Banghay Aralin Bryan Aralin 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 1

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang ilang kaugalian ng kulturang kinagisnan/kinamulatan ng
iilang grupo sa Pilipinas,
2. natatalakay ang mga kalakaran at kultura ng mga grupo sa pilipinas; at
3. nakagagawa ng isang graphic organizer Mula sa kultura sa groupong
nabanggit sa Aralin.
II. PaksangAralin
Paksa: IKATLONG YUNIT

KULTURA AT LIPUNAN NG ILANG PANGKAT AT LUGAR

SA PILIPINAS

Sanggunian:
Kagamitan:
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

 Panalangin Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng


Para sa panalangin, pangunahan mo Diyos Espirito Santo. Amen…
Bb. .

 Pagbati
Magandang Araw klas, kumusta kayo? Magandang Araw din po.

 Pagtala ngLiban
Sino ba ang liban sa ating klase Wala po Sir.
ngayon?
Magaling!
 Pagbabalik-aral
Sino sa inyo ang naka-alala sa ating Tungkol po ito sa Aralin 5 mam…
nakaraang leksyon?
Magaling!
May katanungan paba kayo ukol dito? Wala na po Sir.
Kung wala na, may gagawin tayo.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
KILALANIN MO AKO!
Panuto: kilalanin kung anong kultura
ang pinapakita sa larawan.

1. Kuripot.

2.

Masinop
3.

Masipag

4.

Matipid

5.

Magalang
2. Paglalahad ng Paksa
Ang pag-aaralan natin ngayon ay?

Magaling!

Ilang Grupo sa Pilipinas na may


Aralin 6: Ilang Grupo sa Pilipinas na
Natatanging Kultura
may Natatanging Kultura

3. Pagtatalakay

7.1. ANG MGA ILOKANO


ni Teresita L. Abrea

Ang pagiging kuripot


ay yumayakap sa pagtitipid. Ang bawat
senti mong kinikita ay may tamang
paggagastusan. Masinop ang bawat
segundo, minuto, oras at araw ng
paggawa sa mga makabuluhang bagay
na pagkakakitaan.
Ang badyet sa isang taong
konsumo ay para sa pagkain at sa iba
pang pangangailangan. Karaniwang
nagtatabi ng pera upang may magamit
sa hindi inaasahang paggagastusan. Sa
mga pagkakataong tinatayang
kakapusin, hanggat maaga ay gagawa
ng paraan upang maibsan o matugunan
ang pangangailangan
Ito ang mga Ilokano.

Sadyang masisipag ang mga


Ilokano. Makikita ang karamihan sa ka
nila sa Ilocos. Sa mga nagnanais
marating ang lugar na ito, napakasariwa
ang simoy ng hangin. Luntian ang mga
dahon ng sari-saring halaman.
Naglalakihan
ang mga punongkahoy at may
malawak na kapatagan. Matatagpuan sa
iba’t i bang lugar ang mga natural at
atraksiyong dinadayo ng mga lokal at
dayuhang bisita hanggang sa
kasalukuyan. Pinakatanyag sa Ilocos
Sur Vigan Spanish Town. Ang
impluwensya ng mga Kastila ay
mababakas sa mga nagtatayugang
gusaling batong itinayo sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Ang Vigan
ang capital ng Ilocos Sur. Mararating ito
sa pamamagitan ng bus. Sa kalakhang
Maynila ay maaaring sa iba’t ibang
terminal ng bus sumakay. Ang
pinakamalapit sa airport ay ang Pasay.
Sampung oras ang biyahe mula sa
Pasay hanggang Vi
gan.
Kilala ang mga pagkain ng mga Ilokano
tulad ng denendeng at pinak
bet. Kilala rin sila sa sinuman,
sinubong at bibingka.Naniniwala ang
mga Ilocano sa baribari, isang hindi
nakikitang nila-
lang. naniniwala rin sila sa multo,
duwende, kapre at engkanto at iba pang
espi-
ritu. Upang hindi magkasakit,
kapag napadaan sa mga punso ay
dapat magpaa-
lam sa pamamagitan ng
pagsambit ng “Tabi Apo”.

