AP6 Summative-Test-4 Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

REGION IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of Santa Cruz
PALASAN ELEMENTARY SCHOOL
Santa Cruz

Ikaapat Sumatibong Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6


IKALAWANG KWARTER

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________________


Baitang: ______________________________________ Guro: Bb. MARICRIS S. SUEÑA

I.Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon.

Makapili Bataan Fort Santiago Hukbalahap


Gerilya Kempeitai USAFFE

1.Ang mga USAFFE na nakaligtas sa kamay ng mga Hapones ay piniling mamundok at


sumama sa ____________________.
2. Ang mga Pilipino na pumanig sa mga Hapones ay tinawag na ____________________.
3. Ang mga nadakip na gerilyang Pilipino ay ikinukulong at pinaparusahan sa
________________________.
4. Ang ______________________ ay isang kilusang itinatag ni Luis Taruc upang labanan ang
mga Hapones.
5. Ang ___________________________ tawag sa mga sundalong Hapones na kinatatakutan ng
mga Pilipino.

II. Panuto: Pliin ang titik ng tamang sagot.

_____6. Ano ang ibig sabihin ng KALIBAPI?


A. Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
B. Kasamahan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
C. Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipino
D. Kadamay sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
_____7. Bakit tinawag na Pamahalaang Papet ( Puppet ) ang Ikalawang Republika ng Pilipinas?
A. Dahil tau-tauhan lamang ng mga Hapon ang mga namuno sa pamahalaang ito.
B. Dahil mukha papet ang mga namumuno dito.
C. Dahil kinokontrol ng mga Amerikano ang mga Pilipinong namamahala.
D. Wala sa nabanggit
_____8. Siya ang nahalal na Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas?
A. Manuel L. Quezon C. Manuel A. Roxas
B. Sergio Osmeña D. Jose P. Laurel
_____9. Alin sa mga sumusunod ang naging suliraning pangkabuhayan ng mga Pilipino?
1. Dahil sa pagkasira ng sakahan at taniman, lumiit ang produksiyon ng bigas at iba pang
ani.
2. Natutong magnakaw at gumawa ng krimen para magkapera
3. Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan na
inaangkat pa sa ibang bansa
4. Namundok ang maraming Pilipino para doon na lamang nanirahan
A. 1 at 2 B. 2 at 4 C.1 at 3 D. 2 at 3
_____10. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon sa kahirapan dulot ng papankop ng mga
Hapon?
1. Karamihan sa mga Pilipino pumasok sa negosyong buy-and-sell upang kumita.
2. Pagtatanim ng mga gulay sa mga lupang maaaring mapagtaniman upang makatulong sa
kakapusan sa pagkain.
3. Bigasang Bayan (BIBA) ang tumulong sa pagbibili ng at pagbebenta ng pagkaing butil.
4. ang National Distribution Cooperation (NADISCO) na namamahala sa pantay-pantay na
pamamahagi ng pangunahing bilihin.
A. 1,2 at 3 B. 2,3,4 C.1 at 2 D. Lahat ng nabanggit.
_____11. Bakit tinawag na “ Mickey Mouse Money” ang pera na ipinagamit ng mga Hapon?
A. Dahil nakaimprenta ang karakter na si Mickey Mouse sa salapi
B. Dahil kartun ( cartoon ) ang nakalagay sa pera.
C. Dahil walang halaga,walang pananda na may katumbas itong ginto o pilak at maaaring
ipambili.
D. Wala sa nabanggit
_____12. Kasapi nito ang mga namundok na dating sundalong USAFFE at mga sibilyan nagnanais
labanan ang mga Hapon.
A. Kilusang Gerilya B. HUKBALAHAP C. Makapili D.Pilipino
_____13. Sila ang mga Pilipinong pumanig sa mga Hapon upang ituro ang mga kapwa Pilipino na
gerilya.
A. Kilusang Gerilya B. HUKBALAHAP C. Makapili D.Pilipino
_____14.Bakit kinakatakutan ng mga Pilipino ang mga Kempei-tai?
A. Dahil sila ay bandidong nambibiktima ng mga Pilipino
B. Dahil sila ang mga nanghuhuli ,nagpaparusa at pumapatay ng mga gerilyang Pilipino
C. Dahil nanakot sila tuwing gabi
D. Wala sa nabanggit
_____15. Ano ang ibig sabihin ng akronim na HUKBALAHAP?
A. Hukbong Bayan Lalaban sa Hapon
B. Hukbong Bayani Laban sa Hapones
C. Hukbong Bayan Laban sa Hapon
D. Huk ng Bayang Lalaban sa Hapon
_____16. Siya ang namumuno sa kilusang HUKBALAHAP na naglalayong labanan ang kalupitan ng
mga Hapon.
A. Jesus Lava B. Bernardo Poblete C. Felipa Culala D. Luis Taruc
_____17. Bakit labis na nabahala ang mga Hapones sa mga pagkilos ng HUKBALAHAP?
A. Dahil tinatakot at pinagbabantaan sila ng mga miyembro ng Huk.
B. Dahil sinisira nila ang mga pampamahalaang gusaling itinayo ng mga Hapones.
C. Dahil umaatake lamang ang Huk sa gabi at hindi ahanda ang mga Hapon.
D. Wala sa nabanggit
_____18.Malaki ang ginampanan ng mga sibilyan sa pakikibaka laban sa mga Hapones.Alin sa mga
sumusunod ang naging ambag ng mga sibilyan sa laban?
1. Sila ay nakibaka sa pamamagitan ng pagiging espiya laban sa mga Hapones
2.Karamihan sa mga sibilyan ay mga nagtago sa bundo at nagpakalayo layo
3. Kinupkop, ginamot at pinapakain nila ng lihim ang mga sugatang gerilya.
4. Ginamit naman ng mga kababaihan ang kanilang kagandahan upang linlangin ang mga
Hapones.
5. Ang mga kabataan ang naging tagapagdala ng armas at mensahe maipagpatuloy lamang ang
operasyon ng samahan
A. 1,2,3,4 B. 2,3,4,5 C. 1,3,4,5 D. 1,2,4,5
_____19. Upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga kasapi ng gerilya, tumulong ang iba
pang sibilyan sa pamamagitan ng paglalaan ng tulong materyal at pinansyal.
A. Tama B.Mali C.Hindi ako sigurado
_____20. Si Josefa Llanes Escoda ay isa sa mga kilalang bayaning nagpamalas ng pagmamahal sa
ating bayan noong panahon ng Hapon. Siya ay nakilala sa pagiging:
1.Tagapagtaguyod ng karapatang pangkababaihan sa Pilipinas
2. Miyembro ng Kilusang Gerilya na lumaban sa mga Hapon
3.Tagapagtatag ng Babaeng Iskawt sa Pilipinas
4. Taga bigay ngimpormasyon sa mga HUKBALAHAP
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 1 at 3 D. 2 at 4

You might also like