Fil Lesson6 PDF

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 107

Sitwasyong Pangwika

sa Pilipinas

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
Unang Semestre, AY 2021-2022
Tagumpay Nagaño High School
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

A. Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan,


anyo at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon;
B. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika
na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon
sa pamamagitan ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito;
C. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga
kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino.
PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

B. Sanggunian: Talaban TB, pp. 65-75


Pinagyamang Pluma TB, pp. 118-145

C. Kagamitan: Batayang Aklat, Powerpoint


presentation, videoclip(s), sipi ng
mga teksto, worksheets
D. Pagpapahalaga: Pagsasagawa ng pansariling obserbasyon
sa kalagayan ng wika sa iba’t ibang
sektor at paglalahad ng mga paraan
kung paano maaaring itaas ang antas ng
wika sa pamamagitan ng mga ito
Sitwasyong Pangwika
sa Pilipinas
 Sitwasyong Pangwika sa
Telebisyon
 Sitwasyong Pangwika sa Radyo
at Diyaryo
 Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
 Sitwasyong Pangwika sa Iba
pang Anyo ng Kulturang
Popular
• FlipTop, Pick-up Lines at
Hugot Lines
Manood Tayo!

Vice shares a funny story about a chicken |


Tawag Ng Tanghalan
Panoorin: https://www.youtube.com/watch?v=h7Gnd2WcGls

Pinas Sarap: Unlimited crabs and shrimps


sa Malolos, Bulacan
Panoorin:
https://www.youtube.com/watch?v=ZPgkvd9UtmU
Pag-usapan:
Kalagayan ng W i k a n g Filipino
sa
Telebisyon Pelikula Kalakalan

Radyo at Pahayagan Text Pamahalaan

Social Media at
Kulturang Popular Edukasyon
Internet
Sitwasyong
Pangwika sa
Telebisyon
Telebisyo
n
Itinuturing na pinakamakapangyari-
hang media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng mamamayang naaabot
nito.
Sa paglaganap ng cable o satellite connection
ay lalong dumarami ang manoonood saan-
mang sulok ng bansa sapagkat nararating
na nito ang malalayong pulo ng bansa at
maging mga Pilipino sa ibang bansa.
Telebisyon
Wikang Filipino ang nangungunang
midyum sa telebisyon ng ating
bansa.
Telebisyon
Halos lahat ng palabas sa mga lokal na
channel ay gumagamit ng wikang
Filipino at ng iba’t ibang barayti nito.

Paggamit ng wikang rehiyonal sa
programang nakabase sa mga probinsiya.
Wikang
Filipino
Ito ang wika ng mga teleserye, mga
pantanghaliang palabas, mga magazine
show, news and public affairs, komentaryo,
dokumentaryo, reality TV, mga programang
pang-showbiz, at maging mga programang
pang-edukasyon.
Telebisyon
May mangilan-ngilang news program sa
wikang Ingles subalit ang mga ito’y hindi
sa mga nangungunang estasyon kundi sa
ilang lokal na news TV at madalas ay
hindi sa primetime kundi sa gabi kung
kailan tulog na ang nakararami.
Telebisyon
Malakas din ang pagsasalin sa mga
teleseryeng dayuhan partikular ng mga
karatig-bansa sa Asya at Latina Amerika
na mahalaga ang ambag sa palitang
interkultural o makabuluhang palitan
ng kultura at karanasang bansa.
Telebisyon
Pagbuhay ng mga karakter na
ibinatay sa mga historikal at
pseudo- historical na mga karakter
gaya nina Amaya, Urduja at iba pa.
Telebisyon
Pag-ungkat sa kayumangging
kalinangan ng ating nakaraan
kasabay ng pagtatampok ng
barayti ng wikang Filipinong
masining at intelektuwalisado.
Habang dumarami ang nanonood ng
telebisyon, lalong lumalakas ang hatak
ng midyum na ginagamit dito sa mga
mamamayang Pilipino saanmang dako
ng bansa at maging ng mundo.
Sitwasyong Pangwika
sa Radyo at
Diyaryo
Peryodismo
Malaki ang ginagampanang papel ng mass
media sa iba’t ibang anyo nito (print, radyo at
telebisyon) para maimpluwensiyahan ang
publiko sa uri ng wika at kamalayang
ipinalalaganap nito.
Radyo

Filipino rin ang nangungunang wika.


