Fil104 R.P1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

FOUNDATION UNIVERSITY

Mga Pagdulog at Estratehiya


sa Pagtuturo ng Filipino
Batay sa Kurikulum
Tagapag-ulat:

Claire Antonette N. Mira


FOUNDATION UNIVERSITY

Ang Pagbabagong
Kurikulum sa K-12 Pangalawang Parte
FOUNDATION UNIVERSITY

Talaan ng Nilalaman

I Ang kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 4

II Ang Filipino sa Antas Sekondarya 7

III Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum 8

IV Pananaw sa Pagtuturo ng Wika 9

V Mga Bagong Pananaw sa Pagtuturo at Pagkatuto 10

2
FOUNDATION UNIVERSITY

Balik-aral:
1. Ano ang kurikulum?
2. Ano-ano ang mga nilalaman ng isang kurikulum?
3. Ano ang inyong masasabi sa pagbabago-bago ng ating
kurikulum?
FOUNDATION UNIVERSITY

Layuning Pampagkatuto
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagbibigay ng katibayan o patunay ng pagbabago ng
Kurikulum sa K-12.
2. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagkatuto sa ibat-ibang pananaw
ng dati at bagong kurikulum.
I ANG KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON NG 2002
binigyan ng ibayong pansin ang pagsasanay para sa pagtatamo ng mga kasanayan
sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga halagahan at ang pagkilala sa iba’t
ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple intelligence).
inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon.

A. Batayan ng Kurikulum 2002

Layunin ng edukasyong elementarya (ayon sa Education Act of 1982)


Mga pambansang batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad ng Konstitusyon
ng Pilipinas ng 1987
Governance of Basic Education Act of 2001

2
4
B. Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya
mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang: “Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang
pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat).
linangin ang apat na makrong kasanayang pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat, gayundin ang pag-iisip.

C. Mga Inaasahang Bunga sa Pag-aaral ng Filipino

Unang Baitang: Inaasahang nakabibigkas at nakababasa ng mga alpabeto at simpleng


salita nang may wastong tunog,
Ikalawang Baitang: Nakapagsasabi ng pangunahing diwa; nakapaglalarawan; nakababasa
nang wastong paglilipon ng mga salita; at nakasusulat nang kabit-kabit na mga titik na may
wastong bantas.

2
5
C. Mga Inaasahang Bunga sa Pag-aaral ng Filipino
Ikatlong Baitang: Nakapagsasalaysay ng buod: naibibigay ang sariling palagay;nakababasa
at naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salita; natutukoy ang pagkakaiba ng opinion at
katotohanan; nakababasa nang may pang-unawa at naisusulat ang idiniktang iba’t ibang uri
ng teksto.
Ikaapat na Baitang: Nakapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan;nakagagamit ng
matalinghagang salita; natutukoy ang sanhi at bunga;nakasusulat ng mg maikling
komposisyon.
Ikalimang Baitang: Nakapagbubuod; nakabubuo ng iba’t ibang pangungusap; nakagagamit
ng iba’t ibang sanggunian at nakasusulat nang iba’t ibang pahayag.
Ikaanim na Baitang: Nakapag-aayos ng napakinggang teksto at naililipat sa iba pang anyo
ng pagpapahayag; nagagamit ang iba’t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag,
nakapagbibigay ng solusyon sa mga suliranin at nakasusulat nang ilang uri ng salaysay o
dayalog. 2
6
II ANG FILIPINO SA ANTAS SEKONDARYA

A. Kahinaan ng Dating Kurikulum (Ayon sa obserbasyon ng DepEd)


Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:
1. Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya
hanggang tersyarya.
2. Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.
3. Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang
4. Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng content at pagtalakay sa panitikan
5. Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto
ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino.

B. Makrong Kasanayan C. Pukos ng Antas sa Sekundarya


1. pakikinig 1. Una at Ikalawang Taon
2. pagsasalita 2. Ikatlo at Ikaapat na Taon
3. pagbasa
4. pagsulat 2
7
III Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum

Dating kurikulum - tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa paglinang ng


kaalamang panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.

Bagong Kurikulum – lumawak ang pananaw sa Filipino Itinuturing itong hindi lamang
obdyek ng pagkatuto o isang asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mga
mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa Filipino. Bilang isang pantulong sa sabdyek,
nililinang ito bilang wika ng iskolarling talakayan sa mga asignaturang tulad ng
Aralin/Agham Panlipunan at Makabayan. Nililinang ang akademikong kasanayang
pangwika gamit ang mga tekstong dyornalistik, reperensyal, prosidyural, literari, atbp.

2
8
IV Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino:


Maituro nang holistic at natural ang wika;
Malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang
kognitib-akademik na kasanayang pangwika;
Mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga
asignaturang pangnilalaman;
Malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat;
Malinang ang kritikal na pag-iisip ng mag-aaral; at
Maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

2
9
V Mga Bagong Pananaw sa Pagtuturo at Pagkatuto

Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito
sa nagbabagong layunin ng edukasyon.
Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang
pakikipagtalastasan.
Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong
pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang komunikatib.
Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib
Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay o integrasyon ng mga
kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita.

2
10
V Mga Bagong Pananaw sa Pagtuturo at Pagkatuto

Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng


pangangailangan.
Interes sa mga pinagsanib na program tulad ng wika at araling panlipunan.
Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa
proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-diin sa
tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.
Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.

2
11
FOUNDATION UNIVERSITY

Maraming Salamat !!

Tagapag-ulat:

Claire Antonette N. Mira

You might also like