Q3 Adm Fil 10 Mod 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Panitikan: Liongo Mitolohiya ng Kenya
0
C
Gramatika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
Teksto: Naglalahad

Ang modyul na ito ay tungkol sa makasaysayang mitolohiya ng Kenya, ang


akdang Liongo, at kaugnay ng mitolohiya ng taga Nigeria na Maaaring Lumipad ang
Tao, bahagi ng aralin na ito ang kakayahang ipaliwanag ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng Mitolohiya ng Persya at Aprika, ganoon din ang pagsusuri ng mga
kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda, kilos/gawi at
desisyon tauhan, inaasahan din ang pagbibigay puna sa napanood na video clip,
kasama rito ang pangangatwiran ang sariling reaksyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate. Ganoon din ang paggamit nang angkop na mga
pamantayan sa pagsasaling wika. Ating alamin kung bakit sadyang kakaiba ang
mitolohiya ng Kenya sa iba pang mitolohiyang atin ng nabasa. Handa ka na bang
tuklasin ito?

Layunin:
● Naipapaliwang ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Mitolohiya ng Persya at
Aprika (F10PN-lII-a-76)
● Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng
akda, kilos/gawi at desisyon tauhan (F10PB-III-a-80)
● Nabibigyang puna ang napanood na video clip (F10PD-III-a-74)
● Napapangatwiranan ang sariling reaksyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate (F10PS-lIIa-78)
● Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika
(F10PS-lIIa-71)

Bago natin simulan ang ating aralin, alamin natin ang lawak ng iyong kaalaman
kaugnay sa ating aralin.

2
Name it to Win It
A. Panuto: Buuin ang salitang tinutukoy batay sa isinasaad sa pahayag sa tulong
ng mga clue na larawan.

__________1. Ma + + _____ + - Ito ay isang katawagan sa pamamahala ng


kababaihan

__________2. P + @ +3 + _____ + -Ito ay isang katawagan pamamahala ng


kalalakihan

__________3. do, re, me, __ - piz - Isang kampo na matatagpuan sa Kenya. sa


baybayin ng Pate. Ito ay isang Russian na salita na ngangahulugang yugto o
antas

__________4. - hell + -ebra+ i - Isang Lugar sa Kenya, ang Ozi ay isang


salitang Hebrew na nangangahulugang yugto o antas

_________ 5. -me + - ce - kalaban ng kaharian ni Liongo ayon sa


mito ng Kenya.

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga salita/parirala na nasasalunguhitan at


ibigay ang pinakamalapit na kahulugan nito sa Filipino.

1. Teaching is my bread and butter.


2. The test was just a piece of cake
3. We can’t go to Ben’s place because it's raining cats and dogs
4. Hold your horses, the guest is coming in a few minutes.
5. Once again, the champion wins, and another contender bites the dust

Aralin
1
Panitikan: Mitolohiya mula sa Aprika

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang makasusulat ng pagsusuring
mga kaisipan nakapaloob sa akda, nakapagbibigay puna sa napanood at
nakapagbibigay ng pangangatwiran. Inasaahan din na masagot mo ang mga gawain at
pagsasanay sa aralin ito.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

3
Panuto: Bigyan ng kahulugan ang sumusunod na mga salita na makikita sa
social media.
1. Hashtag - ____________________________________________________
2. Memes - _____________________________________________________
3. Subscibe - ___________________________________________________
4. Live stream- __________________________________________________
5. Status Update- ________________________________________________

Ano nga mo
bang muli ang Ang mitolohiya ay isang halos
Mitolohiya? magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento o mito (myth),
mga kuwento na binubuo ng isang
Mangyari ay i-klik mo ang partikular
link na ito upangnarelihiyon
mapanood oangpaniniwala.
video ng
Alegorya ng Yungib o Karaniwang tinatalakay ng mga
https://youtu.be/e8XOFHBHttwBasahin ang
akda sa Filipino 10, Pahina 245 kuwentong mito ang mga diyos at
nagbibigay ng mga paliwanag hinggil
sa mga likas na kaganapan.
Halimbawa na ang kung paano
nagkaroon ng hangin o mga
karagatan. May kaugnayan ang
mitolohiya sa alamat at kuwentong-
bayan

Mangyari ay i-klik mo ang link na ito upang mapanood ang video ng Alegorya ng Yungib o
https://youtu.be/e8XOFHBHttw
Basahin ang akda sa Filipino 10, Pahina 245

4
Buod ng Liongo

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong baying nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya ang
nagmamay-aari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas
at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang armas. Ngunit
kung siya’y tatamaan ng karayom sa kanyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo
at ang kanyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa
Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang
pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinikilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang
pagbabago ay nagging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan
tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono.
Nais ni Haring Ahmad a mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain)nito ay inawit ng mga
nasa labas ng bilangguan, bigla syang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.
Nang Makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.Tumakas siya at nanirahan sa Watwa
kasama ang mga taong naininirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak
ng busog at palasona kinalaunay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala ay pakana
ng hari upang siya’y madakip at muli na naman siyang nakatakas.Kakaunti lang ang
nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagini Liongo sa digmaan laban sa
GALA(WAGALA). Kaya naibigay ng hari ang kaniyanganak na dalaga upang ang bayaning
si Liongo ay mapapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Lingo ay nagkaanak ng
isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kanya

https://brainly.ph/question/12882056

Gawain 1 Talakayin natin!


Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda,
kilos/gawi at desisyon tauhan sa tulong Character Web.

