Agham Word

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 1

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Kolehiyo ng Artes at Literatura
Kagawaran ng Filipinolohiya
Sta. Mesa, Manila

Paggamit ng Wikang Filipino sa larangan ng Agham

Mananaliksik :

Biongan, Jolina D.
Iwag, Maria Angelika C.
Navarro, Rajah Mekah O.

Kurso :
Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya 1-1N

Propesor :
G. Jaymar Luza

Unang Semestre 2019 – 2020


P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 2

Abstrak

Tatalakayin ng pananaliksik na ito ang mga epekto ng paggamit ng wikang Filipino sa


pagtuturo ng Agham. Sa tulong ng mga nakalap na datos at pag aaral nalaman ng mga mananaliksik na
magkakaroon ng mga limitasyon ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham. Ibinahagi
rin ng ilang mga susing papel na hindi pa handa ang kasalukuyang Gobyerno at mga Institusyon
partikular na ang Kagawaran ng Edukasyon patungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng
Agham. Magiging tampok din ang ilang susing papel na tumatalakay at naka ugnay sa pananaliksik
upang mas maintindihan at matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng kamalayan sa kung
gaano kahalaga at mas makakabuti ang paggamit ng Wikang Pambansa sa lahat ng disipina sa
edukasyon upang maging dahilan sa pagpapa unlad ng ating bukal na Wika at Kultura

Mga Susing Salita


Wikang Filipino, Agham, Institusyon at Kagawaran, Siyentipikong termino
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 3

Introduksyon

Ang edukasyon ay mahalaga para sa bawat Pilipinong mag-aaral. Ang bawat kaalaman at
impormasyon na ibinibahagi sa kanila ay mahalaga dahil ito ay kanilang magagamit sa pang araw-
araw na takbo ng buhay kung kaya dapat ito ay kanilang nauunawaan. Lubos kayang naiintindihan ng
mga Pilipinong mag-aaral ang kahalagahan ng kanilang mga talakayan sa paaralan partikular sa
asignaturang Agham? Nahihirapan kaya ang mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Ingles sa
pagkatuto sa asignaturang Agham?

Nilalayon ng pananaliksik na ito ang mga epekto ng paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng
Agham at sinusundan ng mga tanong na, ano ang magiging epekto sa pagkatuto ng mga mag aaral sa
paggamit ng wikang Filipino sa Agham?, Gaano kahanda ang gobyerno partikular na ang Kagawaran
ng Edukasyon patungkol dito?, Malaman ang epekto ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng
Agham at kung may mga limitasyon ba sa paggamit ng wikang Filipino lalo na sa usapin ng termino?.

Kasabay ng mga usapin na ito, ang “Language Study Center at Materials Development Unit” ng
Philippine Normal University (PNU) ay nagsagawa ng isang pananaliksik upang malaman ang mga uri
ng salin sa kagamitang pang-agham na mauunawaan ng mga tinalakay din dito ang mga paraan ng
pagsalin ng mga salitang Ingles sa Filipino para mas maintindihan at maibigan ng mga mag-aaral ang
asignatura. Maraming artikulo ang pananaliksik na ito na naglalayon maging susi upang mas
maintindihan ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa pagkatuto sa larangan ng Agham. Kasabay nito
may mga artikulo at komento na mula sa iba't - ibang dalubguro na may kasanayan at kakayahan na
magbigay ng komento sa nasabing usapin at kung dapat ba na Wikang Ingles ang gamitin at hindi ang
sariling wika bilang midyum sa pagkatuto sa asignaturang Agham.

Hanggang sa kasalukuyan maraming hindi pabor sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa dahil inaakala
ng mga Akitibistang Rehiyonalista na nawawala ang kanilang wika sa pagkakatatag ng Wikang
Filipino bilang Wikang Pambansa dahil sila ay naniniwala na ito ay pagbabalat kayo ng Wikang
Tagalog na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan. Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga
mananaliksik, mas pabor daw ang mga ito sa paggamit ng Wikang Ingles. Naglatag din ng iba’t –
ibang diskusyon ang mga mananaliksik upang mas tumibay ang pag-aaral na ito na may layunin na
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 4

maipabatid sa malawak na hanay ng masa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Wikang Pambansa at


ang pagiging bukal nito upang mas umunlad ang kaalamang bayan.

Metodo/Pamamaraan

Ang ginamit na disenyo ng pananaliksik para sa pag-aaral na ito ay kwalitatibong


pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang
layunin ay maunawaan ang problema at ang mga paliwanag sa mga posibleng kasagutan sa mga
problema na nakikita.

Pagpili ng Respondete

Hindi na lumayo pa ang mga mananaliksik para makanap ng mga respondente. Ang napili na
respondente ay ang klase ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya 1-1N, may grupo sa kanilang klase na
nag-uulat patungkol sa artikulo ni Demetrio na “ Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein :
Isang pagsusuri sa kahandaan ng Wikang Filipino sa pagtalakay sa mga paksa sa makabagong Agham”
na talaga ngang may malaking ambag sa aming pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik para sa paglikom ng mga impormasyon sa
mga nasabing respondente ay ang pag- oobserba. Habang isinasagawa ang pag-uulat kasabay nito ang
paghahanap ng mga mananaliksik ng mga susing papel at artikulo na makakatulong sa kanilang pag-
aaral.