Kung may patay, karaniwang


pinaglalamayan ng ilang araw. Nakade
pende ang tagal ng lamay sa mga
dahilan ng namatayan. Sa paglibing ng
bangkay, ang uluhan ng kabaong ang
dapat mauna sa paglabas ng bahay.
Itinataas ang kabaong upang ang mga
miyembro ng pamilya ay makadadaan
sa ilalim. Ang mga dadaan sa ilalim ng
kabaong ay batay sa edad. Ang
pinakamatanda sa
pamilya ang mauuna at susundan
ng iba pang miyembro.
7.2. ILANG PANINIWALA NG MGA
KALAHAN
-ni Lyd Fer. Gonzales

Ang pook na
kinalalagyan ng Kalahan ay nasa
matatas na lugar ng Acacia, Kahel at
Kayapa, Nueva Ecija. Matataas ang
pook na ito at buhat sa tuk tok ng isang
bundok ay buong paghangang
namamalas nang nakatayo ang kaa
kit-akit na kapaligiran na iginuhit
ni Bathala. Ang mga Kalahan ay isa sa
mga grupong etniko na naninirahan sa
kabundukan ng Nueva Vizcaya. Tulad
ng ibang
mga grupo may kakanyahan ang mga ito.
Ang ilang mga
paniniwalang inilahad dito’y hinati sa (1)
pagpahayag
sa kalikasan, (2) panggagamot,
(3) paggawa, (4) pag-aasawa. Kung
pananamit
ang pag-uusapan, masasabing
ang mga kasuotan nila’y katulad din ng
mga isinu
suot ng mga katutubo sa Baguio
bagama’t ang iba’y gumagamit na rin ng
mga
karaniwang nakikita sa
kabayanan. Binigyang-diin sa
paglalahad na ito ang tung
kol lamang sa ilan nilang
paniniwala.

Pagpapahayag sa Kalikasan

a. Napag-alaman sa mga
kinausap na may iba’t ibang anyo ang
mga ulap upang magpahayag sa
kagandahan o kasamaan ng panahon,
kung manipis at maputi ang ulap,
maganda ang panahon: ngunit kung
makapal at nangingitim, magiging
masama ang panahon: ang takbo ng
mga ulap ay nagpapahiwatig din ng
kagandahan at kasamaan ng panahon.
b. Ang langit, araw at buwan ay
nagpapahayag din ng kagandahan at
kasamaan ng panahon. May mga
pagkakataong nagtatago ang buwan,
may maaliwalas na langit at may maulap
na langit, may mapulang mapulang araw
na nagbabadya ng di kainamang mga
pangyayaring darating tulad ng lindol.

c. May mga pahiwatig din ang


mga hayop tungkol sa kalagayan ng
panahon. Kapag hindi mapakali (lalo na
kung gabi) ang mga hayop at nag-iingay
maaaring may dumating na bagyo o
lindol. Kaya ang mga kilos ng mga
hayop ay minamatyagan nila sapagka’t
ito’y nagbibigay-babala ng maaaring
maganap, sa ga
yo’y nakagagawa na sila ng
kaukulang pag-iingat.Panggagamot

