Module 4 Elnasin Sante B. BBD1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Elnasin, Sante B.

Seksiyon — BBD

SIMULAN ITO
GAWIN ITO
Panuto:
Pansinin ang mga larawan sa
kanang bahagi, base sa mga
larawan, ibigay kung anong
wika ang umiiral o mas
ginagamit sa mga media gaya
ng telebisyon, radio o dyaryo
pati na rin sa mga makabagong
paraan ng malikhaing
pagpapahayag. Isulat ang iyong
sagot sa isang kalahating papel.
Sampung puntos.

1. Ang wikang umiiral o mas ginagamit ng mga telebisyon at radyo ay Wikang Filipino
dahil ito ang pambansang wika natin at ang mas naiintindihan ng karamihan sa
nanonood at nakikinig. Sa dyaryo naman, wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at
wikang Filipino naman sa tabloid maliban sa iilan.

2. Ang wikang umiiral o mas ginagamit ng mga hugot lines ay wikang Filipino ngunit
kadalasa’y Taglish.

3. Ang wikang umiiral o mas ginagamit ng mga fliptop ay di-pormal na wika. Kadalasan
din itong gumagamit ng mga salitang balbal, impormal at mga salitang nanlalait.

4. Ang wikang umiiral o mas ginagamit ng mga pick-up lines ay Wikang ngunit may
pagkakataon din na gumagamit ng wikang Ingles o kaya naman ay nasa Taglish.

News

Angelica

FlipTop

Ampalaya
PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Gumawa ng bidyu tungkol sa sitwasyong pangwika sa sariling lugar o
komunidad. Pansinin ang mga alituntunin at krayterya na
nasa ibaba:

ALITUNTUNIN SA GAGAWING BIDYU DOKUMENTARI

 Ang bidyu ay maaaring gawin sa istelong Flitop, Shortfilm,


Comedy skit o ano pang maisipan ninyo
 Ang bidyu ay hindi bababa sa tatlong minuto at hindi lalagpas sa
pitong minuto.
 Ang nilalaman ng bidyu ay ukol lamang sa sitwasyong pangwika;
Halimbawa nito ay “ pagbabago ng wika” “ pagtanggal ng filipino
sa college” “ pagsulong ng foreign language sa bansa” o “
katatasan ng mga estudyante sa paggamit ng wika” at iba pa.
 Ang hindi pagsunod sa mga naunang bilang ay may kabawasan
ng puntos.

KRAYTERYA SA BIDYU DOKUMENTARI

Nilalaman 20
Pagkamalikhain 10
Videography 10
Organisasyon 10
Kabuuan: 50

Gawain 2
Panuto: Ipaliwanag sa sariling pagkauunawa ang estado o sitwasyon ng wika
sa telebisyon, radyo o dyaryo, pelikula, flip-top, pick-up line
at hugot lines. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang. Dalawang
puntos bawat bilang. 12 puntos.

1. Ang mga magagandang balita, wikang Filipino


ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating
bansa. Ang halos lahat kasi ng mga palabas sa
mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang
Filipino at ng iba’t ibang barayti nito. Ito ang wika
ng mga teleserye, mga pangtanghaling palabas,
mga magazine show, news and public affairs,
komentaryo, dokumentaryo, reality Tv, mga
programang pang-showbiz, at maging mga
programang pang-edukasyon. Sa pamamagitan ng
wikang Filipino, halos lahat ng programa ay
sinusubaybayan ng milyong-milyong manonood at
marami na rin ang nakakaunawa at
nakakapagsalita ng wikang Filipino.
2. Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa
radyo sa AM man o sa FM. May mga programa rin
sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng
wikang Ingles sa pagbrobroadcast subalit
nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May
mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na
gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may
kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang
Filipino sila nakikipag-usap.

3. Dahil sa pagamit nga wikang Filipino maraming


naipalalabas sa ating bansa taon-taon ang mga
lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na
Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Iyon nga lang,
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang
Pilipino. Maraming mga pelikula ang tumatak sa
puso't isipan ng bawat isa, kagaya lamang ng
Starting over again, Bride for Rent at iba pa. Ang
wikang ginagamit ay Filipino, Taglish at iba pang
barayti ng wika. Ang pangunahing layunin ng mga
ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang
makaakit nang mas maraming manonood,
tagapakinig o mambabasa na nakauunawa at
malilibang sa kanilang palabas, programa at
babasahin upang kumita sila ng mas malaki.

