FILDIS

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

KASAYSAYAN AT PAG UNLAD NG WIKANG PAMBANSA

Mahalagang maintindihan natin ang kasaysayan ng ating wikang pambansa, sa kung paano
nagsimula sa Tagalog na wikang opisyal ng ating nasyon, na naging Pilipino, at sa kasalukuyan
na wikang Filipino ang tawag.

I. Panahon ng Katutubo (800 BC. hanggang 800 A.D)

● Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang letra.
● Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama, wika,
aklat, galit, sadya, sandata, mutya, panday, at salita.
● Ang Alibata o Baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsusulat noon.

Pal: Ang salitang baybayin ay nagmula sa wikang Tagalog na ang ibig sabihin ay “isulat” o
baybayin. Bago pa man pumasok ang mga dayuhang mananakop sa ating bansa, ay mayroon
na tayong tinatawag na baybayin na gamit sa pagsulat. Ating makikita sa larawan na ito ay
inuukit sa isang kawayan.

● Ito ay binubuo ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig
■ Patinig – A, E-I, O-U
■ Katinig - B, D, G, H, K, L, M, N, NG, P, S, T, W, Y
● Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais
basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang
titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa
pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
● Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng
katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang
hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog.
● Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit (//) sa hulihan ng pangungusap
bilang hudyat ng pagtatapos nito.

II. Panahon ng Tsino - New Stone Age Ika-10 hanggang ika-15 siglo

● Panahon ng dinastiyang Tang, Yuan, at Sung


● Dito nakipagkalakalan ang mga Tsino sa mga sinaunang Pilipino
● Naibahagi ang mga hiram na tagalog na salita: Pancit, susi, pinggan, tsa o tsaa, Gusi
(big jar), tinghoy (oil lamp), mangkok (bowl)

III. Panahon ng Kastila (1521-1872)

Kung ang alibata ay naglalaman ng labimpitong (17) titik. Ang dating alibata ay napalitan ng
Alpabetong Romano na binubuo naman ng dalawampu’t (20) titik, limang (5) patinig at
labinlimang (15) katinig.
○ Patinig - a, e, i, o, u
○ Katinig - b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
● Ika - 15 ng Marso, 1521 – Dumating ang barko nila Magellan sa Pilipinas
● Ika - 13 ng Pebrero, 1565 – Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas sa pamumuno ni
Miguel Lopez de Legazpi.
● Ipinagutos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga katutubo. Nagtatag
ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino
ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.

Bakit ayaw ng mga Kastilang ituro ang kanilang wika sa mga Pilipino noon?
a. Natatakot sila baka sila ay mapantayan ng Pilipino pagdating sa katalinuhan
b. Natatakot silang isumbong sila ng mga Pilipino tungkol sa maling Gawain nila sa ating bansa.
c. Ayaw nila magkaisa ang Pilipino at magkaroon ng rebolusyon.

Ang PILIPINAS lamang ang dating kolonya ng ESPANYA na hindi natutong magsalita ng
Espanyol, maliban na lang sa mga nakakataas katulad ng mga middle class

● Hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika, sa halip sila ang nag-aral ng wika ng mga
katutubo

Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.

1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat
ang Espanyol.

Paliwanag: Kanilang inaral ang wika ng Pilipinas noon upang magkaroon sila ng midyum sa
komunikasyon. Para may kaunawaan ang bawat isa dahil kung ipapalaganap nila ang wikang
Kastila ay mahihirapan din sila.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.

Paliwanag: Upang hindi na sila magturo pa ng wikang Espanyol, kaya sila na mismo ang
gumawa ng paraan paano magkakaroon ng komunikasyon ang Pilipino at Kastila. Siguro din
mas mapapaniwalaan o makukuha nila ang mga loob ng Pilipino pag pinakitaan sila ng
karunungan sa pagsasalita ng wikang katutubo.

● Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at


mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika.