Walang panggamot
na damu-damo ang mga katutubo rito.
May tinatawag silang tagapamagitan na
s’yang tumutuklas kung sino ang sanhi
ng karamdaman at kung paano
magagamot ang karamdamang iyon.
Ang tagapamagitan ay gumagamit ng
gadangkal na tambo na may maliit na
buto ng anongya sa mag
kabilang butas. Tinatawag ito na
dinagen.
Ang panggagamot
ay isinasagawa sa pamamagitan na
dinagen. Unang-una’y nagdarasal ang
matandang gagamot (maaari ring bata
pa kung may
roon itong dinagen) kina Kabigat
at Bugan na kanilang mga Bathala
upang patnubayan siya sa kanyang
gagawin. Naniniwala kasi sila na may
nais espiritu ng mga namatay nilang
kamag-anak kaya pinagkasakit ang isa
sa kanila. Isa-isang bibigkasin ang mga
pangalan ng mga kamag-anak ng may
sakit. Sa bawat pag- bigkas ng pangalan
na pinaghihinalaan, dinadangkal ang
dinagen o iyong tambo.Kapag sa
pagdangkal ay lapat lamang sa dangkal
ng tambo, ang kasagutan ay
oo: kapag lagpas o kulang, ang
kasagutan ay hindi. Pagkatapos
malaman kung
sino ang dahilan ng pagkakasakit
ng ginagamot,isusunod naming
itatanong kung
ano ang kailangan. Iisa-isahin din
ang mga bagay na inakalang kailangan
ng namatay na kamag-anak. Gagamitan
din ng dinagen. Pagnatukoy na ang
kailangan nito, ihahandog na nila sa
espiritu upang gumaling ang maysakit.
Naniniwala si lang may mga espiritu ang
mga bagay kaya pagkatapos ng pag-
aalay ay maaarinilang gamitin ang
inilagay dahil nakuha na ang espiritu
noon.

Paggawa

Ang mga lalaki ang


nagpapahinga sa bahay pagkatapos na
sila’y makapagbakod, makapagbungkal
at makapag-araro na. wala na silang
iintindihin sa bukid pagkatapos ng
gawaing iyon. Ang kababaihan ang
magtatanim, mag-aala ga ng pananim at
mag-aani. Kahit na nga raw may sakit
ang babae kailangang
gampanan ang kanyang tungkulin
habang ang asaway namamahinga na
lamang

Pag-aasawa

May tinatawag na
tradisyunal na Kimbal na kasalan. Ito’y
kung may nakitang babae ang isang
lalaki na ninanais na niyang maging
asawa, humahanap siya ng taong siyang
magsasabi ng intension niya sa babae.
Kapag pumayag ang babae sa kanyang
iniluhog, magpapatay na sila ng baboy.
Ang paraanng pagpapakasal ay simple
lamang. Kukuha ng isang basong tubig
na malamig ang matandang babaing
magkakasal at sasabihing “sana’y
maging malamig ang
pagsasama ninyo.” Pinaiinom ng
babae ang ikinakasal at tapos na ang
seremon-
ya. Matandang babae o batang
lalaki ang nagkakasal dahil may
pakahulugan
daw iyon. Matandang babae dahil
babae ang nasa bahay at batang lalaki
dahil lumalaki pa iyon na siyang
nagsasaad naman ng paghaba ng
pagsasamahan ng mag-asawa. Kapag
nagsama naman na hindi pa kasal
kailangang magdasal mu-
na bago pakasal sapagkat kung
hindi’y magkakaroon ng bukol, ulser o
pigsa ang
mag-asawa.

Ang mga nabanggit ang ilang


paniniwala ng mga Kalahan. Sila’y ma
sisipag kaya ang pook nila’y sagana sa
pananim. Ang mga bata’y malulusog. Hin
di rin nila suliranin ang tubig
sapagkat masagana ang daloy nito mula
sa kabun
dukan.

Bilang pagbubuo,
masasabing ang mga katutubong
Kalahan ay may
sariling pamamaraan ng pagtataya
sa buti at sama ng panahon tulad ng iba
pang tribo at ng ilang matatanda
natin sa lalawigan. Kung pag-uusapan
naman ang tungkol sa paggawa,
malinaw na higit na marami ang gawaing
bukid ng
mga babae kaysa sa mga lalaki
sapagkat pagkatapos nilang maihanda
ang kabu
kiran, ang mga babae na ang
araw-araw na nagtutungo sa bukid
habang silang
mga lalaki’y natutulog lamang sa
bahay. Sa paraan ng kanilang
panggagamot,
hindi sila herbularyo, wala silang
gamut-gamot. Dasal ang ginagamit nila.
Nana nawagan sila kina Kabigat at
Bugan upang tulungan sila sa pagtuklas
ng sanhi ng karamdaman at kung paano
ito magagamot. Sa larangan naman ng
pag-aa
sawa lalong na iiba ang
pamamaraan nilang Kimbal.

