1LAS
1LAS
1LAS
Pagbuo ng Akademikong Pagsulat Nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arogante et al. 2007) Husay
ng manunulat sa:
-mangalap ng mahahalagang datos
-mahusay magsuri
-mag-organisa ng mga ideya
-orihinalidad na gawa
-lohikal mag-isip
-may inobasyon
-kakayahang gumawa ng sinte
Etika at Pananaliksik
Etika-Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng
nakararami.Kawalan ng etika sa Panaliksik
1. Pagpapasagot sa sarbey nang hindi ipinapaalam sa respondent kung tungkol saan ang saliksik.
2. Pagtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang sekswal na gawain.
3. Paglalathala ng mga datos na tumutukoy sa personal na resulta ng ]panayam o sarbey ng grupo ng mga impormante.
Komponent ng Etika sa Pananaliksik
1. Pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondent.
2. Pag-iingat sa mga personal na datos
3. Pag-iwas sa desepsiyon o hindi pagsasabi ng totoo
4. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata bilang respondent ng saliksik
Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng mananaliksik
Naging tampok na usapan sa social media ang ilang popular ng plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersiyal ang naging
paggamit ng isang malaking negosyante ng mga sikat na linya sa kaniyang talumpati nang walang pagbanggit sa
malalaking pangalan ng pinagmulan ng ideya. Gayundin, binatikos ang isang senador sa walang habas na paggamit ng
ideya at direktang pagkopya sa artikulo ng blogger tungkol sa isyu ng Reproductive Health Law sa kaniyang talumpati sa
senado. Dahil sa mga pangyayaring ito, naging tampok sa social media ang konsepto ng plagiarism at ang mga kaugnay
sa usaping etikal nito.
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga
salita at ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Tinukoy ng Plagiarism.Org(2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
✓ Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
✓ Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
✓ Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
✓ Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang
sapat na pagkilala; at
✓ Ang pangongoya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto,
tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito.
Bukod sa mga nabanggit narito pa ang ibang anyo ng plagiarism:
✓ Pagsusumite ng isang papel sa magkaibang kurso (Council of Writing Programs Administrators 2003)
✓ Redundant publication pagpasa ng isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refeered journal
para sa publikasyon
✓ Self-plagiarism ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik ng walang sapat na pagbanggit
(Univerity og Minnesota, Center
for Bioethics 2003)
✓ Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik