Kabanata 1 & 2 - Wika
Kabanata 1 & 2 - Wika
Kabanata 1 & 2 - Wika
WIKA
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan
ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kaparaanang lumilikha ng tunog, at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang
7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa
“wika”, o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-
aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang
Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika; ang
salitang lingguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language – tawag sa
wika sa Ingles – nagmula ang salitang lingguwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan –
ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala,
ngunit mas kadalasang mayroon. Napakahalaga ng wika, dahil kung wala ang wika
mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit
ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong
pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham,
tekolohiya at industriya.
10. Ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaaring
nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ng tao. (Rene
Descartes)
- Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak
na balangkas.
Halimbawa:
nag-aaral Sarah mabuti makapasa eksamin
- Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang
pangungusap tulad ng:
* Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin.
- Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung
papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita, sapagkat ang
esensya ng wika ay panlipunan.
- Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay
maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng
mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
- Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng
wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung
walang salita.
BARAYTI AT BARYASYON
NG WIKA
Ang barayti ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa loob ng isang
wika. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya,
antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating
kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng
iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika, ayon sa pagkakaiba
ng mga indibidwal. May iba’t-ibang uri ng wika kaya nga sinasabing may barayti ng wika.
Nagkaroon ng iba’t-ibang uri dahil may pagkakaiba o baryasyon sa mga aytem na
pangwika. Maaaring ang baryasyon ay nasa tunog, mga salita o bokabolaryo at sa
estrukturang gramatikal o sa lahat ng ito. Ang mga ito ay eksternal na paktor na maaaring
heyograpikal o grupong sosyal.
1.Idyolek
- Tumutukoy sa pekyularidad o kakaibhan ng isang tao sa paggamit ng kanyang wikang
sinasalita.
- Pampersonal na gamit ito ng wika na kadalasang yunik sa kanyang pagkatao.
- Sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang
bawat isa.
- Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan
ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kaniya- kanyang inbidwal na
estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
2. Dayalek
- Barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
- Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat.
- Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki
man o maliit.
- Ang dayalek ay wikang ginagamit sa isang tiyak na lugar, rehiyon o probinsiya.
- Ang pagkakaiba ay maaring makita sa tunog, paraan ng pagbigkas, bokabularyo at
grammar o balarila.
3. Sosyolek
- Tinawag itong pansamantalang barayti dahil nalilinang ito sa pamamagitan ng
malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga
tao. (Badayos, 2007)
- Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito
sa mga pangkat panlipunan.
- Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika.
- Kapansin-pansin ang mga taong nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian
tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp.
- Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hindi; ng babae o sa lalaki; ng matanda
sa mga kabataan; ng may-kaya sa mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba
pang pangkat.
C. JOLOGS 0 “JEJEMON”
- Ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe”.
- Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghaha-
halong numero, simbolo, malaki at maliit na titik kaya’t mahirap ito intindihin lalo na
hindi pamilyar ang tinatawag na jejetyping.
Halimbawa:
D2 na me - “Nandito na ako.”
MuZtaH - “Kamusta?”
iMisqcKyuH - “I miss you.”
aQcKuHh iT2h - “Ako ito.”
5. Register
- Tumutukoy sa mga espesyalisadong mga salita na ginagamit ng isang particular na
domeyn o gawain.
- Barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit
niya sa sitwasyon at sa kausap.
- Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay
isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya
masyadong kakilala at sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o
pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp.
6. Etnolek
- Nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
kanilang pagkakakilanlan bilang isang pangkat- etniko.
- Wika ng mga etnolinggwistikong grupo.
7. Ekolek
- Kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng
bata at matanda. Malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Palikuran – banyo o kubeta
Papa – ama/tatay
Mama – nanay/ina
Silid-tulugan o pahingaan ( kuwarto)
Pamingganan (lalagyan ng plato)
8. Pidgin
- Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lenggwahe ng wala ninuman” o
“Nobody’s native language”. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na
may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wika na ginagamit. Umaasa
lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Halimbawa:
Ako punta banyo. – Pupunta muna ako sa banyo.
Hindi ikaw galing kanta. – Hindi ka magaling kumanta.
Sali ako laro ulan. – Sasali akong maglaro sa ulan.
Ako tinda damit maganda. - Ang panindang damit ay maganda.
