EPP AGRIkultura LE W8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

School Grade Level Five

LESSON Teacher Learning Area EPP - AGRIKULTURA


EXEMPLAR
Teaching Date Quarter Quarter 1 Week 7

Teaching Time No. of Days 5

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim
ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

B. Performance Standards Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim


ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

C. Most Essential Natutuos ang puhunan, gastos, at kita EPP5AG-0j-18


Learning Competencies
(MELC)

D. Enabling Competencies
II. CONTENT Pagtutuos ng puhunan, gastos at kita

III. LEARNING
RESOURCES
A. References
a. Teacher’s
Guide Pages
b. Learner’s Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat sa
Materials Baitang 5
Pages
c. Textbook
Pages
d. Additional
Materials
B. List of Learning
Resources for
Development and
Engagement Activities
IV. PROCEDURES
A. Introduction (Panimula) Panimula (Mungkahing Oras: Unang Araw)

Sa anumang uri ng negosyo, mahalaga na makagawa ka ng talaan ng gastusin


gayundin ang kaalaman mo sa pagtutuos o pagkukuwenta. Mahalaga na malaman mo
kung kumikita o nalulugi ang ginawa mong pagaalaga ng isda. Kaya’t nararapat na
gumawa ka ng talaan ng gastusin at talaan ng pinagbilhan. Batay sa ginawa mong
talaan maari mong kuwentahin kung kumikita ka ba sa pagnenegosyo o nalulugi.
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na kaya mong:

• Matuos ang puhunan, gastos at kita

Pagtutuos ng Puhunan, Gastos at Kita

Sa pagsisimula ng negosyo ukol sa pag-aalaga ng hayop, maglaan ng sapat na halaga


bilang puhunan upang makapagpasimula sa pagbili ng aalagaan at mga simpleng
kagamitang kakailanganin. Ilan sa mga kagamitang ito ay ang gagawing kulungan,
pakainan, bitamina at iba pa.

Mainam na gumawa ng isang talaan kung saan isusulat mo ang halaga ng lahat ng
gastos mula sa pagbili ng aalagaang hayop o puhunan, gastos sa pagbili ng ng mga
kagamitan, gastos sa pagbuo ng kulungan, gastos sa transportasyon , gastos sa
ginamit na kuryente sa kulungan at hanggang sa pagbebenta ng produkto.

Matapos maitala ang lahat ng gastos, gawin din ang talaan ng kabuuang halagang
napagbilhan.
Ibawas ang puhunan at lahat ng gastos mula sa halagang napagbilhan, ang sobra ay
ang halagang kinita. Sa kabuuang kinita ay mainam na magtabi ng kahit na maliit na
ipon bago bumili ng bagong hayop na aalagaan at mga kulang na kagamitan upang
mas mapalago pa ang negosyo. Pag-aralan ang detalye ng ginastos at kinita ng
pamilya Villanueva sa pagbebenta ng kanilang mga

alagang hayop.

Inalagaang Kabuuang Benta Kabuuang Gastos Kabuuang Kita


Hayop

Manok 965.00 345.00 620.00

Itik 1,635.00 680.00 955.00

Tilapya 2,500.00 850.00 1,650.00

Bangus 3,750.00 950.00 2,800.00

Kabuuan 8,850.00 2,825.00 6,025.00

Pormula: Kabubuang Benta– Kabuuang Gastos= Kabuuang Kita Gamiting basehan


ang talaan ng ginastos at kinita ng pamilya Villanueva. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong:

1. Anu- anong mga hayop ang inalagaan ng pamilya Villanueva?

2. Anong hayop ang may pinakamalaking benta? Pinakamababang benta?

3. Sa anong hayop sila may malaking gastos?

4. Ano ang ibig sabihin ng salitang pagtutuos?

5. Sa palagay mo bakit nakapagtala sila ng mataas na presyo sa kanilang inalagaang


hayop?

6. Ano ang masasabi mo sa kanilang kinita?

7. Paano mo kukuwentahin kung magkano ang iyong kinita?

Sa kabuuang kita nila, naisip ng mag-asawa na ideposito sa isang bangko ang 20%
nito.

Ganito ang pagtutuos ng kita:

1. Itala ang lahat ng ginastos at halaga ng pinagbilhan.

2. Mula sa halaga ng pinagbilhan, ibawas ang halaga ng mga ginastos.

3. Ang halagang natitira ay iyong tubo/kita o kaya lugi ng ginawang pagbebenta.

Halimbawa:

Manok Kabuuang benta ₱ 965.00

Kabuuang gastos - 345.00

Kabuuang kita/tubo ₱ 620.00


Itik Kabuuang benta ₱ 1, 635.00

Kabuuang gastos - 680.00

Kabuuang kita/tubo ₱ 955.00

Tilapya Kabuuang benta ₱ 2, 500.00

Kabuuang gastos - 850.00

Kabuuang kita/tubo ₱ 1, 650.00

Bangus Kabuuang benta ₱ 3, 750.00

Kabuuang gastos - 950.00

Kabuuang kita/tubo ₱ 2, 800.00

Kabuuang benta ng lahat ng hayop ₱ 8, 850.00

Kabuuang gastos ng lahat ng hayop - 2,825.00

Kabuuang kita ng lahat ng hayop ₱6, 025.00

Nais mo bang malaman kung paano kinukuwenta ang magiging halaga ng ibebenta
mong hayop?