Paliwanag: Katekismo – ito ay opisyal na aral ng Simbahan na kung saan mapapaliwanag ang
mga aral, theological, spiritual, at moral.
● Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.
● Ginawang sapilitan ang pag-aaral. BERNAKULAR ang wikang ginamit
● Wikang Kastila sa pamahalaan, BERNAKULAR sa mga paaralan.

Paliwanag: Ang salitang BERNAKULAR ay hango sa salitang latin na “verna” na ang ibig
sabihin ay native. Ito ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pakikipag-usap
sa araw-araw ng karaniwang tao sa particular na lugar.
● Gayunpaman, nakabuti ang pasyang ito dahil nasimulan ang paglinang sa mga
rehiyunal na wika.
● Nalimot ng mga taong-bayan ang kanilang PAGANISMO, ngunit hindi ang kanilang
katutubong wika.

Paliwanag: Pag sinabing PAGANISMO, ito yung paniniwalang taglay ng mga unang Pilipino
bago pa dumating ang dayuhang mananakop.

Nakaambag ang mga kastila sa panitikan ng Pilipinas

1. Paglikha ng panibagong paraan ng pagsulat, ang Abecedario na naglalaman ng nasa


32 letra. Romanisasyon ng ALIBATA o BAYBAYIN (Abecedario)

Paliwanag: Hango ang ABECEDARIO sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat. Isa sa


mga pinakamahabang alpabeto sa mundo. Ito rin ang kaparehas na alpabetong ginamit ni
Francisco Balagtas.
2. Pagkasulat ng AKLAT GRAMATIKA ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas

Paliwanag: Kanilang itong nagawa para sa pag-aaral ng wika ng mga katutubo.

Halimbawa: Arte y vocubulario tagalo (1582 - isáng libó’t limáng daán at walóng pû’t dalawá ) ni
Padre Juan de Plasencia

● Nagsulat ang mga prayle ng mga diksyunaryo, naging bihasa sila sa katutubong wika at
ito’y kanilang gamit sa pagtuturo ng kateksimo.
● Nagbukas sila ng mga paaralan sa layuning maituro ang RELIHIYON. Dito na
magsisimulang ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng
pananakop ng mga Kastila.
● Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
● Carlos I at Felipe II – kailangang maging billinggwal ang mga Pilipino. (Natututo ng
dalawang wika ang Pilipino, Wikang Katutubo at Wikang Espanyol)
● Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
● Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo
● Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay
naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas.

Paliwanag: ang DEKRITO – sa ingles ay DECREE na kung saan ito ay isang opisyal na
kautusan na ipinapatupad ng isang sangay na may awtoridad.

● Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos
na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan
ng Indio. (Indio - tayo to, mga Pilipino)

IV. Panahon ng Propaganda at Himagsikan

● Panahon ng Kamulatan

Paliwanag: namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino noon.


● Pinangunahan ito ng pangkat ng mga Ilustrado:
○ Dr. Jose Rizal - isinulat ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo (panlaban sa
mga Espanyol sa pamamagitan ng pagsulat)
○ Antonio Luna
○ Marcelo H. Del Pilar
○ Graciano Lopez-Jaena
○ Mariano Ponce
○ Pedro Paterno, at marami pang iba.

Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng
kalinawan at kaliwanagan".

● Naitatag ang KARTILYA NG KATIPUNAN (Emilio Jacinto) na nakasulat sa wikang


TAGALOG

Paliwanag: Ito ay inilimbag ni Emilio Jacinto noong 1892. Ito ay naglatag ng mga batas at
prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó. Ang orihinal na
pamagat ng “Kartilya ng Katipunan” ay “Mga Aral ng Katipunan Ng Mga Anak ng Bayan” at
hinahangaan noon ar ngayon dahil sa matalinghaga ngunit eksaktong pormulasyon ng mga
tuntunin sa buhay na dapat sundin ng isang Katipunero. Isa sa mga aral na nasa kaniyang libro.
Ito ang ika-walong aral “Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.” (Defend the
oppressed and fight the oppressor)

● Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Tagalog tulad ng tula, sanaysay,


kuwento, liham, at talumpati upang gisingin at mulatin ang mga Pilipino.
● Ika-1 ng Nobyembre, 1897 – sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-bato
nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga
Pilipino.”
● Itinadhana sa Artikulo 123 na ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa,
pagsasalita, at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at ang pangunahing simulain ng
Ingles.

