Lesson Plan MAPEH

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Detailed Lesson Plan (DLP)

DLP Blg. : 9 Asignatura: MAPEH (Arts) Baitang: 4 Markahan: Una Oras: 40 minutos
Mga Kasanayan: Adapts an indigenous cultural motif into a contemporary design through Code: A4EL-Ic
crayon etching technique
Susi ng Pag-unawa na Ang mga katutubong disenyo sa kultural na pamayanan ay isang mahalagang pamana
Linangin ng ating lahi na hanggang ngayon ang kanilang mga disenyo ay tinatangkilik at
maaaring iangkop sa makabagong mga disenyo.
Indigenous
Crayon etching
Domain 1. Mga Layunin
Kaalaman Nailalarawan ang mga katutubong disenyo na gawa ng mga pangkat-etniko sa mga kultural na
pamayanan
Kasanayan Nakalilikha ng isang disenyo mula sa mga katutubong motif sa pamamagitan ng crayon etching
Naipagmamalaki ang mga katutubong disenyo sa kultural na pamayanan sa pamamagitan ng
Kaasalan
pagsusuot nito bilang palamuti sa katawan
Kahalagahan Pagkamalikhain
2. Nilalaman Mga Katutubong Disenyo
3. Mga Kagamitan sa LM, pp. 158-161, TG, pp. 205-207
Pagtuturo oslo paper/ bond paper, lapis, krayola/ oil pastel
4. Pamamaraan
4.1. Panimulang Gawain Sabihin:
(2 minuto)  Napag-aralan na natin ang iba’t ibang disenyo ng mga kultural na pamayanan tulad ng
Luzon, Visayas at Mindanao.
 Ibigay ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga disenyo sa kanilang mga kagamitan at
pananamit.
4.2. Mga Gawain  Magpakita ng larawan ng iba’t ibang disenyong etniko.
(8 minuto)  Suriin ang mga disenyo na ginamit sa mga larawan.
 Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang makabuo at makapagbigay ng kanilang
opinion.
4.3. Pagsusuri  Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang ito?
(3 minuto)  Sa palagay ninyo, saan nagmula o hango ang kanilang mga disenyo?
4.4. Pagtatalakay Sabihin:
(5 minuto)  Ang mga disenyong etniko ay gawa ng iba’t ibang uri ng pangkat-etniko sa mga kultural
na pamayanan sa bansa. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita
nila sa sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan, gaya ng palayok, mangkok, at
banga sa mga hinabing tela, kumot, at banig. Magaganda rin ang kanilang mga palamuti
sa katawan tulad ng alahas, kwintas, at hikaw. Ang mga bagay sa kapaligiran at maging
sa kalikasan ay ang mga pangunahing pinaggagayahan ng kanilang mga disenyo tulad
ng araw, buwan, bituin, dahon, bulaklak, dagat, hayop, at tao.
4.5. Paglalapat  Mga Hakbang sa Paggawa:
(15 minuto) 1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Diinan nang maigi ang pagkukulay sa buong papel. Punuin ang papel ng iba’t ibang
kulay ng krayola.
3. Patungan ng kulay itim na krayola ang buong bahagi ng papel.
4. Maaaring gumamit ng paper clip o toothpick na magsisilbing pangguhit.
5. Pumili ng disenyo na nais iguhit mula sa mga larawang ipinakita ng guro
6. Maaaring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang iba’t ibang linya at hugis
para sa gagawing likhang-sining.
7. Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at orihinal na disenyo.
8. Kapag tapos na ang ginawang likhang-sining maaari na itong ipaskil at maghanda sa
pag-uulat.
5. Pagtataya Lagyan ng tsek () ang kahon batay sa antas na iyong naisagawa sa buong aralin.
(3 minuto) - Sumangguni sa LM, p. 161
6. Takdang-Aralin Magdala ng sumusunod na kagamitan:
(2 minuto) 1. Mga retaso ng tela, manila paper
2. Oil Pastel
3. Lapis
4. Gunting
5. Krayola
7. Panapos na Gawain Paano ninyo ipagmamalaki at pahahalagahan ang mga disenyong etniko na gawa ng mga
(2 minuto) pangkat-etniko?

Prepared by:
Name: Jerusha May J. Real School: P.G. Almendras Elementary School
Position/ Designation: Teacher I Division: Danao City
Contact Number: 09305876755 Email address: jerushamay.real@deped.gov.ph

You might also like