F112 Group5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

FILIPINO 1:

1.5. ANG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG PILIPINO

1.5.1. Pahapyaw na Kasaysayan

Ang salita nati'y huwad din sa iba

Na may alpabeto at sariling letra

Na kaya nawala y dinatnan ng sigwa

Ang lunday sa lawa noong dakong

"Sa Aking mga Kababata"

Dr. Jose P. Rizal

Calamba, 1869

Ang mga mananaliksik ay nangagkakaisa na ang ating mga ninuno'y may sarili nang kalinangan at
sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahala at
kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatwid, mayroon na silang sistema sa pagsulat
gamit ang kanilang alpabeto na tinawag nilang Alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong
patinig at labing-apat na katinig.

Sa iba't ibang lugar, ang mga simbulo ng Alibata ay may maynor na pagkakaiba, ngunit ang
pinakamalawak na gamitin ay ang sumusunod:

Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog
na /e/ o /i/; halimbawa ay ang = /be/o/bi/. Kung ang tuldok naman ay nasa ilalim, ang kasamang patinig
ng katinig ay /o/o /u/; halimbawa:= /bo/o/bu/.

Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng
di-mapag-aalinlanganang katunayan o katibayan na makapagpapatotoo hinggil dito. Gayon man,
ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro Chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay
sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan.

Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang
kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang
tinta. Mangilan-ngilan lamang sa mga ito ang umiiral pa sa kasalukuyan at matatagpuan sa mga museo
sa ilang lugar. Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating
kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng literaturang
pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan na lamang.

Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing
ngang isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto.
Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag
nang pa-Kastila, alalaong baga'y nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito ang tawag sa mga titik sa
Abecedario.

Noong panahong iyon, naging palasak ang mga akda sa wikang Tagalog na nakasulat sa
palabaybayan ng Kastila tulad ng kasunod na halimbawa:

Cahinahinayang cung ito i maputi

Cucupas ang bango, culai mauauacsi

At yaong may ibig na mangagcandili

Cusang babayaan sa pagcaruhagi.

- Mula sa Sa May Manga Anac na


Dalaga ni Modesto Santiago
Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat.
May mangilan-ngilang matatalino bagama't gumagamit ng Abecedario ay nagpasyang magsalamin ng
tatak-Pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Sa kabila ng edukasyong Europeo at kaalaman sa iba't ibang wika ni Rizal, minahal niya ang
kanyang sariling wika. Malinaw itong mababakas sa tula niyang Sa Aking mga Kababata na sinulat niya sa
murang gulang pa lamang. Una si Rizal sa kampanya ng Pilipinisasyon ng ortograpiya. Halimbawa, ang
mga Tagalog na titik na k at w, 'aniya, ay dapat gamitin sa halip na mga Kastilang c at o. Halimbawa, ang
kinastilang Tagalog na salita tulad ng salacot ay dapat umanong baybayin ng salakot. Gayon din ang
salitang arao na dapat isulat nang araw.

Noon pa mang 1886, habang siya ay nasa Leipzig, ginamit ni Rizal ang isina-Pilipinong
ortograpiya sa pagsasalin sa Tagalog ng William Tell ni Schiller at Fairy Tales ni Andersen. Muli niya iyong
ginamit sa pagsulat ng kanyang unang novelang Noli me Tangere sa Berlin noong 1887.

Habang siya'y naglalakbay sa Brussels, nalathala sa La Solidaridad noong Abril 15, 1890 ang
artikulo niyang Sobre la Nueva Ortografia dela Lengua Tagala (Hinggil sa Bagong Ortograpiya ng Wikang
Tagalog). Sa artikulong iyon, inilahad ni Rizal ang mga tuntunin ng bagong ortograpiyang Tagalog at,
nang may pagpapakumbaba at katapatan, ibinigay niya ang kredit ng adapsyon ng bagong ortograpiya
kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, may-akda ng El Sanskrito sa Wikang Tagalog na nalathala sa Paris
noong 1884.