Conclusion: Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga
akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. Sa panahong ito wari’y nakahinga nang maluwag
ang mga Pilipino ngunit sa hindi inaasahan, may sumunod na dayuhang mananakop
DIMASANGAL

V. Panahon ng Amerikano

● 1898-1946

Sa panahong ito, malaki ang naging pagbabago sa kalagayang pangwika ng Pilipinas.

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbuo ng malaking pagababgo sa kalagayang


pangwika sa Pilipinas.

Nagpatayo ng pitong (7) pambayang paaralan sa Maynila

1. Philippine Normal School - 1901

2. Siliman University - 1901

3. Centro Escolar University - 1917

4. University of the Philippines - 1908

5. University of Manila - 1914

6. Philippine Women's University - 1919

7. Far Eastern University – 1919

Mga sundalong Amerikano na tinatawag na Thomasite ang siyang nagsilbing guro sa pagtuturo
ng Wikang Ingles

Mga Thomasites ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sila
ay dumating noog Aug. 23, 1901 sakay ng Barkong S.S. Thomas. 600 ang mga Thomasites na
dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino.

● Ikaapat ng Marso, 1900: Nagtatag si Kapitan Albert Todd ng mga hakbang upang
mailapat ang isang sistema ng edukasyon:

1. Pagtatag ang isang komprehensibong modernong sistema ng edukasyon.


2. Paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
3. Pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan.
Naitatag ang kagawaran ng Pagturong Pampubliko o Department of Public Information noong
1901. Naging pokus nila ang sibika (AP) sa pagtuturo ng paaralan upang mabigyan diin ang
demokratikong pamumuhay.

● 1901 – pinagtibay ng Philippine Commission sa Bisa ng Batas 74 na gawing panturo sa


mga paaralan ang wikang Ingles.

Batas 74 ng 1901 o tinatawag na Established Public Primary School. Ito ay itinatag para sa mga
pampublikong primaryang paaralan noong 1901, kung saan ito ay magbibgiay ng libreng
edukasyon pang lahat.

● Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon – Pagpilit sa paggamit ng Ingles


bilang midyum ng pagtuturo.

•Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil;


•Mabuti ang pakikisama ng mga Amerikano
•Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal
● Mga Paksa sa Paaralan: Kulturang Amerikano, Literatura, Kasaysayan, Pulitika at
Ekonomiya.
● Ipinagbawal ang pag-aaral sa anumang bagay sa Pilipino.
● Itinuro ang Alphabet (26)
● Lokal – baduy, Promdi / Imported – With Class, Sosyal
● Pinaghalo ang wikang English at Tagalog (Enggalog o Taglish)
● Nagkaroon ng Cebuano-English, Ilokano –English at Carabao-English.

● 1925 – MONROE EDUCATIONAL COMMISSION – Nakita sa sarbey na mabagal


matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang Wikang Panturo sa paaralan.

Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino kung ingles ang gamiting wikang
panturo sa paaralam batay sa isinagawang sarbey.

● 1932 – PANUKALANG BATAS BLG. 577 – Gamitin bilang wikang panturo sa mga
paaralang primarya ang mga katutubong wika mula taong panuruan 1932-1933.

VI. Panahon ng Malasariling Pamahalaan


● 1935-1942 (Komonwelt)
Napagdesisyunan ni Pangulong Manuel L. Quezon na kailangan ay magkaroon ang Pilipinas
ng isang wikang pambansa.

Ang pangangailangan ng isang wika na sinasalita at nauunawan ng lahat sa isang pamayanang


may iisang nasyunalidad at estado. ‘’

Sinikap ni Kongresista Wenceslao Vinzons na magkaroon ng probisyon sa Saligang Batas XIV,


Seksyon 3 na nag-aatas sa Kongreso na lumikha ng wikang pambansa na nakabatay sa isa sa
mga umiiral na wika sa bansa.

