Gawain 1 at 2
Gawain 1 at 2
Gawain 1 at 2
Gawain 1:
Panuto: Basahing mabuti ang usapan o pahayag na hango mula sa radyo at telebisyon. Palitan ng
mas angkop na salita o pangungusap ang nakikita mong pagkakamali panggramatikal sa mga ito.
1. Host: Balita ko, hanggang dingding daw ang carpet ng bagong bahay mo!
Bisita: Naku! Hindi naman, sa sahig lang.
2. Host: Isa kang tunay na bayani! Biruin mo, nailigtas mo lahat ng taong ‘yan sa sunog. Anong
ginawa mo?
Bisita: Presence of mind lang ang kailangan. Nung nakita ko ang sunog, kinuha ko agad ang fire
extinguisher.
3. Host: Nakita mo ba ang inilabas niya? ‘Yun ang dahilan kaya nabahala ang mga tao sa paligid.
Bisita: Hindi kita maintindihan. Ano ba iyon?
5. Host: Why are there are so many billions of dollars for debt payment?
Bisita: Because it’s needed to retain our fiscal reputation o ang pambayad sa panlabas na utang ng
bansa.
Gawain 2
Isa pa sa isyung hindi mapigilan sa mundo ng Social media ay ang pagkalat ng mga malalaswa
o sensitibong impormasyon. Dahil sa malaya ang mga tao na ipahayag ang kanilang opinyon o
pananaw o kahit anong bagay na nais nilang ibahagi sa buong mundo, ang social media ay naging
pugad na ng hindi kaaya-ayang mga konteksto. Ipinapahayag ito sa pamamagitan ng mga litrato, bidyo
o kaya nama’y mga kwentong kapupulutan ng kabuktutan. Kung kaya’t ito’y nagdudulot ng malaki at
negatibong epekto sa kaisipan at paniniwala ng mga tao lalong lalo na sa mga kabataan. Kaya dapat
na maging matalino sa mga bagay na nais ibahagi at magnilay bago ito ipakita sa social media. Dapat
na doblehin ang pag-iingat sa mga susuriing sites at umiwas sa mga bagay na magdudulot ng
negatibong pagbabago sa kaisipan.
Ang ikatlong isyu sa paggamit ng Social media ay ang Cyberbullying. Ito ay isang isyung
nagaganap lamang sa internet o Social media platforms. Ang Cyberbullying ay isang aktibidad na
naglalayong mangutya, manakot at magbaba ng reputasyon ng isang tao. Madalas itong nararanasan
ng mga teenager, mga kasapi ng LGBT community, mga taong mayroong kapansanan at mga taong
iba sa standard na katangiang pisikal ng isang komunidad. Ito ay maaring maisakatuparan sa iba’t
ibang paraan: sekswal na panghaharas, pagbabanta, pagpost ng insensitibong komento patungkol sa
isang tao at marami pang iba. Kung kaya’t negatibong epekto lamang ang dala-dala nito sa emosyonal
at mental na aspeto ng isang tao. Ito ay isang mali at di-makataong gawain na kailangang matigil at
mabigyang pansin. Bilang isang tao, dapat nating isaalang-alang ang mararamdaman ng ating kapwa
sapagkat, wala tayong ideya sa maaring maging epekto nito sa kanilang buhay.Dapat na pag-isipang
mabuti ang mga aksyong gagawin at matutong ilagay ang sariling paa sa kanilang sapatos.
Ilan lamang sa mga isyu ng social media ay ang ang paglaganap ng maling balita o fake news,
pagkalat ng mga malalaswa o sensitibong impormasyon at Cyberbullying. Sa patuloy na paglawak ng
social media, ang mga isyung ito ay patuloy paring iikot at mananatili. Subalit, hindi ang social media
ang responsible sa mga isyung ito, kundi tayong mamamayan. Dahil sa tayo ang may kakayahan na
magkontrol at mayroong kamalayan sa ating mundong ginagalawan. Kung kaya’t hindi sa social media
magsisimula ang pagbabago, magsisimula ito mismo sa sariling palad mo.