Pre TEST Grade 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Bisayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Luna, La Paz, Lungsod ng Iloilo

Paunang Pagsusulit sa Filipino III

Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Gustong ipakilala ni Ruben ang kanyang sarili sa klase. Alin ang tamang pagpapakilala
niya ng sarili?
A. “Magandang araw! Ako si Ruben. Nakatira ako sa Brgy. San Pedro, Mina,Iloilo.”
B. “Ako si Ruben Palacios. Nag-aaral sa Paaralang Sentral ng Mina. Ako ay walong
taong gulang.”
C. “Magandang umaga sa lahat, ako si Ruben, walong taong
gulang,mahilig maglaro ng basketball.”
D. “Magandang umagasa lahat.Ako po ay si Ruben Palacios.
Walong taong gulang. Nakatira po akosa
Brgy.San Pedro, Mina,Iloilo. Ako ay nasa Ikatlong Baitang.”

2. Ang aming mag-anak ay mahilig pumunta sa _____________________


tuwing bakasyon dahil sariwa ang hangin doon. Aling pangalan
ang angkop gamitin?
A. lungsod B. liwasan C. probinsya D. paliparan

3.Mahilig maglaro ng football at badminton siMario. Ang salitang


may salungguhit ay tumutukoy sapangalan ng_____________.
A. bagay B. lugar C.tao D. hayop

4. Batay sa pabalat ng aklat ,ang kuwento ay tungkol sa ___________.

A. sirang tsinelas
B. biniling tsinelas
C. namamasyal na tsinelas
D. nawawalang tsinelas

5. Batay sa larawan, ano ang paksa ng kuwento?


A. Si Daboy ay masipag na bata.
B. Ang batang mahilig maglaro.
C. Lumilipad si Daboy.
D. Ang palabirong si Daboy.

6. Aling salita ang katugma ng salitang may salungguhit sa tula?


Ang aming munting dampa
Nakatayo sa tabi ng sapa
Masaya kaming nakatira
Kasama sina ama at _______
A. lolo B. ina C. ate D. pinsan

7. Mahilig magbasa ng aklat si Gina. Nais niyang malaman ang pahina


ng kuwentong kanyang babasahin. Saang bahagi ng aklat ito makikita?
A. Pabalat B.Talaan ng Nilalaman C. Glosaryo D. Paunang Salita

8. Nabasag mo ang bagong plorera ng iyong guro. Ano angtamang sasabihinmo?


A.“Wow! Ganda naman ng plorera.”
B. “Naku! makintab ang plorera mo Maam.”
C. “ Ay ! nabasag ko ang plorera. ”
D. “Pasensya na po Ma’am, hindi ko po sinasadya, papalitan ko
nalang po.”

9. Ang pangalan ng aking kaibigan ay si Katrina Macaraig. ________ay


nag-aaral sa Paaralang Sentral ng Pavia. Aling panghalip ang
angkop gamitin sa pangungusap?
A. Ako B. Siya C. Ikaw D. Sila

10 Masayang naglalaro ang mga bata sa tabing ilog. Nakakita _______


ng kakaibang uri ng mga bato. Aling panghalip ang angkop sa
patlang para mabuo ang pangungusap?
A. sila B. tayo C. kami D. nila

11. Masarap kaininang nilutong spaghetti ni Inay. Alin ang salitang hiram
sa pangungusap?
A. kainin B. Inay C.niluto D. spaghetti

12. Pagdating ni Sally ay kaagad kumuha ng walis at nilinis ang silid-aralan. Anong katangian
ang ipinakita niSally?
A. maganda B. masipag C. matalino D. masunurin

13. ___________ng tubig si Elmer para makatulong sa kanyang nanay na naglalaba. Aling
salitang kilos angnararapat ilagay sa patlang upang mabuo ang pangungusap?
A. Nagpapakulo B. Bumibili C.Umiinom D. Nag-iigib

14. Paika-ikang lumalakad si Mang Juan dahil masakit ang kanyang tuhod.
Alin ang pang-abay sa pangungusap?
A. paika-ikang B. lumalakad C. masakit D. tuhod

15. Napaiyak si Cresilda nang binigyan siya ng medalya ng kanyang guro.


Ano ang kasalungatng salitang may salungguhit?
A. napasigaw B. natuwa C.napangiti D. napaluha

16. Pag-aralan ang mga sumusunod na panuto sa ibaba.


1) Gumuhit ng isang bilog.
2) Lagyan ng kahon ang loob ng bilog.
3) Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang bulaklak.
4) Lagyan ng maliit na paruparo ang itaas ng bulaklak.

