Filipino 7 Q3 Week 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

6y
Aralin
5 Elemento ng Dulang Pantelebisyon

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin, mapanonood, at isasagawa mo ang mga nakahandang


gawain na makatutulong sa iyo upang suriin ang mga sangkap ng isang dulang
pantelebisyon.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayang ito :

Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood


na dulang pantelebisyon (F7PD-IIIf-g-15)

Ang sagot sa bawat pagsasanay at gawain ay ilalagay sa nakalaang sagutang


papel.

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna


ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang usapan at sagutan ang mga tanong. Piliin at


isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot na may kaugnayan sa
binasang panitikan.

Mga tauhan : Andrew – janitor sa paaralan


Mark – isang propesor sa paaralan
PAMBUNGAD
(Mark at Andrew)
Sa isang payak na silid na may isang bintana sa bandang likuran, may makulay
na kurtina, sopa at isang silya sa harap ng mesa ni Mark.
Eksena 1
Prop. Mark: (nakaupo sa mesa) O, Nandito ka na pala. Good Morning Mr. Andrew.
Andrew: Good morning sir.
Prop. Mark: Maupo ka Mr. Andrew. Tungkol ito sa perang nahanap sa CR.
Andrew: (naupo sa upuang malapit sa propesor) Opo. Ako po ang nakakita noon sir,
isinauli ko na ho, sa may–ari.
Prop. Mark: Bueno. Kaya nga hangang-hanga kami sa faculty sa ginawa mo, dahil
hindi
lahat ng nahaharap sa ganitong sitwasyon ay magkakaroon ng same honesty
katulad ng ginawa mo. And one more thing palagi rin kitang nakikitang
nakasilip sa klase ko. I think you want to learn. Gusto kitang irecommend para
sa isang scholarship. Kung makakapasa ka sa exam, libre kang makapag-aaral
kung gusto mo.
Andrew: (nauutal sa pagsasalita sa tuwa) scho…scholarship po!
Prop. Mark: (napangiti ) Yes.
Andrew: (nakangiting nakatingin sa propesor) Opo! Opo gustong–gusto ko po!
(nakipagkamay sa propesor) Salamat sir, Salamat po.

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
2

Dahil sa scholarship nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Business


Administration.
1. Anong anyo ng panitikan ang binasa?
A. Tula B. Dula C. Awit D. Maikling kuwento
2. Ano ang katangian ni Andrew ayon sa akdang binasa?
A. Matapat B. Masipag C. Mapagkawanggawa D. Maawain
3. Sa mata ng Diyos at sa tamang kaasalang dapat taglayin ng bawat tao, TAMA
ba ang ginawang pagbabalik ni Andrew sa napulot na salapi?
A. Hindi, kasi wala namang nakakita sa kanya.
B. Opo, sapagkat alam niyang hindi sa kanya ang perang iyon.
C. Hindi, kasi nangangailangan din naman siya ng pera.
D. Opo, dahil aasahan niya ang ibibigay na pabuya.
4. Ano ang mensahe ng binasang dula?
A. Magtrabaho at magkapera
B. Sundin ang sinasabi ng iba
C. Maging matapat at may biyayang katapat
D. Sundin ang nilalaman ng puso
5. Ano ang tawag sa sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap at mga linyang
binibitawan ng mga karakter.
A. diyalogo B. usapan C. debate D. detalye
6. Sila ang nagsisiganap at nagpapakita ng iba’t – ibang damdamin sa palabas.
A. tagpuan B. tauhan C. tagpo D. eksena
7. Ang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat mahahalagang tagpo o damdamin.
A. Diyalogo B. Tunog C. Sinematograpiya D. Direksiyon
8. Ito ay tumutukoy sa masining na pagpoposisyon ng anggulo at mga puwesto ng
larawan na mapapanood sa isang palabas.
A. Diyalogo B. Tunog C. Sinematograpiya D. Direksiyon
9. Ito ay tumutukoy sa mga palabas sa telebisyon o mga produksyong medya.
A. Dulang pantelebisyon C. Serbisyo - Publiko
B. Balitang Lokal D. Flash Report
10. Ang nagpapakita kung paano pinagsasanib ng direktor ang lahat ng sangkap
ng dulang pantelebisyon o pampelikula.
A. Diyalogo B. Tunog C. Sinematograpiya D. Direksiyon

