Lesson Plan 1
Lesson Plan 1
Lesson Plan 1
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang pagkakaiba ng bawat anyong lupa sa Pilipinas.
B. Pamantayan sa Pagganap
Napahahalagahan ang mga anyong lupa.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naibibigay ang mga pakinabang na nagmumula sa anyong lupa.
III. PAMAMARAAN
1. Panalangin
2. Pagbati
Magandang araw mga bata! Kamusta Magandang araw din po! Mabuti
kayo sa araw na ito? naman po kami.
3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
5. Balitaan/Balik-aral
B. PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa ating
panibagong aralin ay may inihanda
akong gawain. Ang klase ay mahahati
sa tatlo. Ang tawag sa larong ito ay
“Hanapin Mo Ako”. Hahanapin ninyo
sa ibaba ang mga salita na may
kaugnayan sa talakayan natin
ngayong araw na ito.
1. Bundok
2. Burol
3. Lambak
4. Bulkan
5. Talampas
B U N D O K I L O G
U S D A F G H A J K
L M N G O P Q M R S
K T S A P A V B W X
A B A T I S Y A Z A
N S C X V B U K A L
E M B U R O L J F C
T A L A M P A S I C
Mahusay, mga bata! Ang mga salitang
nahanap ninyo sa loob ng kahon ay may
kaugnayan sa ating paksa ngayon.
C. PAGLALAHAD
Ngayong umaga ay bibigyang pansin natin
ang mga anyong lupa sa ating bansa.
BUNDOK
- isang mataas na anyong lupa na matatanaw
sa malayo. Ito ay matarik kaya’t mahirap
akyatin. Ang mga popular na bundok sa
Pilipinas ay Mt. Pulag sa Cordillera, Mt.
Banahaw sa Quezon, at Mt. Makiling sa
Laguna. Ang Mt. Apo sa Davao ang
pinakamataas na bundok sa bansa.
BULUBUNDUKIN
- hanay ng mga bundok. Karaniwang
nababalutan ito ng kagubatan. Sa kagubatan
matatagpuan ang malalaking puno,
mababangis na hayop, at naiibang uri ng mga
halaman. Ang Sierra Madre, Caraballo, at
Cordillera ay ilan sa mga bulubundukin sa
ating bansa.
BUROL
- mataas na anyong lupa ngunit mas mababa
kaysa sa bundok. Mas madali itong akyatin
kaysa bundok. Ang halimbawa ng burol ay
ang Chocolate Hills sa Bohol.
LAMBAK
- patag at malawak na lugar na napaliligiran
ng mga bundok. Ang Marikina at Cagayan ay
mga lambak.
PULO
- bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig.
Binubuo ng mga pulo ang Pilipinas. May iba’t-
iba itong hugis. May malalaki at maliliit. Ito ay
tinatawag ding isla. Ang Marinduque,
Catanduanes at Roblon ay mga isla sa Luzon.
BULKAN
–mataas na anyong lupa na may bunganga sa
tuktok. Nagbubuga ito ng kumukulong putik at
usok kapag pumutok.
Bulkang Mayon– aktibong bulkan sa bansa
na matatagpuan sa Albay. Ito ay may
perpektong hugis-apa na dinarayo ng mga
turista.
Bulkang Taal – ito ay ang pinakamaliit ng
bulkan sa daigdig na nasa Batangas na
dinarayo din ng mga turista.
TALAMPAS
– isang patag na lupa sa ibabaw ng bundok.
Mainam itong pagtaniman ng gulay at prutas
na angkop sa malamig na klima dito.
BAYBAYIN
– ito ay anyong lupa na nasa tabing dagat.
May mahabang baybayin ang ating bansa.
Nakukuha sa baybayin ang mga kabibe at iba
pang mga palamuti. Ang tanyag na baybayin
sa ating bansa ay ang Beach Resort na
matatagpuan sa Boracay. Mainam itong
pasyalan at paliguan.
TANGWAY
– anyong lupang nakausli sa katubigan at
nakadikit sa mas malaking anyong lupa. Ang
mga lalawigan ng Bataan at Zamboanga ay
ilan sa mga halimbawa ng tangway na
matatagpuan sa ating bansa.
Naiintindihan niyo bam ga bata ang tinalakay
natin sa araw na ito?
D. PAGLALAHAT
Base sa ating talakayan, ano ang inyong Wala po.
natutunan ngayong araw na ito?
Mahusay, mga bata! Tama ang inyong mga (Tataas ng kamay ang mga bata at
sagot. may iba’t-ibang kasagutan.)
E. PAGLALAPAT
IV. Ebalwasyon
V. Takdang Aralin. Iguhit ang iyong paboritong anyong lupa at ilarawan ito.