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. - Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. - Mag-aral ka ng mabuti
upang mataas ang kyong grado.
KABANATA 2
TEORYA NG WIKA
Hindi lubos na nalaman kung kailan, saan at paano nagsimula ang paggamit
ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuro-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral
ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao
ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog ng ito ay ang mga
kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba’t-ibang
interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya nagkaroon ng
maraming wika sa mundo.
1.TEORYANG BOW-WOW
- Ayon sa teoryang ito, ang wika ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
- Ang mga primitibong tao diumano ay kulang sa mga bokabularyong magagamit kaya
ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan
ng mga tunog.
- Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag na tuko.
2.TEORYANG POOH-POOH
- Ayon sa teoryang ito, unang natutong magsalita ang mga tao nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
- Pansinin ang isang Pilipinong napabulalas sa sakit, di ba’t siya’y napapa-Aray!
Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-Ouch! Anong naibulalas natin kung tayo’y
nakadarama ng tuwa? Takot?
3.TEORYANG YO-HE-HO
- Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal.
- Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
-Anong tunog ang nalilikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay,
sumusuntok, nangangarate at nanganganak ang isang ina
4.TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
- Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha
sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
- Ang mga tao noon ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pagtatanim,
pag-aani, pangingisda, pagkakasal, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.
5. TEORYANG TATA
- Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
- Ang teoryang tata ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang
tao’y nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba
at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
6.TEORYANG DING-DONG
-Ayon sa teoryang ito, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid na likha ng tao.
-Kahawig ng Teoryang Bow-Wow
- Lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog
niyon ang siyang ginagaya ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
7.TEORYANG SING-SONG
- Teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musical, at hindi maikling
bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
8.TEORYANG BABEL
- Mula sa kasaysayan ni Babel na hango sa Bibliya. Gusto ng mga tao na gumawa ng isang
tore na umaabot sa langit upang maging makapangyarihan. Ang ginawa ng Diyos ay
iniba-iba Niya ang wika ng bawat tao para hindi na sila magkaintindihan.
9. TEORYANG MAMA
- Tumutukoy ito sa unang sinabi ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina
o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Biniyayaan ng diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa
iba pang nilalang. Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at
mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Tunay nga naman napakamakapangyarihang
element ng ating pagkatao ang matuto ng wika. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng
lahat para magkaroon ng komunikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito ang
mundo ay magkakagulo at ‘di magkakaunawaan. Ang wika ay nagsisilbing sinulid na
nagkokonekta sa bawat isa, isang sinulid na hindi maaaring basta maputol kung ating
iingatan at pahahalagahan. Hindi lamang sa pangkomunikasyon, ang kahalagahan ng
wika ay makikita at mapapakinggan mo kahit saan.
2. Pamahalaan
- Nakasulat sa papel ang mga batas na galing sa pamahalaan at maaari nating mabasa,
ingles man o Filipino. Ang wika ay nagiging gabay at nagbibigay ng kaalaman sa kung ano
ang katanggap-tanggap o hindi.
3. Media at Entertainment
- Wala ang tinatawag ng media at entertainment kapag wala ang wika. Kung wala nito,
papaano mapapahayag nang nasa likod ng media at entertainment ang ibig sabihin nila
kung lahat ay nakatahimik? Ang wika ay importante sa pagbibigay ng impormasyon sa
pamamagitan ng balita. Ito rin ay ginagamit para sa mga teleserye o mga pelikula na
tinatanaw natin, bagaman sa aspeto ng pelikula, mayroong tinatawag na mga silent films
noong unang panahon.
4. Edukasyon
- Sa aspeto naman ng edukasyon, mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito, nagiging
malawak ang ating kaalaman. Sa pag-aaral ng dalawang wika (Ingles at Filipino) naging
lalong nadalisay ang ating pag-intindi at tamang paggamit nito.
2. Instrumental
- Tumutugon sa mga pangangailangan, katulad ng pakikiusap at pag-uutos
3. Regulatori
- Kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba. Kabilang dito ang pagbibigay ng
direksyon, pagmumungkahi at pagtatanggi.
4. Personal
- Pagpapahayag o pagbabahagi ng sariling damdamin o opinion, katulad ng
pakikiramay, pasasalamat, pagpupuri at pagpayag.
5. Imahinasyon
-Nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Naglalayong makapagsalaysay,
makapagkwento at magsabuhay.