1934 - Nagkaroon ng Kombensyong Konstitusyonal na tumalakay sa problema sa wika at kung


aling wika ang iaatas bilang opisyal.

Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dito pinag-usapan ng
mabuti kung anong wika ang itatag bilang wikang pambansa. Nagkakaroon ng pagtatalo kung
wikang katutubo ba o wikang ingles ang gagamitin

Iminungkahi sa isinagawang deliberasyon ang mga sumusunod:


1. Ingles ang dapat maging wikang Opisyal.
2. Ingles at Español ang dapat maging wikang pambansa
3. Tagalog ang dapat maging wikang opisyal
4. Dapat magtatag ng Akademya ng Wikang Pambansa na ang pangunahing
tungkulin ay ang pag-aaral ng isang pambansang wika
5. Tagalog ang dapat maging pambansang wika
6. Vernakular ang pambansang wika
7. Magkaloob ng isang wikang pambansang wika na batay sa diyalektong
Tagalog

● Napagkasunduan nila “Dapat na katutubong Wika at hindi dayuhang Wika ang Wikang
Pambansa, at magpapatuloy bilang wikang opisyal ang Ingles at Espanyol.”

● 1935 – Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 – ang kongreso ay gagawa ng
hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.

Inatasan ang Kongreso na paunlarin at pagtibayin ang wikang pambansa na nakabatay sa


umiiral na katutubong wika.

● Ika-13 ng Nobyembre, 1936: Itinatag ang Surian ng WIkang Pambansa (SWF) na


inatasang gumawa ng pag-aaral sa mga sinasalitang wika sa Pilipinas at
magrekomenda ng pinakamagaling na maaaring maging batayan sa isang pambansang
wika.
Noberto Romualdez (Leyte) - siya ang sumulat ng batas komonwelt blg. 184

- nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) *komisyon ng pagbabalangkas sa wikang


pambansa.

- Ito ang ordinansang mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning


magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.

● Nobyembre 9, 1939: Tagalog ang kanilang pinili at isinumite kay Pangulong Quezon.
● Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika :

1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang wika.


2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang
ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa
Pilipinas.
4. Ang wikang Tagalog ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit
sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryong wikang Tagalog

● Disyembre 30, 1939: Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na


nagsasaad na wikang Tagalog ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa.
● Disyembre 1939: Nalimbag ang kauna- unahang Balarilang Pilipino na likha ni Lope K.
Santos na siyang tinaguriang Ama ng Balarilang Pilipino.

Siya rin ang naging Taga-Pangasiwa ng Surian ng WIKANG PAMBANSA noong 1941 hanngang
1946.Pinarangalan siya Bilang Paham ng Wika , Balarilang Pilipino at Haligi ng Panitikang
Pilipino.
● Abril 1, 1940: Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, inilimbag ang
Diksyunaryong Tagalog- Ingles at ang Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa
mga paaralan sa buong kapuluan.

KAUTUSANG TAGAGANAP BLG. 263

Ito ay nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng talatinigang Tagalog-Ingles at Bararila sa Wikang


Pambansa. Pinasimulan nito ang paguturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralan sa
buong bansa.
● Hulyo 4, 1946: Sa panahong ito ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng mga Pilipino.
Ipinahayag na ang opisyal na wika ng bansa ay Tagalog at Ingles na binatay sa Batas
Komonwelt blg. 570. Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570, ituturo ang wikang
pambansa bilang asignatura mula unang baitang hanggang ikaapat na taon ng
sekundarya.
VII. Panahon ng Hapon

● 1942-1945

Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig sa Pilipinas. Pinasok ng mga Hapon ang


Maynila sa Enero 2 1942.
Sa muling pagbubukas nito – ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo.
Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones.
Ibig ng mga Hapones na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles. Maging pag gamit ng
aklat at peryodiko tungkol sa Amerika

Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng Hapones ay binuksan muli ang mga
paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin
ang paggamit ng Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Ang
gobyerno-militar ay nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan. Sinusuri ang
kakayahan ng guro sa wikang Nihonggo upang kapag sila ay naging bihasa ay sila naman ang
magtuturo. Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang
kakayahan sa wikang Nihonggo.
● Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 noong Hulyo 19, 1942 na
nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo).
● Naging maunlad ang wikang pambansa, umunlad ang panitikang Pilipino.