Alin sa mga sumusunod ang inyong nabuo batay sa panuto?


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

. .

A. B. C. D.

17. Nasira ang tubonamalapit sa taniman ng tubo ni Isko. Ano ang kahulugan ng salitangmay
salungguhit?
A. daluyan ng tubig B. saka C.tanim D.gamit

18. Isang magaling nadoktor siImelda Santiago. Ano ang daglat ng


salitangmay salungguhit?
A. D. B. Dk. C.Dr. D. Da.

Suriin nang mabuti ang grap.Sagutin ang mga katanungan.

Badyet ng Pamilya Silva sa Buwan ng Abril

5%
Pagkain
10% Koryente
40% Edukasyon
Iba pang Pangangailangan
Ipon
25%
20%

19. Tungkol saan ang grap?

A. Badyet ng Pamilya Silva sa Buwan ng Abril.


B. Pagkain ng Pamilya Silvasa Buwan ng Abril.
C. Badyet sa Edukasyon at ipon ng Pamilya Silva.
D. Gastos ng Pamilya Silva sa Iba pang pangangailangan.
20. Ano ang pinakamalaking budget na pinaglalaanan?
A. koryente B. ipon C. pagkain D. iba pang pangangailangan

Para sa bilang ( 21-22) pag-aralan ang pictograph at sagutin ang mga tanong.
Paboritong Pagkain ng mga Mag-aaral
sa Ikatlong Baitang ng Paaralang Sentral ng Mina

Uri ng Pagkain Lalaki Babae


Pananda : = Lalaki = Babae

21.Anong impormasyon ang ipinakita sa pictograph?


A. Paboritong inumin ng mga mag-aaral saPaaralang Sentral ng Mina.
B. Paboritong pagkain ng mga mag-aaral sa Paaralang Sentral ng Mina.
C. Nasasarapang pagkain ng mga mag-aaral sa Paaralang Sentral
ng Mina.
D. Paboritong gulay at prutas ng mga mag-aaral sa Paaralang Sentral
ng Mina.
22. Ano ang maaaring kahihinatnan kung ang mga bata ay hindi kumakain ng prutas at gulay?
A. magsusuka B. matamlayC. mabagal kumilos D. magkakasakit
23.Pag-aralan ang sumusunod namga larawan.
Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay
Sakuwentong “Si Leon atSi Daga”?

1 2 3 4
A. 1,2,3,4 B. 4,3,2,1 C.3,1,2,4 D. 1,3,2,4

24. Maagang gumising si Jose. Agad niyang inayos ang kanyang isusuot
na uniporme. Dali–dalisiyang pumunta sa banyo at maligo. Ano ang gagawin ni Jose kung
walang tubig sa banyo?

A. Tatawagin si Nanay C. Mag-iigib ng tubig sa poso


B. Maghintay ng tubig D. Hindi nalamang maliligo

Para sa bilang (25-27.) Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

Ang Batang Matulungin


Si Menandro ay nagmamadaling lumabas ng paaralan upang umuwi ng bahay.
Ayaw niyang mapagalitan ng kanyang ina.
Habang naghihintay ng traysikel na kanyang sasakyan, nakita niya ang isang
batang maputla na akay-akay ng kanyang ina. Alam ni Menandro na sakitin ang bata at
masama ang pakiramdam nito. Nang biglang may huminto na sasakyan sa kanyang
harapan.
Gustong – gusto nang sumakay ni Menandro ngunit inisip niya ang kalagayan ng
bata. Nagpaubaya nalang siya at sinabihan na mauna na silang sumakay.Naghintay na
lamang ng paparating na traysikel si Menandro.
Pagdating sa bahay, pinagalitan siya ng kanyang ina dahil hindi nakauwi nang
maaga. Agad na ipinaliwanag ni Menandro ang pangyayari at naunawaan naman ng
kanyang ina.

25. Sino ang batang matulungin?


A. Mario B. Menandro C. Melancio D.Mitoy

26. Bakit hindi kaagad nakauwi ng bahay si Menandro?


A. Dumaan pa siya sa palengke.
B. Inutusan pa ng guro si Menandro na maglinis ng silid-aralan.
C. Nagpaubaya siya sa pagsakay ng traysikel sa batang sakitin.
D. Naglaro pa sina Menandro at ang kanyang mga kaklase sa paralan.

