Filipino Sa Piling Larang (Akademik)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

SHS

REGIONAL ACHIEVEMENT TEST


FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik)
Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at sagutin ang
tanong. Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

Para sa bilang 1- 5

Ang pagsulat ay pagsasatitik ng mga naiisip at nadarama ng isang tao.


Ito’y pagpapahayag na ginagamit ang paglilimbag ng mga simbolo upang
mailahad ang damdamin at kaisipan ng tao. Hindi madali ang gawaing pagsulat.
Nangangailangan ito ng mga kaalamang akademiko at teknikal. Kailangan
munang malinang ang iba’t ibang makrong kasanayan gaya ng pakikinig,
pagsasalita, panonood, at pagbabasa bago ang paglinang ng kakayahang mag-
organisa at magsulat ng isang sulatin o akda. Kailangan din sa pagsulat ang
kaalaman sa estruktura ng wikang ginagamit sa pagsusulat. Sangkot din dito
ang talasalitaang taglay ng isang manunulat at ang kaniyang kakayahan sa
paglikha o pagbuo ng kaniyang matatayog na kaisipan, ang kaniyang pagiging
malikhain at mapamaraan.

1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?


A. Pagsulat
B. Pagbasa
C. Panonood
D. Pakikinig

2. Mayroong iba’t ibang uri ang pagsulat. Alin sa mga ito ang may layuning
maipakita ang resulta ng isang pananaliksik na isinagawa at pormal ang paraan
ng pagpapahayag ng kaisipan?
A. malikhaing pagsulat
B. reperensiyal
C. dyornalistiko
D. akademik

3. Alin sa mga ito ang hindi kasama sa katangian ng akademikong pagsulat?


A. Ginagawa ng iskolar para sa mga iskolar.
B. Gumagamit ng mga salitang teknikal.
C. Naglalahad ng importanteng argumento.
D. Nakalaan sa mga paksang pinag-uusapan sa akademikong komunidad.

4. Saan matatagpuan ang pamaksang pangungusap sa tekstong binasa?


A. unahan
B. gitna
C. hulihan
D. di-tiyak

5. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na may salungguhit sa teksto?


A. Nakakatakot ang gawaing pagsulat.
B. Ang pagsulat ay aplikasyon ng iba pang makrong kasanayan.
C. Iilan lang ang maaaring magtaglay ng kasanayan sa pagsulat.
D. Ang kasanayan sa pagsulat ay maaring matutuhan sa pagdaan ng panahon.

Regional Achievement Test -Filipino


Para sa bilang 6 - 9

Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan


ding paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa. Sa
kabutihang-palad, tuloy ang pagsusulong ng adbokasiyang makabayan sa wika
at edukasyon ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa. Maging ang
administrasyon ng ilang unibersidad gaya ng University of the Philippines,
University of Asia and the Pacific, Philippine Normal University, Polythecnic
University of teh Philippines, National Teachers’ College, Assumption College,
Mapua Institute of Technology, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Xavier
University, De La Salle College of Saint Benilde, De La Salle University-
Dasmarinas, Technological University of the Philippines, at iba pa, ay
nagpahayag ng suporta sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa
pamamagitan ng paglagda sa mga posisyong papel na inihanda na kani-
kanilang mga Departamento ng Filipino, o kaya’y paglalahad ng komitment na
magdaragdag ng required na asignaturang Filipino.

Mula sa “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”


ng Departamento ng Filipino, DLSU

6. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit ng may-akda sa bahaging ito ng


sulatin?
A. pagsasalaysay
B. paglalarawan
C. paglalarawan
D. pangangatuwiran

7. Ano ang paksa ng teksto?


A. Pagdaragdag ng required na asignaturang Filipino sa kolehiyo
B. Pagsulong ng adbokasiyang makabayan sa wika at edukasyon
C. Pagtanggal ng asiganaturang Filipino sa kolehiyo
D. Hindi malinaw na binanggit sa teksto

8. Ano ang kahulugan ng salitang paglusaw na makikita sa pinakaunang


pangungusap ng tekstong binasa?
A. paglaho
B. pagkawala
C. pagbuwag
D. pagkatunaw

