Fil 9 Pre Test Sy 2023-2024
Fil 9 Pre Test Sy 2023-2024
Fil 9 Pre Test Sy 2023-2024
Department of Education
Region VIII
DIVISION OF EASTERN SAMAR
GUIUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
2. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling
kuwentong:
A. kababalaghan B. pangtauhan C. katutubong kulay D. makabanghay
4. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may akda sa isang pook o pangyayari ay
tinatawag na tulang:
A. mapang-uroy B. mapang-aliw C. mapaglarawan D. mapangpanuto
6. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman ay:
A. naglalarawan. B. nangungutya C. pormal. D. nang-aaliw
7. Ang panagano ng pandiwa na nagsasaad ng katotohanan ang isang bagay o pangyayari ay tinatawag na:
A. pawatas B. paturol C. pautos. D. pasakali
8. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang:
A. komedya B. tragikomedya C. melodrama D. trahedya
9. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin ng
buhay ang:
A. kathambuhay B. teatro C. dula D. sarsuwela
10.Simula nang natutong magsarili, siya’y naging responsableng bata. Ang pangungusap ay may pang-abay na
pamanahon na
A. walang pananda B. may pananda C. payak na salita D. inuulit
11.Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. _____ noon, ang
kaniyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga
Santa tuwing mayokasyon.” Anong salita ang maaaring ipuno na magiging pananda ng pang-abayna pamanahon?
A. hanggang B. mula C. kaya D. kapag
15. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang ginintuan ay:
A. nangangatuwiran B. nag-uugnay C. Naglalarawan D. nagsasalaysay
16. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay. at Nagluto si Mulong ng pansit. Ano ang angkop na gamiting pang-
ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A. kaya B. subalit C. palibhasa D. datapwat
17. Haba ng hair, Utak niya'y puro air, Amoy mo ay wagas, Dapat ka ngang magtawas: Ang saknong na mula sa
tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang:
A. mapagbiro B. mapanghikayat C. mapaglarawan D. mapang-aliw
18. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Rene, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay
malinaw.
A. pananda B. pang-ukol C. pangatnig D. pantukoy
21.___ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol. Anong anyo ng pandiwa ang angkop
na ipuno sa pahayag?
A. Nagamit B. Ginamit C. Gagamitin D. Kagagamit
22. Ang patalastas o anunsiyo ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan na may layuning:
A. maglarawan B. mangaral C. manghimok D. magpakilala
25.Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Ang
sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng:
A. pagdurusa B. kalutasan C. kaligayahan D. kalungkutan
Para sa mga bilang 26-27
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa
asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya,tulad ng nararapat..
31.Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay- kinakailangang ikahon ako. Ano
ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. itali sa bahay B. pagbawalang lumabas C. ikulong D. lahat ng
nabanggit
32. Sa pangungusap na, Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga. Aling salita ang may
dalawa o higit pang kahulugan?
A. araw B. sisikat C. umaga D. lahat ng
nabanggit
35.“Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayag ay:
A. pagkatalo B. kawalan ng kapangyarihan C. pagiging sunod-sunuran D. kasiyahan
Para sa mga bilang 37-39
Palala nang palala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa kalagayang ito.
Binabalikat ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na maaaring dulot na rin ng makabagong
kabihasnan at siyensiya. Mapapansing dahil sa malubhang pag-init ng mundo, pabago-bago ang klima sa iba’t ibang
panig ng daigdig. Ito’y bunga ng labis na paggamit ng kahoy bilang panggatong. Ang mabilis na pagkaubos ng mga
puno sa kagubatan ay nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa iba pang
mga bansa.
Sa nabanggit na mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat ito ang nagpapalala ng
polusyon sa lahat ng mga bansa. Kaya naman hindi tumitigil ang pamahalaan ng bawat bansa at mga dalubhasa sa
buong mundo sa paglutas ng mga problemang ibinibigay nito sa daigdig. Gayon pa man, hindi dapat iasa lahat sa
mga grupo ng mamamayang may malasakit ang paglutas sa suliranin sa bansa. Dapat magsimula ang pagkilos sa
mga tahanan upang mapadali ang pagbibigay ng kalutasan sa problemang idinudulot nito sa sangkatauhan.
Hango sa Hiyas ng Lahi IV Vibal Publishing, Inc
39. Ang lahat ay sanhi ng pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda, maliban sa isa.
A. paggamit ng kahoy bilang panggatong C. pagkaubos ng mga puno
B. pagtatapon sa mga estero at ilog D. makabagong kabihasnan at siyensiya
43. "Puwedeng kilala ko siya," pagbibigay-loob ni Ibarra. "Lamang ay hindi ko maalala ngayon."
a. pagpapaumanhin b. paggalang
c. katapatan d. mapagmataas
44. "Mayroon po, ginang. Dalawang malinaw kaysa mga mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa kulot ng
inyong buhok," pangangatwiran ng militar sabay layo.
a. paghanga b. pangungutya
c. pagkainis d. panunukso
45. "Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalaala."
a. pagkaawa b. pagdaramdam
c. pagmamahal d. pagkalumbay
46. "Hindi po ba kayo makikisalo sa amin, Don Santiago?" patanong na tawag ni Ibarra.
a. kasiyahan b. pag-aalaala
c. panghihinayang d. pagyaya
47. "Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting batang nag-aaral
ay nakaaalam niyan!"
a. galit b. pangungutya
c. kayabangan d. kahinaan
49. Pahilig na ang sikat ng araw subalit mainit pa rin ang singaw ng pader.
a. papalubog c. lilitaw
b. nagtatago d. puputok