Filipino 2 - PanghalipnaPanao

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. LAYUNIN
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang;
A. Natutukoy kung ang panghalip na panao ay palagyo o paari.
B. Naipapakita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo at paari ayon sa
gamit.
C. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panaong palagyo at paari.

II. PAKSANG ARALIN


1. Paksa; Panghalip na panao at mga uri nito
2. Sanggunian; Internet, Libro (Bagong Edisyon)
3. Kagamitan; Panturong biswal, mga larawan at chalk
4. Estratehiya; Pasaklaw na Paraan

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating
panalangin.
2.
Elvira,maari mo bang pangunahan ang Panginoon, maraming salamat po sa araw na
ating panalangin. ito na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y
3. gabayan mo po kami sa mga gawain na aming
gagawin sa araw na ito. Sana po ay gabayan
mo din po ang aming guro na siyang
magtuturo sa amin. Amen
Pagbati
Magandang umaga din po aming guro.
Magandang umaga sa inyong
lahat.
Opo, madam
4. Pagsasaayos ng Silid – aralin
Bago kayo magsiupo ay maari niyo muna
bang tignan ang ilalim ng inyong upuan
kung ito ay may kalat. Opo, madam
5.
Ka Tapos na ba mga bata?
Maraming salamat po madam.
Kung gayon maaari na kayong magsiupo.
Ikinalulugod ko pong ipabatid na wala pong
Pagtsek ng liban at di liban lumiban sa araw na ito.
Cindy, maari mo bang ilahad kung sino
sino ang mga lumiban sa araw na ito?

Balik – aral; Paksa at panaguri hapong


diskasyon natin sino ditto ang may
mga natutunan? Maari bang Kami po madam!
magtaas ng kamay kung sino ang may
natutunan?
Sige nga kung talagang may natutunan kayo ay
matatanong ako patungkol sa ating tinalakay
noong nakaraang diskasyon.

Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap? Mary Ang pangungusap ay binubuo ng Paksa at
ann Panaguri.

Magaling! Ngayon naman ay pakibasa ang nasa


pisara, Jonalyn

Ang guro ay isang bayani.


Ang guro ay isang bayani.
Ano ang paksa sa pangungusap? Erika
Ang paksa po ay ang Guro
Maari mo bang guhitan ang iyong sagot na nasa
Opo, madam!
pisara.

Okay magaling, ngayon naman ano ang panaguri


sa pangungusap? Rose Ang panaguri sa pangungusap ay ay isang
bayani.
Maari mo din bang guhitan ang nasabi mong
sagot sa pisara? Opo madam

Magaling! Ngayon ano ang kahulugan ng


panaguri? Joel

Ang panaguri ay ang tumutukoy o baglalarawan sa


paksa. Ang panaguri ay ang tumutukoy o
naglalarawan sa paksa.
Magaling talaga ngang nakinig kayo at may
natutunan kayo sa ating tinalakay kahapon.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panuto; Magsitayo ang lahat at
Humanap ng kapareha at umawit tayo sa
saliw ng awiting “Ako, Ikaw Tayo ay
isang Komunidad”

Panoorin muna ako at pagkatapos ay sasabay


kayo, naunawaan ba mga bata? Opo madam

Ako, ako, ako’y isang komunidad (3X)


Ako’ isang komunidad
Ako, ako, ako’y isang komunidad (3X)
La la la
Ako’ isang komunidad
Sumayaw – sayaw at umindak – indak
La la la
Sumayaw – sayaw katulad ng dagat
Sumayaw – sayaw at umindak – indak
Sumayaw – sayaw at umindak – indak
Sumayaw – sayaw katulad ng dagat
Sumayaw – sayaw katulad ng dagat
Sumayaw – sayaw at umindak – indak
(ulitin ang awit, palitan ang ako ng ikaw,
tayo) Sumayaw – sayaw katulad ng dagat
(ulitin ang awit, palitan ang ako ng
ikaw, tayo)
Magaling mga bata! Maari na kayong Magsiupo. Salamat po Madam!