6. Heuristic
- Naghahanap o kumukuha ng mga impormasyon o datos tulad ng pagtatanong.
7. Informatib
- Nagbibigay ng mga impormasyon tulad ng pag-uulat o pagbabalita.
ANTAS NG WIKA
Ang tao ay nilalang na may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal at
intelektwal. Dahil dito tayo rin ay nabiyayaang ng kakayahan na makapag-pahiwatig ng
ating mga saloobin gamit ang sari-saring uri ng wika. Wika na daan sa pagkakaisa,
pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa lahat, paglilinang ng katalinuhan ng
buong sangkatauhan. Ang bawat indibidwal ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa
lipunang kanyang ginagalawan. Tandaan na walang parehong indibidwal ang mayroong
eksakto o parehong uri o istilo ng pananalita. Nababatay ang pagkakaiba sa antas sa
katayuan o estado sa buhay, edad, kasarian, grupo o pangkat etniko na kanyang
kinabibilangan, antas ng natapos, kasalukuyang propesyon, at pagiging dayuhan o local.
1.Balbal
- Ito ang pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles.
- Tinatawag din itong salitang pangkalye o pangkanto. Ito rin ang wikang
pinakamabilis magbago ang bokabularyo.
- Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
- Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita.
- Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing
koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
- Sa mga kabataan naman, nauso ang pagbabaligtad nila ng mga salita tulad na
lamang ng erpats at ermats na ibig sabhin at tatay at nanay. Ngayon, nakikita ang
pagbabalik ng ganitong estilo ng mga pananalita tulad na lamang sa mga pauso sa
telebisyon na “Lodi” at “Werpa”.
Buhat ng pag-usbong na pagbabaliktad ng mga salita, naririning ulit ang mga
sumusunod:
Erap o repapeps pare
Tomguts kapag gutom
Sugbo o “solve na pag busog na
parak pulis
lasenggo palaging lango sa alak
chaka pangit ang mukha
eskapo takas sa bilangguan
istokwa naglayas
bato shabu
damo/ Mary Jane o MJ/ tsongki marijuana
juding bakla
tiboli tomboy
2.Kolokyal
- Ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga
salita.
- Karaniwang pinaikli ito mula sa mga pormal na salita.
- Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang salitang madaling
maintindihan.
Halimbawa:
hintay ka antay ka
kailan kelan
aray ko rayko
mayroon meron
halika lika
naroon naron
Sanaron Saan naroon
Kamo Wika mo
Ewan Aywan
Teyka/teke Hintay ka
Tena Tara na
Kako Wika ko
3.Lalawiganin
- Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga tubong-lalawigan
tulad ng mga taga-Cebu, Batangas, Bicolano, at iba pa.
- Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent at tono o
pagsasalita.
- Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
- Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang
lugar.
Halimbawa:
Wika Paano sasabihin
Hilagaynon Guinahigugma ko ikaw.
Bisaya – Cebu Nahigugma ako kanimo
Ilocano Ayatatenka.
Pangasinense Inarato ta ka.
Bicolano Namumutan taka.
Kapangpangan Kaluguran da ka.
4.Pambansa
- Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong
pangmadla.
- Ito rin ang ginagamit sa mga paaralan at pamahalaan.
- Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.
Halimbawa:
aklat ebidensiya abogado
ina biktima pulisya
ama pagsusuri baril
dalaga hinaing sambayanan
masaya hukom eksperto
salarin hatol baliw
5.Pampanitikan
- Ito ang mga pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika.
- Ginagamit ito sa mga akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, sanaysay at
iba pa.
- Masining at matalinhaga ang pagpapahayag.
- Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto
Halimbawa:
matamis ang dila manloloko
balat sibuyas maramdamin
dinadagang dibdib kinakabahan
kaututang dila kaibigan
kakiskisang braso kakilala
nanininglang pugad nanligaw
kabiyak ng aking puso kasintahan
ilaw ng tahanan ina
bunga ng aming pagmamahalan anak.
mababaw ang luha madaling umiyak.
bukas palad maluwag sa pusong pagtulong
mababaw ang luha madaling umiyak
magbanat ng buto magtrabaho
magmamahabang-dulang mag-aasawa
kapit-tuko mahigpit ang kapit
INIHANDA NI:
Bb. Je Ann G. Carido
Guro