Suliranin ng akda kilos/gawi ng tauhan


_______________________ ______________________________
_______________________ ______________________________

Desisyon g Tauhan Sumasang-ayon ka ba sa


kanyang desisyon? Pangatwitanan
________________________ _______________________________
________________________ _______________________________
________________________ ________________________________
Liongo

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mg kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

5
I. Mitolohiya ng Aprika
Ang ating babanggitin ay ang bahagi ng Africa na kung tawagin ay ang Yoruba region
o Western Africa, dahil ito ang mayroong pinakamayamang kwento ng mga mito. Ang
kanilang pinaniniwalaang mga karakter ay ang mga Orishas na bagamat hindi tulad nating
tao ay nakatira din dito sa lupa at walang kapangyarihan. Ang kanilang kapangyarihan ay
natanggap lamang nila mula ka Orunmila na isang diyos.
Ang may makabuluhang parte sa araw-araw na pamumuhay ng mga Aprikano.
Kadalasan, ang mga mito nila ay tumutukoy sa mga unibersal na mga tema, kagaya na
lamang ng pinagmulan ng mundo at kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng
kamatayan. Ginagamit ng maraming mga mito ng Aprika ang mga lugar, kundisyon at
kasaysayan ng kontinenteng Aprika. Ang mitolohiya ng Afrika ay may mga karakter na
gumagawa ng kabutihan para a komunidad, gaya ng mga tao sa mga liblib na lalawigan.
Ang mga Orishas ay may karakter na gumagawa ng kabutihan para sa komunidad,
gaya ng mga tao sa mga liblib na lalawigan. Ang mga Orishas ay may kanya kanyang silbi
upang makatulong sa mga tao.

II. Mitolohiya ng Persya


Mga tradisyonal na kwento na tumutukoy sa mga kakaibang mga nilalang. Si Ahura
Mazda ang tagapaglikha ng daigdig. Sinisimbolo ni Spenta Mainyo ang pagkalikha habang
sinisimbolo ni Angra Mainyo naman ay delibyo, pagkabaog at kamatayan. Nahahati sa
dalawang tauhan ang Mitolohiyang Persyano , ang kasamaan at kabutihan. Sumasalamin
sa mga kaugalian ng lipunan kung saan nabibilang ang mga taga-Persia. Kabilang dito ay
ang kaugalian sa pagharap sa mga mabubuti at masasama, mga aksyon ng mga diyos at
mga karanasan ng mga bayani at kakaibang nilalang. Puno ng mga nakakatakot na
halimaw gaya ng Hadhayosh, Manticor at iba pa. Nakabase naman sa parusa at digmaan.

III. Ang Aprika at Persia na Mitolohiya ay nagkakatulad sa pagkakaroon ng kaugnayan ng


tagpuan sa kultura ng kinabibilangan at sinaunang panahon.maraming kapanapanabik na
aksyon at tunggalian. Nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas at binubuo ng iba’t
ibang karakter na dios at mala diyos at sumasalamin sa ibat ibang kultura at paniniwala na
nabuo sa bayan na ito.https://brainly.ph/question/1948127

Dapat na tandaan sa pagsasaling-wika


Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit at natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y
batay sa kahulugan at ikalawa’y batay sa istilo.”

Sa pagsasaling-wika kailangang maipahatid nang tama ang mensahe ng isinasalin


kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o
pamantayan sa pagsasaling-wika:

1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at


magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang
ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y
tandaang hindi ka basta magpapa-paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat
baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
3.Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita.
Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa
wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa
pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang

6
kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung
ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na
mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang
orihinal sa salin.

Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Mitolihiyang Aprika at Persya sa
tulong ng Venn Diagram

Gawain 3:
Panuto: Isalin sa pinakamalapit na kahulugan ang sumusunod na pahayag na may
salungguhit. Piliin ang tamang sagot. Letra lamang ang isulat.

Liongo was killed because of a betrayal. He was betrayed by his son,


1 2
who had unveiled the secret of Liongo's invulnerability The only thing that could kill
3 4
him was a pin piercing his navel , a secret only known to Liongo himself and his
5
mother Mbowe.

1. a. Si Liongo ay pinatay dahil sa pagtataksil


b. Si Liongo ay pinapatay sanhi ng kataksilan
c. Si Liongo ay pinatay dahil sa kataksilan
d. Si Liongo ay namatay sa kanyang pagtataksil
2. a. Siya ay pinagtaksilan ng kanyang sariling anak
b. Siya ay nagtaksil sa kanyang sariling anak
c. Siya ay nandaya sa kanyang sariling anak
d. Siya ay dinaya ng kanyang sariling anak
3. a. Nang matuklasan niya ang lihim ni Lingo na di nasusugatan
b. Nang matuklasan niya ang sekreto ng kahinaan ni Liongo
c. Nang malaman niya ang sekreto na matagal nang tinatago ni Liongo
d. nang malaman niya ang lihim ng panghihina ni Liongo
4. a. Ang isang bagay lamang na makapapatay sa kanya ay kung siya’y tutusukin ng
kanyang mahal sa buhay ng karayom sa kanyang pusod
b. Ang isang bagay na makakapatay sa kanya ay ang paglagay ng karayom sa
kanyang pusod
c. Ang tanging bagay lamang na makapapatay sa kanya ay kung siya’y butasan
ng karayom sa kanyang pusod
d. Ang tanging bagay lamang na makapapatay sa kanya ay kung siya’y tatamaan
ng karayom sa kanyang pusod
5. a. Ang lihim na nakaaalam lamang nito ay ang ina ni Liongo na si Mbowe.
b. Ang sekreto ay nababatid lamang ni Liongo at ang kanyang inang si Mbowe.

7
c. Ang sekreto ay natatanging alam lamang ni Liongo at ni Mbowe na kanyang ina
d. ang natatanging lihim na nakababatid lamang nito ay si Lingo at ang kanyang
inang si Mbowe.

Panoorin ang isa pang Mitolohiya mula sa Bansang Nigeria- Iclick ang Link na ito
https://youtu.be/89RAV-G_N7c o maari ring basahin ito sa inyong aklat pp.247-249.