2. Pagganyak na tanong
Maari niyo bang basahin ang nasa pisara?

Ano ang Panghalip na Panao?


Ano ang Dalawang uri ng Panghalip na Panao? Ano ang Panghalip na Panao?
Ano ang Dalawang uri ng Panghalip na Panao?
C. Paglalahad ng Aralin
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa
panghalip na panao at ang dalawang uri nito.

Pakibasa ang kahulugan ng Panghalip na panao.


(sabay sabay ang mga bata)

Ang Panghalip Panao ay pamalit o panghalili sa Ang Panghalip panao ay pamalit o panghalili
mga pangalan ng tao. sa mga pangalan ng tao.

Tama ang Panghalip panao ay pamalit o panghalili


sa pangalan ng tao at mayroon itong dalawang uri
ito ay ang Palagyo at paari.

Pakibasa sa pisara ang kahulugan ng Panghalip na


panaong palagyo.
(sabay sabay ang mga bata)

Ang Panghalip na panao Palagayo ay ginagamit


bilang simuno o paksang pinag – uusapan sa Ang Panghalip na panao Palagayo ay
pangungusap. ginagamit bilang simuno o paksang pinag –
uusapan sa pangungusap.
Samantalang ano naman ang kahulugan ng
Panghalip panaong paari?

Pakibasa ang kahulugan nito sa pisara.

Ang Panghalip na panao Paari ay nagpapahayag


ng pagmamay – ari ng pangalan. Ang Panghalip na panao Paari ay
nagpapahayag ng pagmamay – ari ng
pangalan.
Magaling mga bata!

Ngayon naman may tatlong panauhan ang


panghalip na panao. Nagsasabi ito kung sino ang
taong kinakatawan ng mga ito. Tinatawag itong
una, ikalawa, at ikatlong panauhan.
Tignan sa talahanayan ang mga panauhan ng
panghalip panaong palagyo.

Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan


Unang ako Kata, kita Tayo
panauhan
Ikalawang Ikaw, kayo
panauhan ka,
siya
Ikatlong Sila
panauhan

Ang mga panghalip panaong palagyo na nasa


talahanayan ay may mga halimbawa.

Maari bang basahin ang unang halimbawa ng


panaong palagyo na may unang panauhan,
Sherwin

1. Ako ay isang Pilipino. 1. Ako ay isang Pilipino.

Ako ay isang Pilipino. Ako, ang gagamiting salita


kapag ang taong tinutukoy ay ang inyong sarili.

Basahin naman ang unang halimbawa ng


panghalip panaong palagyo na may ikalawang
panauhan, Joan

2. Ikaw din ay isang mamayang Filipino.


2. Ikaw din ay isang mamayang
Ikaw, ay ginagamit naman sa pagtukoy sa iyong Filipino.
kausap.

Basahin ang unang halimbawa ng panghalip


panaong palagyo na may ikatlong panauhan, Jelyn

3. Sila ang mga bagong guro ng paaralang


ito. 3. Sila ang mga bagong guro ng
Sila ang mga bagong guro ng paaralang ito. paaralang ito.
Ginagamit ang salitang sila, kapag ang tinutukoy
ay ang mga taong pinaguusapan.

Magbigay pa ng mga halimbawa ng pangungusap


gamit ang mga salitang panghalip na panaong
palagyo na mayroong iba’t – ibang panauhan.
(Magtatawag ng ilang mag – aaral ang guro) (Inaasahang sagot)
• Ikaw ba ay may magandang kalooban.
• Kayo ba ay aalis mamayang hapon.
• Tayo ay magkakasama sa gaganaping
pagpupulong.
Mahusay mga bata!

Sa ating pagpapatuloy, tignan naman natin sa


talahanayan ang mga panauhan ng panghalip na
panaong paari.

Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan


Unang Akin, Atin, natin,
Panauhan ko amin,
namin
Ikalawang Iyo, Kanita, Inyo, ninyo
Panauhan mo kita
Ikatlong Kanya, Kanila,
Panauhan niya nila

Basahin ang unang halimbawa ng panghalip na


panaong paari na may unang panauhan, Jevelyn
Mahusay! 1. Akin ang bag na ito.
1. Akin ang bag na ito.

Ginagamit ang salitang akin, kapag ang bagay na


iyong tinutukoy ay sa iyo.

Pakibasa naman ang pangalawang halimbawa,


Rica 2. Ang damit mo ay nalabhan na.
2. Ang damit mo ay nalabhan na.

Ginagamit ang salitang mo, kapag ang bagay na


tinutukoy ay sa iyong kausap.

Ang ikatlong halimbawa naman pakibasa, Cindy


3. Kanya itong panyo.
3. Kanya itong panyo.

Ginagamit naman ang salitang kanya, kapag ang


bagay na tinutukoy ay sa ibang tao.

Ngayon naman mga bata maari ba kayong


makapagbigay ng mga halimbawa ng
pangungusap gamit ang mga salitang panghalip na
panaong paari.
(Magtatawag ng ilang mag – aaral ang guro) (Inaasahang sagot)
• Akin ang kwadernong pula
• Kanya ang lapis na itim
• Ang ganda mo
Mahusay mga bata!

Naunawaan ba ang ating aralin sa araw na ito mga Opo madam!


bata?

May mga katanungan ba mga bata? Patungkol sa Wala na po madam!


ating aralin ngayon?

Kung gayon ay pagpapangkatin ko kayo sa tatlo.

Handa na kayo mga bata? Opo madam!

D. Pangkatang gawain
Pangkat 1
Panuto: Sa pamamagitan ng ibibigay kong
pangungusap sa inyo ay itutukoy niyo kong ang
panghalip na panao ay palagyo o paari. At ilagay
ang sagot sa Vertical Box.

Panghalip Palagyo Panghalip Paari


Panghalip Palagyo Panghalip Paari
Ikaw ay mabait Kanya ang kahon
Ako ay masipag Akin ang lapis na
Tayo ay aalis pula

PAMANTAYAN
Nilalaman 20%
Presentasyon 20%
Kaayusan 10%
Kabuuan 50%

Pangkat 2
Panuto: Sa pamamagitan ng isang maikling
palabas, ipakita ang kahalagahan ng paggamit ng
mga halimbawa ng panghalip panaong palagyo at
paari.
PAMANTAYAN
Kahusayan sa pag – arte 20%
Kalinawan ng boses 20%
Maayos na paglalahad 10%
Kabuuan 50%
Pangkat 3
Panuto: Magbigay ng tig – limang (5)
pangungusap gamit ang mga halimbawa ng
Panghalip panaong Palagyo at Paari. At isulat ito
sa manila paper.

PAMANTAYAN
Talas ng pag – iisip 10%
Nilalaman 20%
Kahusayan sa presentasyon 20%
Kabuuan 50%

Mayroon lamang kayong 10 minuto para tapusin


ang inyong gawain

Maari na kayong magsimula Salamat po madam!

E. Pag – uulat ng Mag – aaral


Tapos na ang ibinigay kung oras para sa inyong
gawain. Ngayon ay maaari na nating simulan sa
Opo!
pangkat una, sunod ang pangkat ikalawa, at huli
naman ang ikatlong pangkat. Naunawaan ba?

F. Pagbibigay Input ng Guro


Sa kabuuan, naipamalas niyo ang inyong talent at
kahusayan. Mahusay mga bata! Salamat po aming guro.

Sa Pangkat una ay natukoy niyo ng maayos ang


mga Panghalip Panaong Palagyo at ang Panghalip
Panaong Paari. Kaya naman kayo ay bibigyan ko Salamat po madam!
ng 50% na puntos, Mahusay mga bata!