9. Ang binasang teksto ay bahagi ng isang __


A. talumpati
B. posisyong papel
C. katitikan ng pulong
D. replektibong sanaysay

Para sa bilang 10 - 13

Sa tag-init ng taong 1963 unang namukadkad ang kaniyang buhay


bilang makata. Nakasama niya sina Rogelio Mangahas at Lamberto Antonio
nang kumuha ng kursong edukasyon sa University of the East at sila-sila ang
nagpasimuno ng ikalawang matagumpay na Kilusang Modernista sa
Panulaang Filipino. Noong 1967, inilabas ang unang koleksyion niya ng tula,

Regional Achievement Test -Filipino


Makinasyon at Ilang Tula. Sinundan ito ng sampu pang koleksiyon kabilang
ang bilinguwal na Selected Poems 1968-1985. Ang kaniyang mga tula ay
inilimbag ng UP Press noong 1998 sa dalawang tomong koleksiyon na may
pamagat na, “Una Kong Milenyum”.

- Isinulat ni Virgilio Almario

10. Saan madalas makita o mabasa ang ganitong uri ng sulatin?


A. Sa pahayagan
B. Sa papel-pananaliksik
C. Sa likurang pabalat ng aklat
D. Sa bahaging panimula ng aklat

11. Ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa tekstong ito ay __


A. paglalahad
B. pagsasalaysay
C. pangangatuwiran
D. palalarawan

12. Ano ang layunin ng teksto?


A. magbigay ng impormasyon
B. manghikayat
C. mangatuwiran
D. maglarawan

13. Sa anong panauhan nasusulat ang binasang teksto?


A. unang panauhan
B. ikalawang panauhan
C. ikatlong panauhan
D. A at B

Para sa bilang 14 - 17

Mahigpit ang hawak ko sa armrest ng upuan ng eroplanong


patungongAmsterdam. Pinagpapawisan ako sa loob ng malamig at madilim na
lugar. Taong 2005, huling araw iyon ng Hunyo. Kinausap ako ng katabi ko. Isa
siyang Pilipinong seaman. Tinanong niya kung saan ako pupunta. “Oslo,”sabi
ko.”Solo?” Tumango ako, oo nga, naisip ko. Unang pagkakaton kong pumunta sa
Europa dahil magsasalita ako sa kumperensiya sa University of Oslo. Marami
akong agam-agam. Hindi ko alam ang lugar. Hindi gayon kalaki ang pera kong
dala. Kung marami akong pera, maaari akong maligaw, pero dahil tamang-tama
lamang, hindi kasama sa plano ko ang lumampas at maligaw.

Sa kabuuan ng aking paglalakbay, kayrami kong naranasang kakaibang


pagtanggap, pagtulong mula sa mga taga-Oslo, banyaga at sariling kababayan. Sa
kabila ng mapusyaw na ilaw, laging naghihintay ang araw. Kung maniniwala ka
sa kabaitan ng mga estranghero sa bang bayan, lagi mo itong makikilala sa
anumang paraan, sa ngiti man, payo, paghahatid o sa pagpapatuloy sa iyo nang
buong puso sa isang tahanan.

Maluwag na nakapatong sa armrest ang aking mga kamay habang pabalik


ng Pilipinas.

- Mula sa Solo sa Oslo ni Will P.Ortiz

Regional Achievement Test -Filipino


14. Ang binasang teksto ay halimbawa ng anong uri ng akademikong sulatin?
A. bionote
B. lakbay-sanaysay
C. abstrak
D. replektibong sanaysay

15. Sa pangungusap na, “Pinagpapawisan ako sa loob ng malamig at madilim na


lugar.”, anong bahagi ng pananalita ang kinabibilangan ng salitang
pinagpapawisan?
A. pandiwa
B. pang-uri
C. pangngalan
D. pang-abay

16. Ang ganitong uri ng sulating akademiko ay karaniwang winawakasan sa


pamamagitan ng pagbanggit sa mga ___
A. Lugar na pinasyalan o pinuntahan
B. Taong nakilala at nakasalamuha sa ginawang paglalakbay
C. Napagtanto sa ginawang paglalakbay
D. Pangyayaring naranasan sa paglalakbay na isinagawa

17. Anong panauhan ang ginamit sa tekto?


A. unang panauhan
B. ikalawang panauhan
C. ikatlong panauhan
D. lahat ng nabanggit

Para sa bilang 18-20

* Ayusin ang mga pangungusap ayon sa wastong pagkakasunud-sunod upang


makabuo ng isang maayos na talata.