1.Ito ay itinuring na gintong panitikan dahil sa panahon ng hapon ay sumibol ang panitikang
Pilipino sa bansa . Ipinagbawal ng mga hapon ang pagsalita at pagsulat ng wikang banyaga
paritkular na ang Ingles.

2. Sa panahon ng hapon ay naging Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga
panitikan na kasama ang kanilang kultura, mga paniniwala at kaugalian.

3. Naging malayang muli ang mga Pilipino sa kanilang pagkakakulong sa paggamit ng wikang
banyaga lalo na ang wikang Ingles noong panahon ng mga amerikano dahil sa panahon ng
hapon ay sinunog ng mga hapon ang mga panitikang banyaga sa bansa.

4. Kinilala din sa panahon ng hapon ang mga manunulat. Isa sa binigyan ng parangal noong
panahong ito ay ang isang manunulat ng maikling kuwento

5. Sa panahon ng hapon ay nabigyang siglang muli ang wikang Pambansa.


6. Nakasulat muli ang mga Pilipino ng mga tulang tagalog at natuto silang magsulat mga Haiku
na may malalim na taglay na talinghaga.

7. Sa panahong ito, ipinagutos ng mga hapones na gamitin ang wikang Nihonggo at tagalog sa
buong bansa. Noong 1942, Inihayag ng komisyong tagapagpaganap ng Pilipinas ang
Ordinansa Militar Blg 13 na nagtakda na ang wikang nihonggo at tagalog ang gagawing
wikang Pambansa.

Nobyembre 30, 1943: Sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10, ituturo ang wikang
pambansa mula elementarya hanggang kolehiyo.
Enero 3, 1944 – Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na magtuturo ng tagalog sa mga
gurong hindi tagalog.
● Walang kumontra sa mga panukala dahil takot ang lahat sa mga Hapones.

ESTRADA

VIII. Panahon ng Bagong Republika (1946 - 1972)

Graphic organizer (based sa napag-usapan natin kanina dezabells)

Hulyo 4, 1946

- Batas Komonwelt blg. 570 opisyal na ang wikang pambansa ay Tagalog.

Hulyo 1946

- Jose Villa Panganiban


- Pangulo ng SWP
- Tinaguriang Emperador ng wikang pambansa.
- Paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, passport at iba pa.

Hulyo 28, 1947 - Setyembre 18, 1947


- Julian Cruz Balmaceda
- Pangulo ng SWP
- Isang manunulat at mananaliksik
- Pinagmulan ng "Diksyunaryong Tagalog"

Disyembre 29, 1947

- Cirio H. Panganiban
- Pangulo ng SWP
- Nagpasimula ng talasalitaan: arithmetical at geometrical

1953
- Inilipat ang SWP sa Arroceros

Proklamasyon blg. 35

- Pinirmahan ni Pangulong Sergio Osmeña


- Marso 27 hanggang Abril 2 ipagdiwang ang buwan ng wika (kaarawan ni Balagtas).

Marso 26, 1954

- Pinirmahan ni Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186


- Agosto 13 hanggang 19 ang selebrasyon ng buwan ng wika (kaarawan ni Manuel L.
Quezon)

Cecilio Lopez

- Binigyang diin ang Lingguwistiko


- Mayo 25, 1955 nagbitiw sa pwesto

1959

- Jose E. Romero - isang kalihim ng SWP


- Ang wikang pambansa ay Pilipino
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

Cecilio B.P. Pineda

- Inihalal ni Pangulong Marcos bilang direktor ng SWP.

October 4, 1971

- 31 na titik na ang alpabeto: A, B,C, CH, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ, NG, O, P, Q,


R, RR, S, T, U, V, W, X, Y, Z.

