Dapat Perfect
Dapat Perfect
Dapat Perfect
Bakit, Saan, Kailan at Paano. Sa paglalahad, maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na
inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya. Nagpapaliwanag din ito ng
kahulugan at kahalagahan ng isang konsepto o salita.
Para sa pagsasalaysay, ang susing salita naman ay pagkukuwento. Pagkukuwento ito ng isang pangyayari
o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan.
Para sa paglalarawan, ang susing salita dito ay pagpapakita ng katangian. Nagpapahayag ito ng mga
katangian batay sa limang pandama: paningin,pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.
Para sa pangangatwiran, ang susing salita ay panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng
tagapagsalita. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang
mga tagapakinig. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at
mas makumbinsi ang mga tagapakinig.