I. Silang mga babae ang gumagabay at nagtuturo sa anak ng magagandang


asal at ugali na minana pa natin sa ating mga ninuno.

II. Ang ina ng tahanan ay magandang halimbawa ng nilalang na


nakakatulong sa ating pamahalaan sa pagtataguyod ng isang maunlad na
lipunan.

III. Ito ang magiging puhunan nila sa kanilang pakikipagkapuwa, sa kanilang


pakikipagtalastasan at sa kanilang pag-aral tungo sa magandang
kinabukasan.

18. Alin sa sumusunod ang wastong pagkakaayos ng mga pangungusap?


A. I, II, III
B. II, I, III
C. III, I, II
D. II, III, I

Regional Achievement Test -Filipino


I. Walang wikang umuunlad kung hindi ito nababasa’t naisusulat.

II. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga
kaisipang hango sa ibang kultura.

III. Kailangang makipag-usap ang ating katutubong wika sa mga wika ng ibang
bansa sa halip na isantabi ito sa muling pag-aakalang hindi na ito angkop sa
nagbabagaong panahon.

19. Ang pinakaangkop na pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap na ito ay


___.
A. III, II, I
B. II, I, III
C. I, III, II
D. I, II, III

20. Paano gagawing organisado ang pagsulat ng isang sulating akademiko?


A. Magsagawa ng pananaliksik.
B. Gumawa muna ng balangkas.
C. Ugaliing magbasa ng mga kahalintulad na sulatin.
D. Linangin ang kaalaman sa gramatika.

Para sa bilang 21 - 23

Sabi ng mga eksperto, matatagalan pa bago mawala ang coronavirus o


ang COVID-19. Pero ang pahayag ng World Health Organization (WHO)
kahapon, maaaring hindi na umano umalis o mawala ang sa piling ng mga tao
ang sakit na ito. Mananatili na umano ito na walang pinagkaiba sa sakit na
tuberculosis (TB) at Acquired-Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Ang tanging
magagawa para ito malabanan ay ang makatuklas ng bakuna. Pero kahit na
nga may bakuna, mananatili na ang sakit na ito sa kapaligiran o ang tinatawag
na endemic. Pahihinain lamang ito ng bakuna pero kahalubilo na ng mga tao.
Kung totoo ang sinabi ng WHO na magiging endemic ang COVID-19 ,
nararapat lamang na ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-
iingat para makaiwas sa virus. Huwag nang bumalik sa dating nakasanayan
na hindi nagsusuot ng face mask, kumpul-kumpol sa isang lugar,, hindi
naghuhugay ng mga kamay, at kung ano-ano pang hindi magandang gawain
na nagdudulot ng pagkakasakit.
Source: star.com.cdn.ampproject.org.

21. Paano naisaalang-alang ng may-akda ang etika sa tekstong binasa?


A. Nagsagawa siya ng pananaliksik
B. Kinilala niya ang pinagmulan ng mga impormasyon
C. Nagpahayag siya ng kaniyang saloobin tungkol sa isyu
D. Nagbigay siya ng impormasyong batay sa napapanahong isyu

Regional Achievement Test -Filipino


22. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang etikal at responsableng manunulat?
A. Hindi gumagamit ng datos na kuwestiyonable
B. Nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyong
nakuha sa mga aklat
C. Binabanggit ang pinagmulan ng ideya
D. Lahat ng nabanggit

23. Ito ay tumutukoy sa tahasang paggamit at pangogopya ng mga /o ideya nang


walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
A. Etika
B. Etikal
C. Plagiarism
D. Pagnanakaw

