Actiity Sheet Week 5 Esp 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Activity Sheet Quarter 2 Week 5


Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Marka: ______________________

Baitang: ____________________________ Lagda ng magulang: _____________________

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.


(EsP9TT-IIe-7.1)
2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay/pamayanan ay
nagtataguyod ng dignidad ng tao. (EsP9TT-IIe-7.2)

SUBUKIN:
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng pinakawastong
sagot sa iyong kwaderno o sagutang papel.
1. Ang paggawa ay nakatutulong upang malinang ng tao ang kanyang _______________.

A. kaalaman C. kayamanan
B. kagandahan D. pakikisama
2. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa ______________.
A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang
kapwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makalamang at makasakit ng kapwa.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
3. Ang tao ay pinagkalooban ng talento upang siya ay patuloy na umunlad bilang kasapi ng
kanyang komunidad. Isa sa mga talentong ito ay ang kakayahan sa ___________ ito ang
nagbibigay ng katuturan sa buhay bilang tao.

A. paggawa C. pakikisama
B. pagtugon D. pagmamahal

4. Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang


kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay paraan ng _____________.

A. Pagbibigay kahulugan sa buhay


B. Paglinang ng kaalaman at kasanayan
C. Pagpapadama ng pagmamahal
D. Pagtugon sa mga pangangailangan

5. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang
pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?

A. Kapag hindi iniisip ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa


B. Kapag kinakailangan isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang
kapwa.
C. Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong
at magsilbi sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.
TUKLASIN:
Gawain 1:
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod:

A. B. C.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, gagamba at mga tao sa layunin nila sa kanilang
ginagawa? Ipaliwanag.

2. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may buhay na nilikha
ng Diyos?

3. Sa lahat ng nabanggit, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng paggawa?

SURIIN:
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Kahulugan ng Paggawa

Ang paggawa ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may


pananagutan. (Esteban, S J. 2009). Ayon sa aklat na Work: The Channel of values
Education”, ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao.
Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for
Development Education, 1991). Tulad na lamang ng mga doktor, napakahalaga ng kanilang
trabaho sapagkat marami silang napapagaling na karamdaman. Ang mga kapulisan
tungkulin nilang panatilihin ang kaligtasan at katahimikan ng kanilang bayan o bansa.
Marami ding nasasagip na kabataan na nalilihis sa maling daan.

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nagangailanagn ng orihinal, pagkukusa, at


pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng pagbabago
sa anumang bagay.
Ang paggawa ay anumang gawain- pangkaisipan man o manwal, anuman ang
kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May
mga bagay na inilalaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha. 1

Mga Layunin ng Paggawa

1. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan.
Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi siya magtatrabaho. Kaya nga
maraming mga maliit na manggagawa ang patuloy na upang matugunan ang
pangangailangan ng kanilang pamilya.

- Kailangan isaisip at isapuso na hindi dapat magpaalipin ang tao sa paggawa. Ang Diyos at
hindi ang paggawa ang pinagmulan at patutunguhan ng buhay.

2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.


Sa kinakaharap nating pandemya, lahat ay nakikilahok sa pag-aaral sa pagtuklas ng
bakuna laban sa Covid 19. Ang tao ay nilikhang matalino upang makapag-ambag sa
ikakaunlad at ikakabuti ng lipunan. Ang World Health Organizationa at iba pang sector
ng agham at teknolohiya ay puspusan ang ginagawang pag-aaral upang masugpo ang
mapinsalang sakit na COVID 19. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang
wala ng masawi at manatiling ligtas ang mga tao.

- Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na maibahagi ang kanyang kakayahan
para sa ikauunlad ng lipunan. Mahalagang pagyamanin ang agham at teknolohiya ngunit
kailangang masiguro na hindi gagamitin ang mga ito upang mawalan ng silbi ang tao.
Ginawa sila bilang katuwang at hindi kapalit ng tao.

3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.


- Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi
kailangan ihiwalay ang pananagutan ng tao para sa pag-angat ng kultura at moralidad
ng lipunang ating kinabibilangan.

__________________________
1
Gayola, Sheryll T. et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015, Muling
Limbag 2017, pp. 102

4. May kakayahan rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan.
- Ang paggawa ay isang moral na obligasyon. Kailangan ng tao na gumawa upang tumugon
sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamain at paunlarin
ang sangkatauhan.

Sa bawat sakuna o kalamidad na dumadating, makikita ang tunay na bayanihan ng mga


tao. Marami tayong nakikitang mga manggagawang handang tumulong sa mga
nangangailangan.
5. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.
- Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay
ng katuturan dito. Ang pagbibigay ng lahat ng iyong panahon at pagod sa paggawa ay
hindi dapat mawawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.

Halimbawa:
Lahat ng manggagawa hindi lang salapi o sweldo ang nagbibigay kaligayahan sa kanila
kundi ang kanilang ginagawa ang mismong dahilan ng pagiging tao at tuwirang layon ng
kanilang pagkatao.
-

Subheto at Obhetong Paggawa

 Tao ang subheto ng paggawa dahil nasa tao ang kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t
ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang
tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus
kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.
b. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa
lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang
kapwa.
c. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng
tao ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang
makabuluhang produkto.

 Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at


teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa
 Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa. Ito ay paggawa ng isang
bagay para sa iba. Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan,
ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Mahalagang naibabahagi ang pag-asa,
paghihirap, pangarap at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng
tao habang gumagawa. Dito makakamit ang tunay na pagkakapatiran - ang tunay na
panlipunang layunin ng paggawa.

Ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng paggawa


nakakamit ng tao ang sumusunod:
 Suporta para s pansariling pangangailangan
 Pagpapayaman ng pagkamalikhain
 Mataas na tiwala sa sarili
 Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
 Pagkakataong isabuhay ang tunay na pagbibigay
 Pagiging kabahagi sa paggawa tungo sa kaganapan sarili at ng kapwa
 Magampanan ang tungkulin sa Diyos.

GAWAIN 2: Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay ukol sa paggawa.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

Rubriks para sa Paggawa ng Sanaysay

Nilalaman Organisasyon Style Mechaniks Kabuuan


(Pagkamapanlikha
at
Pgkamalikhain)
40% 35% 15% 10% 100%
Naipapakita at Mahusay ang Lubos na Wasto ang mga
naipaliwanag ng pagkakasunud- nagpapamalas ng ginamit na salita
maayos ang sunod ng mga pagkamalikhain sa at pagbabantas
Kraytirya ugnayan ng ideya, malinaw at pagsulat ng maikling
konseptong makabuluhan. sanaysay at
isinulat sa Orihinal ang mga
pahayag ideyang ginamit

Gabay na tanong:
1. Paano naipamamalas ng tao ang mga pagpapahalaga niya sa paggawa at paglilingkod sa
kapwa at lipunan?
2. Naiaangat ba ng mga pagpapahalagang ito ang kaganapan ng kanyang pagkatao?
Ipaliwanag.

You might also like