🡓
Ang halos lahat ng mga estasyon sa
radyo sa AM man o FM ay
gumagamit ng Filipino at iba’t ibang
barayti nito.
Radyo
Sa FM Radio, ang programang
Morning Rush ay gumagamit ng
wikang Ingles sa pagbo-
broadcast subalit nakararami pa
rin ang gumagamit ng Filipino.
Sa pahayagan, wikang Ingles ang
ginagamit sa broadsheet at wikang
Filipino sa mga tabloid maliban sa
People’s Journal at Tempo na
nakasulat sa wikang Ingles.
May dalawang uri ng pahayagan ang
ginagamit ng masang Pilipino sa
Pilipinas:
(1) broadsheet; at (2) tabloid
Mga Halimbawa ng Broadsheet
Mga Halimbawa ng Pahayagang Tabloid sa wikang Ingles
Mga Halimbawa ng Pahayagang Tabloid
Pahayagan
Tabloid ang mas binibili ng masa
dahil mas mura at nakasulat sa wikang
higit nilang naiintindihan kaya’t mas
malawak ang impluwensiya ng mga ito
sa nakararaming Pilipino.
Tabloid
Ang lebel ng Filipinong ginagamit
ay hindi pormal na wikang
karaniwang ginagamit sa mga
broadsheet.
Tabloid
Nagtataglay ng malalaki at
nagsusumigaw na headline na
naglalayong makaakit agad ng
mambabasa.
Tabloid
Karaniwan ding sensasyonal ang
nilalaman at litaw ang mga
barayti ng wika kaysa pormal na
Filipino.
Wika at
Pamamahayag
(Romeo Dizon, 2003)
Tunggalian sa wika ng broadsheet at tabloid
batay sa uri at antas ng mambabasang
tinatarget nito.

May nalilikhang subculture sa tabloid gaya ng
makulay na paggamit ng wika sa
pagpapadaloy ng sensasyonal na
pamamahayag.
Dr. Reuel Molina Aguila (2005)
“Kapangahasan sa Pamamahayag”
Ambag ng kulturang tabloid

Bukod sa retrato, naging pangahas din
ang pagpili at pag-anggulo ng balita.

“Higit na tinuunan ang mga sensasyonal na
balita, mga karumal-dumal na krimen,
eskandalo,
hanggang sa walang awat na tsismis.”
Dr. Reuel Molina Aguila (2005)
Mga Wikang Ginagamit sa Tabloid

Una.
paggamit ng double meaning;

Ikalawa.
pagbibigay-kahulugan sa salitang “tunay na
katotohanan” na nakasentro sa krimen at sex;
Dr. Reuel Molina Aguila (2005)
Mga Wikang Ginagamit sa Tabloid

Ikatlo.
hinalong kalamay ang pamamaraan ng kontem-
poranyong Filipino na magkakasabay na guma-
gamit ng salitang Filipino, Ingles at Kastila para
maging magaan, madaling maunawaan at nasa
wika ng masa;
Dr. Reuel Molina Aguila (2005)
Mga Wikang Ginagamit sa Tabloid

Ikaapat.
pormal o regular na sumusunod sa tanggap na
pamantayan ng wika;

Ikalima.
malalim na Tagalog;
Dr. Reuel Molina Aguila (2005)
Mga Wikang Ginagamit sa Tabloid

Ikaanim.
“sward speak” o lengguwaheng bakla;

Ikapito.
balbal o salitang kanto na ipinapalagay na palasak
na ginagamit sa pagsasalita;

Ikawalo.
tuwirang panghihiram sa Ingles;
Dr. Reuel Molina Aguila (2005)
Mga Wikang Ginagamit sa Tabloid

Ikasiyam.
Ingles na binabaybay sa Filipino; at

Ikasampu.
bulgar at mga salitang kadalasan ay may
kinalaman sa sex.
Tabloid
Gumagamit ng pormal na
Filipino ang mga tabloid na
Balita at Pilipino Star
Ngayon.
Tabloid
May disenteng paraan ng
paggamit ng Filipino ang
Kabayan na nasa anyong
tabloid size.
Tabloid
Pinoy Weekly, isang alternatibong
pahayagang online na nasa anyong
tabloid ay makabuluhang gumagamit
ding ng wikang Filipino na kritikal.
Sitwasyong
Pangwika sa
Pelikula
PELIKULA
Mas maraming banyaga kaysa lokal na
pelikula ang naipalalabas sa ating
bansa
taon-taon.