Saligang Batas 1972

- Opisyal ng ipinalaganap sa Ingles at Pilipino.

IX. Panahon ng Bagong Lipunan (1972 -1985)


Bilingguwalismo

- Ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay ang
kaniyang katutubong wika.

Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

- Presidential Commission to Survey Philippine Education sa pamamagitan ng executive


order #202 noong Disyembre 24, 1969
- 1971 sa bisa ng executive order #318 nabuo ang EDUCATIONAL DEVELOPMENT
PROJECTS IMPLEMENTING TASK FORCE (EDPITAF).

1973
- Pinagtibay ang polisiya sa edukasyon.
- Resolusyon Blg. 73 (1973) iniluwal ang patakarang bilingguwal.

Pebrero 27, 1973

- Sinunod ng lupon ng pambansang edukasyon ang bilingguwalismo.

Hulyo 19, 1974

- Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 ipinatupad na ang patakarang edukasyong


Bilingguwalismo sa mga paaralan mula 1974.

X. 1986 - Kasalukuyan

Saligang Batas 1987 Art. 14 Sec. 6

- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging "Filipino".

1987

- Pinagtibay ang mga bagong titik sa alpabeto


- 28 na titik: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P ,Q, R, S, T, U, V, W, X, Y,
Z.

Kautusang Tagapagpaganap Blg.117

- Pinirmahan ni Pangulong Corazon Aquino noong Enero 1987


- Ang SWP ay tatawaging Linangin ang Wikang ng Pilipinas

Agosto 25, 1988


- Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang Batas Tagapagpaganap Blg. 335;
gagamitin ang Filipino sa lahat ng transaksyon, komunikasyon at iba pa.

Saligang Batas 1987 Art. 14 Sec. 9

- Naitatag na ang Komisyon ng Wikang Filipino noong Agosto 14, 1991 sa bisa ng Batas
Republika Blg. 7104.

6 DIVISION OF KWF: (graphic organizer)

Leksikograpiya
Lingguwistika
Pagsasaling Wika
Ibang wika at Literatura
Impormasyon at publikasyon
Pampangasiwaan

Proklamasyon Blg. 19

- Pinagtibay ni Pangulong Corazon Aquino ang pagdiriwang sa Buwan ng Wika tuwing


Agosto 13 -19.

Proklamasyon Blg. 1041

- Pangulong Fidel Ramos pinagtibay noong Hulyo 15, 1997; ang buwan ng wika ay
ipinagdiriwang sa loob ng ISANG BUWAN.

Explanation:

PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA:

