Exam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Preliminaryong Pagsusulit sa FIL.

210 Introduksyon sa Pagsasaling-Wika

March 25, 2022

I. Pagpapaliwanag: Ipaliwanag ang bawat pakahulugan nina Rabin, Nida at


Virginia Woolf sa pagsasaling-wika.(10 puntos bawat numero)

Ayon kay C. Rabin, 1958:

“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”

Sagot: Ang pagsasaling-wika at proseso kung saan ang mga salita o pahayag ay
inasalin sa ibang wika na magkatulad .

Ayon kay E. Nida, 1959/1966

“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit


na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa
kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”

Sagot: Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na


katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.

Virginia Woolf

“Isang pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagbabasa ng mga salin ng


panitikang Griyego. Ang alinmang salin ay tiyak na hind makapapantay sa
orihinal.”

Sagot: Ang Pagsasaling wika raw sa griyego ay pag-aaksaya lamang ng oras at


panahon. Dahil para kay Virginia Woolf mas maganda at wala pa ring tatalo sa mga
original na salita kaysa sa mga salin wika.

II. Sinu-sino ang mga nasa larawan?Ipakilala ang bawat isa. (5puntos bawat
numero)

1.Livius Adronicus – kinikilalang unang tagasaling-wika. Isinalin niya nang patula sa


Latin ang odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang Griyego noong 240 B.C.
2.Varro – ay isa siya mga batikanh manunulat at siya nagpatibay ma si Livius Adronicus
amg pinagmulan ng Latin Literature.

3.Cicero -isang Romanong pilosopo at consul. Siya rin ay isang bihasang


manunulumpati, manunulat, kinikilalang pinakamagaling sa wikang Latin at nakilala rin
bilang isang mahusay na tagasaling-wika.

4.Horace – ay isa siya sa mga batikang manunulat at siya nagpatibay na si Livius


Adronicus ang pinagmulan ng Latin Literature.

III. Pagbubuod: Ibagay ang bawat buod o nilalaman ng bawat yugto sa


Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas. ( 5 puntos bawat numero)

1. Unang Yugto: Panahon ng mga Kastila


•Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagsimula sa pangangailangang
Mapalaganap ng mga mananakop na Kastila ang relihiyong Iglesia Catolica
Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika
ng mga dasal at mga akdang panrelihiyon. Ngunit hindi naging konsistent ang
mga Kastila sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa
kanilang karanasan sa pananakop, higit na nagiging matagumpay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga
katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na
ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng
Diyos. Ang ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila ay ang
pangamba na kung matuto ang mga pilipino ng wikang Kastila ay maging
kasangkapan pa nila ito sa pagkamulat sa totoong kalagayan ng bansa. Sa
paglisan ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang
pagsasalin ng mga piyesang nasa wikang Kastila.

2. Pangalawang Yugto – Panahon ng Amerikano


•Sa panahong ito, naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga
akdang klasikang nasa wikang Ingles. Edukasyon ang pangunahing patakarang
pinairal ng Amerika kaya naman “bumaha” sa ating bansa ang iba’t ibang anyo
at uri ng karunungan mula sa Kanluran lalo na sa larangan ng panitikan. Ang
pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig sabihin ang
isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin. Isa sa mga
tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando Tinio. Ang mga
dulang isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na
CCP. Isang magandang proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971)
kung saan ipinasalin ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdig at
isinaaklat upang magamit sa paaralan. Ang ilang halimbawa ay ang mga
kwentong “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little Red Hen” at iba pa. Ang
Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng koleksyon ng mga klasikong
sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s Communication
Center naman ay nagsalin at naglathala ng mga akdang pambata tul ad ng “Mga
kwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”, Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang
Espada” at iba pa.
3. Ikatlong Yugto- Patakarang Bilinggwal
•ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles
tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng
pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Ayon sa
Department Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa
Filipino kaysa Ingles. Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin ang
mga pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nasusulat sa Ingles.
Ang ilan sa mga halimbawang isinalin sa panahong ito ay ang mga gabay
pampagtuturo sa Science, Home Economics, Good Manners and Right Conduct,
Health Education, at Music. Isinalin din ang Tagalog Reference Grammar, Program
of the Girl Scouts of the Philippines at iba pa

4. Pag-apat na Yugto - Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-Tagalog


•Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo
ng panitikang pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang panitikan” ay panitikan
lamang ng mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan
ng ibang pangkat-etniko ng bansa. Upang maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto
sa Pagsasalin ang LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at SLATE
(Secondary Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng
Ford Foundation. Inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga
pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wika ng bansa
(Cebuano,Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan. Pinagdala
sila ng piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit sa
pagsasalin. Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino
Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa. Nagkaroon
din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili ang mga
manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino,
pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at tinawag na KURDITAN. Sa pamamagitan ng
pagsasalin, ang mga kwentong orihinal na sinulat sa Iloco ay naalagay na sa katayuan
upang mapasama sa pambansang panitikan sapagkat meron nang bersyon sa wikang
pambansa.

5. Pang-limang Yugto - Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian


•Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-Asian.
Kinailangan ang pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa
hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian. Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina
ang mga matang mas madali pang makita ang malayo kaysa mga likha ng mga kalapit
bansa natin.” Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian ay masasabing
pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong mga nakaraang panahon mas binigyang
halaga ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit na
bansa. Kaugnay nito nagkaroon ng pagsasalin ng isang pangkat ng mga manunulat ng
mga poling panitikan ng mga kalapit na bansa (pinondohan ng Toyota Foundation at
Solidarity Foundation) na tinawag na Transalation Project.

You might also like