Epp V (Agrikultura)
Epp V (Agrikultura)
Epp V (Agrikultura)
Department of Education
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
SAPANG ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019 - 2020
1. Nagretiro na sa opisina si Ginoong Advincula kaya naisipan niyang gumawa ng maliit na hardin ng mga
gulay at halamang gamot sa likod-bahay at inaasikaso niya tuwing umaga at hapon. Anong pinaka-angkop
na kabutihang dulot ang tinutukoy nito?
A. Mayroon silang sariwang gulay sa oras ng pangangailangan.
B. Nagkakaroon sila ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagbenta.
C. Kawili-wiling libangan, ehersisyo at meron halamang gamot sa oras ng pangangailangan.
D. Mayroon siyang taniman.
2. Nais din nilang magtanim ng mga halamang-ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at karbohaydrato. Alin sa
mga ito ang dapat niyang piliin?
A. gabi at ube C. sibuyas at luya
B. sitaw at bataw D. rambutan at lansones
3. Hinati sa apat na pangkat ang mga bata sa ikalimang baitang. Bawat pangkat ay may napiling halaman na
itatanim na pawang nagbibigay ng sustansya sa katawan. Napiling itanim ng huling pangkat ang madahong
gulay na mayaman sa bitamina A at kalsyum. Alin sa mga sumusunod ito?
A. atis at suha C. malunggay at saluyot
B. papaya at tiyesa D. kamoteng kahoy at ube
4. Naisipan ni Ben na hakutin ang mga lupang nakatambak sa kanyang gulayan, ano ang kagamitan ang
dapat niyang gamitin?
A. kartilya B. itak C. bareta D. regadera
6. Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang iyong dapat isagawa?
A. gumawa ng survey ng itatanim
B. gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
C. gumawa ng listahan ng buto
D. gumawa ng listahan ng kagamitan
8. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuluyan o direct planting?
A. petsay B. repolyo C. okra D. kamatis
10. Hindi alam ni Ruel ang pagkakasunod-sunod ng paggawa ng compost. Ano ang pagkakasunod-sunod
nito?
(1) magtipon ng mga nabubulok na basura (3) pumili ng patag at tuyo na hukay
(2) gumawa ng 5 metrong lalim ng hukay (4) Maglagay ng isang pirasong patpat tuwid at
patayo ang bawat sulok ng hukay
A. 3-1-2-4 B. 2-1-4-3 C. 4-1-3-2 D. 3-2-1-4
11. Pagkatapos na punuin ang hukay ng mga tinipon na nabubulok na kalat ang compost pit, ito ay nilalagyan
o hinahaluan ng mga activator para mapabilis ang pagkabulok. Alin ang mga ito?
A. abonong urea B. dumi ng hayop C. lupa, apog o abo D. lahat ng nabanggit
12. Napanood ng batang si Ambo ang pag-aalis ng damo ng kuya niya sa mga halamang gulay. Bakit kaya
ginagawa iyon?
A. upang hindi makakatanggap ng init ang mga gulay C. para maayos ang pag-ani
B. para proteksyon sa mga insekto D. upang hindi agawan ng susutansya sa
lupa ang gulay
13. Binungkal ang lupa sa paligid ng halamang taniman ni Junior. Ano kaya ang dahilan?
A. kailangan ang ganitong paraan C. haluan ng karagdagang pataba
B. upang makahinga ang mga gulay at alisin ang damo D. lagyan ng tukod o patpat ang mga
halaman
14. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga paraan upang masugpo ang peste at kulisap sa mga halaman?
A. intercropping B. basket conposting C. bio-intensive gardening D. urban
gardening
15. Aanihin nina Mang Edward ang mga gulay at ibebenta sa palengke. Paano ang wastong pag-aani nito?
A. anihin sa tanghali para mainitan C. bunutin at itambak sa isang tabi
B. anihin sa hapon o gabi at ilagay sa tamang lalagyan D. anihin at ilagay sa drum na may
tubig
16. Gusto na ni Ramon anihin ang tanim niyang mga kalabasa kaya lang hindi niya alam ang gagawin. Alin
ang tamang pag-aani nito?
A. pitasin ang mga ito pagkalipas ng 2 buwan pagkatapos itanim
B. anihin ang mga bunga pagkatapos mamulaklak ng marami
C. isama ang 5 sentimetro haba ng tangkay at patuyuin ang mga bunga ng ilang araw sa init ng araw
D. anihin kung katamtaman na ang laki ng mga bunga at matitigas na ang mga balat
17. Paano mo makikilala na maari nang anihin ang tanim na sibuyas at bawang?
A. maraming bulaklak at bunga C. luntian ang mga dahon
B. labas at tuyo na ang mga ugat D. lanta at wala ng mga dahon
18. Nagtanim ng mga ampalaya si Mang Gorio. Ano ang mga palatandaan na ito ay maaari nang pitasin?
A. maraming bulaklak at bunga C. luntian ang mga bunga at katamtaman
ang laki
B. lanta na ang mga dahon D. wala ng mga bulaklak
19. Gusto nang pitasin ni Mark ang tanim niyang mga kamatis. Ano ang palatandaan na maaari na itong
pitasin?