4. Ang paggamit ng wikang Filipino sa fliptop ay


isang magandang senyales na ang wika ay patuloy
na ginagamit sa makabago at makasining na
paraan upang mas magustuhan at mabigyang
halaga ito ng mga mamamayan lalong-lalo na ang
ating mga kabataan na medyo iba na ang
kinahihiligan ngayon. Isa rin itong maganda at
mabisang paraan upang mas lalo pang kilalanin
ang katangian ng ating wika dahil sa pag pifliptop.
Maipapaalam natin sa mga tao na ang wikang
Filipino pala ay pwedeng maging pinagmulan ng
sining dahil dito mas magkakaroon ng tinatawag na
malalim na pag-iintindi ang mga mamamayan
tungkol sa wikang Filipino.

5. Ang wikang Filipino ang naging instrumento sa


pagawa ng mga pick up lines at ginagamit upang
makabuo nang makulay at makabuluhang pick up
lines. Importante ang wikang Filipino sapagkat
malaki ang kaniyang papel at ang pick up lines ang
naging libangan ng mga Pilipino upang maging
masaya at magkaroon ng magandang relasyon sa
bawat isa.

6. Ang wikang Filipino rin ang ginagamit upang


makabuo ng hugot lines na nangangahulugang ito
ay ang tawag ng mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakakatuwa o minsan naman ay
nakakainis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng
ilang tauhan sa isang pelikula o telebisyong
nagmarka sa puso’t isipan ng manonood.
Kadalasang taglish ang ginagamit pero mas
nananaig ang pagamit ng wikang Filipino.
PAGTATAYA
TEST I:
A. PAGKILALA
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang. Isang puntos bawat bilang. Limang puntos.

Fliptop 1. Karaniwang paggamit ng salitang nanlalait upang makapuntos sa


kalaban.
Di — pormal ng wika 2. Ang wikang ginagamit na pagtatalo sa fliptop.
Pick — up Lines 3. Ito'y tinatawag ding makabagong bugtong.
Hugot Lines 4. Tinatawag ding loves lines o love qoutes.
Telebisiyon 5. Pinakamakapangyarihang medya sa Pilipinas

B. TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag sa ibaba ay wasto at MALI
naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. Isang puntos bawat bilang. Limang puntos.

Mali 1. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media ang radyo dahil sa


rami ng mamamayang naaabot nito.
Mali 2. Sa paglaganap ng internet connection ay lalong dumami ang
manonood ng telebisyon saanmang sulok ng bansa.
Mali 3. Mas tinatangkilik na basahin ng karamihan gaya ng drayber at
tindera ang broadsheet dahil nakasulat ito sa wikang tagalog.
Tama 4. Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa
radyo.
Mali 5. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan
kung bakit sinasabing 90% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang
nakapagsasalita ng Filipino.
TEST II:
APLIKASYON
A. HUGOT LINE
Panuto: Bigyan ng hugot ang larawan na nasa ibaba. Limang puntos.
Saan ka na naman pupunta?

Babalik, sa taong aking iniwan at hanggang ngayo'y


pinagsisihan ko ng lubosan.

B. PICK-UP LINE

Panuto: Bigyan ng pick-up line ang larawan na nasa ibaba. Limang puntos.

Babae: Covid 19 vaccine ka ba?


Lalaki: Bakit?
Babae: Binigyan mo kasi nang kasiglaan at kulay ang buhay ko.
TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Ibigay ang iyong sariling replekyon sa mga sumusunod na paksa na
nasa ibaba. Sampung puntos bawat bilang. (20 puntos).