Sa Pangkat ikalawa, naibigay niyo ng maayos


ang kahalagahan ng mga panghalip panaong
palagyo at paari sa pamamagitan ng isang Salamat po madam!
maikling palabas, kayo ay bibigyan ko ng 50%
mahusay mga bata!

Sa huling pangkat naman ang Pangkat ikatlo,


naatasan kayo na magbigay ng mga halimbawa ng
pangungusap ng ayon sa gamit ng mga panghalip
panaong palagyo at paari. Naibigay niyo ng
maayos at naibigay niyo ng tama ang mga
pangungusap niyo ng naayon sa paggamit ng mga Salamat po aming guro!
halimbawa ng panaong palagyo at paari, kaya
naman bibigyan ko kayo ng 50% sa inyong
kahusayan. Magaling magaling mga bata!

Mahusay mga bata! Kaya naman bigyan niyo ang


inyong mga sarili ng limang bagsak ng palakpak!
(Pumalakpak ang mga bata)

G. Paglalahat/Sintesis
Panuto: Itala sa isang malaking bilog ang
natutunan mo.

Ang panghalip panao ay pinaghahalili


sa ngalan ng tao

May dalawang uri ito ang panaong


palagyo at pananong paari

Ang panaong palagyo ay ginagamit sa


simuno at panaguri

Ang panaong paari ay ginagamit


upang ipakilala ang pagmamay - ari
Mahusay mga bata ngayon ay alam niyo na kung
ano ang kahulugan ng panghalip panao, at alam
niyo na rin ang mga dalawang uri nito, ganoon na
din sa paggamit ng halimbawa nito sa
pangungusap.

Mayroon pa ba kayong katanungan mga bata?


Wala na po madam!
kung gayon ay dadako na tayo sa ating pagtataya
kung talagang ang bawat isa sa inyo ay may
natutunan sa ating talakayan ngayong araw na ito.

IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng isang buong pirasong papel at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

A. Bilugan ang mga panghalip na ginagamit sa


mga pangungusap. Isulat sa kahon kung
ito ay palagyo o paari.

1. Iba – iba ang anyo nating


mga Pilipino dahil sa iba’t – (Inaasahang sagot sa tanong A)
ibang anyo nating mga 1. Paari, Nating
ninuno. 2. Paari, Ko
2. Ang mga pilipinong tulad ko 3. Palagyo, Ikaw
ay may kayumangging balat. 4. Paari, Atin
3. Ikaw ba’y may matuwid at 5. Palagyo, Silang
maitim,na buhok?
4. Ang ating taas ay
katamtaman lamang ang taas tulad ng ating
mga ninuno.
5. Silang mga malay
ang
pinagkukunan ng maitim na mata
ng mga Pilipino.

B. Salungguhitan ang panghalip na dapat


gamitin upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap.

1. Naniniwala (mo, ka, niyo) ba na mas (Inaasahang sagot sa tanong B)


maganda at matitibay ang mga produktong 1. Ka
imported? 2. Mo
2. Ibig (mo, ko, kita) rin ba ng 3. Ako
mamulamulang buhok, matangos na ilong 4. Natin
at maputing balat? 5. Ninyo
3. (Ako, Natin, Kanya) ay nakapapansin na
kakaunti pa rin ang tumatangkilik ng mga
bagay na sariling atin.
4. May ibig kasi (inyo, amin, natin) ng mga
kagamitan at pagkaing gawa ng ibang
bansa.
5. Maging sa pananamit, anyo at wika ay
ginagaya (ka, ninyo, kanya) ang mga
dayuhan.

V. Takdang – Aralin
Magsulat sa inyong kwaderno ng tig – limang (5) pangungusap gamit ang Panghalip panaong Palagyo
at Panaong Paari, at salungguhitan ang mga ginamit na halimbawa ng Panaong Palagyo at Paari.
MASUSING BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 1
“Panghalip na Panao at mga uri nito”

You might also like