1st Grading eSP8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

JAIME MACATANGAY SR NATIONAL HIGH SCHOOL


Caima, Sipocot, Camarines Sur
S/Y: 2022-2023
IKAUNANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Oktubre 27-28, 2022
“No legacy is so rich as honesty.” -William Shakespeare

I. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya c. d. barangay
2. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
3. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
4. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) Alin sa mga sumusunod
na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa
iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila ng
mabuti ang kanilang mga anak.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng
edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
6. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
7. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang d. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. mga patakaran sa pamilya
8. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.

Page | 1 out of 5
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito sa
isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
11. Ang karapatan para sa _________________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan
12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay
___________________________.
a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito
ay matagumpay na malampasan.
c. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa
kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
d. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng
kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa
kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang hinaharap.
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang
mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa
hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tiniis ang hirap ng kalooban dahil malayo sa kanilang
pamilya.
15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan
ng magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba.
b. Upang masanay sila na maging Masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
c. Upang hindi lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang
mayroon siya.
17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga
maliban sa:
a. Pagtanggap b. Pagmamahal c. Katarungan d. Pagtitimpi
18. Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. Pagtatataglay ng karunungan d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal
maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
Page | 2 out of 5
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya.
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya.
d. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.
20. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim pananampalataya.
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay
maisakatuparan.
21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?

22. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa ika-21 na bilang?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampapalataya at pagpapalaganap nito.
d. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolotikal, at pang-
ekonomiyang seguridad.
23. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at mapoprotektagan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam
kung ano-ano ang karapatan at tungkulin.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolikal ng pamilya.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
24. Ano ang implikasyon ng pangungusap?
“Dapat pag-ibayuhan ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito
dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”
a. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at tungkulin nito.
b. Kung ang kabutihan ng panilya ay nagagailangan, naitataguyod at nabibigyang proteksiyon sa lipunan,
ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting
kapaligiran.
c. Ang mga pagbabago sa sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya; hindi kailangang
sumabay sa mga pagbabagong ito ang pamilya.
d. Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na ng pamahalaan ang
pangangalaga samga karapatan nito.
25. Suriin ang mga larawan. Iayos ang mga ito ayon sa maaring maging pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

a. C, B, A, D b. B, C, A, D c. D, A, C, B d. D, A, B, C
26. Sa iyong palagay, anong tanong ang kaugnay ng likas-kayang pag-unlad o sustainable development ang angkop
na itanong tungkol sa mga larawan sa bilang 25?
a. Ano ang epekto sa ating hinaharap ng mga basurang likha ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya?
b. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na basurang likha ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya?
Page | 3 out of 5
c. Paano makakatulong ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay sa pagpapanatili ng mga likas na yaman
ng daigdig?
d. Ano ang epekto ng kawalan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya?
27. Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig
lamang at hindi ang makinig, ito ay tinatawag na _________________.
a. diyalogo b. I – it c. monologo d. I – thou
28. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais. Ito ang tinatawag na
ugnayang _______________.
a. diyalogo b. I – it c. monologo d. I – thou
29. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.
a. diyalogo b. I – it c. monologo d. I – thou
30. Palaging nag-aaway ang mag-asawang Carla at Orly. Lagging magkasalungat ang kanilang mga paniniwala kaya
humahantong sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Sa sitwasyong ito, ano ang nagging hadlang sa komunikasyon
ng mag-asawa?
a. Pagiging umid o walang kibo c. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Ang mali o magkaibang pananaw d. takot na ang sasabihin ay daramdamin o didibdibin
31. Nasira ng inyong katulong ang inyong computer dahil pinakialaman niya ito. Hindi ka nagbitaw ng masasakit na
salita sa kaniya. Binigyan mo din siya ng pagkakataong magpaliwanag at tinanong mo siya tungkol sa
napinsalang nagawa. Pinag-usapan ninyo ang dapat na gagawin niya. Anong paraan ng pagpapabuti ng
komunikasyon ang iyong ginawa?
a. creativity b. care and concern c. personal d. openness
32. Ipinagluto ni Maria ang kaniyang asawa ng masarap na pagkain bago niya ito tinanong tungkol sa gastusin sa
bahay. Anong paraan ng pagpapabuti ng komunikasyon ginawa ni Maria?
a. creativity b. care and concern c. personal d. openness
33. May hindi pagkakaunawaan ang magkaibigan na si Jonah at Gina. Kung kaya’t kinausap ni Jonah ang kaniyang
kaibigan ng masinsinan. Anong paraan ng pagpapabuti ng komunikasyon ginawa ni Gina?
a. creativity b. care and concern c. personal d. openness
34. Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, ano ang natutuhan niya sa buhay?
a. bumuo ng layunin sa buhay c. magmahal
b. nagugustuhan ang sarili d. maniwala sa kaniyang sarili
35. Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, ano ang natutuhan niya sa buhay?
a. bumuo ng layunin sa buhay c. magmahal
b. nagugustuhan ang sarili d. maniwala sa kaniyang sarili
36. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, ano ang natutuhan niya sa buhay?
a. bumuo ng layunin sa buhay c. magmahal
b. nagugustuhan ang sarili d. maniwala sa kaniyang sarili
37. Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, ano ang natutuhan niya sa buhay?
a. Nagiging mapanghusga c. palaging nababalot ng pag-aalala
b. Palaging may awa sa kaniyang sarili d. lumaban
38. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pahayag?
a. Natatapos na ang tungkulin ng magulang sa mga anak sa sandaling ang mga ito ay nakapagtapos na ng
pag-aaral.
b. Tungkulin ng panganay na anak na pag-aralin ang mga kapatid nito upang makatulong sa pamilya.
c. Dapat mauna ang debosyon sa pamilya bago ang pagmamahal sa kapwa.
d. Ang diyalogo ay nararapat na higit na madali para sa isang pamilya kaysa sa hindi magkakapamilya.
39. Alin sa mga sumusunod ang may maling pahayag?
a. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili.
b. Sa loob ng pamilya dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-
alang sa kapwa.
c. Maaaring matanggalan ang ama ng pagiging ama kung hindi nito tutuparin ang tungkulin nito.
d. Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.
40. Alin sa mga sumusunod ang may maling pahayag?
a. Ang pagmamahal ang pinakamabisang uri ng komunikasyon.
b. Ang pananahimik ay isang uri ng diyalogo.
c. Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa
mga material na bagay.

