Filipino 7-Pretest - PT 2021-2022

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuruang Taon 2021-2022
FILIPINO 7

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga akda. Isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

Pagsusuring Panlinggwistika/ Pampanitikan


1. Ano ang isang genre ng panitikan na nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging
salaysay ng kanilang lugar?
A. Awiting- Bayan C. Maikling Kwento
B. Kwentong – Bayan D. Nobela
2. Noong unang panahon , may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunod-sunoran na
lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan.
Sa paglalarawan sa tagpuan ng akda, Ano ang katangian ng mga taong naninirahan dito?
A. Ang batas ay gusto ng mga tao sa bayang ito.
B. May disiplina ang taong naninirahan sa bayang ito.
C. Bawat tao ay may kalayaan sa pagsunod ng batas ng kanilang bayan.
D. Takot na maparusahan kung kaya’t sunod-sunoran ang mamamayan sa batas na umiiral sa
kanilang bayan.
3. Sa pagsasagawa ng makatotohan at mapanghikayat na Proyektong Panturismo alin ang HINDI
kabilang sa mga hakbang at dapat tandaan sa pagsasagawa nito?
A. Malaki ang dapat na badget sa pagbuo ng proyektong ito
B. Ang pagbuo ng travel brochure ay isang pang-akit sa mga turista.
C. Gumamit ng wasto at angkop na wikang Filipino sa travel brochure.
D. Tiyaking malinaw at mababasa ang mga teksto sa travel brochure.
4. Sa pagsusuri ng isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan, alin ang dapat isaalang-
alang?
A. Ilahad ang buod ng dokyu film.
B. Bumuo ng Konklusyon at paghihinuha matapos ang pagsusuri.
C. Suriin ang kabuoang pagtingin o pananaw sa napanood at mga elemento nito.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Punan ng tamang pang-ugnay ang may salungguhit.
Nang marating ni Abed ang Kubo, binati siya ni Subaket. Luminga-linga si Abed at nakita niya ang
kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subaket na kunin kinaumagahan
ang kanyang parte _____may inilaan sa kanya.
A. at B. dahil C. ngunit D, para sa
6. Sa pahayag na “May pag-asa pa”, Anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa?
A. Eksistensyal B. Padamdam C. Penomenal D. Temporal
7. Sa pagbuo ng travel brochure alin ang unang hakbang sa mga panuntunan sa pagsasagawa ng
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.
A. Pagbuo ng aktwal na travel Brochure
B. Pagbuo ng burador para sa travel brochure
C. Pagpili ng mga larawang isasama sa travel brochure
D. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure.
8. Paano mo higit na mahihikayat na mamasyal sa Mindanao ang maraming tao nang mamalas nila
ang kagandahan at pag-unlad ng mga bayan sa Mindanao?
A. Bumuo ng mga sulating naglalarawan sa isang lungsod sa Mindanao.
B. Ikuwento sa mga kaibigan ang magagandang tanawing napasyalan sa Mindanao.
C. Gumawa ng scrapbook ng mga larawan ng pagpaspasyal sa isang lungsod ng Mindanao.
D. Sumulat ng online travelogue na nagpapakita ng mga larawan ukol sa sariling karanasan sa
pagbisita sa Mindanao.
9. Anong anyong media na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang isang
produkto?
A. Balita B. Marketing C. Pahayagan D. Patalastas
10. Ano ang tawag sa dokumentaryong pang-promosyon na naghihikayat na tukoy na patutunguhan,
hotel, paglilibot, mga package sa bakasyon o kakaibang lugar?
A. Audio-Visual Presentation C. Poster
B. Blog D. Travel brochure

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa. Piliin at Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot kung:

A. Eksistensyal B. Pangungusap na pagbati C. Padamdam D. Temporal

___11. Alas singko nang hapon. _____12. Ay naku, Mali _____13. Magandang buhay.

14. Anong uri ng akdang pampanitikan na mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
sumasalamin sa mga kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay.
A. alamat B. awiting-bayan C. bulong D. tula

15. Si Pilemon, si Pilemon


Nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli
ng isdang tambasakan

Isinasaad ng mga linyang ito na…


A. Ang pangingisda ay napakahirap na gawain
B. Ang isa sa sikat nilang gawain ay ang pangingisda.
C. Ang libangan ng mga tao sa Bisayas ay ang pangingisda
D. Ang pangingisda ang isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisayas

16–19 Pagtukoy sa uri ng Awiting-bayan. Hanapin ang uri sa hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
A. B.
______16. Awit ng pag-ibig A. Balitaw
______17. Awit ng pandigma B. Dalit
______18. Awit sa kasal C. Dungaw
______19. Awit sa patay D. Kumintang

20-21. Piliin ang titik ng tamang sagot upang matukoy ang antas ng wika ang salitang
nakasalungguhit. Isulat kung
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pormal
_____20. Magara ang damit ng nagtalumpati sa entablado.
_____21. Nagkalat ang checkpoint ng mga lespu sa mga daanan.
_____23. Mangan ta na po.
_____24. Naglaklak naman ng alak ang ama mo.
25. Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunod-sunoran na
lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Sa paglalarawan sa
tagpuan ng akda, Ano ang katangian ng mga taong naninirahan dito?
A. Ang batas ay gusto ng mga tao sa bayang ito.
B. May disiplina ang taong naninirahan sa bayang ito.
C. Bawat tao ay may kalayaan sa pagsunod ng batas ng kanilang bayan.
D. Takot na maparusahan kung kaya’t sunod-sunoran ang mamamayan sa batas na umiiral
sa kanilang bayan.

Piliin ang angkop na salita sa paghahambing sa magkatulad at di-magkatulad upang


mabuo ang kaisipan ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot kung:
A. higit B. mas C. di-masyado D. di-gaano
27. _____ na maganda ang lugar na Baysay kaysa Guibaysayi.
28. _____ matapang na mandirigma si Katindoy kaysa kay Ambrosio Makarumpag.

Ngunit itong ating buhay


Talinghagang di malaman
Matulog ka nang mahusay
Magigising nang may lumbay

29. Ano ang nais iparating ng may akda sa saknong nasa loob ng kahon.
A. Paggising ay walang problema.
B. Masaya ang paggising mo ngunit may katumbas na kalungkutan.
C. Dahil sa hindi makatulog nagkaroon ng malalang sakit na hindi maipaliwanag.
D. Kapag natulog ka ay wala ng problema, ngunit sa iyong paggising bigla na lamang
darating ang ‘di maganda,
30. Sa pahayag “Hindi sapat ang timbang ni Andrea sapagkat madalas itong hindi makakain
dahil mag-isa siya sa buhay. Anong Sosyo –historikal na konteksto?
A. Pagiging ulila
B. May sakit ang bata
C. Ang bata ay isinilang na mayaman
D. Salat sa karangyaan ang bata
Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DepEd na magsagawa ng dry run
ng face- to -face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid-19 na sisimulan sana
ngayong darating na Enero.

32. Anong uri ng akda ang nasa kahon?


A. Alamat B. Balita C. Sanaysay D. tula
33. Anong bahagi ang tawag sa bahagi ng balita ang mababasa sa kahon.
A. Kongkulsyun B. katawan C. Pamuhatan D. Pamatnubay
34. Anong uri ng tulang romansa ang Ibong Adarna?
A. Allegro B.Awit C. Korido D. Romansa
35. Ano ang pinapaksa ng Ibong Adarna?
A. Pinapaksa nito ang kataksilan ng mga kumakalaban sa mga Kastila.
B. Pagtatagumpay ng mga tauhang may pambihirang lakas at Kapangyarihan
C. Pinapaksa nito ang pakikipagsapalaran at Kabayanihan ng mga maharlikang tao
D.Paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa nangangailangan at relihiyong Kristiyanismo
36. Sa saknong na:
Kaya, Inang matangkakal
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay
Sino ang tinutukoy na ina ng may akda?
A. Inang Birhen B.lola C. mambabasa D. nanay
37. Ano ang nilalaman ng dasal na may akdsa sa saknong na nasa aytem no. 36?
A. Ang paghingi ng basbas at patnubay sa Birheng Maria sa pagsulat ng kwento.
B. Pasasalamat sa Diyos sa natatamong biyaya
C. Samo sa hinakikit sa buhay
D. Paghingi ng marugtungan ang kanyang buhay
38. Sa lalagya’y dinukot na
yaong tinapay na dala
iniabot nang maligaya
sa matandang nagdurusa
Anong ugali ni Don Juan ang masisinag sa saknong na ito?
A. Kabastusan B. Kabutihang loob C. Kasipagan D. Kayabangan
39. Anong katangian nina Don Pedro at Don Diego sa planong pagdadala ng Ibong Adarna
sa haring ama, matapos iligtas at tulungan sila ng nakababatang kapatid?
A. mabait B. mapagmahal C. mapagpanggap D. matalino
40. Anong damdamin ang namayani kay Don Juan sa imbitasyon sa masasamang kapatid sa
saknong na