Sa kabuuan,
masasabing hindi maghihikahos ang mga
Kalahan. Sa
gana sila sa kagandahan at
kayamanan ng kalikasan. Marunong
silang magpasalamat sa ibinigay sa
kanila ni Bathala. Masisipag at mababait
sila. Handa silang makipagtulungan kung
nalalaman nilang mabuti ang layunin
para sa kanila.

7.3. ILANG MGA KATANGIAN NG MGA


KANKANA-EY
-ni Florencia C. Victor

Lubhang
napakahalaga sa tao na pag-aralan at
unawain ang mga
bagay-bagay tungkol sa kanyang
kapwa tao, lalo na ang tungkol sa pag-
uugali,
mga tradisyon, mga katangian at
mga pangyayari sa buhay ng isang
pangkat ng
tao. Ang ganitong pag-aaral ay
nakatutulong sa lalong ikauunawa at
ikagaganda
ng pagsasamahan.

Isa sa mga lalawigan


ng bulubundukin sa bahaging norte ng
Luzon
ay ang lalawigan ng Benguet. May
labintatalong munisipalidad ito: Baakon,
Kibu-
ngan, Manyakan, Bugnias,
Kapangan, Bukod, Tublay, Itugon, La
Trinidad, Tuba,
Sablan, Atok, Kabayan, at Siyudad
ng Baguio. Kung ang hinahanap ng isang
tu-
rista ay isang lugar na tahimik at
may napakagandang klima, dapat siyang
pumun
ta sa lalawigan ng Benguet. Ang
mga tao rito’y tahimik at mapagmahal sa
kapaya
an at marahil ang ganitong uri ng
disposisyon ay dulot ng malamig na
klima.Kilala
bilang Salad Bowl of the Philippines
na makikita rito ang iba’t ibang uri ng
gulay
na pampalusog.Sagana rin dito ang
mga berries na tulad ng
strawberries,mulber
ries,at blueberries. Bukambibig din
ng mga taong nakarating na sa lugar na
ito
ang mga matitigas na puno at
sanga ng nagbabanguha’t sariwang mga
bulaklak
ng rosas na talagang ang taglay na
kagandahan ay nakakahalina at
nakapapawi
ng lungkot. Ang mga bundok dito ay
mayaman sa mina tulad ng tumbaga o
tanso,
plata at ginto.

Sa pangkalahatan,
kawili-wiling pag-ukulan ng pansin ang
mamama-
yang taga-Benguet. Sila’y nahahati
sa dalawang pangkat etniko, ang mga
Kanka-
na-ey at ang mga Ibaloy. Nakikilala
sila sa kanilang katutubong kasuotan at
sa ka-
nilang pagiging payak,
mapagkumbaba, masipag, may sariling
paniniwala at pani-
nindigan, malamig ang ulo subalit
nakahandang magtanggol sa oras ng
panganib.

Totoong dahilan sa
kakulangan ng mga paaralang
mapapasukan ang
mga naunang Kankana-ey ay hindi
halos nakapag-aral, subalit ang bagong
hene-
rasyon ay higit na mapalad. Hindi
na mabilang ang mga nakatapos ng mga
kur-
song tulad ng agrikultura o
paghahalaman, forestry o
panggugubatan, inhenyeri-
ya panggagamot sa tao at hayop,
pagtuturo, pagmimina abp. Ang mga
magulang
ng mga bagong kabataang
nabanggit na nakatapos ng kanilang
sariling pagsisi-
kap na makapag-aral ay nakatapos
din ng elementarya at mataas na
paaralan na
walang tulong buhat sa kanilang
mga magulang.