Simula Hulyo 4, 1946 nagkabisa ang Batas Komonwelt blg. 570 opisyal na ang wikang
pambansa ay tatawaging ng wikang pambansang Tagalog. Noong Hulyo 1946 si Jose Villa
Panganiban ang naging pangulo ng swp. Tinaguriang emperador ng Wikang Pambansa dahil
sa kanyang nalathalang english-tagalog dictionary. Inayos niya ang pagsasalin at
pagsasaliksik na naging bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma,
pasaporte at iba pa. Na simulan na rin ang talasalitaan ng walong pangunahing wika sa
Pilipinas. Matapos manungkulan ni Jose Villa Panganiban siya ay bumitiw sa pwesto. Kung
kaya't naman noong Hulyo 28, 1947 si Julian Cruz Balmaceda na ang siyang naging pangulo
ng swp isang manunulat at mananaliksik at kanyang pinag umpisahan ang diksyunaryong
tagalog. Kalahating buwan pa lamang ng si Julian Cruz Balmaceda ay bawian ng buhay noong
Setyembre 18 1947. Kung kaya't naman si President Roxas ay inihalal si Cirio H.
Panganiban bilang pangulo ng swp noong Disyembre 29, 1947. Cirio H. Panganiban ang
diksyunaryo ng pinagmulan ng kanyang mga sinundan. Siya ang nakapag simula ng
talasalitaan kagaya na lamang ng legal terms, arithmetical and geometrical at iba pa. Taong
1953, nalipat ang swp sa Arroceros marami ring libro ang nailimbag. Pinirmahan ni Pangulong
Sergio Osmeña ang proklamasyon blg.35 na tuwing Marso 27 hanggang Abril 2 ipagdiwang
ang buwan ng wika kasabay ng selebrasyon sa kaarawan ni Francisco Baltazar, ang bantog
na kumatha ng “Florante at Laura.” Marso 26, 1954 pinirmahan ni Ramon Magsaysay ang
proklamasyon blg. 186 iusog ang selebrasyon ng buwan ng wika at gawin itong August 13 to
19 upang ipagdiwang ang kaarawan ni Manuel L. Quezon bilang "Ama ng Wikang Pambansa".
Naging masakitin si Cirio H. Panganiban kung kaya't naman hinirang ni pangulong Ramon
Magsaysay si Cecilio Lopez bilang bagong panutgot ng swp at kung atin matandaan isa siya sa
mga naging unang miyembro ng swp under sa pamumuno ni Jaime DeVeyra binigyang diin ni
Cecilio Lopez ang lingguwistiko. Ang lingguwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng
pag-aaral ng tatlo o higit pang mga lengguwahe. Dahil sa kakulangan sa pondo nag resign si
Cecilio Lopez taong May 25, 1955. Taong 1959, Jose E. Romero isang kalihim ng swp sa
kautusang pangkagawaran blg. 7 tatawaging Pilipino ang wikang pambansa. Upang
maiwasan na ang mahabang katawagang "wikang pambansang Pilipino" o "wikang pambansa
batay sa Tagalog". Inihalal ni Pangulong Marcos si Ponciano B.P. Pineda bilang direktor ng
surian ng wikang pambansa. Nagkaroon ng maraming pagbabago sa SWP. Isa na rito ang
pagkakaroon nito ng komite: komite sa gramatika at leksikograpiya, edukasyon at kultura at iba
pa. Malaki ang naging tulong ang mga komite ito sa mabilis at malawak na pagpapalaganap ng
wikang pambansa. October 4, 1971, pinagyaman ng SWP ang alpabeto na binubuo ng 31 na
titik: A, B,C, CH, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y,
Z. Mabilis ang siyang naging progreso mga wikang pambansa sa kabila ng masalimuot na
pangyayari ang hinaharap nito. Ang Saligang Batas 1972 ay opisyal ng ipalalaganap sa
English at Pilipino at isasalin sa diyalektong sinasalita ng nakararami. Gayundin sa Kastila at
Arabik. Ang batasang pambansa ay dapat na gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pormal na edukasyon ng isang panlahat na wikang pambansa ay tatawaging Filipino.

Panahon ng Bagong Lipunan

Ang Bilingguwalismo ay ang mga taong may kakayahang makaintindi at makapagsalita ng


higit pa sa isang wika. Binuo ni pangulong marcos ang Presidential Commission to survey
Philippine Education pamamagitan ng executive order #202. Nakitaan ng PSCPE ang wika
ng pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na nangangailangan ng atensyon kung kaya
inatasan niya ang PCSPE para malaman ang dapat gawin sa edukasyon. Pinagtibay ni
Pangulong Marcos ang executive order #202 na nabuo sa PSCPE. Inatasan itong gumawa ng
masusing pag-aaral sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon. 1971 sa bisa ng executive order
# 318 na binuo ni pangulong Marcos; EDUCATIONAL DEVELOPMENT PROJECTS
IMPLEMENTING TASK FORCE (EDPITAF). Sa ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng
Edukasyon upang bumuo ng programa para sa implementasyon ng mga rekomendasyon sa
Komisyon. Kasunod nito pinagtibay sa 1973 ang polisiya sa edukasyon sa pamamagitan ng
bagong Konstitusyon na nagsasaad sa Sek. 3, Artikulo XIV, na:
- Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino.

- Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang dapat na mga
wikang opisyal.