Maaaring Lumipad ang Tao


Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sa isang malawak na lupain na kanilang binubungkal may mga alipin na doon ay


nagtatrabaho at naninilbihan. Ang mga taong ito ay mga itim. Isa sa mga ito ay ang mag-
amang sina Toby at Sarah. Pinamamahalaan ito ng isang mabagsik na tagapagbantay na
laging may hawak na latigo. Sa pagtatrabaho nasa likod ni Sarah ang anak na lalaki habang
nagbubungkal ng lupa sa pilapil. Minsan umiyak ang bata at hindi napigilan ay hinampas
sila ng latigo. Hindi na nakapaghintay si Toby na palisanin na ang mag-ina. Binigkas ni
Sarah ang “Kum… yali, Kumbuba tambe,” na isang makapangyarihang salita at silay
nakalipad. Hindi natigil ang pang-aapi ng tagabantay hanggang ang mga tauhan na iba ay
mahirapan. Dahil sa awa ni Toby binigkas niya ang mga salita na kung saan tinulungan
niyang makalipad ang mga tao. Agad na hinabol ng tagabantay ngunit hindi niya ito
maabutan dahil sa malakas na hangin. Sinabi niya ito sa amo kung ano ang nangyari sa
alipin ngunit hindi ito naniwala.
brainly.ph/question/261135
Gawain 4
Panuto: Bigyang reaksyon ang larawan na bahagi ng pangyayari sa kwentong
nabasa/napanood. Pagkatapos ay pangatwiranan ang paksang tanong sa
debate.

Paksa: Paano nakakaapekto ang Diskriminasyon


(kulaya estado sa buhay,sekswalidad sa lipunan ?

Reaksyon:

8
Gawain 6
Panuto: Magbigay ng mahahalagang puna/kaisipan sa araling napanood/nabasa sa
tulong ng mga emoji.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain7:
Panuto: Bigyang puna /kahulugan ang akdang napanood/nabasa batay sa paglalarawan
ng tauhan, dayalogo at pangyayari .( Maaring Lumipad ang Tao)

1. Nasusunog sa araw na mukha ni Sarah


_______________________________________________
2. Tumayo ka,Ikaw, maitim na baka
________________________________________________
3. Ang dugo sa kanyang sugat ay humalo sa putik
________________________________________
4. “Humayo ka, kung alam mo kung kailan ka
makakaalis”____________________________________
5. Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito
__________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena niya ito at ikinulong. Ang
kinilos ng tauhan sa pangyayari sa kwento ay?
A. Makasarili C. Mapanglait

B. Mapaglinlang D. Mapang-asar

9
2. Ang naging kahinaan ng Pangunahing tauhan?
A. matamaan ng karayom ang kanyang pusod.
B. Magupitan ang kanyang mahabang buhok
C. ang kanyang tainga
D. Masugatan ang kayang kaliwang kamay
3. Nakaisip ng isang papuri si Liongo habang siya ay nakakulong. Masasalamin sa kinilos
ng tauhan na siya ay?
A.Mahilig umawit sa lahat ng pagkakataon
B. Matindi ang paniniwala sa kanyang Bathala
C. Masayahin sa gitna ng mga suliranin
D. Lahat ng nabanggit
4. Ang desisyon ni Liongo na pakasalan ang anak ni Ahmad ay nagpapatunay na siya ay?
A. Magalang sa kanyang pinsan
B. Malawak ang kaisipan
C. Walang tinatanim na galit sa kanyang puso
D. Sumusunod sa kanilang naging tradisyon
5. Ang pangunahing kaisipan ng akda?
A. Kung may tiyaga may nilaga
B. Nasa huli ang pagsisisi
C. pagkatapos ng dilim ay may liwanag
D. Hindi lahat ng kadugo mo ay magiging mabuti sa iyo

Performance na Gawain blg. 1


Panuto: Isalin sa Filipino ang bahagi ng tula mula sa Aprika ni Waynevisser. Isulat sa
isang malinis na papel ang iyong kasagutan. Gawing gabay ang mga sumusunod
na hakbang sa pagsasalin na makikita sa itaas. Gamitin ang Rubriks sa
pamantayan.

I Am An African
Waynevisser

I am an African
Not because I was born there
But because my heart beats with Africa’s
I am an African
Not because my skin is black
But because my mind is engaged by Africa
I am an African
Not because I live on its soil
But because my soul is at home in Africa

10
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2
C
Panitikan: Mullah Nassreddin Anekdota mula sa Persia (Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Gramatika: Gramatikal Diskorsal
Teksto: Nagsasalaysay

Pagpapahayag ng saloobin o opinyon na maituturing na bahagi ng pang-araw-


araw na buhay ng isang tao. Malilinang mo rin ang iyong kasanayan sa gramatika at
retorika dahil sa araling ito ay bibigyan ka ng pagkakataong maipamalas ang kahusayan
sa pagsulat ng sariling anekdota sa pamamagitan ng kahusayang gramatikal, diskorsal at
estratehiya sa pagsulat ng kawili-wiling pangyayari na kapupulutan ng aral.

Layunin:

● Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota


(F10PN-IIIb-77)
● Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng
awtor paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-IIIb-81)
● Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (F10PT-IIIb-77)
● Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube
(F10PD-IIIb-75)
● Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota (F10PU-IIIb-
79)
● Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orihinal na anekdota (F10WG-IIIb-g-72)

A. Buslo ko’y, Punan mo!


Panuto: Piliin sa ibaba ang mga salitang kaugnay ng salitang nasa loob ng buslo. Isulat sa
kahon ang wastong sagot.

2.
1. 3.
saloobin

11
katotohanan palagay opinyon
kuro-kuro impormasyon

B. Panuto: Tukuyin kung anong akdang pasalaysay ang inilalarawan sa ibaba. Isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________4. Isang anyong pampanitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa


mga diyos o diyosa at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
_____________5. Ang akdang ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang
anyo ng panitikang tuluyan.