1. Kahalagahan ng wikang Filipino bilang midyum sa


pakikipag-talastasan o pagpapahayag sa makabagong
panahon.
— Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang
komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at mas
epektibong pakikipag-ugnay. Sa pamamagitan ng paggamit
ng wika Malaya nating naipapahayagang ating saloobin at
kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay. Ang wika ay isa ring
napakahalagang instrumento sapagkat ito ang nagiging tulay
sa pagkakabuklod buklod ng mga mamamayan ng isang
bansa. Pinagtibay nito ang diwa ng pagkakaisa at sapagkat
ito ay lingua franca nating mga nasasakupan. Kukod di ang
pagkakaroon din ng sariling wika ay nakakatulong sa pag-
angat ng ekonomiya ng isang bansa. Ang wikang Filipino ay
tumutulong sa pagpapadali ng pakakaintindihan sa bawat
isa sapagkat ito ay lunguafranca nating mga Pilipino, ibig
sabihin ay marunong tayong makaintindi at makapagsalita
gamit ng wikang Filipino. Kung kaya, bilang isang kabataan
ng bagong henerasyon dapat nating panagalagaan at
tangkilikin ang wikang sariling atin

2. Mabuti at masamang epekto ng makabagong teknolohiya o


mass media sa pagpapatibay ng wikang Filipino.
— Sa panahon ngayon ay patuloy na umuunlad ang
makabagong teknolohiya. Ang pangunahing mabuting
epekto nito sa atin ay ito’y tumutulong mapadali ang
kumunikasyon sa bawat isa. Ito din ay tumutulong sa pang
araw-araw na pamumuhay tulad nalang ng gamit nito sa
pagtatrabaho. Ngunit sa kabilang mga mabubuting naidulot
nito sa atin ay hindi natin maipagkakaila na may hindi
magadang epekto din ito sa ating maging sa ating sariling
wika. Epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagiging aasa
nalamang sa teknolohiya tulad nga smartphone at laptop
para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Nagging
ugat dun ng hind pagkakaunawaan ng mga mamamyan ang
paggamit ng teknolohiya sapagkat ditto ay may kanya
kanyang pananaw ang ibang tao kung kaya’t ditto ay
malakas ang loob nilang makipag sagutan sa isa’t isa lalang
lalo na ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagpimdot
lamang kahit walang pagkilos na nagaganap. Isa pa sa mga
epekto ng teknolohiya sa ating wika ay nawawalang halaga
an gating pinag-araalan sa eskwelahan sapagkat
nagpopokus natin sa iba’t ibang pananaw marahi sa ating
nakikita sa social media.

SIMULAN ITO PAGSULAT NG LIHAM

GAWIN ITO Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa kahon. Isulat sa
isang buong papel. 20 puntos

1. Gaano kahalaga ang pagsulat ng Liham bilang isang:


a. Estudyante
— Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain ng mga estudyante.
Dito naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga naiisip. Sa
artikulong ito, ating bibigyan ng kahulugan ang pagsulat at ating
aalamin kung bakit ito mahalaga.

b. Kaibigan
— Mahalaga ang pagsulat ng liham pangkaibigan dahil ito ang daan
para maipahayag ang damdamin, saloobin, o kung may sasabihin.
Mahalaga ito at nakatulong noon hanggang ngayon, lalo na kung
malayo kayo sa isa't isa. Ang pagsulat ng liham ay parang cellphone
kung saan gumagawa ng communication.
2. Magbigay ng isang sitwasyon kung saan makikita ang kahalagahan
ng pagsulat ng liham sa buhay ng tao.
— Kapag ang iyong mahal sa buhay ay nasa isang lugar kung saan
walang maayos na signal at tanging liham lang ang pwede mong
gawin para makausap mo yung taong minamahal mo.

PAGSASANAY
Gawain 1

Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Tatlong puntos bawat bilang. (9
puntos)

1. Gumawa ng halimbawa ng isang Pamuhatan o Heading


— Sitio Arabe
Zamboanguita, Negros Oriental
December 19,2021

2. Gumawa ng halimbawa ng isang Patunguhan o Inside Address


— GNG. LIGAYA I. MENOR
Store Manager
Jollibee Foods Corporation
Dumaguete Branch

3. Gumawa ng halimbawa ng isang Bating Pambungad o Salutation


— Mahal kong kaibigan,

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang
pagkatapos ng bilang. Isang puntos bawat bilang. (5 pts.)