Kaya naman sa Resolusyon Blg. 73 iniluwal ang patakarang bilingguwal. Ito ay ang paggamit
ng wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay
na asignatura sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang kolehiyo sa
lahat ng paaralan. February 27,1973 sinunod ng lupon ng pambansa ng edukasyon ang
bilinggwal. Hulyo 19, 1974 ng kalihim ng edukasyon ang kautusang pangkagawaran blg. 25.
Kautusang pangkagawaran bilang 25 ang pagpapatupad ng patakarang edukasyong
Bilinggwalismo sa mga paaralan from 1974. Karagdagan, nilagdaan ng DECS o Edukasyon at
Kultura na ituturo na sa wikang Filipino at Ingles sa mga paaralan. Ang DECS ay ang tinatawag
na ngayon bilang DEPED.

TAKE NOTE:

● Sa panahon ni Pangulong Marcos, nabuo ang Bilingwalismo; kung ano ang dapat
gamiting wika sa pagtuturo. Dapat ituro ang wikang Pilipino at Ingles sa mga specific
subjects.

● Nagkaroon ng transisyon sa mga subject (1974-1978). A.P (Social Studies), Agham


Panlipunan (Social Science), Edukasyong Panggawain (Work Education), Edukasyon sa
Wastong Pag-uugali (Character Education), Edukasyong Pangkalusugan (Health
Education)

● Taong 1973, Pilipino ay lilinagin; ipinatupad ang bilingguwalismo at ang gagamitin na


midyum sa pagtuturo ay Ingles at Pilipino.

Ang SWP ay nagdaos ng mga pagsasanay sa mga gawaing kapulungan at iba pang kauri ng
gawain tungkol sa bilinggwalismo para sa mga pinuno, tauhan ng lahat ng tanggapan ng
pamahalaan, sa lahat ng guro, propesor, pinuno, at tagapangasiwa ng mga paaralan.

1986 hanggang sa Kasalukuyan

Ayon sa Saligang Batas 1987 article 14 section 6 na ang wikang pambansa ng pilipinas ay
tatawaging "Filipino". Sagisag din ng pagkakaroon ng modernisasyon ng wikang pambansa. Ito
ay dapat payabungin at pagyamanin ang mga umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Pinagtibay noong 1987, ang bagong titik ng alpabeto na mayroong 28 na titik; A, B,
C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P ,Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. Dumating ang
panahon na hindi na angkop ang swp sa modernisasyon na pagbabago kung kaya't naman sa
kautusang tagapagpaganap blg.117 pinirmahan ni Pangulong Corazon Aquino noong
Enero 1987 na ang swp ay tatawaging Linangan wika ng Pilipinas. Binubuo ang lwp ng isang
direktor, kasama ng pangalawang director at ng limang sangay nito. Ito ang mga sangay ng
pananaliksik at pagpapaunlad, leksikograpiya, pagsasaling wika at panitikan, reserbasyon at
promosyon at pampangasiwaan. August 25, 1988, nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino
ang batas tagapagpaganap blg. 335 na nagsasabi na magamit ang Filipino sa lahat ng
transaksyon komunikasyon at iba pa. Alinsunod sa saligang batas 1987 article 14 section 9
itinatag na ang Komisyon ng wikang Filipino noong Agosto 14, 1991 sa bisa ng Batas
Republika blg.7104 na pinirmahan ni Pangulong Corazon Aquino.

6 DIVISION OF KWF:

● Leksikograpiya
● Lingguwistika
● Pagsasaling Wika
● Ibang wika at Literatura
● Impormasyon at publikasyon
● Pampangasiwaan

Si Ponciano B. P. Pineda pa rin ang naging pangulo ng KWF. Ipinagtibay ni Pangulong


Corazon Aquino ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto 13-19 sa proklamasyon
blg. 19. Sa kabilang dako, si Pangulong Fidel Ramos pinagtibay noong 1997, sa
proklamasyon blg. 1041 ang pagdiriwang ng buwan ng wika sa loob mismo ng ISANG
BUWAN.

Sa kabuuan, masalimuot man ang pinagdaanan ng KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


ito pa rin ang siyang pagkakakilanlan natin.

You might also like