Narito ang halimbawa ng pagtutuos kung magkano ang magiging halaga ng hayop na
iyong ibebenta.

Halimbawa ng Pagkukuwenta ng halaga sa pagbebenta ng hayop

Puhunan: 1 kilong tilapiya 60.00

Plastic 5.00

Halaga ng pagbebenta: 65.00

Puhunan— 65.00

Idagdag : Patong na Bahagdan ( 65.00 x .15) — + 9.75

Halaga ng pagbebenta 74.75

Kung 12 kilo ang ipinagbiling tilapiya, kuwentahin ang kabuuang ginastos at


pinagbilhan sa dami ng naipagbili.

Halimbawa:

₱ 74.75 Halaga ng pagbebenta

X 12.00Dami ng kilong ibebentang isda

₱897.00 Kabuuang pinagbentahan

₱ 897.00 Kabuuang pinagbentahan

- 780.00 Kapital
₱ 117.00 Tinubo

Link: https://www.youtube.com/watch?v=QeqkArs_nmY

B. Development Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)


(Pagpapaunlad)

Gawain sa Pagkatuto 1 Kwentahin ang mga ginastos at kikitain sa pag aalaga ng


manok. Kopyahin at sagutan sa iyong sagutang papel.

1. Talaan ng Gastusin

Halaga ng mga sisiw (Puhunan) ₱1000.00

Halaga ng patuka at antibayotiko 2500.00

Bayad sa nag-aalaga 1000.00

Kuryente 300.00

Tubig 50.00

Kabuuang gastos ₱___________

Halaga ng Pinagbilhan 12,550.00

Halaga ng pinagbilhan ₱ _________

Halaga ng gastusin -_________

Kita o Tubo ₱ _________

Sagutin ang mga tanong:

1. Magkano ang halaga ng mga sisiw?patuka at antibayotiko?

2. Magkano ang bayad sa serbisyo o paglilingkod?

3. Ilan ang kabuuang halaga ng gastusin para sa pag-aalaga ng sisiw?

4. Magkano ang pinagbilhan ng manok?

5. Magkano naman ang kinita o tinubo?

C. Engagement Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong Araw)


(Pakikipagpalihan)

Gawain sa Pagkatuto 2. Kopyahin at sagutan sa iyong sagutang papel. Punan ng


Gamitin ang mga sumusunod

na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo at netong tubo.

Kabuuang Benta - Kabuuang Gastos = Kinita

Inalagaang Kabuuang Benta Kabuuang Gastos Kabuuang Kita


Hayop

Bangus 5,340.00 345.00

Tilapya 4300.00 1000.00

Sapsap 1200.00 650.00


Alumahan 1350.00 680.00

Kabuuan

Sagutin ang mga Tanong:

1. Kwentahin ang kabuuang pinagbilhan ng lahat ng hayop. Magkano ang kabuuang


pinagbilhan ng lahat ng hayop?

2. Magkano ang kabuuang gastos ?

3. Magkano ang kabuuang kita para sa lahat ng hayop?

D. Assimilation Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw)


(Paglalapat)

Gawain sa Pagkatuto 3:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalaga ang paggawa ng talaan ng gastusin?

2. Paano malalaman na kumita o nalugi sa ginawang paghahayupan?

E. Assessment PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)


(Pagtataya)

Gawain sa Pagkatuto 4: Basahing mabuti at intindihin ang sitwasyon sa ibaba.


Piliin at isulat ang wastong titik sa iyong sagutang papel. Nang nagkaroon ng
pandemya, naging interesado na mag-alaga ng manok ang binatilyong si Jayward. Sa
tulong ng kanyang tatay na si Mang Badong ay gumawa sila ng kulungan. Nakabili
sila ng sampung sisiw na nagkakahalaga ng 350.00. Inalagaan niya iyon ng isang
buwan at kalahati. Nagkagastos siya ng Php 500 sa gamut at pagkain. Ipinagbili niya
nang buhay ang mga manok sa halagang 1500.00

1. Magkano ang naging puhunan niya sa pagbili sa mga sisiw?

A. 250.00 C. 400.00

B. 350.00 D. 500.00

2. Magkano ang nagastos niya sa pagkain at gamot?

A. 250.00 C. 400.00

B. 350.00 D. 500.00

3. Magkano ang kabuuang gastos niya sa mga inalagaan niyang manok?

A. 250.00 C. 850.00

B. 350.00 D. 500.00

4. Magkano ang kanyang tinubo/kinita?

A. 250.00 C. 850.00

B. 650.00 D. 500.00

5. Ang pormula na dapat gamitin ni Jayward upang malaman niya ang kanyang kinita
sa pagbebenta ng

kanyang manok?

A.Kabuuang Benta– Kabuuang Kinita= Kabuuang Gastos

B.Kabuuang Kinita-Kabuuang Benta= Kabuuang Gastos

C.Kabuuang Benta – Kabuuang Gastos = Kabuuang Kinita


D. Kabuuang Gastos– Kabubuang Kinita= Kabuuang Benta

V. REFLECTION PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)

Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa

Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa


iyong pagpili:

 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na


nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito.


Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko


nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto L Gawain Sa Pagkatuto L


P P
Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2 Bilang 4

You might also like