Para sa rekord, sinulat ni Rizal, nang kapag inugat ang kasaysayan ng ortograpiyang ito na siya
nang ginagamit ng mga mulat na Tagalista, ay maibigay kay Ceasar ang kay Ceasar. Ang inobasyong ito
ay bunga ng mga pag-aaral sa Tagalismo ni Dr. Pardo de Tavera. Ako ay isa lamang sa mga masigasig
niyong propagandista (Zaide & Zaide, 169-170).

Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang


Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940,
binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa
unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik: labinlimang katinig at limang
patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa.
Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga
salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa
ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings
ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan,
inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating Abakada.
Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X at Z na gagamitin sa
pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan.

Ang ilan sa mga naging problema ng mungkahing alpabetong ito ay ang magiging katawagan ng
bawat titik at ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alpabeto. May ilang mga mungkahi ang
ikinonsider kaugnay nito. Una sa mga ito ay ang sumusunod:

Narito naman ang isa pang mungkahi:

Hindi pa mang ganap na nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng Lupong
Sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa palabaybayang
Pilipino noong Abril 1, 1976. Kaugnay nito, ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong
Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang nasabing tuntunin ng
palabaybayan nito. Ilan sa kanilang mga argumento ay ang mga sumusunod:

1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-sunurin.

2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at NG, gayundin ang may kilay na ñ ay isang paraang
di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting nagbabawas ng kanilang mga
digrapo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang pagdaragdag ng mga digrapo, kung
gayon, ay isang hakbang na paurong. Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat
na ng isang mag-aaral ang C at H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang
letrang LL, RR at NG. Ang letrang Ñ naman ay may kilay lamang na N.

3. Mismong Malakanyang, sa isang liham sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay tumanggi
sa pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR at NG at iminungkahing dalawampu't pitong letra na lamang
ang gamitin.

4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo.

Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng
kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralang
primarya, ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan. Ito ang dahilan kung
bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan
maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.

Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong mga


huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino.

Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawampu't walong titik na tinatawag
nang pa-Ingles maliban sa N at may pagkakasunud- sunod na ganito:

Samakatwid, ang pasalitang pagbabaybay ng mga sumusunod na salita ganito: ibon = /ay bi o
en/ at hindi /i ba o na/, kintin = /key ay en ti ay en/ at hindi/ka i na ta i na/, bote = /bi o ti i/ at hindi/ba o
ta e/, U.P.=/yu pi/ at hindi/u pa/, M.L.Q.U. =/em el kyu yu/ at hindi /ma la kyu u/.

Mapapansing ang mga titik ng Bagong Alpabeto ay mula sa dalawampung titik sa dating Abakada
na dinagdagan lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga pangngalang
pantangi, salitang hiram, salitang pang-agham at teknikal, salitang may inkonsistent na baybay at mga
simbolong pang-agham. Mapapansin ding ang walong dagdag na letra ay mula naman sa labing-isang
iminungkahing idagdag noong 1971. Hindi na lamang isinama ang mga digrapong CH, LL at RR para sa
ekonomiya o pagtitipid. Pinanatili naman ang digrapong NG dahil ito ay tatak na ng ating katutubong
alpabeto.

Noong 2001, lumikha ng isang teknikal na panel ang Komisyon ng Wikang Filipino na siyang
lumikha ng 2001 Revisyon sa Alpabetong Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Walang
pagbabago sa komposisyon at tawag ng mga letra sa rebisyong ito. Pinalawak lamang nito ang gamit ng
mga dagdag na letra na nilimitahan ng patnubay sa ispeling noong 1987. Ang mga dagdag na titik na
pinalawak ang gamit ay ang F, J, V at Z dahil ang mga ito, diumano, ay may ponemik istatus na hindi
kagaya ng C, N, Q at X na mga redandant na titik.
Dalawang mahalagang linggwistikong prinsipyo ang isinaalang-alang sa pagbabalangkas ng mga
tuntunin sa ispeling noong 2001. Ito ay ang a) simplisidad at ekonomiya, at b) pleksibilidad. Maganda rin
ang mga naging layunin ng proyektong ito ang makapagbigay-gabay sa panghihiram ng mga salita at
pagsasalin ng pasalitang wika tungo sa nakasulat na anyo upang makapag-ambag sa istandardisasyon at
leksikal na elaborasyon ng pambansang wika.

