Teknolohiya: Kaibigan o Kaaway NG Modernong Henerasyon?

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Teknolohiya: Kaibigan o Kaaway ng Modernong Henerasyon?

Kasabay ng mabilis na pag-usad ng panahon ang mabilis na pagbabago


sa mundo pati na rin sa saloobin at kaluluwa ng tao. Ang pagkahayok
ng bawat isa sa pagbabago ang siyang sanhi ng pagkasilang ng
teknolohiya. Hindi maikakailang lumawak na ang kaalaman tungkol sa
mundo at ito ay dahil sa modernong panahon na kinabibilangan natin
ngayon. Gaano na nga ba kalayo ang ating nilakbay at tila ba
nakalimutan na ng mga kabataan sa kasalukuyan ang mga bagay na
kinagigiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon?

Pagbalik tanaw sa mga larong Pinoy katulad na lamang ng bahay-


bahayan, langit lupa, patintero at iba pa na dating nagbibigay buhay sa
lansangan at bumabasag sa nakabibinging katahimikan ng kapaligiran.
Salungat sa kasalukuyang ganap ng mga kabataan pagdating sa
paglalaro. Kahit saan tayo lumingon bakas ang pagbago ng teknolohiya
sa mundo at kasabay nito ang malaking pagbabago ng kabataan. Halos
hindi mabitawan ang mga gadgets na mas madaming oras pa ang
inilalaan kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas makabuluhang
bagay.

Ano ba ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan ng modernong


henerasyon? Nararapat ba nating isisi sa teknolohiya ang unti-unting
pagbabago ng pag-uugali sa tinatawag na “Pag-asa ng Bayan”?
Lingid sa ating kaalaman, patuloy na yumayabong at lumalaganap ang
teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Kasabay ng paglipas ng
panahon ang mabilis na pagbabago ng ugali ng mga kabataan sa
modernong teknolohiya. Madali na ang lahat. Maging ang paggawa ng
mga takdang aralin sa paaralan ay “instant”. Hindi mo na kailangan
bumuklat ng libro at hanapin ang kasagutan dito bagkus kaunting type
at click dito may “instant” kasagutan na sa iyong takda. Nagiging
makapal na ang alikabok ng iyong mga libro sapagkat nakulong na ang
atensyon sa isang kahong hindi maiwan ng ating paningin kahit saglit.

Mapapansin na naging tamad na ang mga itinuturing na “Pag-asa ng


Bayan”. Umaasa sa teknolohiyang malapit ng kumain sa kanilang
sistema. Mas maraming nailalaan na oras kumpara sa mga
makabuluhang bagay na maaaring gawin. Ang tanong ng karamihan ay
paano nga ba magiging “Pag-asa ng Bayan” ang mga kabataan kung
sila mismo ay nahihirapang kumalas sa higpit ng yakap ng
teknolohiya? Kung ang simpleng pagbuklat ng libro para sa ating mga
takda ay hindi natin magawa bagkus computer at mouse ang ating
hawak sapagkat umaasa tayo sa abilidad na hatid ng teknolohiya at
modernisasyon.

Ang simpleng pakikipag-usap sa ating pamilya ay hindi na rin natin


maisagawa sanhi ng mga gadgets na mas pinagtutuunan natin ng
atensyon at oras. Normal na senaryo sa ating paaralan ang pagkopya
ng mga aralin na itunuturo sa atin ng ating mga propesor o guro.
Ngunit sa halip na ballpen at papel ang ating ilalabas, camera o
cellphone ang ating hahawakan sapagkat mas madali ang pagkuha ng
litrato kaysa sa pagsusulat nito. Nakadepende palagi sa moderno at
makamundong teknolohiya. Hindi naman masama ang paggamit nito
ngunit may mga bagay na dapat nating itinatrabaho at hindi
kailangang iasa sa teknolohiya.

Ang simpleng paggawa ng gawaing bahay upang makatulong sa mga


magulang ay hirap na ding gampanan ng mga kabataan ngayon.
Masyadong minahal ang aliw na ibinibigay ng modernisasyong
teknolohiya.

Hindi ito upang gawing masama ang epekto ng teknolohiya at


modernisasyon sa mga kabataan. Hindi maikakailang napakalaki ng
tulong ng teknolohiya sa modernong henerasyon. Malayo na ang
narating nito sa patuloy na pagyabong at paglaganap nito. Lagi lamang
natin isa-isip na ang pag-unlad ay base rin sa magandang ugali ng
mamamayan nito partikular na ang mga kabataan. Ang disiplina sa
sarili ang susi upang hindi maabuso ang paggamit nito. Ang kabataan
na masipag at may magandang pag uugali sa modernong henerasyon
at ang patuloy na pagyabong ng teknolohiya ang susi sa pag-unlad ng
bawat isa.

11

11
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay
makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang
maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan
ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede
niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at
resulta ng empirikal na pananaliksik.

Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na


pagkalap ng mga datos o ebidensya. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang
manunulat ay obligado nang panindigan ang kaniyang panig, maari na rin siyang
magsimulang magsulat ng malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa
pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng
mananaliksik ang iba’t-ibang punto de bista na maaring matalakay sa diskurso.
Dahil may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na rin para
sa kanya ang pumili ng posisyon o papanigan.

You might also like