Proseso ng Pangangalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay nangalap din ng mga susing papel at artikulo patungkol sa pag-aaral
na ito na siyang naging batayan ng mga resulta na inilahad bukod sa kanilang pag-oobserba sa klase ng
ABF. Sa kabuuan, naging sapat ang mga ito dahil naglahad ang mga mananaliksik ng iba’t – ibang
panig patungkol sa pag-aaral na ito ang naging dahilan upang mas tumibay at suportahan ang ganitong
klase ng diskusyon o pag-aaral.
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 5

Resulta
Ang wikang Filipino ay "Intekwalisado" ayon ito sa pangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino
(KWF) na si Almario. Marami itong katangian na nagbibigay ng pagkakakilanlan at kalayaan ng isang
bansa at ang paggamit nito sa iba't ibang disiplina at larangan ang isa sa mga paraan upang mas
umunlad ito. Ayon sa ginawa naming pananaliksik may malaking epekto ang paggamit ng Wikang
Filipino sa pagtuturo sa Agham. Sa artikulo ni (Fajilan,2015) na "Ang Gamit at Kahalagahan ng
paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III"
ipinahayag niya mas mapapagaan ay mauunawaan ng mga mag aaral ang mga talakayan sa Agham at
mga teorya rito kung Pambansang wika ang gagawing panturo ng mga Guro. Sumasang-ayon naman
dito ang ginawang pag-aaral ni (Reyes, 2010) sa "Using Filipino in teaching of Science" sinabi niya na
higit na may kooperasyon ang mga mag-aaral at nagbabahagi pa ng mga ideya kapag Wikang Filipino
ang ginagamit at hindi Wikang Ingles at nakikitaan ang mga bata ng pagka-masigasig at pagkukusang
loob. Napatunayan ito ng mga mananaliksik dahil sa kanilang isinagawang obserbasyon sa pagtalakay
ng akda ni (Demetrio, 2019) na "Ang Mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein : Isang Pagsusuri
sa kagandahan ng Wikang Filipino sa pagtalakay sa mga Paksa ng makabagong Agham." na
nagsagawa ng pag aaral kung saan isinalin niya ang pagtuturo ng Agham sa Wikang Ingles patungo sa
Wikang Filipino na nagdulot ng mas magaan na paguunawa para sa mag aaral. Sa kahandaan naman
ng ating Gobyerno at mga Kagawaran na may kaugnayan sa pananaliksik na ito, ayon sa nakalap na
mga datos hindi pa handa ang Gobyerno at mga Kagawaran, ngunit patuloy ang iilang Guro at mga
manunulat sa paggawa ng mga artikulo at pananaliksik. may ilang mga Guro na nagsisimula nang
gamitin bilang panturo ang Wikang Filipino sa Agham at batay sa kanilang obserbasyon mas
nakakasabay ang mga mag aaral sa paggamit nito. Nalaman din na may mga limitasyon sa paggamit
nito ngunit hindi ito magiging balakid dahil sa pagkakaroon ng "pagsasalin" dahil ang wikang Filipino
ay tumatawid sa lahat ng disiplina at larangan. Sa madaling salita, gamit ang pagsasalin ng mga
siyentipikong termino nagiging mas maunlad ang Wikang Filipino. Sa kabuuan ng aming pag aaral,
matagal ng handa ang Wikang Filipino na tugunan ang kanyang titulo bilang Wikang Pambansa na
tiyak na mas magbibigay ng pagkakakilanlan at pag uunawaan nating mga Pilipino sa lahat ng
larangan upang tumugon at maging susi sa iba't ibang problema ng ating bayan.
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 6

Konklusyon
Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa at pagtagos nito sa lahat ng larangan at disipilina
partikular na ang epekto nito sa paggamit bilang pagtuturo sa Agham ang kahalagahan ng pananaliksik
na ito. Nagbigay daan lahat ng epektong nalaman at naibahagi sa pananaliksik na ito kung gaano mas
mapapaunlad ang Wikang Pambansa. Batay sa mga nakalap na mga datos at sa tulong ng mga susing
papel, napatunayan na magkakaroon ng mas pinabilis na pagkatuto ang mga mag aaral na
makakatulong upang mas mapa unlad ang Wikang Pambansa. Nakalap din ng mga mananaliksik ang
mga batayan at dahilan kung bakit hindi pa handa ang kasalukuyang Gobyerno at mga Institusyon
partikular na ang Kagawaran ng Edukasyon patungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng
Agham. Nailatag din sa pananaliksik ang mga konsepto kung saan may mga terminong walang sapat
na katumbas sa wikang Filipino ngunit napatunayan na hindi ito balakid hanggat makakatulong ito sa
pag papaunlad ng Wika. Nalaman ng mga mananaliksik na kapag wikang Filipino na ang ginagamit
natin sa lahat ng larangan at disipilina partikular na sa pagtuturo ng Agham hindi lamang tatatag ang
pang-agham na kaalaman at kahusayan ng ating mga mag-aaral, sa tulong nito mas uunlad at lalakas
ang kakayahan at kapangayarihan ng ating Wikang Pambansa.