Kung ibig mo ay huwag nang


balikan ang ating ama
pabayaan ang Berbanya
dito na tayo tumira
A. pag-ibig B. pagkagalit C. pagseselos D. pagsisisi
41. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ni Don Juan sa saknong na
O, marilag na prinsesa
makita, ka ay ligaya
kabanguhan ng sampaga
sa yapak mo’y sumasamba
A. Donya Juana’y sinasamba
B. Pagmamakaawa ni Don Juan na tanggapin ang inaalok pag-ibig sa prinsesa
C. Kislap sa mata ang namayani dahil sa yamang bumabalot sa lugar ng prinsesa
D. Paghanga at Pag-ibig ang nadama ni Don Juan sa unang pagkikita nila ni Prinsesa
Juana
42. Ano ang ipinapahiwatig na saloobin ni Prinsesa Leonora sa saknong na
Pagka’t marami sa puso
talu-sira sa pangako
sa pagsinta’y mapagbiro
natutuwang sumiphayo
A. Maging mapagbiro sa pag-ibig
B. Lahat ay pwedeng subukan sa larangan ng pag-ibig
C. Di dapat pagkatiwalaan ang taong ngayon pa lamang nakikilala
D. Marami sa magkatipan ngayon ang natutukso at sinisira ang pangako ng pag-ibig

Mula sa Hanay A ay suriin ang ilang mga pangyayari sa akda at iugnay ang suliraning
panlipunan sa Hanay B. Piliin ang titik ng tamang sagot sa solusyon sa Hanay C.
A B C
Pangyayari sa akda Suliraning panlipunan Solusyon
A. Isawalang bahala ang payo
ng magulang
43. Diumano’y si Don Juan Pagiging suwail ng ilang B. Maglayas sa bahay at
Bunso niyang minamahal kabataan sa mga tagubilin sumama sa barkada
Ay nililo at pinatay sa kanila C. Sumunod sa payo at utos ng
Ng dalawang tampalasan mga magulang
D. Sumama sa mga kaibigan
dahil sa kanila tayo nagiging
masaya
A. Ang pagpatol sa
44. Kaya po kung pipigilin Pagiging mapusok ng pakikipagrelasyon ay
Itong hangad kong magaling ilang kabataan sa larangan ng subukan
Di ko maging sala mandin pag-ibig B. Magkaroon ng
Umalis nang palihim konsentrasyon sa pag-
aaral at sa tamang
panahon ay darating din
ang pag-ibig
C. Makipag chat sa facebook
upang magkaroon ng
kasintahan
D. Subukan lahat ng
makapagpapasaya sa
mga kabataan
45. Anang matandang may dusa A. Hindi dapat tumulong dahil
“ Maginoo, Maawa ka Pagsasawalang halaga sa buhay mamimihasa lang sila.
Kung may baon kayong dala ng iba kahit pa ito’y buhay ng B. Maging makasarili
Ako po ay limusan na” taong malapit sa iyo C. Pahalagahan at mahalin
ang kapwa higit ang
nangangailangan ng iyong
tulong
D. Wala kang pakialam sa
nangyayari sa paligid

II. Sumulat ng isang pamatnubay batay sa mga datos.


46-50
Ano : Pinalawak ang pagbabakuna ang Covid-19 ng Pfizer
Sino: mga kabataan na 12-15 taong gulang
Kailan: Noong Lunis, Mayo 10, 2021
Bakit: upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan
Paano: Magpaparehistro sa mga Barangay Health Center

______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

You might also like