Para sa bilang 24 - 29

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Lydia C. Perez,


Designated MCDO, ng katitikan ng MCDC para sa nakaraang pagpupulong
noong Hunyo 23, 2011. Nilinaw ni G. Bernardo C. Patalay, II Tagapangulo ng
MCDC, na sinagot naman ni Gng. Roseni C. Real na nakalagay na sa Resolution
na nag-take effect ang resignation noong mismong araw ng pagre-resign, Hunyo
23, 2011. Iminungkahi ng G. Bernardo Patalay ang maayos na pag-turn over ng
lahat ng records, maging ng mga pautang at natitirang pondo ng MCDC. At sa
mungkahi ni Gng. Erlinda E. Bagsit na pinangalawahan naman ni Bb. Nelia
Valencia, ang bagong Ingat-Yaman ng MCDC, ay napagtibay ang katitikan ng
nakaraang pagpupulong ng MCDC.

Sumunod ay ang pag-uulat ukol sa Pananalapi ng MCDC, na isinagawa


pa rin ni Gng. Erlinda Bagsit bagamat hindi na siya ang kasalukuyang Ingat-
Yaman, sa kadahilanang hindi pa tapos ang turnover ng mga records.At ayon
sa kanya ang Cash in Bank ay nagkakahalaga ng P47,487.05, at ang Cash on
Hand ay P461.00.May pagkakautang na meryenda ng nakaraang pagpupulong
Marso, sa Always Nine Canteen na di pa matukoy kung magkano ang halaga.

-Mula sa Katitikan Ng Buwanang Pulong Ng Municipal Development Cooperative Council ng Ibaan

24. Batay sa nilalaman ng tekstong binasa, mahihinuha na ito ay isang halimbawa


ng akademikong sulatin na tinatawag na _____.
A. Katitikan ng Pulong
B. Lakbay-sanaysay
C. Replektibong Sanaysay
D. Posisyong Papel

25. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pagsulat ng katitikan ng pulong MALIBAN


sa isa.
A. Nagsisilbi itong batayan sa susunod na pagpupulong.
B. Nagiging batayan ito sa pagsubaybay sa mga problema at aksyong napagtibay
sa pulong.
C. Nakatutulong ito lalo na sa mga miyembrong hindi nakadalo sa pulong bilang
kanilang referens
D. Nagpapatunay ito na nagkakaroon ng pagpupulong ang isang organisasyon.

Regional Achievement Test -Filipino


26. Alin sa mga impormasyong ito ang hindi kailangan sa pagsulat ng katitikan ng
pulong?
A. oras ng pagsisimula at pagtatapos ng pulong
B. mga lugar na pinuntahan
C. pangalan ng mga dumalo at di-dumalo
D. petsa at lugar ng pagpupulong

27. Ano ang aspekto ng pandiwang ginamit sa tekstong binasa?


A. perpektibo
B. imperpektibo
C. kontemplatibo
D. perpektibong katatapos

28. Bakit kinakailangang itala sa katitikan ng pulong ang iskedyul ng susunod na


pulong?
A. Upang makakuha ng iba’t ibang impormasyon.
B. Upang makapagplano ng awitin pagkatapos ng pulong.
C. Upang malaman kung kailan at saan ang susunod na pulong.
D. Upang makita ang mahahalagang tala hinggil sa paksang natalakay.

29. Ang sumusunod ay mga dapat gawin habang nagpupulong MALIBAN sa isa.
A. Repasuhin ang isinulat.
B. Magtala ng lahat ng mga napag-usapan sa pulong.
C. Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon.
D. Isama ang petsa, oras, at lokasyon ng pulong, gayundin ang mga pangalan
ng mga dadalo.

Para sa bilang 30 - 33

1. Proponent ng Proyekto: Sentro ng Wikang Pilipino

2. Kaligiran ng Proyekto
Itinakda sa Konstitusyong 1987 na Filipino ang wikang pambansa. May
probisyon din dito tungkol sa pagpapaunlad ng Filipino gaya ng sumusunod:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika. (Artikulo VIV, Seksiyon 6)

Ang proyektong Bahanding Sarita ay kumikilala sa probisyong pangwika


na ito sa Konstitusyon. Nagpapanukala ito ng isang estratehiya sa
pagpapayaman ng wikang Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng
kemperensiya na magtatampok sa mga salitang dapat mailahok sa korpus ng
wikang pambansa.