1. LAGDA Nagsasaad ng pangalan ng sumulat. Kung ang ating sinulatan ay


isang kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na
lamang ang ating ilagda.
2. BATING PAGBUNGAD Ito ay pagbati sa sinusulatan. Ang karaniwang ginagamit o
mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Mahal na Ginoo:
Mahal na Tagapangulong Licuanan: Ginoo: Mahal na Punong
Mahistrado Sereno: Mahal na Ginang: atbp.
3. PAMUHATAN Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres,
telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng
tanggapan (kung mayroon)
4. PATUNGUHAN Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong
ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng
taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung mayroon),
tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon.
5. KATAWAN NG LIHAM Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng
paksa/mensahe sa sinusulatan. Katangian ng maayos na
mensahe

PAGTATAYA
Test I: APLIKASYON
Panuto: Gumawa ng isang liham kahilingan ng mapapasukan/Aplikasyon o
Application Letter (Bloke format). (Sampung puntos)

Sitio Arabe
Zamboanguita, Negros Oriental
December 19,2021

GNG. LIGAYA I. MENOR


Store Manager
Jollibee Foods Corporation
Dumaguete Branch

Mahal na Gng. Menor:


Nabasahan ko sa isang website noong December 18, 2021 na
nangangailan po ng isang cashier ang iyong fast food chain.
Naniniwala ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na iyong
hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya ay ako po'y nag-aaply sa
naturang trabaho.
Ako po ay isang binata, labing walong taong gulang na. Ako po'y
nakapagtapos ng kolehiyo sa Negros Oriental State University. Ako po'y
mabait, masipag, mapagkakatiwalaan at marunong makihalubilo sa
kapwa. Sa katunayan ako po'y nagkamit nag karangalan sa pagtatapos
ng kolehiyo.
Isa akong aktibong mag-aaral sa kolehiyo. Sa loob ng apat na taon, ako
po'y naging membro ng isang organisasyon na kung tawagin ay SSG.
Magaling ako sa matematika, agham at wika, bihasa din ako sa
pagamit ng kompyuter. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito,
naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng
inyong kompanya.
Kalakip ng liham na ito ay ang aking resume. Handa po akong
magtungo para sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong ninanais
o kaya'y tawagan mo ako sa aking telepono 0918 553 2350 at mag
mensahe sa aking email [email protected].

Maraming salamat!

Sumasainyo,

SANTE B. ELNASIN
Aplikante
Test II: PAGKILALA
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang. Isang puntos bawat bilang (10 puntos)

SEMI — BLOKE 1. Sa format na ito, nasa kanang gilid ang pamuhatan


at ang bating pangwakas, kasama na ang lagda. Katulad ng ganap na
bloke, walang linyang indented o nakapasok sa format na ito.
WASTO 2. Katangian ng liham na laging isaisip na ang ano mang liham na
nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng
angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang
mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang
priyoridad.
PAKIKIRAMAY 3. Uri ng liham na kung saan ito naman ang pakikiisa sa
kalungkutan o nararamdaman ng sinusulatan at kadalasan itong
sinusulat para sa namatayan.
BLOKE FORMAT 4. Sa format na ito, lahat ng bahagi ng liham ay tinatayp
sa kaliwang gilid. Isa lamang ang espasyo ng mga linya ng katawan
ng liham, ngunit dalawa sa pagitan ng mga talata. Madalas gamitin ito
dahil malinis at moderno ang dating.
APLIKASYON 5. Isang formal na uri na nagsasaad ng makapag-
ugnayan sa mga tanggapan o opisina. Kailangan nito ng mga
katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis
at makinilyado.
PAGTANGGAP 6. Uri ng liham na nakasaad ang pagtiyak sa pagdalo.
Ang pagpapadala ng liham nito upang matiyak ang nag-anyaya kung
ilang bisita ang aasahin niya ay isang mabuting kaugalian.
PAANYAYA 7. Uri ng liham na ginagamit upang umanyaya sa tao sa
isang mahalagang okasyon o pagtitipon. Nakalahad nito ang ano
ito, kailan, at saan ang magaganap.
SEMI — BLOKE 8. Ito ay parang bloke, ang kaibahan lamang nito ay
nakapasok ang unang linya ng bawat talata. Ito. Ang format na hawig
sa anyong tradisyonal.
MAGALANG 9. Napakahalaga ng himig o tono ng pagpapahayag.
Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o
pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang
pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa
liham.
KUMBERSISYONAL 10. Masasabing mahusay ang
pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay
parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na
pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na maging
epektibo ang pagkakaunawaan.

TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Gumawa ng liham pasasalamat para sa iyong mga magulang.
Huwag kalilimutang ipabasa sa iyong mga magulang ang iyong
nagawang liham. Pagkatapos ipabasa ay ipasa ito sa iyong guro.
20 puntos.

Zamboanguita Neg.Or
Sitio Arabe, Mayabon
Enero 7, 2022

Mahal kong Mama at Papa,

Siguro’y kukulangin ang papel na aking sinusulatan at tinta ng


aking ballpen sa dami ng gusto kong sabihin sa inyo. Paano ko ba ito
sisimulan? Una po sa lahat, lubos po akong nagpapasalamat sa walang
sawang pag-aalaga at pag-aaruga sa akin at sa aking mga kapatid.
Salamat po sa pagiintindi sa amin kahit minsan kami ay sumusuway at
tila naliligaw na sa magulong landas. Ngunit dahil sa inyong mga payo
ay nagawa pa rin naming labanan lahat ng kasamaan at hindi
magagandang gawi na ginagawa ng mga kabataan sa panahon
ngayon. Salamat po dahil kayo’y aming naging sandalan kapag kami
ay may problema. At maraming maraming salamat po dahil inilapit nyo
po kami sa Panginoong Diyos at tinuraang matakot sa Kaniya. Kami na
marahil ng mga kapatid ko ang pinakaswerteng nilalang sa mundo
dahil sa mga magagandang aral at payo na inyong pinapangaral sa
amin araw araw na hinding hindi naming makakalimutan at laging
isasaisip hanggang sa aming huling hininga. Ikalawa, mula po sa aking
puso gusto ko pong humingi ng patawad. Patawad po sa lahat. Alam
kong kulang ang mga salitang ito para humingi ng tawad sa lahat ng
sakit sa ulo, hirap at pasakit na aming nagagawa. Pasensya po sa lahat
ng kunsumisyon at problema na aming ibinibigay sa inyo, mapatungkol
man ito sa aming sarili, pag-aaral o kung anu ano pa. Patawad po sa
mga araw na lumilipas na kinagagalitan naming kayo at kung minsan
ay nagdadabog pa kami. Subalit kung wala kayo sa aming tabi,
siguro’y wala na rin kami dahil hindi namin mahaharap ang isang
umaga na may ngiti sa aming mga labi kung hindi dahil sa inyo. Kaya
salamat po sa lahat Ma at Pa. Kayo na po ang pinakamagaling na guro
na aking nakilala at aking tutularan pagdating ng araw kapag ako’y
naging isang guro na. Tinuruan niyo po kaming maging matatag,
masiyahin, tumayo sa aming sariling paa at ngitian lahat ng problema
dahil tulad nga ng lagi ninyong sinasabi “Lahat ng bagay ay may
dahilan.”, kaya ito ako ngayon tinutupad lahat ng pangarap ko para sa
inyo upang masuklian ko lahat ng paghihirap ninyo simula ng ako ay
isinilang. Ilang taon pa ang bibilangin bago ako makapagtapos ngunit
isinisigurado ko na akin kayong aalagaan sa inyong pagtanda at
mamahalin kayo ng buong puso. Kaya Mama at Papa, relax lang muna
kayo ha, babawi po ako. Marami pa akong pangarap na tutuparin
upang maging maganda at puno ng kasiyahan an gating araw araw na
pamumuhay. Hindi ko nap o papahabain pa, mag-iingat po kayong
palagi. Maraming salamat po sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo!

Nagmamahal,

Sante Elnasin

You might also like