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-tanaw sa


nakaraang aralin

Balik-tanaw

Tukuyin ang pangunahing kaisipan ng mga sumusunod na talata. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Maraming tahanan ang nawasak. Ang mga pananim maging ang mga hayop ay
naanod sa rumaragasang tubig. Nagkasakit na ang mga batang kasama ng mga
magulang na pansamantalang nakatira sa mga tent. Malaking pinasala ang dulot
ng bagyo.
2. Maaga pa lang ay nagwawalis na sa paligid ang ilang janitor. Ang mga lalaki ay
naglilinis ng kanal. May mga nagpipintura sa bawat bakod ng mga bahay. Talagang
nagkakaisa ang mga mamamayan ng barangay.
3. Kailangan ang mask at faceshield sa paglabas ng bahay. Ito ang nagsisilbing
proteksiyon laban sa pandemiyang kumakalat. Kailangan palaging maghugas ng
kamay para makaiwas sa sakit. Siguraduhing sumusunod sa protocols. Mahalaga
ang kalusugan.
4. Araw- araw maagang natutulog at gumigising si Joyce. Kumakain siya ng almusal
bago sagutan ang kaniyang mga modyul. Umiinom siya ng gatas sa gabi

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
3

pagkatapos mag-aral. Tunay na maalaga sa kalusugan ng kaniyang katawan si


Joyce.
5. Masinop na bata si Mark. Iniipon niya ang perang kinikita niya sa pagtitinda ng
sampagita. Tinitiyak niyang hindi naaaksaya ang perang pinaghirapan niya.
Bumibili lamang siya ng mga bagay na talagang kailangan niya.

Pagpapakilala ng Aralin
Pag-aaralan mo ngayon ang iba’t ibang sangkap o elemento ng dulang
pantelebisyon at ang likas na kalagayan, panahon ng isang pook o lipunang
ginagalawan ng mga karakter para higit nating matukoy ang kahulugan at
kahalagahan ng mga pangyayari sa akda na lalong nagpapasidhi ng damdamin sa
mga manonood.

Sa kasalukuyan, hindi maipagkakaila na panahon ng teknolohiyang digital


ang umuusbong. Ang mga makabagong uri ng komunikasyong ito ay kasama sa
malawakang globalisasyon na sumasakop sa ating mundo ngayon, at upang
mapalaganap ang impluwensiya sa buong bansa mula sa entertainment, politika
hanggang sa edukasyon. Isa sa naging kasangkapan ay ang telebisyon upang
maghatid ng modernong pamamaraan sa pag-usbong ng ating industriya at
ekonomiya.
Sa telebisyon din natin makikita ang mga paborito nating mga programa o
palabas na inaabangan natin araw- araw. Ang mga kapana-panabik na eksena at hitik
na hitik na komersyalismo na naghahati-hati sa daloy ng kuwento sa pamamagitan ng
mga patalastas sa mga dulang pantelebisyon.
Ang dulang pantelebisyon ay binubuo ng gumagalaw na larawan at tunog na
lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa katotohanan. Ito ay gaya ng
ibang anyo ng panitikan ay mayroon mga elementong mahalagang tandaan ng isang
manunulat.
A. Mga sangkap ng dulang pantelebisyon
1. Nilalaman / Content – Dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas.
Makatotohanang paglalahad ng kalagayan ng mga tauhan at mga pangyayari sa
kanilang buhay.
2. Diyalogo – Sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap. Linyang binibitawan ng
bawat karakter.
3. Mga Tauhan – Ang mga nagsisiganap sa palabas. Sila ang nagbibigkas ng
diyalogo
4. Disenyong Pamproduksiyon – Tumutukoy sa pook o tagpuan, kasuotan, make-
up, at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.
5. Tunog /Musika – Ang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat tagpo o damdamin.
Pinatitingkad nito ang atmospera at damdamin.
6. Sinematograpiya – Tumutukoy sa pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang
Teknik na may kaugnayan sa kamera. Ito ang masining na pagpoposisyon ng
anggulo at mga puwesto ng larawan na mapapanood sa isang pelikula.
7. Direksiyon – Dito pinapakita kung paano pinagsasanib ng direktor ang lahat ng
sangkap ng dulang pampelikula.

