Ang Sining NG Pagtatalumpati

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Sining ng Pagtatalumpati

3 Kahulugan ng Talumpati

 Sining na maayos na paghahanay ng mahahalagang kaisipan at mabisang paraan ng paghahatid


ng mga ito sa mga tagapakinig.

 Agham at sining tungkol sa pagpapaniwala o panghihikayat.

 Magalang na pagsasalita sa harap ng mga tao ukol sa isang mahalaga at napapanahong paksa.

TALUMPATI

 Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng madla na naglalayong magbigay ng


impormasyon o manghikayat patungkol sa isang partikular na paksa o isyu.

 ✓ Layunin nitong manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon


at maglahad ng isang paniniwala.

 ✓ Sa pagpapahayag nito, dapat na organisado, matibay ang impormasyon at epektibo ang


wikang ginagamit.

 Anumang uri ng pagsasalita sa harap ng maraming tao, mapapribado man o mapubliko.

 Sa pormal na depinisyon, ito ay sining ng mahusay at magalang na pagsasalita sa publiko tungkol


sa isang mahalagang paksa, para magpabatid, magturo, manghimok o mang-aliw.

 Deveza (1976)

 Isang agham at sining tungkol sa pagpapaniwala.

 Agham sapagkat nasasaklawan ng mga alituntunin.

 Sining pagkat ang tunay na pakay nito ay ang paghubog ng isang kadalubhasaan.

 Layunin nitong gisingin ang pananais ng madla na magsagawa ng isang bagay.


3 Elemento Na Dapat Isaalang-alang Sa Pagtatalumpati

 MANANALUMPATI

 TALUMPATI

 TAGAPANOOD /TAGAPAKINIG

Halimbawa
URI NG TALUMPATI

 Impromptu o Biglaan

 Extemporanyo o Maluwag

 Preparado o Handa

 Impromptu o Biglaan

◦ Walang paghahandang isinasagawa basta random na tatawagin ang mananalumpati at


pagsasalitain.

◦ Halimbawa:

◦ Kasal , kaarawan, o promosyon

 Extemporanyo o Maluwag

◦ Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na makapagisip-isip sa paksang


noon din lamang ipinaalam sa kanya kaya karaniwan nang naisasagawa lamang ang
balangkas para sundan sa hindi isinaulong sasalitain.

◦ Kalimitamg nagyayari ang ganitong paligsahan sa mga paaralan.

 Preparado o Handa

◦ ipinapaalam ang paksa bago sumapit ang okasyon. Sadyang naghahanda, nagsasaliksik,
isinasaulo at pinagsasanayan ang gagawing talumpati.

Ang Paksa ng Talumpati

 Angkop sa personalidad at interes at takdang panahon ng mananalumpati.


 Angkop sa interes, gulang, gawain, karanasan, atb, ng tagapaking.

 Angkop sa okasyon.

BAHAGI NG TALUMPATI

1. PAMBUNGAD- bahagi kung saan tinatawag o kinukuha ang atensyon ng tagapakinig.

2. PAGLALAHAD- pinakakatawan ng talumpati, inilalahad dito ang issue, diwa at paksang


tatalakayin.

3. PANININDIGAN- pagpapahayag ng katwiran hinggil sa isyu.

4. PAMIMITAWAN- wakas ng talumpati.

 Dapat taglayin ng isang Mananalumpati

 MALAWAK NA KAALAMAN

 TIWALA SA SARILI

 KASANAYAN

Mga Katangiang dapat taglayin ng Mananalumpati

 May interes sa kapaligiran

 May angking kasanayan

 May pulso sa publiko

 May ganap na kaalaman sa paksa

 Mapakiramdam at may pandamang palatawa

 Mapamaraan

 Matikas ang tindig, malinis ang pananamit at maginoo ang kilos.


 May diretsong tingin, may kontroladong boses, may makulay na tono at may makahulugang
kumpas.

 May malinaw na bigkas ng salita

Mga Hakbang Sa Pagtatalumpati

 BIGLAAN O DAGLIAN

1. HAKBANG SA PUNTO-pagpapahayag ng punto

2. HAKBANG SA DAHILAN- pagbibigay ng balidong dahilan ukol sa paksa.

3. HAKBANG SA EBIDENSYA- paggamit ng kagamitang makatutulong sa pagpapaliwanag.

4. HAKBANG SA PAGPAPAHAYAG- pagtiyak sa gagawing pagpapaliwanag.

 MALUWAG

1. Bubunot ang mga kalahok ng kanilang paksang tatalakayin.

2. Bibigyan sila ng ilang minuto para linangin ang paksa.

3. Tsaka na magpapahayag ng punto at impormasyong nais ipabatid.

 KALAKASAN

1. Sa di pinlanong okasyon, nabibigyan ng pagkakataon ang mananalumpati ng oras para


maghanda.

2. Malaya silang makapipili ng sariling paksang tatalakayin.

 KAHINAAN

1. Hindi nakasusunod sa lohikal na konklusyon ang mga baguhan, kayat kapansin-pansin


ang paulit-ulit at pabalik-balik na pagpapahayag. Paikot-ikot pa ang nilalaman ng
tpaksang tinatalaka.

 HANDA O PREPARADO

1. PAPEL NA GINAGAMPANAN NG MANANALUMPATI

2. Sumulat, basahin at pag-aralan ang pyesang nagawa.

3. Lapatan ng wastong kumpas ng kamay ang mga mahahalagang salitang gagamitin.

4. Alamin ang tamang lakas-hina, bilis-bagal ng pagbigkas ng mga salita.


5. Alamin din ang angkop na ekspresyon ng mukha para sa mahahalagang pangungusap.

Ang Paghahanda Ng Talumpati

 Mga tanong na dapat masagot bago naganap ang pagtatalumpati.

1. Anong uri ng talumpati ang magaganap?

2. Ano ang layunin at magdaraos ng talumpati?

3. Sino ang manonood/makikinig sa programa?

4. Kung patimpalak, sino ang lalahok?

5. Kung hindi, sino ang magtatalumpati?

6. Ano ang pakinabang ng manonood/ tagapakinig matapos mapanood/mapakinggan ang


talumpati.

Layunin ng Talumpati o Mananalumpati

 Magturo

 Magpabatid

 Manghikayat

 Manlibang

 Pumuri

 Pumuna

 bumatikos

You might also like