Rekomendasyon

Para sa Gobyerno at mga Kagawaran,


Maging tuon sana ng bawat batas at programa na inihahain para sa bayan ang ikauunlad ng Wika at
Kultura ng ating bansa. Laging isipin ang kapakanan ng bawat kabataan na tunay na magbibigay ng
pag asa sa bayan at nakapaloob dito ang pag suporta sa kanila sa pagyayabong ng kultura ng Pilipinas.
Patuloy na maging halimbawa sa pagbibigay kahalagahan sa Pambansang Wika sa pamamagitan ng
mga batas na ginagawa.

Para sa mga Guro,


Hangad namin na magpatuloy ang pagbibigay niyo ng suporta sa lahat ng mag aaral na nais pang
kilalanin ang mas malalim na kahulugan at kahalagahan ng Wika. Huwag sana kayong magsawa na
mag linang at maging instrumento sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating Pambansang Wika sa
pamamagitan ng mga pananaliksik.
Para sa kapwa mag aaral,
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 7

Patuloy na mag aral patungkol sa bukal na kahulugan ng wika at huwag mag alinlangan namagsilbing
guro para sa ibang tao. Maging instrumento sa paglalahad ng mga tunay na kahalagahan ng paggamit
ng Wika dahil ito ang magbibigay ng mas malinaw na pagkakaunawaan at makakatulong sa pagdaloy
ng maayos na komunikasyon na para sa malawak na hanay ng masa.

Para sa mga susunod na mananaliksik,


Magpatuloy sa pag aaral at paggawa ng mga pananaliksik na magbibigay ng benipisyo at naka tuon
para sa masa. Laging lumubog sa malawak na hanay ng masa at makipamuhay kasama sila dahil iyon
ang tunay na makakapagsabi kung ano ang kailangan ng bayan.
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 8

Mga Sanggunian

https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-II-2015-116-123-2-
8.pdf
www.academia.edu/11323413/pagsasaling-wika_sa_mga_katawagang_agham
https://varsitarian.net/news/20090412/wikang_filipino_sa_ikasusulong_ng_agham_at_teknolohiya
https://medium.com/up-scientia/wikang-filipino-sa-agham-455e54a3fc52
https://varsitarian.net/news/20160131/paggamit_ng_filipino_sa_agham_at_matematika_isinusulong
www.ust.edu.ph/events/pambansang-kumperensiyang-pang-agham-2018/
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-wikang-dapat-
pang-ipaglaban/story/
https://www.researchgate.net/publication/247905009_Ang_mga_Teorya_ng_Relatividad_ni_Albert_Ei
nstein_Isang_Pagsusuri_sa_Kahandaan_ng_Wikang_Filipino_sa_Pagtalakay_sa_mga_Paksa_ng_Mak
abagong_Agham
https://varsitarian.net/news/20180801/paggamit-ng-wikang-filipino-sa-pagtuturo-nananatiling-
eksperimento-ani-virgilio-almario
http://reginejoyaguileraece.blogspot.com/
http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=5650:kahalagahan-ng-
pagsasaling-wika&catid=90&Itemid=1267
https://www.academia.edu/23387422/Using_Filipino_in_the_Teaching_of_Science
https://prezi.com/hkgrmongiunf/bisa-ng-paggamit-ng-filipino-bilang-midyum-ng-pagtuturo-sa-a/
http://www.aq.edu.ph/index.php?p=main&s=feature&taskId=article&id=183
https://www.coursehero.com/file/39610704/Ang-Wika-ng-Karunungang-Filipinopptx/.
https://www.pressreader.com/philippines/manila-bulletin/20180805/281509342002584
http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=6753:papel-na-
ginagampanan-ng-wika-sa-edukasyon-4527&catid=90&Itemid=1267
https://www.ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-wikang-
filipino-sa-mga-bata
http://itceprints.slu.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/165

https://web.a.ebscohost.com/abstract?
direct=true&profile=ehost&scope=site&authtype=crawler&jrnl=01156195&asa=Y&AN=51638725&
P O LY T E C H N I C U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S 9

h=1KGQNqBqyBs91NNomsJ2cXTepScwrp6JrsQcVWHYZ0nUGwP9JZX
%2bxxKpYsZEXPpFb3ElClG4Q5QVA%2bEFGCmj6g%3d
%3d&crl=c&resultNs=AdminWebAuth&resultLocal=ErrCrlNotAuth&crlhashurl=login.aspx%3fdirect
%3dtrue%26profile%3dehost%26scope%3dsite%26authtype%3dcrawler%26jrnl
%3d01156195%26asa%3dY%26AN%3d51638725
https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-II-2015-124-127.pdf
https://eric.ed.gov/?id=ED357622
https://grdspublishing.org/index.php/people/article/view/146
https://www.pressreader.com/philippines/manila-times/20150830/281822872556725
http://adriandandawnproject.blogspot.com/2009/08/sapagkat-buhay-ang-wikang-filipino.html

You might also like