Ang dulang pantelebisyon ay naiiba sa midyum sapagkat ito ay hitik na hitik sa


komersyalismo kaya nahahati ang daloy ng kwento ng mga patalastas. Ngunit ang
istruktura ng dula, ang mga karakter at ang mga ibig ipahiwatig nito ay di magkalayo
sa dulang pangsine. Ito ay binubuo ng tatatlong bahagi.
1. Paglalahad ng (Exposition) Magbigay ng panimula (“introduction” o “set-up”) sa
pamamagitan ng pagpapakilala ng mga karakter lalo na ng “protagonist” o bida.
I-build-up ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga
natatanging katangian.
2. Tunggalian (Conflict) Mga tunggalian (“conflict”) na dadaanan ng tauhan na
siyang bubuo sa katawan ng dula. Bilang katawan ng dula, isasaad dito ang
mga pangyayari na siyang bubuo ng pelikula. Ang mga pangyayaring ito ay
maaaring isang serye ng mga paghihirap na dararanasin ng karakter upang
buoin ang kanyang katauhan. Maaaring mga limang pangungusap ang bubuo
ng pangalawang talata.
3. Resolusyon (Resolution) Dito pwedeng tapusin na ang kwento. Maaring
mangyari ito kung nahanap na ang resolusyon ng problemang kinakaharap ng

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
4

karakter. Maiksi lamang ang talatang ito.

B. Narito ang paraan sa pagsulat ng isang dula sa mga baguhang manunulat


Ang pagsusulat ng dulang pantelebisyon ay ang makatotohanang
paglalahad ng mga karanasan, kaugalian, katangian, at pamumuhay ng mga tao sa
isang partikular na lugar. Ito ay sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
Mahalagang mailahad o maipakita ng isang manunulat ang eksaktong lugar o
kapaligiran kung saan naganap ang isang tagpo na pupukaw sa interes ng mga
manonood para lalo nilang maikintal sa isipan ang kahulugan (meaning) at
kahalagahan (values) ng mga pangyayari sa isang akda.

1. Story line - ay isang payak na pangungusap o “sentence.” Ito ay isang “story


concept” o minsan tinatawag din na “story idea” dahil sa ito ay nagbibigay ng
ideya tungkol sa kwentong bubuoin sa pamamagitan ng isang maiksing
pangungusap.
2. Synopsis - isang maiksing sanaysay na pangkalahatang naglalahad tungkol sa
kwento. Ito ay mga pangyayaring binubuo ng tatlong bahagi: introduksiyon o
set-up, tunggalian (onflict), resolution.
3. Sequence - Ang sequence treatment ay isang uri ng pag-oorganisa ng mga
pangyayari sa dula. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglikom ng mga
eksena na kapag ipinagsamasama ay nagsasaad ng dumadaloy na kwento ng
isang pangyayari na bahagi ng isang mas malakihang kwento. Ang bawat
“sequence” ay isang daloy ng aksyon na pag dinugtong-dugtong mo ay syang
bubuo ng naratibo ng buong dula.

Ngayon ay basahin at suriin mo ang isang dulang pantelebisyon. Pansinin kung


paano pinag-uugnay ang mga elemento sa loob ng isang dulang pantelebisyon. Maaari
ka ring manood sa mga link na ito sa youtube upang lalo mong maunawaan ang
sumusunod na panitikan.

Notebook
ni Arnel Maro
Mga tauhan :
Myla – isang kamag-aral
Ina - anak ng isang mayaman na nakapangasawa ng isang mangingisda
Ama – isang mangingisda
Maro – anak na gustong-gustong makatapos ng pag-aaral

PAMBUNGAD
Maro AT Myla
Sa isang kubong payak at malapit sa dagat nakahiga sa sahig si Maro sa loob ng
bahay
EKSENA 1
Myla: (patakbong tinatawag si Maro) Maro, Maro heto na ang mga ginawa namin
kanina
sa paaralan, (iniabot kay Maro ang kapirasong papel} nakalagay na rin diyan ang
mga dapat ipasa bukas para makasabay ka sa amin grumadweyt.
Maro: (palingon – lingon sa paligid) Balikan mo uli ito bukas ha, Salamat, Salamat.
Umuwi ka na baka makita pa ako nila mama mapagalitan pa ako.
Myla : ( titingin sa paligid kung may tao )Sige bukas uli.
Maro : (nakangiting nakaharap kay Myla) Sige,sige, Salamat.

EKSENA 2
( Maro at Ama )
Dumating ang ama galing sa laot at nakita ang ginagawa ng anak.
Ama : (pasilip na tiningnan ang ginagawa ni Maro) Ano yan? Mas mahalaga ba ito
kaysa
kalusugan mo? (galit na dinampot ang papel na hawak ni Maro) Ano ang silbi ng
pag-aaral mo kung papatayin mo lang ang sarili mo?
Maro; (padabog na tumayo sa papag pababa ng hagdan) Pa,Pa, uulit ako sa isang taon
kapag hindi ko tinapos ngayong taon.
( light background music playing )

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
5

Ama : (galit ) Hindi. Magpahinga ka diyan, magpahinga ka! Ang kulit mo ilang beses
ko
ng sinasabi sa iyo. Ang tigas ng ulo mo. Magpahinga ka may sakit ka! Anim na
buwan dapat nakahiga. Akala ko ba matalino ka?
Maro ; (bumalik sa papag at maya-maya’y hinampas ang dingding at umiiyak na
tumakbo palabas ng bahay)
EKSENA 3
( Maro at Ama )
Sa dalampasigan may bangkang de-sagwan sa isang tabi, sa harap ng bahay
Maro : ( paluhod na sumisigaw sa iyak habang pinupunit ang kuwaderno at isa – isang
itinatapon sa dagat)
Ama : ( unti-unting lalapit at yayakapin ang anak ) Maro,Maro
Maro : (humahagulgol sa iyak) Akala ko ikaw ang makakaintindi sa akin.
( medium background music playing )
Ama : (hinagod ang balikat ng anak) Naiintindihan kita. Nangarap din ako minsan.
Iniwan ko ang dagat pumunta ako ng Maynila. Nagfactory worker ako,
nagpatayo
ako ng simpleng bahay maliit ka pa noon. Ano ang nangyari kinuha ang lahat
ng lola mo. Anak mangingisda lang ako naiintindihan ko kung hindi mo ako
maipagmamalaki, hindi mo ako maipakilala sa iba pero hindi ako naging
duwag
sumubok din ako, pero sadyang hanggang doon lang talaga ang mundo ng
mahihirap. Habang lalo nating pinapatayog ang ating pangarap lalo lamang
tumataas ang paglagapak natin sa lupa. Ayaw kitang masaktan…. Ayaw kitang
masaktan… naiintindihan ko ang mga pangarap mo. (yayakapin nang mahigpit
ang anak)