Mullah Nassreddin Anekdota mula


Aralin
sa Persia Iran)
2
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbigay ng
paghihinuha sa damdamin, opinyon o mungkahi batay sa anekdotang napanood o
nabasa at ikaw ay makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa
pangyayaring makapag-iiwan ng aral na maaaring maging kapaki-pakinabang sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mambabasa.

Bring Back the Old Times


Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang batay sa nakaraan akdang binasa.
Piliin ang bilang ng tamang sagot batay sa orasang nasa ibaba.
12. Matrilinear

10. Liongo
2.
Ina

8. Patrilinear

5. Mitolohiya

1. Ang ________ni Liongo ang tanging nakaaalam sa kanyang lihim.


2. Si _________ay isinilang sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng
Kenya.
3. ___________ ang tawag sa pamamahala ng mga kakabaihan sa Kenya.
4. Ang ____________ay ang pamamahala ng mga kalalakihan.
5. Ang akdang Liongo ay isang halimbawa ng _______________na masasalamin
ang kultura ng bansang Kenya.

12
Ang mga kasagutan mo sa itaas ay bahagi ng isang akdang nagsasalaysay. Ito ay ang
mitolohiya. Ngayon naman ay aalamin natin ang Anekdota mula sa Persia at mga panandang
ginagamit sa paghihinuha at pagpapahayag ng saloobin o opinyon batay sa binasa o napanood na
mga akdang pampanitikan.

Basahin at unawain:
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
(Buod)
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magsalita at magtalumpati sa harap ng maraming
tao. Sa kaniyang pagsisimula ay nagtanong si Mullah, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin? Sumagot
naman siya at sinabing “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking
sasabihin” at siya ay lumisan at iniwang napahiya ang marami. Kinabukasan ay inimbitahan siyang
muli. Muli niyang tinanong ng kaparehong tanong ang mag tao at sa pagkakataong ito ay sumagot
sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nassreddin at sinabing “Kung alam na pala ninyo ang aking
sasabihin ay hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” at siya ay umalis. Nalito ang lahat
sa kanyang sagot kaya inimbitahan nila ito muli. Sa ikatlong beses ay tinanong ni Mullah Nassreddin,
“Alam ba ninyo ang aking sasabihin?”
Kalahati ng mga dumalo ay sumagot ng “Hindi” at kalahati naman ay “Oo.” Sumagot siya at sinabi,
“Ang kalahati ay alam na ang aking sasabihin, kaya’t kayo na ang magsabi sa kalahati na di alam
ang aking sasabihin” at siya ay lumisan.
-Mullah Nassreddin
https://brainly.ph/question/260287

Gawain 1: Konek Mo, Hinuha Mo


Panuto: Pag–ugnayin ang mga kaisipan batay sa hinuha ng mga pangyayari.
Hanay A Hanay B
1. Puso ko’y nakararamdam ng sakit at pighati * May pinagdadaanang mabigat na
sulliranin
2. Sa pakikinig sa mabubuting aral mula * Tao’y sisigla
sa mga nakatatanda * Magandang bukas ang haharapin
3. Matuto tayong magtiis sa hirap * Tiyak na may ginhawang makamtan

Gawain 2: Opinyon mo, sa Anekdota ko!


Panuto: Sa tulong ng mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon ay magbigay ng sariling
pananaw sa mga piling mahahalagang pahayag o pangyayari mula sa akdang
“Mullah Nassreddin.” Isulat ang sagot sa patlang.

Kung hindi ako nagkakamali... Sa aking pagsusuri...


Sa aking palagay... Sa aking pananaw...
Sa ganang sarili... Sa tingin ko...
Sa totoo lang...

13
1. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng talumpati sa harap ng
maraming tao.
_______________________________________________________________________.
2. Sumagot ang mga nakikinig ng “Hindi” sa tanong ni Mullah Nassreddin.
_______________________________________________________________________.
3. “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin.”
_______________________________________________________________________.
4. Sinubukan nilang anyayahan muli si Mullah Nassreddin.
_______________________________________________________________________.
5. Muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin,
kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay
lumisan.
_______________________________________________________________________.

Gawain 3: Suri-Salaysay!
Panuto: Sa paraang pa-Komiks ay isalaysay ang anekdotang iyong nabasa o napanood.
Magtala sa ibaba ng pangyayaring sa palagay mo ay kinapapalooban ng
matalinong pagpapasya o pagdedesisyon ng tauhan.

Gawain 4: Panlapi’y Ipakahulugan


Panuto: Isulat ang katangiang taglay na ipinakikita sa larawan. Ibigay ang kahulugan ng
mga ito batay sa ginamit na panlapi.

KATANGIAN KAHULUGAN
1.

2. Top 1

3.

14
Narito ang mga dapat nating tandaan o mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang
anekdota:

1. Kawilihan ng Paksa- Dapat ay likas na napapanahon at may malinaw at maayos na


paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan- Mga datos na pagkukunan
3. Kakayahang Pansarili- Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig at
layunin ng manunulat.
4. Tiyak na panahon o Pook –ang kagandahan ng isang pagsasalaysay nakasalalay sa
malinaw at masining na paglalarawan ng panahon na pinangyarihan nito.
5. Kilalanin ang mambabasa- Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling
kasiyahan at kapakinabangan.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa pagsulat


ng anekdota?
2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng akdang pampanitikan anekdota?

Gawain 6: Sa iyong Anekdota’y Isakatuparan!


Panuto: Sumulat ng sariling anekdota na naaayon sa mga bagay na dapat tandaan sa
pagsulat nito. Bumuo ng paghihinuha ng damdamin sa nais ipahayag ng nabuong
anekdota.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot batay sa mga anekdotang natutuhan.

