Lesson Plan Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


Bayambang Campus
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bayambang, Pangasinan

Mala-Masusing Banghay Aralin


Baitang 1

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Pagkatapos ng tiyak na gawain ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga salitang magkatugma.
b. Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma.
c. Nagpamalas ng pangangalaga sa katawan.

II. Paksa ng pagkatuto


Pagtukoy sa salitang Magkatugma

III. Mga kagamitan sa Pampagtuturo


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina gabay sa pagtuturo
MELC FILIPINO F1KP-IIIc-8 pahina 146
b. Mga pahina ng teksbuk
Bumasa at sumulat
FILIPINO 1 pahina 253-255
B. Iba pang kagamitan
Ilustrasyon na Papel
Activity sheets

IV. Proseso ng Pagkatuo (7E’s)


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan
4. Pagtala ng Liban
5. Pagbabalik- Aral
Ano ang natutuhan mo sa nakaraang markahan ang tungkol sa pandiwa.
Magbigay ng mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
6. Paglalahad ng layunin
Ipabasa sa piling mag-aaral ang layunin
B. Paglalahad ng Aralin
1. Paglahok (Elicit)
Ipapakita ng guro ang larawan ng mga bata na naglalaro sa ulan gamit ang
Ilutrasyon na papel

Tignan ang larawan at sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang ginagawa ng mga bata?
2. Nasubukan mo na rin bang maligo sa ulan?
3. Ano ang iyong naramdaman habang naliligo sa Ulan?
4. Ano ang dapat mong gawin pagkatpos mong maligo sa ulan?

2. Pagpukaw ng Interest (Engage)


Ipapakita ng guro sa mga bata ang isang tula at babasahin ito ng guro.

Tanong:
Ano ang napansin mo sa mga salita na nasa hulihan ng bugtong?

3. Paggagalugad (Explore)
Pagpapangkatin ang klase sa apat na grupo ang bawat pangkat ay may
kanya- kanyang gawain.
Pagkatapos pagpapangkatin ang klase sa apat na grupo ang guro ay
may ipapanood sa klase na dapat nilang isagawa habang sila ay sa kani- kanilang pangkat na
gawain.

Pangkat 1
Piliin Mo!
Panuto: Piliin sa panaklong ang salitang katugma ng salitang may salungguhit.
Pangkat 2
“Masaya, Malungkot”

Panuto: Iguhit ang kung ang pares na salita ay magkatugma at kung hindi.

Pangkat 3
“Ikahon Mo!”

Panuto: Ikahon ang salitang kasingtunog ng larawan na nasa kaliwa.

Pangkat 4
“Isulat Mo!”

Panuto: Piliin sa loob ng bulaklak ang salitang katugma ng mga salita sa bawat bilang. Isulat ito
sa linya.

4. Pagpapaliwanag (Explain)

SALITANG MAGKATUGMA – Ito ay mga salita na may


parehas na tunog sa unahan o sa dula sa pagbigkas nito.
Mga halimbawa:

 Sasakyan – Simbahan
 Gulo – Multo
 Tao – Kabayao
 Aso – Trangkaso
 Usok – Tuldok
 Lupain – Hardin
 Isda – Talata
 Trapo – Kandado
 Pusa – Tuta
 Daga – Nilaga
 Puso – Nguso
 Alak – Balak
 Mataas – Malakas
 Mahaba – Mababa
 Halaman – Lumaban
 Kastila – Kandila
 Matangkad – Malapad

Sa pang araw-araw natin na komunikasyon, hindi natin napapansin na gumagamit


na pala dayo ng mga salitang magkatugma.
Kadalasan, ginagamit ang mga ito sa ilang panitikan at sa mga kanta. Ito ay dahil madali silang
masaulo at masarap pakinggan.

Ginagamit rin ito sa mga sumusunod:

1. Tula
2. Slogan
3. Musika
4. Dulaan
5. Balagtasan
6. Haiku
7. Tanka
Upang ito ay magamit ng mahusay, mahalaga ang pag-aaral at pagpapalawak ng iyong
bokabularyo. Maari itong gamitin sa pagpapahayag ng damdamin sa kaaliw-aliw na
pamamaraan.

Pagtatanong: Maaaring sagutin o hindi ng mga mag-aaral (bibigyang linaw ito pagkatapos ng
“Pagpapalawak”)
Ano ang mga salitang magkatugma? Tungkol saan ang salitang
magkatugma?
b. Ano ang layunin ng Salitang Magkatugma?
c. Ano ang mabuti o masamang kapag di natin alam ang salitang
magkatugma sa komunikasyon?
5. Pagpapalwak (Elaborate)

Ang guro ay may ipapanood sa mga bata gamit ang telebisiyon.


Ang mga bata ay may babasahing isang tula at pagkatpos
basahin ng mga bata ang tula ay may magtatanong ang guro.

Tanong: Ano ang napansin ninyo sa mga salita na nasa hulihan ng bugtong?

Pag-Aralan Natin
Ang salitang ulan at kawayan ay pareho ang tunog sa hulihan ng salita.
 Kung iyong makikita parehas silang may an sa hulihan ng salita.

Ang salitang bagyo at kabayo ay pareho ang tunog sa hulihan ng salita.


 Kung iyong makikita parehas silang may yo sa hulihan ng salita.

Ang mga salitang magkapareho o magkasintunog ang hulihan ay tinatawag na magkatugma.

Tanong: Naibigan ninyo ba mga bata ang inyong napanood? Kung Oo, ano daw po
ang tawag sa mga salitang pareho ang tunog sa hulihan?

6. Pagpapalawig (Extend/Enrichment)

Ang guro ay magtatanong sa mga bata kung sila ba ay nakarinig na ng bugtong.

Ang guro ay magpapaliwanag kung ano nga ba ang bugtong.


Sa gawain na ito ay inaasahan ng guro na ang mga bata ay makikilahok sa gawain.

Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong


kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Panuto: Piliin sa loob ng saknong ang katugma ng salitang may
salungguhit upang mabuo ang bugtong. At pagkatapos ay unti-unting buksan ang mga bilang
sa loob ng mga kahon na binubuo ng pangunahin at pangalawang kulay upang makita ang
tamang sagot.

Ang larong ito ay tatawagin natin PINOY BUGTONG

7. Pagtataya (Evaluate)
C. Karagdagang Gawain

Prepared by:

Aron Jay M. Mejia


Student Teacher

You might also like