3. Deskripsiyon ng Proyekto
Ang proyekto ay may dalawang bahagi: una, saliksik at pagbuo ng papel
tungkol sa salita mula sa isa sa mga wikang katutubo sa Pilipinas na dapat
maihalok sa korpus ng wikang pambansa; at ikalawa, kumperensiya at
paligsahan na magtatampok sa resulta ng saliksik.

- Hango sa Bahanding Sarita: Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino

Regional Achievement Test -Filipino


30. Tungkol saan ang paksa ng tekstong binasa?
A. Tungkol ito sa isang proyektong natapos.
B. Tungkol ito sa isang proyektong nais isakatuparan.
C. Tungkol ito sa Sentro ng Wikang Filipino.
D. Tungkol ito sa isang proyekto.

31. Ang tekstong binasa ay halimbawa ng anong uri ng sulating akademiko?


A. abstrak
B. katitikan ng pulong
C. konseptong papel
D. panukalang proyekto

32. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mahahalagang bahagi ng ganitong uri
ng sulating akademiko?
A. pamagat
B. badyet na kakailanganin
C. pakinabang ng proyekto
D bunga ng pananaliksik

33. Ano ang layunin ng pagsulat ng sulating ito?


A. Layunin nitong lumutas ng isang problema o suliranin.
B. Layunin nitong maiparating sa iba kung tungkol saan ang proyekto.
C. Layunin nitong tugunan ang pangangailangan ng buong bansa.
D. Layunin nitong ilarawan ang isang pinaplanong proyekto.

Para sa bilang 34 - 38

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano


ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyona,
espiritwal, mental, pinansiyal, relasyonal, at sosyal. Ang nasabing pananaliksik
ay sumailalim sa quantitative method at ginamitan ng non-random convenient
sampling kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base
sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpu’t lima (35) na
batang ina na may edad na labindalawa hanggang labingwalo na nainirahan sa
Srta Risa Akaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba
ang mean score ng anim na salik kapag igrinupo sa pagkakakilanlan: kung ito
ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Hango sa Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
nina Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic, at Fernando A. Garcia

34. Ang pananalitang ginamit sa teksto ay __


A. simple at pormal
B. impormal at simple
C. teknikal at impormal
D. matatayog na pananalita

Regional Achievement Test -Filipino


35. Ano ang tawag sa ganitong uri ng sulating akademiko?
A. pananaliksik
B. abstrak
C. memorandum
D. ulat-aklat

36. Ang ganitong sulatin ay karaniwang binubuo lamang ng __


A. 50 -100 salita
B. 100 - 150 salita
C. 200 - 300 salita
D. 300 - 500 salita

37. Saang bahagi ng papel-pananaliksik makikita o mababasa ang ganitong uri ng


sulating akademiko?
A. unahan
B. gitna
C. hulihan
D. unahan at hulihan

38. Ano ang layunin ng pagsulat ng ganitong uri ng sulating akademiko?


A. Layunin nitong paikliin ang isang buong papel pananaliksik upang mabigyan
ng pangkalahatang ideya ang mambabasa patungkol sa nilalaman nito.
B. Layunin nitong paikliin ang kabuuang manuskrito para madaling basahin.
C. Layunin nitong ibuod ang isang papel-pananaliksik upang hindi mahirapan
ang mga miyembro ng panel sa pagbibigay ng kanilang mungkahi.
D. Layunin nitong ibuod ang isang papel-pananaliksik upang kaagad na
matanggap sa mga refereed journal.

Para sa bilang 39 - 40

Ang pagsusulat ng mga liham-pangkahilingan (petition) at pasasalamat


(thanksgiving) ay isa sa mga pangunahing gawain ng mga deboto sa Pambansang
Dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, Lungsod ng Parañaque. Bilang
isang tanda ng popularidad ng uri ng debosyong ito, ang Pambansang Dambana
ay nakatatanggap ng humigit-kumulang 2,500 na mga liham sa loob ng isang
linggo. Sa papel na ito ay itinuturing ang pagiging deboto bilang isang anyo ng
pakikipagkapwa. Batay sa malapitang pagbabasa ng mga liham, makikitang
tampok sa mga deboto ang pagka-Ina ni Maria na nagdudulot ng isang pakikipag-
ugnayan sa isang itinuturing na “hindi ibang tao” at paghingi ng biyaya mula rito.
Ang mga dalumat na ito ay makapagbibigay ng mga panimulang kaisipan sa pag-
unawa ng kahalagahan ng paniniwala sa pang-araw-araw na buhay sa
pamamagitan ng paglulugar ng pagiging deboto sa konteksto ng pagkatao at
kulturang Pilipino.
Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga
Liham Pasasalamat ng mga Deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran
Ni: Manuel Victor J. Sapitula

Regional Achievement Test -Filipino


39. Anong uri ng akademikong sulatin ang tekstong ito?
A. Abstrak
B. Bionote
C. Lakbay-Sanaysay
D. Posisyong papel

40. Alin sa sumusunod ang katangiang taglay ng binasang teksto?


A. Malinaw at organisadong inilahad ang pangyayari sa buhay ng isang tao.
B. Pormal at ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pag-uusapang paksa.
C. Malinaw at organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kuwento.
D. Malinaw, organisado at naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol
sa isang pag-aaral.

Para sa bilang 41 - 42

Tulad ng pahayag ni Marco (2016), malaki ang ugnayan sa isa’t isa ng


kultura at wika dahil sinasabing nasasalamin ang kultura ng isang lahi sa
wikang sinasalita ng lahing rehiyon gayundin naman sa paraang ang kultura
ang nagdidikta ng mga leksikon na nagiging bahagi ng wika ng isang lahi.
Subalit ang kamalayang ito ay kailangang may kaakibat na gawain o
programang pangwika upang higit nilang makilala ang kultura ng bawat bayan
at mabigyan ito ng pagpapahalaga.
-Lingguwistikong Katangian ng mga Wikain sa Sorsogon

41. Batay sa binasang teksto, naipakita ba ang etikal na pamantayan sa bahaging


ito ng isang papel-pananaliksik?
A. Oo, dahil naipakita sa halimbawa ang katotohanan ng isinagawang
pananaliksik.
B. Oo, dahil ipinakita ang katapatan sa pananaliksik sa pamamagitan ng
pagkilala sa pinagmulan ng ideya.
C. Hindi, dahil kulang ang impormasyong inilahad tungkol sa awtor.
D. Hindi malinaw, dahil kulang ang impormasyon upang masukat ang etikal na
pamantayan sa pananaliksik.

42. Anong pananaw ang ginamit sa pagsulat ng tekstong ito?


A. Unang panauhan
B. Ikalawang panauhan
C. Ikatlong panauhan
D. Di-tiyak

Regional Achievement Test -Filipino


Para sa bilang 43 - 45

Si Dr. Delia V. Mendoza ay dating punungguro ng Amtic National High


School, Amtic, Lungsod ng Ligao kung saan niya binuo ang konsepto ng Sunflower
Festival na ngayon ay kilala bilang Festival ng Lungsod ng Ligao. Nanungkulan rin
siya bilang Department Head ng Araling Panlipunan sa Ligao National High School,
Lungsod ng Ligao sa loob ng maraming taon kung saan siya ay nag-uwi ng
maraming karangalan gaya ng Outstanding National Drug Education Program
(NDEP) Implementer (National Level). Kinilala rin siya bilang mahusay na tagasanay
sa larangan ng Poster Making.

Dahil sa kanyang di-matatawarang galing, tumanggap siya ng maraming


parangal. Itinanghal siya bilang “Most Inspiring Teacher of the Philippines noong
2016. Ginawaran din siya ng Academic Excellence Award in Social Science sa De
la Salle University, Taft Avenue, Manila.

