Q4 ESP 8 Week 1 - 2 - Almariento

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

W1&2

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level 8


Quarter Ikaapat Date May 24 – June 4, 2021

I. PAMAGAT NG ARALIN Katapatan sa Salita at Gawa


II. MGA PINAKAMAHALAGANG 41. Nakikilala ang
KASANAYANG a. kahalagahan ng katapatan,
PAMPAGKATUTO (MELCs) b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan,at
c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
42. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa
katapatan 43. Naipaliliwanag na:
Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon
ng komitment sa katotohanan at nang mabuti/ matatag na konsensya. May
layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang
diwa ng pagmamahal.
44. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa
salita at gawa

EsP8PBIIIg-12.1, EsP8PBIIIg-12.2, EsP8PBIIIh-12.3, EsP8PBIIIh-12.4


III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sakatapatan sa salita at gawa.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I.Panimula/Mungkahing Oras: Unang araw sa unang linggo

Sa araling ito ay inaasahan sa isang kabataang katulad mo na mapalawak ang pag-unawa sa katapatan sa salita
at gawa.
Ang pagkakaroon mo ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang magiging sandata mo upang maging
kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at pamayanang kinabibilangan mo.
Nakikilala mo ba ang taong nasa larawan sa ibaba? Siya si G. Danny Namion na isang airport security guard. Kinilala
siya dahil sa kaniyang katapatan. Hindi siya nag-atubiling isauli ang isang bag na naglalaman ng limang daang libong
piso sa isang OFW na nagbalik-bayan. At dahil dito, siya ay nag-viral sa social media at pinuri ang kaniyang katapatan.
(Kung mayroong internet connection sa bahay ay maaaring i-access ang internet link upang mas makita ang larawan
ng mas malinaw at maayos.)
(http://www.thecampfirethoughts.com/2019/05/matapat-na-airport-security-guard.html)

Bakit nakilala at nag-viral si G. Danny Namion sa social media? Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nakakuha ng
bag na may pera? Ano ang kahalagahan ng pagiging matapat ng isang tao?

DIAGNOSTIC EXAM
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Maaaring sa kahihiyan at pangamba sa mabigat na responsibilidad na kaakibat ng


maagang pagbubuntis, nakagagawa ang maraming kabataang babae ng isang kalunos- lunos
na krimen. Ano ito?
a. Paglalayas c. Pagpapalaglag o aborsyon
b. Pagpapakamatay d. Pagpapakasal
2. Ito ay kadalasang pinagkakamalang tunay na pagmamahal.
a. Crush c. Infatuation
b. Lust d. Puppy Love

3. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas/pangbubully sa paaralan maliban sa;


a. Pagdaranas ng karahasan sa tahanan
b. Paghahanap ng mapagkakatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
d. Pagkakaroon ng maraming kaibigan

4. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang karahasan sa
paaralan?
a. upang makatuon sa pag-aaral
b. upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aaral
d. upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan

5. Nakita ni Laurence ang isang wallet sa kalye habng naglalakad siya papasok sa paaralan.
Pinulot niya ito at Nakita ang laman na ID ng may kaniya at dalawang libong piso. Ano ang
marapat niyang gawin?
A. Ipagbigay alam sa awtoridad upang maisauli ang wallet.
B. Kunin ang pera at itapon ang wallet
C. Isauli ang wallet at bawasan ang pera.
D. Huwag ng isauli ang wallet sa halip ay gastusin ang perang laman nito.
D. Pagpapaunlad/Mungkahing Oras: Unang araw sa unang linggo hanggang unang araw sa
ikalawang linggo

Maraming Filipino ang nagpapakita ng katapatan katulad ni G. Namion. Subalit marami pa rin
ang nakagagawa ng mga bagay na taliwas sa katapatan. Sa susunod na bahagi ay suriin mo
ang iba’t ibang umiiral na paglabag sa katapatan. Magiging gabay mo ito upang ikaw ay
maging maingat sa iyong salita at sa gawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang1: Sa iyong sagutang papel, sagutan ang mga sumusunod na
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
________1. Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa
pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong.
________2. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
________3. Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang
kahulugan o interpretasyon.
________4. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili at maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
________5. Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak
sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.

Ngayon ay palalimin mo ang iyong pagkaunawa sa aralin ng katapatan sa salita at sa gawa. Basahin sa
bahagi ng pagpapalalim sa pahina 321-328 sa EsP 8 Modyul ng Mag-aaral.

Katapatan sa Salita at sa Gawa


Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na inaabuso; ang
pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan
o isang panlilinlang. Ang pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may
karapatan naman dito. Ayon sa isang artikulo mula sa internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng
pagsisinungaling.

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Pro-social Lying). Madalas na
nagagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang buhay.
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
(Selfenhancement Lying). Marahil na naoobserbahan mo ang iyong mga kapatid na nakagawa ng
pagkakamali sa bahay.
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying).
May mga taong labis na makasarili.
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying) Minsan kapag may galit
tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento na makasisira sa kaniyang pagkatao.
Marami pang ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao. Ang sumusunod ay
ilan lamang sa mga ito: a. Upang makaagaw ng atensyon o pansin
b. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
c. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
d. Upang makaiwas sa personal na pananagutan
e. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o “malala”

Narito ang pitong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.

1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga
pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hindi
pagkakasundo.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o
maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong ginagamit ang ibang tao upang mailigtas
ang sarili sa kaparusahan.

3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutuklas sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari. Sabi
nga nila, minsan masakit talagang malaman ang katotohanan ngunit mas magiging masakit kung
ito ay pagtatakpan ng kasinungalingan.

4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. Ang tiwala ay nagsisimula sa patuloy na pagpapakita
ng magandang halimbawa ng katapatan sa kapwa. Hindi ito hinihingi dahil hindi naman din ito
basta ibibigay sa hindi karapat-dapat. Ito ay itinatanim at inaani sa tamang panahon. Isang
pagkakataon lamang na masira ang tiwala ng iyong kapwa sa iyo, napakahirap na itong mabawi
o mabura. Ang isang saglit ng pagsisinungaling, panloloko at pagnanakaw ay kapalit ng habang
buhay na pagkasira ng iyong pagkatao sa mata ng iyong kapwa.

5. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang


mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. Sa mahabang panahon gagawin mo ito para
lamang mapagdugtong-dugtong ang mga kasinungalingang iyong kinatha.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang birtud na
pinahahalagahan ng maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at
kapayapaan ng kalooban.

May apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974).
1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na
maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng
impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (equivocation). Ito ay pagsasabi
ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon
sa tunay na esensya ng impormasyon. Ito ay mag-aakay sa taong humihingi ng impormasyon na
isipin kung ano ang nais na ipaiisip ng nagbibigay ng impormasyon.

May tatlong maliliit na huwaran ng asal (behavior patterns) na nagpapakita ng tatlong malalaki
at magkakaugnay na birtud:
1. Decisiveness. Gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at
naninindigan para rito?
2. Openness and humility. Ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ba ng
iyong sarili sinisiguro mo na ito ay may kalakipna moral na awtoridad (moral authority)?
Ikaw ba ay marunong tumanggap ng pagkakamali?
3. Sincerity or honesty. Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na
yumayakap sa katotohanan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang
papel.

1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa
katapatan?
2. Ilarawan ang isang taong matapat. Magbigay ng halimbawa.
3. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan? Ng kasinungalingan?
4. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?
5. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang
katapatan?

You might also like