1. Ang paraan ng pagkakasulat ng may-akda sa anekdotang tinalakay ay


A. Di Makatotohanan at nakababagot basahin
B. Makatotohanan at kapana-panabik
C. Malungkot at hindi kakakikitaan ng kasiyahan
D. Makatotohanan ngunit walang aral na mapupulot

15
2. Ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang anekdota ay ang mga sumusunod
maliban sa _______.
A. Kawilihan ng Paksa
B. Kakayahang Pansarili
C. Tiyak na panahon o Pook
D. Hindi kilala ang mga Mambabasa

3. Ang motibo ng awtor sa pahayag ng punongguro sa anekdotang “Akasya o Kalabasa”


na “Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong Akasya, gugugol
kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa” ay
A. Madali makamit ang tagumpay
B. Mabilis ang makatapos ng pag-aaral
C. Walang madaling proseso upang makamit ang tagumpay.
D. Magtanim upang magtagumpay sa pag-aaral.

4-5 Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita batay sa ginamit na panlapi.
Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

a. Makamtam b. Malaman c. Maunawaan d. Mapagtagumpayan.

___________4. Matuto
___________5. Matupad

6-10 Iguhit ang bituin ( ) kung tama at ekis (X) naman kung mali ang ipinapahayag ng
pangungusap ukol sa anekdota.
_____1. Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao.
_____2. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
_____3. Makapagpabatid ng isang magandang karanasan na hindi kapupulutan ng aral.
_____4. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mga mambabasa.
_____5. Ang isang magandang panimula ay nagbibigay ng pagganyak sa mambabasa
na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Performance na Gawain no. 2


Pagsulat ng Komiks Strip
Panuto: Bumuo ng isang orihinal na komiks strip batay sa anekdota gamit ang
kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat.

Pamantayan sa Pagmamarka

a. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik, at napapanahon 10 puntos 5


b. Mahalaga ang paksa o diwa 15 puntos 6
c. Maayos at di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 25 puntos 5
d. Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas 25 puntos 6
e. Wastong paggamit ng Bantas at Gamit ng Malaki/Maliit na Letra 25 puntos 3

16
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Panitikan: Hele ng Ina sa Kanyang Panganay (Tula mula sa Uganda)
Gramatika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
Teksto: Nagsasalaysay

Matapos nating matalakay ang Anekdota na kinakikitaan ng mga kasabihan,


relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng
pandama. Tumungo naman tayo sa ating bagong aralin na may paksa sa paglingap ng
ina sa kanyang supling, ito ay isang tula mula sa bansang Uganda na may pamagat na
“Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula
sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na “A Song of a Mother to Her Firstborn”.
Matutunghayan mo sa araling ito. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng
simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng tula.

Layunin:
● Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan. (F10PN-IIIc-78)
● Nabibigyang-kahulagan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag
sa tula. (F10PB-IIIc-82)
● Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa.
(F10PT-IIIc-82 )

Bago natin simulan ang pagtalakay sa bagong kaalaman, subukin muna natin ang iyong kaalaman.
Panuto: Ilagay ang kung nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa tula at kung hindi.

_____1. Lumilikha nang matatayog na kaisipang nagbibigay hugis sa iba’t ibang anyo ng
damdamin ng buhay.
_____2. Ito ay may kariktan o magagandang paglalarawan ng mga salita.
_____3. Binubuo ito ng mga pangungusap at talataan.
_____4, Maaaring may sukat at tugma.
_____5. Karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari.

17
Aralin
Tula mula sa Uganda
3

Magandang araw! Kumusta ang nakaraan mong aralin? Alam kong


marami kang natutunan, kaya naman narito ang panibagong aralin para sa iyo.
Nakatitiyak ako na sa pagtatapos ng aralin na ito ay masasagot mo ng
may pang-unawa kung paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula.
Handa ka na ba? Maaari mo ng simulan ito.

Gawain 1: Halika…Balikan natin ang nakaraang aralin…


Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari mula sa anekdota ni Mullah Nassreddin.
Isulat sa patlang ang letrang A-E.

_____1. Naanyayahan si Mullah Nassredin upang magbigay ng isang talumpati sa harap


ng maraming tao.
_____2. Kilala si Mullah Nassreddin bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang
pinakamahusay sa larangan ng pakukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa.
_____3. Muling nagsalita si Mullah Nassredin “Ang kalahati ay alam na ang aking
sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na hindi alam ang aking
sasabihin”, at siya ay umalis sa kanilang harapan.
_____4. Inanyayahan muli si Mullah Nassreddin upang magsalita kinabukasan.
_____5. Ang mga tao ay nalito sa kaniyang naging tugon. Sinubukan nilang muling
anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng kanyang pahayag.

Sa bahaging ito nais kong basahin mo at unawain mo ang akdang Hele ng Ina sa
Kanyang Panganay.Suriin ang pagkakabuo ng akda na ito na magagamit mo sa susunod na
talakayan.
Narito ang link kung saan maari mong mapanood ang video ng akda
https://www.youtube.com/watch?v=sBDCDVOUZYY o maaaring basahin ito sa
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/hele-ng-ina-sa-kaniyang-panganay.html

18
Ang tula ay anyong panitikan na binubuong
Alam mo ba saknong o taludtod. Bawat saknong naman
kung ano ang ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang
Tula bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.
Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o
paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
may mga tayutay o mayaman sa
matatalinghagang pananalita, at simbolismo,
at masining bukod sa pagiging madamdamin,
at maindayog kung bigkasin.

Basahin at Unawain:
Hele ng Ina sa Kanyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin;
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.