Ngunit ang tuntuning ito sa ispeling noong 2001 ay nagbunga ng pagkakahati-hati ng mga iskolar
sa wika. May mga sumunod sa tuntunin at mayroong hindi. Mayroon ding sumunod nang hindi ganap na
nauunawaan ang mga prinsipyo at tuntunin. Nagbunga ang ganitong sitwasyon ng paglitaw ng iba't
ibang sistema ng ispeling ng mga institusyong akademiko at publikasyon. Sa madaling sabi, hindi umiral
ang istandardisadong sistema ng ispeling na isa sanang layunin ng nasabing tuntunin.

Kaya noong 2006, mismong ang KWF na ang nagsuspinde sa nasabing tuntunin, at samantalang
hindi pa nakababalangkas ng bago, nagmungkahing ang tuntunin sa ispeling ng 1987 na muna ang
gamitin.

1.5.2. Mga Tuntunin sa Pagbabaybay

Pabigkas na Pagbaybay

Ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang ispeling o
pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham at iba pa.

Halimbawa:

Salita

boto = /bi-o-ti-o/

plano = /pi-el-ey-en-o/

Fajardo = /Kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/

xerox =/eks-i-ar-o-eks/

cañao = /si-ey-enye-ey-o/

Pantig

a = /ey/ eks = /i-key-es/

la = /el-ey/ plan = /pi-el-ey-en/

am =/ey-em/ kon = /key-o-en/

bra = /bi-ar-ey/ trans = /ti-ar-ey-en-es/

Daglat

Bb.(Binibini) = /Kapital bi-bi/


G. (Ginoo) = /Kapital dzi/

Gng.(Ginang) = /Kapital dzi-en-dzi/

Kgg. (Kagalang-galang) = /Kapital key-dzi-dzi/

Akronim

PSLF (Pambansang Samahan ng Linggwistikang Filipino = /pi-es-el-ef/

GAT (Galian sa Arte at Tula) = /dzi-ey-ti/

KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas = /key-bi-pi/

LIRA (Lirika, Imahen, Retorika at Arte) =/el-ay-ar-ey/

PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) = /pi-el-em/

KDPP (Kapisanan ng mga Direktor sa Pelikulang Pilipino) = /key-di-pi-pi/

Daglat

MLQ=(Manuel L. Quezon) =/em-el-kyu-yu/

MAR(Manuel A. Roxas) = /em-ey-ar/

CPG (Carlos P. Garcia = /si-pi-dzi/

LKS(Lope K. Santos) = /el-key-es/

JVP (Jose Villa Panganiban) =/dzey-vi-pi/

FJG (Fausto J. Galauran) =/ef-dzey-dzi/

RAB (Rolando A. Bernales) =/ar-ey-bi/

Pasulat na Pagbaybay

Mananatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita ang isa sa-isang tumbasan ng letra
at makabuluhang tunog na ang ibig sabihin, isa lamang ang tunog sa pagbigkas ng bawat letra kapag
naging bahagi ng mga karaniwang salita. Pansinin na magkaiba ang pagtawag sa mga letra at sa
pagbigkas o pagpapatunog sa mga ito.

a. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na naasimila na sa


sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay susunod pa rin ang kung ano ang bigkas ay siyang
sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa:

Bapor (vapor) bangko (banco)

sentro (centro) kotse (coche)

kahon (cajon) senyas (señas)


banyera (bañera) sigarilyo (cigarillo)

kalye (calle) panatiko (fanatico)

b. Ang dagdag na walong (8) letra: C, F, J, N, Q, V, X, Z ay ginagamit sa mga:

1.Pantanging ngalan

Halimbawa:

Tao Lugar

Carmelita Canada

Conchita Luzon

Quirino Visayas

Exequiel San Fernando

Joel Jolo

Vinzon Texas

Ferrer Novaliches

Zuñiga Nueva Vizcaya

Gusali Sasakyan

Ablaza Victory Liner

Certeza Bldg. Qantas Airlines

State Condominium Doña Florentina

Twin Towers Thai Airlines

Grand Villa Hotel JAM Liner

2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas

Halimbawa:

cañao (panseremonyang sayaw ng mga Igorot)

Hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca)

masjid (moske, pook dalanginan)

vakul (panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulan at init ng araw na yari sa isang uri ng palmera
o dahon ng saging)

ifun (pinakamaliit na banak)

azan (unang panawagan sa pagdarasal)


Panumbas sa mga Hiram na Salita

Sa paghanap ng panumbas sa mga salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin ang mga
sumusunod na paraan:

a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino.

