Co - 4TH - Ibong Adarna
Co - 4TH - Ibong Adarna
Co - 4TH - Ibong Adarna
A. Pagtuklas
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagkuha ng kanilang attendance
d. Pagsabi ng layunin ng aralin sa klase
2. Balik – aral
Magtatanong ang guro ng aralin noong nakaraang Linggo sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mga mag-aaral.
1. Nagtagumpay ba ang tatlong prinsepe sa pagkuha nila sa Ibong Adarna?
2. Gumaling na ba ang kanilang Amang Hari?
3. Bakit kaya hindi kumanta ang Ibong Adarna?
4. Naging maayos na ba ang kaharian?
3. Pagganyak (Motivation)
Mayroon ipaparinig ang guro sa klase na isang audio clip ng mga kialalang artista sa
pelikula. Ang gagawin ng mag-aaral ay HUHULAAN nila kung sino at anong pelikula ito. at
Hulaan mo!
B. Paglinang ng talasalitaan
Panuto: Bigyang – Kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin na
nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Lagyan ng puso ang titik ng tamang sagot.
1. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil
ng dalawa niyang kapatid.
a. Pag-aalala b. pagkabigo c. pag-asa
2. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sa pagkat wala ng naiwang
salagpati sa kanyang puso.
a. Inggit b. Kalungkutan c. sama ng loob
3. Ang buhay sa Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso’t isip.
a. Kabalisaan b. kahinaan c. kasamaan
4. Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag-iwan ng
salimsim
a. Kahiwagaan b. malungkot na alaala c. masasayang alaala
5. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan na makita ang loob ng balon.
a. matinding pagkagusto
b. matinding pagkatakot
c. matinding pag-aalala
6. Nanamlay si Don Pedro nang umahon o makalabas sa balon dahil sa pagod.
a. Takot na takot b. walang malay c. walang sigla
7. Di mapakali si Don Juan sa pagnanais na siya ang lumusong sa ilalim ng balon.
a. Di maipaliwanag b. di malaman c. di mapalagay
8. Pinaglaban ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.
a. Kaba b. galit c. takot
9. Nanggilalas si Don Juan nang masilayan ang napakagandang si Donya Juana.
a. Nahiya b. namangha c. ninerbiyos
10. Pinigil ni Donya Juana ang nararamdaman kay Don Juan at nagkunwaring
namumuhi
a. Nagseselos b. naiinis c. nagagalit
C. Paglinang / Talakayan
1. Tatalakayin ng guro ang aralin at hihimayin ang mga layuning ibinigay.
ANG MULING PAGTATAKSIL NG DALAWANG PRINSIPE AT ANG PAGKATAGPO NG
PAG-IBIG SA BUNDOK ARMENYA
D. Pagpapalawak
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat saknong sa ibaba at iugnay ito sa totoong pangyayari
na iyong naranasan sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa o isang sitwasyon.
4. Sa matinding pagkaawa
ang puso ay lumuluhad
danga’t hindi nahihiya
niyapos ang may dalita.
__________________________________________
5.“Ano’t Ako’y masisindak
Kung ito ang aking palad?
Ipaglingkod yaring lakas
mahamak kung mapahamak
E. Pangkatang Gawain:
Magkakaroon ng pangkatang gawain.Bumuo ng isang pangkat na mayroon tig limang
miyembro. Pagkatapos ay isasadula ninyo ang mga linya na sinabi ng mga bidang
artista sa kani-kanilang pelikula at ipapaliwanag ninyo kung anong damdamin ang
namayani sa bawat pahayag.
-Kathryn Bernardo
Barcelona A Love Untold (2016)
-Nadine Lustre
Para sa Hopeless Romantic(2015)
“I was willing to wait, kaya lang napagod
ako-napagod ang puso ko na maghintay,
magtanong, magalit.”
-Piolo Pascual
Starting Over Again (2014)
-Liza Soberano
My Ex and Whys (2017)
“Ganoon naman talaga, ‘diba? Kapag
nagmahal ka, it is all or nothing .Kasi kung
hindi, bakit ka pa nagmahal?”
-Alden Richards
Hello Love Goodbye (2019)
IV. EBALWASYON:
Panuto : Hanapin sa kahon ang sagot sa sumusunod na katanungan.
V. TAKDANG ARALIN:
Gumawa ng isang hugot line ng iyong karanasan tungkol sa pag-ibig.
Inihanda ni :
CARLYN C. PACLIBAR
Teacher – I
DIONISIO Y. SOGUILON
HEAD TEACHER - I