27. Anong ugali ang ipinakita ni Menandro?


A. matulungin B. maalalahanin C. masipag D. mapagmahal

Para sa bilang (28- 30), sipiin nang wasto ang talata sa ilalim. ( 3puntos).
Krayterya sa pagwasto
Puntos -1- May 10-12na mali
Puntos -2- May 5-8 na mali
Puntos -3- May 1-4 na mali

Ang Ulirang Anak

Si Rosa ay matalinong bata.Palagi siyang nangunguna sa klase. Tinutulungan niya ang


kanyang ina sa pagluluto at paglilinis ng bahay. Maaga siyang gumigising kahit walang pasok.
Inaalagaan niya ang kanyang mga kapatid. Pagkatapos ng agahan, naglalako siya ng mga
kakaning niluluto ng kanyang ina. Pagdating sa bahay, agad niyang inaayos ang kanilang
hapunan at pinapakain ang kanyang mga kapatid.

_________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________

Susing sagot:

1. D
2. C
3. C
4. D
5. A
6. B
7. B
8. D
9. B
10.A
11.D
12.B
13.D
14.A
15.B
16.A
17.A
18.C
19.A
20.C
21.B
22.D
23.C
24.C
25.B
26.C
27.A
28.– 30. Pagsulat

Reserved items

1. Napakalas ng bagyong Yolanda. Natatakot ________lumabas ng bahay dahil nagliliparan


ang mga yero. Aling panghalip ang nararapat ilagay sapatlang.
A. kami B. tayo C. sila D. siya

2. Malakas ang buhos ng ulan kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha. Ano ang
dahilan
ng malawakang pagbaha?
A. mainit ang panahon C. malakas ang buhos ng ulan
B. maraming itinambak na basura D. nagkakagulo ang mga hayop

3. Malapad ang hacienda nina Lolo Pedro. Ano ang kasingkahulugan


ng salitang may salungguhit?
A. masikip B. malawak C. mahaba D. maikl

4. Ang lupaing ___________ sa gitna ng kapatagan ay ipinama sa amin


ni Lolo.. Alin ang angkop
na panghalip ang dapat gamitin?
A. ito B. iyan C. iyon D. nito

5. Mahilig kumain ng salad si Josefa. Alin ang salitang- hiram


sa pangungusap?
A. mahilig B. kumain C.salad D.Josefa

Masdan ang ganda ng kapaligiran


Humihikayat sa taong nagmamahalan
Nagniningningan ang luntiang ________
Simbolo ng paparating na kasaganaan

6. Batay sa inyong binasa, Alin ang angkop na tugmang- salita ang


dapat ilagay sa patlang?
A. dahon B. halaman C. gasera D. kahoy
7. Maraming panauhin ang darating sa paaralan. Paano kaya ipakilala
ni Bb. Marianne Lopez ang kayang sarili?
A. “Bb. Marianne Lopez , guro sa Ikatlong Baitang.”
B. “ Ako ay si Bb. Marianne Lopez , ang guro ditto.”
C. “ Pasensiya na po kayo. Ako po ay si Bb. Marianne Lopez ang inyong lingcod.”
D. “Magandang umaga sa inyong lahat. Ako po ay si Bb. Marianne Lopez. Ako po ay
guro sa Ikatlong Baitang ng Paaralang Sentral ng Mina.”

8. Masigasig sa kanyang pag-aaral Si Jessa? Alin ang pangalan ng tao


sa pangungusap?
A. masigasig B.Jessa C.pag-aaral D.kanya

9. Mapanganib ang pumasok sa loob ng kuweba. Ano ang kasalungat


ng salitang mapanganib?
A.delikado B. magastos C. nakakatakot D. ligtas

10. Sa iyong palagay, aling pangungusap ang mauuna kung


pagsunod-sunurin ang mga pangyayari?
A..Sumali si Pedro sa kanilang laro.
B. Nakasalubong ni Pedro ang mga kaklase.
C. Inutusan ng Nanay si Pedro nabumili ng suka sa tindahan.
D. Pinagalitan ng Nanay si Pedro.

Pagpalain Kayo ng Poong Maykapal….

Felomerparian
Distrito ng Mina

You might also like