Una niyang nasilayan ng kagandahan ng daigdig sa San Juan City, Metro


Manila noong Oktubre 29, 1949 sa pamamagitan ng kanyang mga magulang na
sina Alfonso L. Mendoza at Modesta V. Mendoza ngunit lumaki siya sa Daraga,
Albay. Nagtapos siya ng elementarya at sekondarya sa Bicol University, Lungsod
ng Legazpi. Nagkolehiyo siya sa Bicol University College of Agriculture, Guinobatan,
Albay. Nakatira siya ngayon sa Purok 5, Binatagan, Lungsod ng Ligao.

43. Anong impormasyon ang inilahad patungkol sa taong binanggit sa binasang


teksto?
A. Patungkol sa kaniyang personal na buhay at mga pagpupunyagi
B. Patungkol sa kaniyang piniling propesyon at mga natamong tagumpay
C. Patungkol sa kaniyang pagsisikap, pagpupunyagi, at pagtatagumpay
D. Patungkol sa kaniyang personal profile, mga ambag at natamong karangalan

44. Batay sa tekstong binasa, mahihinuha na ang bionote ay __________ sa buhay


ng isang tao na naglalaman ng buod ng kaniyang akademikong karera.
A. tala
B. talumpati
C. paglalarawan
D. pagpapakilala

45. Ang ganitong sulatin ay karaniwang isinusulat gamit ang estilong inverted
pyramid o pabaligtad na tatsulok. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Unang inilalahad ang mga impormasyong di-gaanong mahalaga
B. Huling inilalahad ang pinakamahalagang impormasyon.
C. Inilalahad ang mga impormasyon mula sa pinakamahalaga patungong di-
gaanong mahalaga.
D. Inilalahad ang mga impormasyon mula sa di-gaanong mahalaga patungong
pinakamahalaga.

Regional Achievement Test -Filipino


Para sa bilang 46 - 47

Nakababahala para sa mga magulang kung jejemon ang isang anak dahil
nakikita nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung talagang
nahumaling na ang isang tao sa paggamit ng jejemon, ginagamit niya na rin ito
sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung hindi naiintindihan ng mga
magulang ang jejemon, magkakaroon ng isang harang sa pagitan ng magulang at
anak sa komunikasyon. Dahil dito, maaaring mapalayo ang loob ng anak sa
kaniyang mga magulang.

Sipi mula sa ‘Kultira at Sistemang Jejemon: Pag-aaral sa Varayti at Baryasyon


ng Filipino Slang” salindaw, 2012 Ni: Vivencio M. Talegon

46. Anong pamamaraan o estratehiya sa pagsulat ang ginamit sa tekstong binasa?


A. Depinisyon
B. Paglilista
C. Pagkokompara
D. Sanhi at Bunga

47. Kanino tumutukoy ang salitang nasasalungguhitan sa tekstong binasa?


A. anak
B. magulang
C. ina at ama
D. anak at magulang

Para sa bilang 48 – 51

Ang mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mahihirap ay lalong


humihirap. Iyan ang nangyayari sa ating bansa. Hindi ito kataka-taka dahil hanggang
ngayon ay marami pa ring “corrupt” na opisyal sa gobyerno. Hindi rin nagbabayad ng
tamang buwis ang karamihan ng ating mamamayan kaya kulang ang pondo ng
gobyerno para sa mga proyekto.

48. Ano ang kahulugang ipinapahiwatig ng pahayag na “Ang mayayaman ay lalong


yumayaman habang ang mahihirap ay lalong humihirap?”
A. mahihina ang mahihirap
B. maraming Pilipino ang mahirap ang buhay
C. madidiskarte ang mayayaman kaysa mahihirap
D. may diskriminasyon sa estado ng buhay

49. Alin ang kasalungat sa Filipino ng salitang corrupt na ginamit sa teksto?


A. ganid
B. sakim
C. tapat
D. mapagbigay

Regional Achievement Test -Filipino


50. Ang pariralang opisyal ng gobyerno, ay tumutukoy sa __________________.
A. pinuno ng pamahalaan
B. tagapagpatupad ng batas
C. tagapataw ng buwis
D. mamamayang Pilipino

51. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng talata bilang diwa nito?


