Baybayin 101

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

ISANG ARALIN SA PAGSULAT NG

SINAUNANG PILIPINO: BAYBAYIN

ᜊᜆ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔
BAYBAYIN

• Ang baybayin ay isang papantig, o syllabic na paraan


ng pagsulat.
• Ang bawat titik ay katumbas ng isang pantig.
• Ito ay binubuo ng tatlong (3) mga patinig at labing-
apat (14) na mga katinig.
ᜉᜀᜈᜓ ᜅ ᜊ ᜐᜓᜋᜓᜎᜆ᜔ ᜅ᜔ ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ?᜔
Paano nga ba sumulat ng baybayin ?
ANG MGA KATINIG

ᜊ ᜃ ᜇ ᜄ
ba ka da/ra ga

ᜑ ᜎ ha la
ᜋ ᜈ ᜅ ᜉ
ma na nga pa

ᜐ ᜆ ᜏ ᜌ
sa ta wa ya
ANG MGA KATINIG
• Ang bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang
pantig na may kasamang patinig na a. Halimbawa,
ang titik na ᜊ ay hindi isang b lamang kundi ang
pantig na ba. Kung isusulat ang salitang basa,
dalawang titik lamang ang kailangan:

at hindi apat na titik:


ANG KUDLIT
• Ang baybayin ay may mga katangian ng isang
palapantigan at ng isang alpabeto rin. Ang tawag sa
ganitong paraan ng pagsulat ay isang abugida.
Gagamitin pa rin natin ang mga titik na katinig na
nakahanay sa itaas at lalagyan natin ang mga ito ng
isang pananda, na tinatawag na kudlit, upang
mapalitan ang tunog ng nilalamang patinig na a.
ANG KUDLIT
• Ang kahulugan ng kudlit ay gurlis o galos at ito nga
ang anyo ng kudlit noong unang panahon, noong
inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon,
sumusulat na tayo sa pamamagitan ng bolpen at
papel o computer kaya may iba't ibang hugis ang
panandang kudlit. Karaniwang tuldok ito o maikling
guhit, o minsan naman, ay may hugis ng letrang v o
hugis ng ulo ng palaso >. Ang hugis ng kudlit ay
walang kaugnayan sa pagbigkas ng isang titik; ang
pagbigkas ay batay sa kinalalagyan ng kudlit.
ANG KUDLIT
Kung ang kudlit ay nasa itaas ng titik, ang pagbigkas
ay I o E. Ganito:
ANG KUDLIT

Kung ang kudlit ay nasa ibaba, U o O ang


dapat bigkasin. Ganito:
ANG MGA TITIK NA PATINIG

• Bagama't ang mga kudlit ay karaniwang


ginagamit upang maipakita ang tunog ng
mga patinig (vowels), mayroon din
namang tatlong bukod-tanging titik na
patinig:
A E O
a e/i o/u
ANG MGA TITIK NA PATINIG
• Madaling makita na kung may pantig na walang
katinig, wala itong titik na malalagyan ng isang
kudlit. Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na
patinig. Ang mga titik na ito ay hindi nilalagyan ng
anumang kudlit. Halimbawa:
MGA KAKAIBANG KATINIG

• RA = DA ᜇ
• NGA = ᜅ hindi ᜈg
hindi:
MGA BANTAS
• Ang mga bantas (punctuation) sa baybayin ay isa o
dalawang guhit na patayo lamang, ||, ayon sa kagustuhan
ng manunulat. Ang paggamit sa guhit ay katulad ng isang
kuwit (comma) o tuldok (period).
ANG KASTILANG KUDLIT +
• Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez
ang isang bagong uri ng kudlit noong taong 1620 upang
malutas ang suliranin sa pagsulat ng mga huling katinig.
Hugis krus ang kaniyang kudlit at inilagay niya ito sa ibaba
ng mga titik upang bawiin ang tunog ng patinig.
Halimbawa:
ANG KASTILANG KUDLIT +
• Sa kaliwa, ginamit ang kudlit ni Lopez (+) at pinaghiwalay
ang mga salita upang madaling basahin. Sa kanan naman,
makikita ang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang
Filipino.
PAGSULAT NG PANGALAN
REPERENSYA
• Baybayin Handwriting from the 1600s
http://paulmorrow.ca/handwrit.htm

• Isang Aralin sa Pagsulat ng mga Sinaunang Filipino


http://paulmorrow.ca/baybay2.htm

• Baybayin - Ang Lumang Sulat ng Filipinas


http://paulmorrow.ca/baybay1.htm
KARAGDAGANG REPERENSYA

How do I write my name in baybayin?

http://paulmorrow.ca/bayname.htm

You might also like