EKSENA 4
( Ina, Ama at Maro )
Sa bahay. Payak na tahanan. Sa labas nakasabit ang lambat at sa loob sa
kaliwa ay may hugasan at sa bandang kanan ay may hagdan paakyat sa higaan
Ina : (dumating galing palengke at hinagod ang anak na nadatnang inuubo) Ano ba
yan?
Binabalewala mo ang pagsasakripisyo namin sa iyo, eh, Hindi na nga ako
magkandarapa sa pagtinda ng isda para lang mapagamot ka. Hmm.. Diyos ko.
Ama : (nag-aayos ng lambat sa labas ng bahay) Tama na yan baka lalong makasama
sa
anak mo.
Ina : (padabog na naghuhugas ng pinggan sa lababo) Hindi. Kinukunsinte mo kaya
ang
tigas-tigas ng ulo. Alam mo ba? Ang papa mo pumasok na sa konstraksyon.
Ang
Kuya Michael mo nangutang sa amo niya. Tayo din ang mahihirapan kapag di
ka
gumaling kaagad.
Maro : (inuubong tumayo sa papag at pababa sa hagdan)
Ina : (napalingon mula sa kusina at may dalang baso ng tubig) O, saan ka ba pupunta
niyan? Yan na nga ba sinasabi ko, inaatake ka na tuloy ng ubo mo (iaabot ang
isang basong tubig sa anak) O, uminom ka muna. Jinggoy uminom ka muna.
(Background music playing)
Naku! (may nakitang dugo sa damit ni Maro) itong batang ito. Sinabi ko na kasi.
(pasigaw
na tinawag ang asawang nag-aayos ng lambat sa labas ng bahay) Pa..pa..

EKSENA 5
(Ama at Maro )
Sa daan. Pauwi sa bahay galing ng ospital. May mga bangkang makikita sa
tabing-dagat at mga bahay sa kanan.

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
6

Maro : ( naglalakad na nakaakbay sa ama at may balabal na tuwalya) Alam ko galit


kayo sa akin. Ito lang kasi ang nakikita kong daan para matupad ko ang mga
pangarap ko e, Hindi lang naman para sa akin kung hindi para sa inyo rin kaya
ho, nagsisikap ako. Naiintindihan ninyo naman ho ako hindi ba Pa.
Ama : ( nakatingin at nakikinig sa sinasabi ng anak at tumango)
Dahil sa kagustuhan kong matupad ang mga pangarap ko talagang sinunod ko
ang anim na buwang gamutan. Tuluyan akong gumaling sa TB kasabay ng pag-aaral
sa bahay. Natapos ko nga ang haiskul pero baka iyon na ang huling pagkakataong
makapagsuot ako ng toga.
Halaw sa episode sa MMK https://www.youtube.com/watch?v=CZnH59qzsxs

Alamin natin ngayon kung naunawaan mo ang ating pinag-aralan.

Mga Gawain
Gawain 1.1 Pag-unawa sa binasa. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ilarawan si Maro.
2. Bakit ayaw ng kaniyang mga magulang na magpatuloy siya sa kaniyang pag-
aaral?
3. Sa palagay mo, tama ba ang kaniyang mga magulang? Pangatwiranan.
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Maro, Ano ang gagawin mo? Bakit?
5. Dapat ba natin siyang tularan? Ipaliwanag ang sagot.
6. Ano ang iyong mga pangarap? Paano mo ito tutuparin?
7. Ano ang mensahe ng dula? Magbigay ng mensahe sa mga kabataang ayaw
magpatuloy sa pag-aaral.

Rubriks sa Pagwawasto sa Gawain Bibigyan ka ng sumusunod na puntos


Mga katangian ng sagot:  10 - taglay ang tatlong
 Kumpleto ang ibinigay na sagot pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag  7 - taglay ang dalawang
 Maayos ang pagbuo ng mga pamantayan
pangungusap  5 – taglay ang isang pamantayan

Gawain 1. 2 Magbigay ng hinuha sa panlipunan at historikal na kaugnayan sa


konteksto ng dulang binasa.

Ano ang kaugnayan ng mga tagpong ito sa ating mga karakter sa dula? Sa
palagay mo, bakit ito ang napiling mga disenyong pamproduksiyon sa dula?

Sa isang payak na silid. Isang bintana


sa bandang likuran at may makulay
na kurtina, sopa at isang silya sa
harap ng mesa ni Mark.