Ang wika ng mga


Kankana-ey ay isa sa mga wikang
ginagamit sa
mga lalawigan ng bulubundukin.
Bawat tribu sa mga lalawigan ng
bulubundukin
ay may kani-kaniyang wikang
ginagamit bilang paraan ng
komunikasyon sa bahay
at sa mga taong-bayan. Ang
komunikasyon ng mga tribu sa isang
lalawigan na
kahit sa labas ng lalawigan ay
nagagawa sa pamamagitan ng kahit
anong wikang
Kankana-ey ay ginagamit ng mga
tao sa mga baying tulad ng Bakun,
Kibungan,
Manyakan at Bugnias. Sa ibang
munisipalidad naman ng Benguet ay
wikang Iba-
loy ang ginagamit. Upang
magkaunawaan ang dalawang pangkat
etnikong Kanka
na-ey at Ibaloy ginagamit ang
wikang Ilokano at ang wikang Ingles
nama’y para
sa mga turistang dayuhan.

Noong unang panahon,


ang mga Kankana-ey ay hindi
nakapagpaha-
yag ng kanilang mga iniisip, ideya
at damdamin sa pamamagitan ng
pagsulat kun-
di sa pamamagitan ng pagsasalita
lamang. Ang mga kwento, paniniwala at
panala
ngin ay natutuhan sa pamamagitan
ng pakikinig lamang at hindi sa
pagbabasa.
Ang lahat ng mga
bagong katawagan na ginagamit sa
kasalukuyan
na walang katugong pagsasalin sa
wikang Kankana-ey na ibinibigkas ay
ginaga-
mit na tulad nang nasa pinagkunan
nito. Sa pagsusulat ng wikang Kankana-
ey ay
walang orihinal na alpabeto kaya
ang ginagamit ay alpabetong
Romano.Hanggang
sa kasalukuyan wala pang opisyal
na linggwistikang pagsusuri ang wikang
ito.

Paghahanapbuhay ng mga
Kankana-ey

Nakaugalian ng mga
Kankana-ey ang magbungkal sa lupa
hanggang
sa kasalukuyan. Ang kanilang
malaking pagmamahal sa lupa ay
mapapatunayan
ng kanilang makakapal na
talampakan at mga kamay dahil sa
walang hinting pagli
linang sa lupa umulan man o
umaraw. Sila ay may magaganda ring
pangarap na
maiahon ang kanilang mga supling
sa kahirapan. Naniwala silang sa likod ng
kani
lang paghihirap ay may magandang
kinabukasang sasapit sa kanilang mga
anak.
May kasabihan silang, “Sa kabila ng
ulap ay may sisikat na araw.”

Nakikita ng mga anak ng


masisipag na mga magsasakang ito ang
ka
hirapang dinaranas ng kanilang mga
magulang kaya naman walang humpay
din
ang kanilang pagsisikap upang
makamit ang karunungang nais nilang
makamit tu-
lad ng pag-iinhinyero, guro,
abogado, nars at iba pang karera.

Ang Kasalan

Isa sa nakawiwiling pag-


ukulan ng pansin sa mga Kankana-ey ay
ang
kanilang kaugalian sa pag-aasawa.
Bagama’t sa kasalukuyan, umaalinsunod
na
rin ang iba sa makabagong paraan
ng pakikipag-isang dibdib ng dalawang
nagma
mahalan.

Iba-iba ang estilo ng


panliligaw ng mga Kankana-ey. Ayon sa
salinsabi
at sa ginawang obserbasyon ng
sumulat, ang panliligaw ay maaaring
iayos ng dala-
wang parte – ang mga magulang ng
ikakasal. Mayroon ding, ang lahat ng
mga anak
na lalaki ng isang mag-asawang
kaibigan ng mga magulang ng dalaga
ang haharap
sa nasabing dalaga at bahala na
silang pumili ng kanyang gustong
kasamahin sa bu
hay. Ganito ang nangyari sa
biyenan ng sumulat. Sa ibaba naman,
ang mga lalaki
ang talagang lantarang
nagpapahayag ng kanilang damdamin sa
nililigawan.