Page | 4 out of 5
d. Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawasak ng pagiging makasarili ng iilan, mahalagang
hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan.

II. MORAL DILEMMA


Panuto: Ang mga sumusunod ay susukat ng iyong pagtataya pagdedesisyon desisyon ukol sa mga isyu. Bawat pilian ay
may kaakibat na puntos. Piliin ang pinakatumpak na sagot upang makuha ang pinakamataas na puntos. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

41 – 45. Si Gina ay nakapagtapos na ng pag-aaral hanggang kolehiyo sa edad na 22 sa tulong ng kanyang mga
magulang. Dahil sa cumlaude siya nakahanap agad siya ng magandang trabaho. Mayroon pa siyang dalawang kapatid na
nag-aaral. Kinausap siya ng kaniyang ina na kung pwede ay tulungan naman niya ang kaniyang mga kapatid na
makapag-aral. Ngunit, siya ay inaalok na ng kasal ng kanyang kasintahan. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Tulungan niya ang mga kapatid niya na makapagtapos ng pag-aaral dahil tungkulin niya iyon bilang kapatid.
Kailangan nating suklian ang mga paghihirap ng ating mga magulang lalo pa’t tumatanda na sila.
b. Huwag na siyang tumulong dito, kailangan unahin muna niya ang kaniyang sarili bago ang iba dahil baka mapag-
iwanan siya ng panahon. Baka hindi na siya antayin ng kanyang nobyo.
c. Hindi niya tungkulin ang pag-aralin ito ngunit bilang pagtanaw ng utang loob ay tutulungan niya dahil
kaligayahan niya na matulungan ang kaniyang pamilya.
d. Wala siyang pipilin sa mga ito. Aayusin at hahanapin muna niya ang kanyang sarili sa pagtuklas ng mga bagay na
hindi niya pa naranasan noong siya ay nag-aaral pa lamang.
e. Tutulungan niya ito subalit sasabihin niya na kapag tumuntong na siya sa edad na 26 o 27 ay magpapapakasal na
siya para hindi naman siya mapag-iwanan ng panahon.

46 – 50. Si Cindy ay kaibigan ni Janna. Naging malapit sila sa bawat isa dahil sa magkatabi sila ng upuan sa klase. Lagi
silang magkasama sa pag-aaral, kapag kumakain, at kapag may pupuntahan. Magkaklase sila hanggang sa ikasampung
grado. Isang hamon ang sumusubok ngayon sa kanilang pagkakaibigan. Napapansin ni Cindy na minsan ay parang
naiinggit at naiinis ito sa kanya. Lalong lalo na kapag mas mataas ang iskor niya kesa rito. Kahit rin sa mga kaibigan
nilang iba, naiinis ito sa kaniya kapag siya nalang ang halos bumibida sa kwentuhan at tawanan. Nais sanang kausapin ito
ni Cindy ngunit nagdadalawang isip siya kung sasabihin pa ang kanilang problema o hindi na. Ano ang nararapat niyang
gawin?
a. Huwag na niya itong kausapin dahil baka hindi naman ito making sa kanya. Mananahimik nalang siya para
walang gulo. Sabi nga niyan, mas pinagpapala ang marunong umunawa sa kapwa. Matuto tayong kontrolin ang
ating emosyon sa pamamagitan ng pagtitimpi.
b. Kausapin niya ito ng masinsinan upang malinawan kung ano ang kanilang problema at kung paano ito
masosolusyunan.
c. Maghanap nalang siya ng ibang kaibigan na hindi maiinggitin. Marami pa naman diyang iba na mas
mapagkakatiwalaan.
d. Idaan niya sa pasulat na pakikipagkomunikasyon upang hindi naman masyadong mainit ang kanilang pag-uusap.
e. Ipadaan nalang ito sa iba nilang kaibigan upang sila ang tumulong para sila ay magkaayos. Mas magandang may
pumagitan sa kanila para magkaunawan sila at hindi magsigawan.

Break a Leg!

Page | 5 out of 5

You might also like