talastasan
Pasalita man o pasulat,ang wika ay pangunahing kasangkapan ng
tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.

2.Lumilinang ng Pagkatuto
Ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat
henerasyon,tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas na nililinang at
sinusuri upang mapaunlad ang kaisipan.

3.Saksi sa panlipunang pagkilos


Sa panahon ng Rebolusyon,mga wika ng mga rebolusyonaryo ang
nagpalaya sa mga Pilipino.Ito ang nagbuklod sa mga mamamayan na
lumaban para sa ating kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat,talumpati,at
48
mga akda.
4.Lalagyan o Imbakan
Ang wika ay hulugan,taguan,imbakan o
deposito ng kaalaman ng isang bansa.
5.Tagapagsiwalat ng damdamin
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng
nararamdaman.Maaari irong pag-ibig,pagkagalit,o
pagkapoot.
6.Gamit sa imahinatibong pagsulat.
Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga
tula,kwento at iba pang akdang pampanitikan na
49
nangangailangan ng malikhaing imahinasyon
Wika ko.Hulaan Mo! (p.10)
Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga salita at isulat
sa iyong sagutang papel.
Salita Kahulugan

1. Lodi

2. Petmalu

3. Kalerki

4. Chaka

5. Waley 50
Bakit mahalaga ang wika sa
sarili,sa lipunan,at sa kapwa?Sa
paanong paraan ito nagiging
instrumento ng mabisang
komunikasyon,kapayapaan,at
mabuting pakikipagkapwa-tao? 51
Ang wika ay isang mabisang paraan ng
pakikipagkomunikasyon.Ito ay maaaring tumutukoy sa
kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga
komplikadong sistemang pangkomunikasyon o sa
ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong
sistemang pangkomunikasyon.Bilang isang
pangkalahatang konsepto,ang wika ay tumutukoy sa
kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga
tao upang matuto at gumamit ng mga sistema ng
komplikadong komunikasyon. 52
1. Paano nagiging magkaugnay
ang wika at komunikasyon?
2. Ibigay ang kahulugan ng
wika ayon sa iba’t ibang
eksperto o lingguwista?
53
Maraming Salamat po..

54

You might also like