FIL 11 Exam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

POLOMOLOK NATIONAL HIGH SCHOOL

Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato


Ikalawang Markahang Pagsusulit
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan: __________________________________________________ Petsa: ____________ Iskor:_______


Baitang at Seksyon: ________________________________ Tagabantay: _____________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto ng bawat pagsusulit upang maiwasan ang
pagkakamali. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel.

I. TAMA O MALI. Isulat sa patlang ang T kung ang kaisipan ng pahayag at tama at M naman kung walang
batayan.

___1. Itinuturing na ang gawaing pananaliksik ay isang sining.


___2. Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan sapagkat maaaring may kahirapang gagapin ang mga
termino at hindi na angkop para sa panimulang pananaliksik.
___3. Ang pagbubuod ay ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng
isang katha.
___4. Sa limang bahagi ng pananaliksik, ang pangalawang bahagi ay tumatalakay sa tuwiran at di-tuwirang
pahayag na nagmumula sa iba’t ibang mananaliksik.
___5. May limitasyon ang anumang sulating pananaliksik dahil makaaapekto ito sa kabuuang nilalaman na
makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral.
___6. Mahalagang batid ng nagsasalita ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa
epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay
kahulugan sa salita.
___7. Ang apat na komponent sa kakayahang komunikatibo ay nakatuon sa apat na makrong kasanayan na
kailangang linangin ng tao.
___8. Ginagamit ang mga salitang istandard sa pormal na sitwasyon samakatuwid dinamiko ito.
___9. Higit na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap ang impormal na antas ng wika.
___10. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga
pagbabago rin ng kalagayan o sitwasyon ng ating wika.

II. PAGPIPILI-PILI.
A. Piliin ang angkop na kasagutan mula sa kahon. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
A. Pananaliksik F. Strategic
B. Note Taking G. Sosyo-linggwistik
C. Bibliograpi H. Pampanitikan
D. Panimula o Kaligiran I. Lalawiganin
E. Disenyo at Pamamaraan J. Pilipinas
___11. Ito ay tumutukoy sa sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-
oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin.
___12. Ito ay tumutukoy sa pagtatala ng mahahalagang datos na maaaring ilagay sa index card.
___13. Ito ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at
internet.
___14. Ito ay bahagi ng pananaliksik tumatalakay sa kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang
magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
___15. Ito ay bahagi ng pananaliksik na tumatalakay sa metodolohiya ng mananaliksik at paraan ng pagkuha
ng datos.
___16. Ito ay ang komponent ng kakayahang komunikatibo na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at
hindi berbal na mga hudyat .
___17. Ito ay ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop
sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
___18. Ito ay mga salita o pahayag ginagamit ng mga manunulat na may malalim na kahulugan.
___19. Ito ay mga salitang ginagamit sa mga tanging pook o lugar.
___20. Ito ay ang tinaguriang “Text Capital of the World” dahil sa bilyun-bilyong text message ang natatanggap
at naipadadala araw-araw.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


21. Ito ay ang dapat tandaan para wastong magamit ang raw at rin.
a. Patinig ang huling titik ng salita c. Katinig ang huling titik ng salita
b. Patinig ang unang titik ng salita d. Katinig ang unang titik ng salita
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasaad ng wastong paggamit ng salita?
a. Gagamitin ang salita ayon sa angkop na kahulugan nito.
b. Gagamitin ang angkop na salita alinsunod sa tiyak na tuntunin.
c. Gagamitin ang salita ayon sa sariling kagustuhan na walang batayan.
d. Gagamitin ang salita ayon sa ayon sa kaangkupan ng mensahe o pahayag sa pangungusap.
23. Piliin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kaugnay ng katangiang sistematiko.
a. Maglalaan ng oras sa paglalaro bago matulog.
b. Mag-aaral ng leksiyon habang nanonood ng telebisyon.
c. Humingi muna ng patawad bago makipag-away sa kapwa.
d. Ihahanda ang lahat ng sangkap bago magluluto.

Batay sa pahayag sa ibaba, ano ang pinakaangkop na hakbang sa pananaliksik?


24. Susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang
kailangang baguhin o ayusin.
a. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas c. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
b. Paghahanda ng Final Outline d. Pagwawasto o Pagrebisa ng Borador
25. Ang mga nakalap na datos ay magkaroon ng introduksiyon, katawan at konklusyon upang ang mapag-
ugnay-ugnay ang mga kaisipan sa isang payak at malinaw na pagpapahayag.
a. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas c. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
b. Paghahanda ng Final Outline d. Pagwawasto o Pagrebisa ng Borador
26. Piliin ang angkop na pahayag na may kinalaman sa paksang “Social Media”.
a. Ang social media ay mga website at application na nagpapahintulot sa mga gumagamit upang
lumikha at magbahagi ng nilalaman o upang lumahok sa mga social networking.
b. Ang social media ay isang napakalaking organisasyon na nagbibigay ng serbisyong makakaunawa
sa pangangailangan ng tao sa buong mundo.
c. Ang social media ay makabuluhan at maaaring umunlad depende sa gumagamit ng mga application
upang makalikha ng panibagong kaalaman sa lipunan.
d. Ang social media ay mula sa Amerika na pinamumunuan ni Mark Zuckenberg kaya halos milyun-
milyong subscriber niya’y kaibigan niya sa isang Facebook account.
27. Batay sa isinagawang pananaliksik, ano ang pinakaangkop na metodolohiya sa paksang “Kasanayan sa
Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng PNHS”?
a. Palarawang Paraan c. Eksperimental na Paraan
b. Historikal na Paraan d. Pag-iinterbyu o Pakikipanayam

Tukuyin ang angkop na komponent mula sa pahayag sa ibaba.


28. “Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan.”
a. Diskorsal c. Sosyo-linggwistik
b. Gramatikal d. Strategic
29. Bata: “Ale, kaganda baya ng lugar naming. Pasyal ka sa amin ha?”
Babae: “Ang ibig mo bang sabihin, eh maganda ang lugar niyo? Oo naman, sa susunod na buwan.”
a. Diskorsal c. Sosyo-linggwistik
b. Gramatikal d. Strategic

Piliin ang angkop na antas ng wika batay sa istruktura nito.