Bahagi ng tulang: Hele ng Ina sa Kanyang Panganay mula sa Module ng Filipino 10 p278-279.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

_____1. Masining ba ang tulang “Hele ng Ina sa kanyang Panganay”?


A. Oo, sapagkat naaayon ang paraan ng pagkasulat nito sa batayan ng
pagsulat ng tula.
B. Oo, dahil ang tulang ito ay sinusulat sa maraming saknong.
C. Hindi, dahil ang tulang ito ay walang sukat at tugma.
D. Hindi, dahil ang tulang ito ay malaya.
_____2.Ang mga sumusunod ay pinaghambingan sa isang sanggol, Maliban sa isa
A. leopard B. toro C. gerero D. poon
_____3. Alin sa mga elemento ng tula ang makikita mo sa tulang tinalakay?
A. sukat B. tugma C. malayang taludturan D. may bilang ang
bawat taludtod
_____4.At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan. Ang salitang may salungguhit
ay isang simbolismong nangangahulugang?
A. iniidolo B. gunita C. alaala D. lakas
_____5. Sa wakas ako’y kahati ng kaniyang puso, ilaw ng tahanan ng kaniyang unang
anak. Ano ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na ilaw ng tahanan? ?
A. anak B. ina C. asawa D. kaibigan

Sa bahaging ito ng modyul ay iyong linangin ang mga kaisipan/kaalaman na


makatutulong sa iyo sa pag-unawa sa ating aralin.

19
Alam mo ba na...
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga
salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging
mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan
ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan.


Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa:
Butas ang bulsa – walang pera
Alog na ang baba – matanda na

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng


sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao,
o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan - karunungan o kaalaman
2. gabi – kawalan ng pag-asa

Gawain 3:
Panuto: Salunguhitan ang Simbolo at ikahon ang Matatalinghagang pahayag sa tula at
ibigay ang kahulugan nito.

1. Kaya ilipad mo gabing walang maliw


Ang ilaw at hamog ng aking paggilw. (Mula sa Tulang Gabi ni Ildefonso Santos)
Kahulugan:_____________________________________
2. Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata . (Mula sa Hele ng Ina sa Kanyang Panganay)
Kahulugan:______________________________________
3. Isang paruparo na may katandaan
Sa lakad ng mundo ay sanay na sanay. (Mula sa Ang Matanda at Batang Paruparo ni Rafael Palma)
Kahulugan:_______________________________________
4. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. (Mula sa Hele ng Ina sa Kanyang Panganay)
Kahulugan: _______________________________________
5. Wala na, ang gabi ay lambong luksa
Panakip sa aking namumutlang mukha. (Mula sa Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus)

20
Ngayon ay atin pang palawakin ang iyong natutunan tungkol sa ating aralin.

Alam mo ba na… Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi
maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkaiba naman
ang tindi ng ipinapahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag ginamit sa
pangungusap.

Halimbawa:
1. Natutuwa ako na nag-aaral ka nang mabuti.
2.Nagagalak ako na matataas ang iyong marka.
3.Naliligayahan ako na isa ka sa magtatapos sa Marso.

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang


papataas na antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang
sinonimo.
Halimbawa: 4. namayagpag
3. naghari
2. nangibabaw
1.namayani

Gawain 4: Salunnguhitan ang salitang nagtataglay ng di-masidhing damdamin, bilugan


ang salitang masidhi ang kahulugan at ikahon naman ang may pinakamasidhing
damdamin.

1. Nagandahan ako sa ginawa mong kuwento.


Tunay na nabighani ako sa mga kulay at disenyo ng ginawa mong proyekto.
Naakit akong buksan at basahin ang aklat na ito.
2. Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.
Nagimbal ako sa nangyari sa iyo.
Natakot din ako nang bahagya kung kaya’t dinalaw kita sa ospital
3. Kinabahan ako sa iyong ginawa.
Marami ang natakot dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Kinilabutan ang lahat dahil nakita ka nila sa ganoong kalagayan.
4. Labis akong nag-aalala sa maaaring kahinatnan ng ating bansa dahil sa epekto ng
COVID 19 sa Ekonomiya.
Natigatig ako nang malamang malaki ang posibilidad bumagsak ang ekonomiya nga
ating bansa kung magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa COVID 19.
Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na paglaganap ng Delta Variant sa
ating bansa.
5. Dinig ko ang hikbi ng bata sa harap nang hindi siya bilhan ng laruang gusto niya.
Ang iyak ng aking ina nang mawala ang aming aso ay tunay na nakalulungkot.
Hindi napigilan ni Kris ang mapahagulgol ng pumanaw si Dating Pangulong Noynoy
Aquino.

21
Gawain 5:
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin ang mga sagot mula sa mga
salitang nasa loob ng kahon.

simbolismo pantig taludtod tula matatalinghagang pananalita

Ang 1. ay anyong panitikan na


binubuo ng saknong o taludtod.
Bawat saknong naman ay binubuo ng mga 2. o linya
at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga 3. .
Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
may mga tayutay o mayaman sa 4. ,
at
5. , at masining bukod sa pagiging madamdamin, at
maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.

Panuto: Lumikha ng isang maikling tula ng pasasalamat para sa iyong ina. Ang tula ay
maaaring tradisyunal o malayang taludturan. Gumawa lamang ng dalawa
hanggang tatlong saknong na binubuo ng apat na taludtod.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

22
1. At ako ang ina ng kanyang panganay
Ika’y mahimbing,supling ng Leon,nyongeza’t nyumba, Ika’y
ahimbing ,
Ako’y wala nang mahihiling.
Ang bahaging ito ng tula ay halimbawa ng tulang?
A. malaya B. tradisyunal C. may sukat D. may tugma
2. Palay siyang matino Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo Nagbunga ng ginto.
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa:
A. taong mayaman C. taong mapusok
B. taong responsible D. taong dumaan sa pagsubok
3. Sa tulang “Hele ng Ina sa kanyang Panganay”, alin sa mga salitang ginamit sa akda
ang may masidhing damdamin?
A. lumbay C. pighati
B. dalamhati D. pagdurusa
4. Sino ang tinutukoy na persona sa akda?
A. ina C.asawa
B. kapatid D. pinsan
5. Putol ng tinapay at santabong sabaw sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay. Ang ang kahulugan ng talinghagang
ipinapahayag sa tula.
A. kawalan ng katarungan C. kaapihan ng bilanggo
B. kakulangan sa pagkain D. nararanasang gutom

Performance na Gawain no.3


Panuto: Sumulat ng isang tulang mayaman sa matatalinghagang salita at simbolismo na
tungkol sa kadakilaan ng isang ina, tiyaking hindi bababa sa 3 saknong ang
tulang lilikhain.

