Week 28-LP in Pagbasa
Week 28-LP in Pagbasa
Week 28-LP in Pagbasa
WEEK 28
Natutukoy ang iba’t ibang hulwaran na ginagamit sa iba’t ibang tekstong binasa.
A. OBJECTIVE/S
Nagagamit ang mga cohesive device sa pagsulat ng sariling tekstong halimbawa.
Slideshow presentation
B. MATERIALS Schoology
Libro sa Pagbasa at Pagsusuri
C. MOTIVATION/ ANTICIPATORY SET Basahin ang halimbawang abstrak na ito. Tukuyin kung paano inilahad ang mga ideya. Ipaliwanag.
Layunin ng pag aaral na ito na matugunan ang suliranin sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga studyante sa ating
sariling wika. Ang suliranin ng pananaliksik ay:
1. Ano ang epekto ng social media Sa wikang Filipino sa mag aaral ng PNTC.
2. Ano-anong wika ang kasalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa social media.
3. Bakit iniiba ng mga mag aaral ang mga salita sa wikang Filipino sa social media.
4. Paano maiiwasan ang mga masamang epekto ng social media sa wikang filipino.
Ang mga Mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan kung saan gumamit sika ng pagsisiyasat o
penominolohiya upang malaman nila ang mga dahilan ng epekto ng social media. Ayon sa nagingresulta ng kanilang
pananaliksik natuklasan nila, ang paglalaro ang pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng social media
pumapangalawa ang pangkominikasyon at ikatlo ang para sa paggawa ng Mananaliksik, pumapatak ng isa hanggang
tatlong oras ang kanilang ginugugol na oras para sa social media, wikang Filipino ang kadalasang ginagamit ng mga
studyante sa social media at may iba din namang gamit ay taglish na ang ibig sabihin ako Tagalog at ingles, lahat din ng
magaaral at nagpapalit ng babay ng mga salita sa paggamit ng wika at panghuli ay At mahigit limampong porsyento ng mga
mag-aaral ang kakasulat pa rin ng tamang baybayin sa paaralan.
(Ma. Caryl R. Pastorfide)
Mga Tanong:
1. Paano inilihad ang mga ideya sa tekstong binasa? Isa-isahin at ipaliwanag.
2. Sa paanong paraan naging mabisa ang daloy ng mensahe?
Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita at iba pang akademikong sulatin, maoobserbahang may
iba’t ibang gamit o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng mga ideya. Kabilang dito ang mga
sumusunod:
1.Depinisyon- pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng “kalayaan”, mga
salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.
2. Enumerasyon- pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. Halimbawa, ayon
sa lahi, uri, kulay, kasarian, panahon, interes, at iba pa.
3. Order- pagsunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Halimbawa, kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula
1896 hanggang 1898, proseso sa pagluluto ng adobo, at pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na nagdulot sa paglubog
ng barkong MY Donya Paz.
D. DEVELOPMENT/ DIRECT INSTRUCTION 4. Paghahambing at Pagtatambis- pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao (Benigno Aquino at Gloria
Macapagal Arroyo), lugar (Coron at El Nido), pangyayari (EDSA 1 AT EDSA 2), konsepto (katarungan at hustisya), at iba
pa.
5. Sanhi at Bunga- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito. Halimbawa, dahil sa
kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura (sanhi), laging bumabaha sa kalakhang Maynila (bunga).
6. Problema at Solusyon- paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa,
edukasyon ang sagot sa kahirapan.
7. Kalakasan at Kahinaan- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o
pangyayari. Halimbawa, mga kalakasan at kahinaan ng programang K to 12 sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Tandaan: Maaaring gumamit ng higit sa isang hulwaran sa isang akda, lalo na kung ito ay may kahabaan katulad ng kritikal
na sanaysay o papel-pananaliksik.
Basahin sa aklat: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Servillano T. Marquez Jr., PhD ang
E. PRACTICE AND APPLICATION “Mga Hulwarang Organisasyon ng Teksto” sa pahina 61-85. Subukang gawin ang mga kasunod na gawain sa bawat
bahagi. (Sasagutin ang mga gawain tuwing synchronous upang magabayan ng guro ang mga estudyante.)
F. REINFORCEMENT/ ENRICHMENT Ngayon, palalimin mo pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hulwarang ginamit sa inyong nasaliksik
na akda. Gamiting gabay ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-anong hulwaran ang ginamit sa iyong napiling teksto?
2. Ilahad ang mga mahahalagang ideya na nakapaloob dito.
3. Naging mabisa ba ang paglalahad ng mga pangunahing ideya sa tulong ng mga hulwarang ginamit?
Gawain #5: Pagtukoy sa Hulwaran. Tukuyin kung anong hulwaran ang ginamit sa bawat pangungusap. (1-5)
Gawain # 6: Likhain Mo Na at Isabuhay Mo Na. Basahin ang aklat na “Pagbasa at Pagsusuri” mula pahina 61-
G. ASSESSMENT AND REVIEW 85. Sagutin ang sumusunod na gawain:
a. Likhain Mo Na p. 67
b. Isabuhay Mo Na (letter B only) p. 83
Magsaliksik pa ng mga halimbawang teksto na gumagamit ng iba’t ibang hulwaran. Ibahagi ito sa klase sa
H. CLOSURE
susunod na sesyon.
I. NOTES/REMARKS Sagutin ang mga gawain na naka-upload sa schoology. Maraming Salamat! Paalam!
Inihanda ni:
ERIC E. DAGUIL
Guro