30. Lalake: ‘Pre, ‘yung bebot na nakita ko kahapon ang ganda at sexy…Kaso ang erpat pala ‘nun …isa palang
parak na tigasin diyan sa QCPD.
a. Pampanitikan c. Balbal
b. Lalawiganin d. Kolokyal
31. “Ang ganda ng anak ni Aling Tasing! Mala-diyosa sa kagandahan, puwedeng artista.” aniya ni Helen.
a. Pampanitikan c. Balbal
b. Lalawiganin d. Kolokyal
32. Tukuyin kung anong sitwasyong pangwika ang isinasaad.
Boy: Alam mo hindi kita kayang e-shoot.
Girl: Bakit?
Boy: Kasi, lage kitang mamimiss.
a. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon c. Sitwasyong Pangwika / Pick-up Lines
b. Sitwasyong Pangwika sa Radyo d. Sitwasyong Pangwika / Hugot Lines
33. Punan ng angkop na salita ang pangungusap.
Inutusan ni Jeany si Trisha na ______ang mga nakakalat na bulak mula sa nasirang unan.
a. pahirin c. walisin
b. pahiran d. walisan
34. Paano nakatutulong sa iyo ang isang sulating pananaliksik?
a. Magiging maganda ang pakikisalamuha sa kapwa.
b. Makabubuo ng mga talatang ganap sa panlasa ng nakararami.
c. Magkakaroon ng kumpiyansa sa sarili na mahubog ang iba’t ibang kakayahan.
d. Maihahanda ang sariling palawakin ang kaalaman, mahasa ang kakayahan at kasanayan sa
pagsulat.
35. Kung ikaw ay isang mananaliksik, anong hakbang ang gagawin mo sa unang pagkakataon?
a. Susundin ang kagustuhan ng guro sa gagawing pananaliksik.
b. Mangangalap ng datos ayon sa hinigingi ng pag-aaralang paksa.
c. Pipiliin ang mabuting paksa upang maituon ang pansin sa mahusay na paghahanda sa pananaliksik.
d. Bubuo ng mga balangkas upang mabigyan ng direksiyon ang anumang paksang tatalakayin.
36. Paano mo ilalahad ang metodolohiya sa iyong pananaliksik?
a. Gamitin ang palarawan, historikal o eksperimental na paraan sa paglalahad.
b. Isa-isahin ang mga hakbang mula umpisa hanggang wakas.
c. Maglahad ng iba’t ibang sanggunian sa ginawang sulatin.
d. Gawan ng angkop na buod para madaling basahin ng mambabasa.
37. Sa iyong palagay, alin sa mga komponent ng kakayahang komunikatibo ang dapat na gamitin sa tiyak at
angkop na sitwasyon?
a. Diskorsal c. Sosyo-linggwistik
b. Gramatikal d. Strategic
38. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng wika?
a. Ang aking panaginip ay nakasulat sa aklat ni Dionisio Salazar.
b. Habang inaayos ni Pang. Duterte ang gulo laban sa droga katuwang niya ang buong alagad ng
batas.
c. Paano mo nalaman na Ilonggo ako? The way I talk or the way I walk?
d. Tyong heto ang limpak-limpak na datung, may orange, ube, dilaw at asul!
39. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidudulot ng pagpapaikli sa text message?
a. Ang paraan ng pagpapahayag ay nagdudulot ng kalituhan sa pag-unawa ng mensahe.
b. Nagiging malikhain sa pagbuo ng code ang lipunan dahil umaangkop ito sa pag-unlad ng wika.
c. Mas nakakatipid sa espasyo at mapabilis ang pagpindot ng bawat letra sa cellphone.
d. Lubusang naiintindihan ang pagtetext dahil mas nauunawaan ang pinaikling detalye.
40. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may wastong paggamit ng salita na “punasin”?
a. Punasin mo ang mesa ng basahan.
b. Punasin niya ang tarangkahan ng kotse.
c. Punasin mo ang kalat sa ibabaw ng mesa.
d. Punasin ni Kent ang bintana sa sili-aralan.
41. Bakit kailangang alamin ang katangian ng isang mananaliksik?
a. Upang mapatunayan sa ating sarili na tayo ay magaling na mananaliksik.
b. Sapagkat ang mga katangiang ito ang magbibigay parangal sa atin.
c. Dahil ganap na maisakatuparan ang isang maayos at organisadong pangangalap ng datos.
d. Upang maranasan paminsan-minsan ang tapat na gawain.
42. Bakit kailangang alamin ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas?
a. Sapagkat ang wika ay buhay at dinamiko patuloy ito sa pag-unlad bunsod ng iba’t ibang paraan sa
paggamit nito.
b. Dahil ang wika ay patuloy na nililikha ng lipunan kaya nagiging mahalaga ito sa lipunan.
c. Dahil nalalampasan na nito ang iba’t ibang wikain sa buong mundo.
d. Upang magkakaunawaan ang bawat isa at hindi magkamali sa paggamit ng wika.
43. Bakit kailangang gamitin sa wasto at mabisang paraan ang salita?
a. Upang maging mabisa pa ang pakikipagkomunikasyon sa iba.
b. Upang mailahad sa nakararami na mas higit ang may alam kaysa sa natutunan.
c. Upang lubusang maisakatuparan ang tuntunin sa pagbuo ng salita sa pangungusap.
d. Upang ganap na magkakaunawaan ang bawat isa at maihatid nang maayos ang mensahe.

III. Pagbubuo. Buuin ang mga sumusunod.

44. Bumuo ng pamagat tungkol sa paksang DROGA.

_________________________________________________________________________________________
45. Ilahad ang unang hakbang na gagawin mo sa pangangalap ng datos.

_________________________________________________________________________________________
46. Gumawa ng isang tanong para sa survey questionnaire na bubuuin mo.

_________________________________________________________________________________________
47. Bumuo ng isang pick-up line tungkol sa sosyo-linggwistik na komponent.

_________________________________________________________________________________________
48. Gamit ang lalawiganing antas ng wika, bumuo ng pahayag tungkol sa paggalang sa kapwa.

_________________________________________________________________________________________
49. Gumawa ng hugot line mula sa paksang K-12 program ng DepEd.

_________________________________________________________________________________________
50. Pumili ng isang salita na nakapaloob sa panaklong at gamitin to sa makabuluhang pangungusap.
(hatiin, punasan, nang, kong, mayroon)

_________________________________________________________________________________________

***Katapusan ng Pagsusulit***
Ma’am Merben

You might also like