Ang mga lokal na pelikulang gumagamit
ng midyum na Filipino at mga barayti nito
ay mainit ding tinatangkilik ng mga
manonood.
PELIKUL
A
Sa 20 nangungunang pelikulang ipinalabas
noong 2014, batay sa kinita, lima (5) sa
mga ito ang lokal na tinampukan din ng
mga lokal na artista.

Ang wikang ginagamit ay Filipino,
Taglish at iba pang barayti ng wika.
PELIKULA
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga
Pelikulang Pilipino tulad ng One More
Chance, Starting Over Again, It Takes a Man
and A Woman, Bride for Rent, You’re My
Boss, You’re Still the One, at iba pa.
PELIKULA

“Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa


rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa
mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa
pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal,
at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng
propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa
Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-
aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng
kasayahan.”
(Tiongson,
Ang W i k a sa
mga Indie
Films
Indie
Films
Kapansin-pansin ang paggamit ng
wikang Filipino sa pagpapalitaw
ng natural at realistikong
kalakarang panlipunan.
Indie
Films
Magamit ang wikang Filipino upang ugatin
ang katotohanan na hindi nailalayo sa mga
aktuwal na karanasan at pang-araw-araw na
pakikibaka ng mga simpleng mama-
mayan na wikang sarili ang gamit sa
pakikipagtalastasan.
Indie
Films
Ipinapataw nito ang pananagutan sa
mga manonood nito ang papel na
magsuri sa sariling kalagayan at
makapagpasiya sa karapat-dapat na
pagkilos tungo sa adhikain ng
paglaya.
Indie
Films
“Nagsisilbing kasangkapang panlipunan
na makapagbubunga ng eksploytasyon
o pagsasamantala ngunit makapag-
bubunsod din ng liberasyon o pag-
papalaya.” (Constantino, 1996)
Pagsulat ng
Journal
Kung kapwa palabas sa mga sinehan ang
inaabangan mong pelikulang Ingles at
pelikulang lokal subalit may badyet at
panahon ka lamang para sa isa, alin sa
dalawa ang pipiliin mo? Bakit?
Sitwasyong Pangwika sa
I b a Pang Anyo ng Kulturang Popular
Flip-Top
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa
nang pa-rap.
Flip-Top
Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang
mga bersong nira-rap ay magkakatugma
bagama’t dito ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan.
Flip-Top
Kung ano lang ang paksang sisimulan
ng naunang kalahok ay siyang
sasagutin ng kanyang katunggali.
Flip-Top
Battle League ang tawag sa
isinasagawang kompetisyon. May
dalawang kalahok at may tigatlong
round at ang panalo ay dinedesisyonan
ng mga hurado.
Flip-Top
Mayroon ding isinasagawa sa wikang
Ingles subalit ang karamihan ay sa
wikang Filipino lalo sa tawag nilang
FlipTop Conference Battle.
Flip-Top
Sa ngayon ay maraming paaralan na
rin ang nagsasagawa nito lalo sa
paggunita ng Buwan ng Wika.
Pick-up Lines
Sinasabing makabagong bugtong na may
tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba
pang aspeto ng buhay.
Pick-up Lines
Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais magpa-
pansin, magpakilig, magpangiti at
magpa- ibig sa dalagang nililigawan.
Paglalarawan sa pick-up lines:

(1) nakatutuwa, (2) nakapagpapangiti,


(3) nakakikilig, (4) cute, (5)
cheesy; at (6) masasabi ring
corny.
Sa mga Teleserye at
Pelikula
HUGOT
LINES
Ito ay tinatawag ding love lines
o love quotes ay isa pang
patunay na ang wika nga ay
malikhain.
HUGOT
LINES
Ito ang tawag sa mga linya ng
pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa,
cute, cheesy, o minsa’y
nakaiinis.
HUGOT
LINES
Karaniwang nagmula ito sa linya ng
ilang tauhan sa pelikula o telebisyong
nagmarka sa puso’t isipan ng mga
manonood.
Panoorin (Part 1): https://www.youtube.com/watch?v=sNm-M0LvaH0
Panoorin (Part 2): https://www.youtube.com/watch?v=sNaIeYIe4fU
Pagsulat ng
Journal
Sa paanong paraan maaaring
makatulong ang pagsasagawa ng
fliptop gayundin ng pick-up lines at
hugot lines sa pagpapalaganap ng
wikang Filipino lalo na sa kabataan?
BENIGNO SIMEON C. AQUINO III
Dating Pangulo, Republika ng Pilipinas