Pamantayan sa Pagsulat ng Tula

23
Filipino
10
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Panitikan: Ang Alaga ni Barbara Kimenye (Mula sa East Africa)
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
0
C
Gramatika: Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
Teksto: Naglalarawan

Nilalaman ng aralin ito ang maikling kwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na
isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa
pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga.
Sa modyul na ito, malalaman mo kung paano nakatutulong ang maikling kwento
sa pagkakaraoon ng kamalayan sa pandaigdaigang pangyayari sa lipunan. Gayundin,
kung bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon. Ang
maikling kwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa
isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng
lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.

Layunin:

● Maikling Kuwento: Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa


pandaigdigang pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79)
● Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa (F10PT-IIId-
e-79)
● Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang
katulad ng binasang akda (F10PD-llld-e-77)
● Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa: sarili,
panlipunan at pandaigdig (F10PS-llld-e-81)
● Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng
alinmang social media (F10PU-llld-e-81)

24
Panuto: Ibigay ang hinihinging sagot ng mga sumusunod. P

____________1. Ang Maikling kuwento na “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye ay nagmula


saang bansa?
____________2. Ito naman ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng
tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.
____________3. Ang pangunahing tauhan sa “Ang Alaga”.
____________4. Anong hayop ang inalagaan ni Kibuka?
____________5. Uri ng kuwento na inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa.

Aralin Ang Alaga


8 ni Barbara Kimenye

Magandang araw!

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng photo essay o


larawan sanaysay ng mga napapanahong pandaigdigang suliranin na may
kaugnayan sa tinalakay na akda.

Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung tama at ekis (X) naman kung mali ang ipinapahayag
ng Pangungusap ukol sa anekdota.

__________1. Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay


ng isang tao.
__________2. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay
makatotohanan
__________3. Makapagpabatid ng isang magandang karanasan na hindi kapupulutan ng
aral.
__________4. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mga mam-
babasa.
__________5. Ang isang magandang panimula ay nagbibigay ng pagganyak sa
mambabasa na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

25
Mangyari ay i-klik mo ang link na ito upang mapanood ang video ng “Ang Alaga” Maikling
Kuwento ng East Africa na isinulat ni Barbara Kimenye https://youtu.be/14KMNAvTWiU

Ang Alaga (Buod)


ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Ang matandang si Kibuka ay ayaw magretiro sa kanyang trabaho sa gobyerno.
Subalit dahil umabot na siya sa edad ng pagreretiro, napilitan siyang tumigil sa
pagtatrabaho. Lubhang nalungkot si Kibuka sa kawalan niya ng gawain, kaya’t naisipan
ng kanyang apo na bigyan ang kanyang lolo ng isang itim na biik para may
mapaglibangan ang matanda. Itinuring ni Kibuka ang biik bilang isang alaga. Pati sa
kama ay natutulog sila nang magkatabi. Mabilis na lumaki ang biik hangga’t hindi na
makayanan ni Kibuka na bilhan ito ng pagkain. Nang nalaman ito ng kanyang mga
kapitbahay, inalok nilang bigyan ang baboy ng makakain. Tuwang-tuwa sila kasi parang
alaga na rin nila ang baboy at dinadalaw nila ito palagi. Ngunit isang araw ay
naaksidente si Kibuka, kasama ng kanyang alaga. Sinagasaan sila ng isang motorsiklo.
Sa kasawiang-palad ay naipit ang leeg ng baboy sa kung saan, at ito ay namatay.

GAWAIN 1

Gawain 1
Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita na kasingkahulugan o kaugnay ng salita sa
bawat pangungusap na nakapalihis.

1. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo.


(nabangga, nabundol, rumaragasa, ambulansya)
2. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbili. (pagsinta, pagsuyo, pagligaw, pagsasakripisyo)
3. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di
inaasahang pangyayari ang naganap.
(nagbabaon, naghahango, nagkakalkal, nagtatapon)
4. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at makikita ang mahabang
punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.
(nakatumpok, nakatakip, nakakalat, nakasikip)
5. Pinapasyal niya ang alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-
kalansada. (iginagala, iniiikot, iniuuli, itinataboy)

Mangyari ay i-klik ang link na ito upang mapanood ang video ng pelikulang “Magnifico”
https://youtu.be/UTF5dUXgKrw

Buod ng Pelikula Magnifico

Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay


tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya

26
tulad ngpag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang
pamilya, naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola.
May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa
kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola.
Siya ang gumawa ng kabaong at naghanda ng kasuotan isusuot kapag namatay na ito.
Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang
kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan
ng iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa
mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno
ng kabutihan si Magnifico.Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan
dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang
kamatayan. Maraming taoang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang
burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni
Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.

Gawain 2
Panuto: Punan ang loob ng kahon batay sa hinihinging sagot sa bawat aytem.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong


magmungkahi ng batas tungkol sa mga
suliraning nangibabaw sa akdang binasa
o napanood na trailer ng pelikula, ano ito
at bakit?

Bilang isang kabataan, Paano mo


isasabuhay ang mensahe ng akdang
“Ang Alaga” o ang napanood na
teaser/trailer ng pelikula?