A. Pantay na Tungkulin at Karapatan
B. Ang Pinuno at Mamamayan
C. Ang Bansa sa Kamay ng mga Pinuno at Mamamayan
D. Kinabukasan ng Bansa: Kanino Nakasalalay?

Para sa bilang 52
I. Mga Adyenda:
➢ Ulat ng naisagawang pagsasanay sa korespondensiya opisyal,
Ortograpiyang Pambansa at KWF Masinop na Pagsulat;

➢ Pagsasanay at Patimpalak sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021;

➢ Panubaybay na Ulat ng bawat Sangay sa pagpapatupad ng


Kurikulum sa Filipino; at

➢ Iba pang kaugnay na bagay/gawain

52. Sa anong uri ng sulatin kadalasang makikita ang bahaging nasa loob ng kahon?
A. kumperensiya
B. katitikan ng pulong
C. posisyong papel
D. talambuhay

53. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa talumpati bilang


isang sining?
A. Ang pagtatalumpati ay sining ng maayos na paghahanay ng mahahalagang
kaisipan.
B. Ang pagtatalumpati ay isang sining tungkol sa pagpapaniwala.
C. Ang pagtatalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng mga tao.
D. Ang pagtatalumpati ay bunga ng layuning kumampi sa iisang proposisyon.

54. Alin sa sumusunod ang layunin ng politiko sa pagtatalumpati?


A. Maipahatid ang mga tuntunin ng paaralan
B. Maisabuhay ang mga salita ng Diyos
C. Mailahad ang plataporma
D. Maipaliwanag ang mga batas na ipinapatupad

55. Paano ilalapat ang kronolohikal na hulwaran sa pagsulat ng isang talumpati?


A. Ang paghahanay ng mga materyales sa talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
B. Ang paksa ay maaaring talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang.
C. Ang pangyayari ay inihahanay batay sa nais na mangyari.
D. Ito ay madalas na ginagamit sa talumpating nanghihikayat

Regional Achievement Test -Filipino


56. Alin ang pinakaangkop na paksang pangungusap para sa paksang, “Kompyuter
at Pag-aaral”?
A. Magagamit ang kompyuter upang hindi mainip sa pag-aaral.
B. Magagamit nang epektibo ang kompyuter kung pahahalagahan ang
katuturan nito sa pag-aaral.
C. Matutulungan ng kaalaman sa kompyuter ang mga mag-aaral, pamilya,
komunidad, at bansa.
D. Kompyuter ang sagot sa kakulangan ng libro sa mga aklatan.

57. Sa paksang: Kompyuter at Pag-aaral”, anong pamagat ang pinakaangkop


gamitin para rito?
A. Tara nang Magkompyuter Habang Nag-aaral
B. Tara nang Magkompyuter Nang Sipaging Mag-aral
C. Ang Kompyuter sa Nagbabagong Mundo ng Teknolohiya
D. Kompyuter: Makabagong Paraan, Bagong Kaalaman

58. Ang sumusunod ay mga paglabag sa larangan ng etikal na pagsulat na


maituturing na palagiyarismo. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
A. Hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya.
B. Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag.
C. Hindi paglalagay ng pamagat sa isinulat na artikulo.
D. Hindi ginamitan ng sariling pananalita ang mga akdang ibinuod at hinalaw.

59. Bahagi ng paghahanda para sa pagsulat ng talumpati ang pagsasaalang-alang


sa aktuwal na haba ng pagbigkas nito na umaayon sa oras na ibinigay. Ilang
minuto ang dapat ilaan kung ikaw ay naimbitahang magtalumpati sa isang
seremonya?
A. 3 -4 minuto
B. 5-7 minuto
C. 18 – 22 minuto
D. 20 – 25 minuto

60. Ang pagsulat ng talumpati ay maaaring hatiin sa tatlong yugto: ang


paghahanda, pananaliksik at pagsulat. Sa aling yugto ginagawa ang pag-alam sa
layunin, tagpuan at inaasahang tagapakinig/manonood ng pagtatalumpati?
A. Paghahanda
B. Pagpaplano
C. Pananaliksik
D. Pagpaplano at Paghahanda

Regional Achievement Test -Filipino

You might also like