Paggamit ng wikang Filipino


sa mahahalagang panayam at
sa mga talumpating ibinibigay
niya katulad ng SONA o
State of the Nation Address.
Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamaha-
laan ay wikang Filipino rin ang ginagamit
subalit hindi naiiwasan ang code switching lalo
na sa mga salitang teknikal na hindi agad
naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.
Maugnaying Pilipino ni Gonsalo del Rosario (1979)
Maugnaying Talasalitaang Pang-agham, Ingles-Pilipino (1979)

LAHATANG SIPNAYANG KATAWAGAN


(General Terminology in Mathematics)
1. mathematics sipnayan
2. arithmetic bilnuran
3. geometry sukgisan
4. algebra panandaan
5. trigonometry tatsihaan

LAHATANG SUGNAYING KATAWAGAN


(General Terminology in Physics)
1. physics sugnayan
2. supernatural higlikas
3. mechanics sigwasan
4. metaphysics labawsugnayan
5. technics, technique aghimo
Maugnaying Pilipino ni Gonsalo del Rosario (1979)
Maugnaying Talasalitaang Pang-agham, Ingles-Pilipino (1979)

LAHATANG KAPNAYANING KATAWAGAN


(General Terminology in Chemistry)
1. chemistry kapnayan
2. steam tubingaw
3. mixture halungkap
4. chemical compound balangkap
5. phosphorescence pospowanag

LAHATANG HAYNAYANING KATAWAGAN


(General Terminology in Biology)
1. biology haynayan
2. microscope miksipat
3. kingdom anyuhay
4. phylum sangahay
5. family angkanhay
Maugnaying Pilipino ni Gonsalo del Rosario (1979)
Maugnaying Talasalitaang Pang-agham, Ingles-Pilipino (1979)

ULNAYAN (ulnong + hanayan)


Social Sciences
1. society (social order) ulnong (Mat. Tagalog)
2. society (leisure class) lipunan
3. linguistics dalubwikaan
4. anthropology
5. psychology dalubtauhan
dalub-isipan
BATNAYAN (batayan + hanayan)
Philosophy
1. logic matwiran
2. ethics palaasalan, asalan
3. moral regeneration pangkaasalang balikhaan
4. esthetics palasantigan, santingan
5. theology bathalaan
Bilang
Paglalagom .....
Paano mailalarawan ang sitwasyon ng wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan sa
kasalukuyang panahon? Sa paanong paraan ka
makatutulong upang higit na mapaunlad o
mapalaganap pa ito?
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Semestre, AY 2021-2022
Tagumpay Nagaño High School

Maraming Salamat sa
Pakikinig!
Inihanda ni:

Bb. Leah Mae G. Panahon


Guro sa Filipino
Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga
kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino

Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa
obserbasyong ito na nananaig na tono ng wika
sa mass media ay impormal at di gaanong
istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo?
MGA SANGGUNIAN
Dayag, Alma M. at Del Rosario, MG. G. (2016). Pinagyamang Pluma 11:
Kominikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
De Laza, Crizel S., Geronimo, J. V. at Zafra, RB. G. (2017). Talaban:
Komunikasyon,
Pagbasa at Pananaliksik sa Filipino. Manila: Rex Book Store, Inc.
Don’t English Me. Mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=ML7yM3oXFnc
Encantadia: Pagliligtas ni Imaw kay Amihan. Mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=VkrIKlEY_Vs
Geronimo, Jonathan V., Petras, J. D. at Taylan, D. R. (2016). Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Manila: Rex Book Store,
Inc.
Pinas Sarap: Unlimited crabs and shrimps sa Malolos, Bulacan. Mula
sa: https://www.youtube.com/watch?v=ZPgkvd9UtmU
Vice shares a funny story about a chicken | Tawag Ng Tanghalan. Mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=h7Gnd2WcGls

You might also like