A. pula na ang balat ng kamatis C. hinog na hinog na
B. mamula-mula na ang balat nito D. luntian pa ang balat
20. Nais ni Jen na aanihan na ang alagang petsay. Kailan dapat niya aanihin ang gulay?
A. tanghali C. umaga bago sumikat ang araw
B. hapon D. paglubog ng araw
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na gamit ng talaan sa pagsasagawa ng wastong
pagsasapamilihan ng inaning gulay?
A. Ang paggamit ng talaan ay nakapagpapadali sa gawaing pagsasapamilihan sapagkat dito makikita
ang kalidad at uri ng gulay na ipinagbibili.
B. Magiging maayos at organisado kung nakatala lahat ang mga gulay mula pag-ani hanggang
pagbebenta ng mga ito.
C. Ang paggamit ng talaan ay isang paraan upang maging maayos ang pagsasagawa ng
pagsasapamilihan ng mga inaning gulay.
D. Sa talaan ng puhunan, ginastos, kinita at naimpok, dito malalaman ng isang nag-nenegosyo kung
saan siya kumita o nalugi.
22. Ang mga sumusunod ay ang dapat gawin upang ang mamimili ay patuloy na bibili ng iyong produktong
gulay maliban sa isa. Alin ito?
A. maging magalang B. mali ang pagsukli C. kausapin ng nakangiti D. tama ang
timbangan
23. Ano ang tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda?
A. tubo B. presyo C. puhunan D. kita
24. Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin upang maging maayos at matagumpay
ang kanyang pagtitinda?
A. bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
B. magsuot ng lumang damit
C. makipagtalo sa mamimili
D. bawalan ang bumibili na huwag hawakan ang paninda
25. Ano ang tawag sa perang iyong kinita sa pagbenta ng iyong produkto?
A. ginastos B. puhunan C. utang D. tubo
29. Si Jose ay magnenegosyo ng palaisdaan. Saan dapat niya itayo ang palaisdaan?
A. sa mainit na lugar C. sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig
B. sa malayong lugar D. sa malayo sa tirahan
31. Gustong mag-alaga ng hayop ni Carmen na maaaring magbigay ng balut at penoy. Alin sa mga
sumusunod na hayop ang maaari niyang alagaan?
A. pugo B. white leghorn C. manok D. itik
32. Gusto rin ni Ramon na mag-alaga ng manok na ipagbibili ang mga itlog. Anong uri ng manok ang dapat
niyang alagaan?
A. Plymouth Rock B. White Leghorn C. Rhode Island Red D. New Hampshire
33. Nais mong kumalap ng impormasyon tungkol sa aalagaang hayop, alin sa mga ito ang iyong gagamitin?
A. TV B. radio C. magasin D. internet
34. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng isdang aalagaan?
A. magasin B. aklat C. internet D. diyaryo
37. Ito ay uri ng isdang maitim ang balat, madulas at may balbas.
A. hito B. bangus C. karpa D. galunggong
38. Ano ang angkop na plano sa pag-aalaga ng hayop bilang mapagkakakitaang gawain?
A. pumili ng hayop na madalas lutuin ang kanilang karne ng mga tao.
B. pumili ng kahit na anong hayop na gusto mong alagaan
C. pumili ng hayop ayon sa hilig ng iyong pamilya
D. pumili ng hayop na imported dahil mataas ang kalidad nito
39. Si Tina ay gagawa ng kulungan ng manok. Ano ang materyales na angkop sa kulungan?
A. bato B. buhangin C. kawayan D. simento
40. Sa pagsasapamilihan ng inaning isda dapat isaalang-alang ang mga paraang ______.
A. tingian at pakyawan B. groserya C. kaing D. per kilo
II. Isulat ang TAMA kung ang sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng tuntuning
pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop at MALI kung hindi.
_________ 42. Itayo ang kulungan ng hayop malapit sa mga kabahayan at daanan ng sasakyan.
_________ 43. Bigyan ng wastong pagkain at bitamina upang maging malusog ang mga alagang hayop.
_________ 44. Ang tirahan o kulungan ay dapat panatilihing malinis upang maligtas sa sakit at peste ang mga
hayop.
_________ 45. Pakainin ang mga hayop kahit anong oras.
III. Ang sumusunod na datos ay gastos at pinagbilhan nina Mang Mike at Aling Mareng sa kanilang
palaisdaan. Alamin ang kanilang kinita o tinubo sa pamamagitan ng paggawa ng talaan ng gastos at
kita o tubo.
PINAGBILHAN O
BUWAN GASTOS TUBO O KITA
BENTA
48.
ABRIL Php 1,486.00 Php 2,896.00
______________
49.
MAYO Php 1,378.00 Php 3,279.00
______________
50.
KABUUAN 46. _____________ 47. _____________
______________