Halimbawa:

Hiram na Salita Filipino

rule tuntunin

ability kakayahan

skill kasanayan

east silangan

west kanluran

b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.

Halimbawa:

pinakbet bana

dinengdeng imam

cañao hadji

C. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang ang hiram sa Kastila. Iniaayon
sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbabaybay sa Filipino.

Halimbawa:

Ingles Kastila Filipino

check cheque tseke

liter litro litro

liquid liquido likido

education educacion edukasyon

c. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi maunawaan ng
nakararami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at binabaybay ito ayon sa
sumusunod na paraan:

1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.

Halimbawa:
Salitang Banyaga Filipino

reporter reporter

editor editor

soprano soprano

alto alto

salami salami

memorandum memorandum

2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa
simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa:

Salitang Hiram Filipino

Control kontrol

meeting miting

leader lider

teacher titser

truck trak

nurse nars

score iskor

linguist linggwist

Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit
kailangan ang konsistensi sa paggamit.

Halimbawa:

kongregasyon konggregasyon

kongresista konggresista

bingo binggo

3. May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-konsistent ang ispeling o
lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:

a) Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling sapagkat kapag binaybay
ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mabakas ang orihinal na ispeling nito.

Halimbawa:
coach rendezvous

sandwich sausage

clutch champagne

brochure habeas corpus

doughnut jogging

toupee pizza pie

b.) Maaaring hiramin nang walang pagbabago ang mga salitang pang-agham at teknikal.

Halimbawa:

calcium X-ray

quartz xerox

zinc oxide visa

flourine goal (laro)

xylem quota

latex disc jockey

4. Hiramin nang walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham.

Halimbawa:

Fe (iron)

H₂O (water)

C (charcoal, carbon)

I (iodine)

NaCl (salt)

ZnO (zinc oxide)

SiO₂ (flourine)

CO₂ (carbon dioxide)

Ang Gamit ng Gitling

Ginagamit ang gitling (-):

a. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

araw-araw dala-dalawa
isa-isa sari-sarili

apat-apat sali-saliwa

b. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig.

Halimbawa:

pag-ibig nag-aral

pag-asa mag-uwi

tag-init tig-isa

May mga ganitong salita na kapag hindi ginitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan:

mag-alis pang-ako

nag-isa mang-ulo

nag-ulat pang-alis

C. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

pamatay ng insekto pamatay-insekto

kahoy sa gubat kahoy-gubat

himigit at kumulang humigit-kumulang

lakad at takbo lakad-takbo.

d. Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao, lugar, bagay o kagamitang (brand) at sagisag o
simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

Halimbawa:

maka-Diyos mag-Ajax

maka-Rizal mag-Johnson

maka-Pilipino mag-Sprite

taga-Baguio mag-Corona

taga-Luzon mag-Ford

taga-Antique mag-Corolla

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng
unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

Halimbawa:
mag-Corona - magko-Corona

mag-Ford - magpo-Ford

mag-Corolla - magko-Corolla

magso-Zonrox - mag-Zonrox

e. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.

Halimbawa:

ika-3 n.h.

ika-20 pahina

ika-10 ng Enero

ika-8 rebisyon

ika-9 na buwan

f. Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon.

Halimbawa:

isang-kapat (1/4)

lima't dalawang-ikalima (5/25)

tatlong-kanim (3/6)

g. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

Halimbawa:

lakad-pagong

bahay-aliwan

urong-sulong

h. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.

Halimbawa:

Gloria Santos-Reyes

Conchita Ramos-Cruz

Perlita Orosa-Banson

i. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:

Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pagbigkas ng mga salita, pari- rala at pangungusap.

You might also like