Sa pagdaraos ng kasal,
may iba’t iba ring seremonyas, may
elegante,
may payak. Ang kasal sa
katutubong paraan ay may kanyao na
dinaraos sa tahanan
ng babae. Sa pamamagitan ng
kanilang mga magulang, mga kamag-
anak na nakata
tanda sa kanila at kaharap ang
isang tinatawag na pari, pari nila, ang
kasal ay pinag-
titibay. Kasama sa seremonya ang
pagpaparte ng hayop na maaaring
nuwang (kala
baw), baka o baboy. Iniihaw ang
hayop na ito bago hahati-hatiin upang
ilaga. Ang bi
lang ng hayop na lulutuin ay ayon sa
kakayahan ng kanilang pamilya. Sa
pagpapar-
te ng hayop o mga hayop ay
maingat na inaalis at sinusuring mabuti
kung ang pan-
tog at apdo ay hindi sira o hindi
nagpapahiwatig na ang hayop ay may
sakit, dahil di
to nasasalalay kung ano ang
magiging kapalaran ng ikakasal kung
lalago ang kabu-
hayan o hindi.

Kung ang seremonya


naman ay gaganapin sa simbahang
katoliko, op-
syunal na ang pagpaparte ng hayop.
Kaugaliang makabago na ang sinusunod
kung
kainan ang pag-uusapan.

Noong araw, ang ligawan


ay limitado sa kapwa katutubo lamang
ngunit
Dahil sa masalimuot na ang takbo
ng panahon, naimpluwensyahan na rin
sila ng
makabagong kabihasnan. Tulad ng
naganap sa sumulat nito na isang taga-
Cebu na
naakit ng klima ng Benguet at ng
taga-Benguet. Nakarating na rin sa pook
na ito ang
tungkol sa tinatawag na pagpaplano
ng pamilya.

Wika
Kankana-ey rin ang
tawag sa wika ng mga Kankana-ey.
4. Paglalahat

1. Kilala sila sa pagiging matipid o


di kaya’y kuripot. B
a. Kankana-ey
c. Kalahan
b. Ilokano
d. Batangueῇo

2. Ito ang pinakatanyag na dinarayo D


ng mga turista sa Ilocos Sur.
a. Burnham Park
c. Fort Pilar
b. Mines View Park
d. Vigan Spanish Town

3. Isa sa mga grupong etniko na


naninirahan sa kabundukan ng
Nueva Vizcaya. C
a. Kankana-ey
c. Kalahan
b. Ilokano
d. Batangueῇo

4. Ito ay ginagawa ng tagapamagitan


ng mga Kalahan na gumagamit ng A
gadangkal na
tambo na may maliit na baton g
magkabilang butas.
a. dinagen
c. kimbal
b. anonya
d. kabigat

5. Ito ang pinaniniwalaan ng mga


Ilocano na nilalang na hindi nila
nakikita.
a. kapri D
c. aswang
b. nuno sa punso
d. baribaRi
6. Sila ang nakaimpluwensya sa
mga nagtatayugang gusaling bato A
sa Ilocos.
a. Spanish
c. Japanese
b. American
d. Chinese

7. Ito ang tinaguriang “Salad bowl of .


the Philippines”.
a. Nueva Ecija
c. Benguet C
b. Nueva Viscaya
d. Vigan

8. Ang bilang ng munisipalidad sa


Benguet.
a. 12
c. 14 C
b. 13
d. 15

9. Sila ang naniniwala sa


kasabihang “Sa kabila ng ulap ay
may sisikat na araw.”
B
a. Kankana-ey
c. Ilokano
b. Kalahan
d. Batangueῇo

10. Ito ang capital ng Ilocos Sur.


a. Ilocos Norte C
c. Vigan
b. Laoag
d. Dagupan City
4. Paglalapat

5. Tanning ko! Sagot mo!


Panuto: Gumawa ng iyong sariling
katanungan mula sa aralin at
pagkatapos ay tatawag sa iyong
kaklase upang sagutin ang iyong
katanungan.
Rubrik
Nilalaman – 30 puntos
Oragnisasyon – 10 puntos
Pagkakaisa – 10
puntosKabuuan
50puntos

IV. Pagtataya
Para sa pagsasanay, ipasa niyo lamang
ito sa gmail account ni Ma’am Resna
Garay. (resnagaray2973@gmailmcom)
V. Takdang-Aralin

Nauunawaan ba klas?

Rubrik

Nilalaman – 15 puntos

Oragnisasyon – 10

25puntos

Paalam na klas.

You might also like