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

Ang maikling kuwento o maikling katha ay


kuwen
mo ba

maikli
Alam

nililikha nang masining upang mabisang


ang

ng

maikintal sa isip at damdamin ng


mambabasa ang isang pangyayari tungkol
sa buhay ng tauhan o ng lugar na
pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari?

Taglay nito ng isang maikling kwento ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan;
(2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng

27
solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang
tagpuan; (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas. Isa sa
mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan ang binibigyang diin ay ang ugali
o katangian ng tauhan.

Gawain 3
Panuto: Bigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na “Magnifico”

Gawain 4
Panuto: Basahin ang mga pahayag at alamin ang kahalagahan ng akda kung ito’y
nagpapakita ng kahalagahan sa sarili, sa lipunan at daigdig. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.

______1. Nagpapakita ito ng kahalagahan para matuto ang bawat isa kung paano mag-
alaga at magpahalaga sa mga hayop.
______2. Ang pagkakaroon ng matinding pagpapahalaga sa mga hayop pagkat naabuso
na sila.
______3. Saan mang lupalop ng mundo ay may alagang hayop, marapat lamang na
galangin ang mga hayop pagkat sila’y may pakiramdam din.
______4. Ang pagkakaroon ng batas na siyang nagpoprotekta para mapangalagaan ang
mga hayop.
______5. Ipinapakita sa akdang ito kung paano ang magpakita ng tunay na pagmamahal
sa kabila na hindi mo ito kauri.

28
Gawain 5
Panuto: Bumuo ng mahahalagang konseptong natutunan sa aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan.

1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento na magkaroon ng kamalayan sa kultura at


kaugalian ng isang bansa?

Gawain 6
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at pandaigdig.

KAHALAGAHAN NG AKDA
Pansarili
Panlipunan
Pandaigdig

Panuto: Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong damdamin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan na si Kibuka ng


malaman na niya na kailangan na niyang magretiro mula sa kanyang trabaho?
a. Pagkagalak c. Pag-alala
b. Pagkamangha d. Pagkamangha

2. Habang si Kibuka ay nasa kanyang maliit na dampa na kanyang tinitirhan ano ang
kanyang naisip gawin dahil nalaman din niya na ang kaibigan na si Yusefu Mukasa ay
abala sa negosyo.
a. Naisip ni Kibuka na kaawa-awa siya at mabuting mamatay na lamang
b. Nag-iisip siya ng mga bagay na pagkakaabalahan
c. Magtanim ng mga gulay malapit sa kanyang dampa
d. Magbakasyon sa bahay ng kanyang anak

29
3. Sino ang dumating na nanginginig at masayang-masaya na niyakap ni Kibuka?
a. Ang kanyang anak
b. Ang kanyang apo
c. Ang matalik na kaibigan
d. Ang kanyang kapatid

4. Anong pagpapahalaga sa sarili ang itinuro ng akda para sa mga mambabasa?


a. Nagpapakita ito ng kahalagahan para matuto ang bawat isa kung paano mag-
alaga at magpahalaga sa mga hayop.
b. Dapat iwasan natin ang sobrang pagmamahal sa alaga para hindi tayo
masaktan
c. Dapat ilagay natin na ang mga hayop ay kakaiba sa tao
d. Lahat ng nabanggit

5. Nang masagasaan ang baboy na alaga ni Kibuka, ano kaya sa palagay niyo ang
kanyang nararamdaman sa panahon na iyon?
a. Pagkalungkot
b. Pagkagalak
c. Pagkaaburido
d. Pagkadismaya

Performance na Gawain no.4


Panuto: Gumawa ng photo essay o larawan sanaysay ng mga suliraning nangingibabaw
sa akdang binasa o alin mang akda na makikita sa Social Media na may
kaugnayan sa paksang tinalakay.

PAMANTAYAN PUNTOS
Naipakita nang malinaw ang mga suliraning nangibabaw sa akda 20 %
at naiugnay sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
Maganda ang pagkakagawa ng movie clip 5%
Kabuuan 25%

AKLAT
Filipino10 Panitikang Pandaigdig Modyul para sa mag-aaral
Ambat, Vilma, et, al, (2015). Filipino 10, Panitikang Pandaigdig (Modyul para sa mga mag-
aaral), Vibal Group Inc., pp 274-287
Acaymo, Gina B, (2021) Filipino Grade 10 Learnrs’ Modyul mula sa
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/04/Filipino10

30
WEBSITES
https://youtu.be/e8XOFHBHttw
https://youtu.be/89RAV-G_N7c
https://brainly.ph/question/1948127
https://brainly.ph/question/485089
https://brainly.ph/question/2321549
https://www.youtube.com/watch?v=sBDCDVOUZYY
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/hele-ng-ina-sa-kaniyang-panganay.html
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/04/Filipino10_Q3_M5.pdf
https://www.youtube.com/watch?v=NwBuh3X8eQ
https://philnews.ph/2019/02/16/hugot-lines-lists-40-best-tagalog-hugot-lines/
http://halohalonghalo.blogspot.com/2014/01/new-tagalog-pick-up-lines-2014.html

LARAWAN
www.google.com
https://www.google.com/search?q=komiks+tagalog&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
https://www.google.com/search?q=teacher&tbm
https://en.wikipedia.org/wiki/Clock_position
https://emojipedia.org/smiling-face-with-smiling-eyes
https://emojipedia.org/cross-mark

Mga Manunulat:
Rose Dizon
Lydia Aguilar National High School
Belinda B. Peralta
Las Piñas National High School
Marites Cuevas
Talon Village National High School
Teresa C. Dato
Golden Acres National High School

Mary Jean T. Hortillano


Medelyn F. Obando
Balideytor ng Nilalaman at Wika

31

You might also like