Sa isang kubong payak at malapit sa


dagat. Sa labas, nakasabit ang lambat at
sa loob sa kaliwa ay may hugasan at sa
bandang kanan ay may hagdan paakyat
sa higaan. Sa dalampasigan may
bangkang di sagwan sa isang tabi na
may lamang lambat.

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
7

Magaling! Nasagutan mo na ang mga gawaing ibinigay. Ngayon ay basahin mo


at isaisip ang mga dapat tandaan sa araling ito.

Tandaan
Matapos mong gawin ang mga pagsasanay na iniatas sa iyo, muli nating
balikan ang ilang mahalagang kaisipan tungkol sa aralin.

1. Ang dula ay isang salamin sa ating pamumuhay at pantelebisyon ay may


ginagampanang parte sa ating pagharap sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Layunin nitong makapag-ambag sa kaalaman (knowledge)
kahulugan (meaning) at kahalagahan (values) ng mga manonood kaya
mahalagang mailahad nang maayos ang nilalaman ng kuwento ng isang
manunulat.
2. Binubuo ng tatlong bahagi ang paglalahad, tunggalian at resolusyon na
nagiging gabay sa pagbuo ng storyline, synopsis at sequence sa isang
dula.

Pag-alam sa Natutuhan

Tukuyin ang elemento ng dulang pantelebisyon na pinamagatang


“Notebook”. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Detalye Elemento

1. Myla, Ina, Ama, Maro

2. Myla: (titingin sa paligid kung may tao) Sige


bukas uli.
Maro: (nakangiting nakaharap kay Myla) Sige,
sige, Salamat.

3. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-abot sa


mga pangarap

4. Sa daan. Pauwi sa bahay galing ng hospital. May


mga bangkang makikita sa tabing-dagat at mga
bahay sa kanan.

5. Tunog na nagpapasidhi ng damdamin ng mga


manonood (Background music playing)

Pangwakas na Pagsubok

Hanapin sa Hanay B ang salitang may kaugnayan sa mga pangungusap sa


Hanay A. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
8

Bilang pangwakas, isagawa mo ang gawain sa pagninilay at tiyak ko na marami


kang makukuhang kaalaman dito.

Pagninilay

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
9

Mahusay! Nararapat kang purihin sapagkat natapos mo ang lahat ng mga


pagsubok na ibinigay. Kung mayroon pang bahagi na hindi mo naunawaan ay huwag
kang mag-atubili na sumangguni sa iyong guro.

FILIPINO 7
SAGUTANG PAPEL
IKATLONG MARKAHAN- IKALIMANG LINGGO

Pangalan: ___________________________________ Guro: _____________

Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: _____________

Paunang Pagsubok
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
Balik – tanaw – Pangunahing kaisipan sa talata

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________

Gawain 1.1 Paunawa sa Binasa


1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________________
6. ____________________________________________________________________________
7. ____________________________________________________________________________
8. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
9. ____________________________________________________________________________
10. ____________________________________________________________________________

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
10

Gawain 1.2 Sosyo – Historikal na kaugnayan ng konteksto

A.Sa isang payak na silid. Isang


bintana sa bandang likuran at may •
makulay na kurtina, sopa at isang
silya sa harap ng mesa ni Mark. •
A.A.Sa isang kubong payak at malapit sa
dagat. Sa labas nakasabit ang lambat at
sa loob sa kaliwa ay may hugasan at sa
bandang kanan ay may hagdan paakyat •
sa higaan.
B.B.Sa dalampasigan may bangkang di •
sagwan sa isang tabi na may lamang
lambat.

Pag-alam sa Natutuhan
Tukuyin ang elemento ng dulang pantelebisyon na pinamagatang “Notebook”.

1. 2. 3. 4. 5.

Pangwakas na Pagsubok

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.
gsubok

Pagninilay
Sumulat ng isang “storyline” o kuwento sa isang linya sa sumusunod na dulang
pantelebisyon.

` Modyul sa Filipino 7
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like