FILIPINO-10 Q1 Mod9
FILIPINO-10 Q1 Mod9
FILIPINO-10 Q1 Mod9
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
[email protected]
Filipino10
0 1010MO…
KABUTIHAN
ILABAS NATIN!10
UNANG MARKAHAN
IKASIYAM NA LINGGO
MODYUL 9
Kasanayang Pampagkatuto:
1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
BAHAGI NG MODYUL
2
Aralin
PAGSUSURI NG NOBELA
1 SA PANANAW HUMANISMO
INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• naibibigay ang katangian ng tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo
• nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa
pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ang nobela ay isang uri ng akdang nasa anyong ___________.
A. tuluyan B. patula C. pasalita D. pasulat
2. Naiiba ang nobela sa iba pang akdang tuluyan dahil sa ____________.
A. may kakintalang naiiwan sa isip ng mga mambabasa
B. naglalahad ito ng isang kawil ng kawili- wiling pangyayari na hinabi sa
isang mahusay na pagkakabalangkas
C. ito ay bungang- isip o katha na nasa anyong prosa
D. layunin nitong magbigay ng impormasyon at aral
3. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mabubuhay naman ako kahit wala
ka. Alam kong mas magiging maligaya ka sa kaniya.” Ang pahayag ay
nagpapahiwatig na ang nagsasalita ay may katangiang _____________.
A. mapagparaya B.mapagmahal C. masunurin D. malambing
4. Sa pananaw ________ ng panunuring pampanitikan, binibigyang- tuon ang
kagandahan at kabutihang taglay ng isang tao sa kahit ano pa mang mga
nangyayari sa kaniyang paligid.
A. Eksistensyalismo B. Humanismo C. Realismo D. Naturalismo
5. Sa pananaw humanismo ng panunuring pampanitikan, pinaniniwalaan na ang
tao ay _____________.
A. sukatan ng lahat ng bagay
B. di- makatao
C. ibinabandila ang sariling kalayaan
D. pinahahalagahan ang paglikha ng kagandahan
BALIK-TANAW
SALITA KO… SALAMIN KO
A. Panuto: Ibigay ang katangian ng tauhan sa larangan ng pag- ibig batay sa
babasahing diyalogo na hango sa mga pelikula. Piliin ang titik tamang
sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.
3
kaibigan mo ko. Kaibigan mo lang ako. And I’m so stupid to take the biggest
mistake of falling in love with my bestfriend.”
-Bujoy - Labs Kita…Okay Ka Lang? (1998)
2. “Kahit ilang beses tayo magpaalam sa isa’t isa ng tandaan mo palagi na wala
akong minahal at wala rin siguro akong mamahalin tulad ng pagmamahal na
ibinigay ko sa’yo.”
4
GAWAIN
GAWAIN 1 – Basahin at Unawain
Panuto: Basahin at unawain ang buod ng nobelang isinulat ni Liwayway A. Arceo na
Titser. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa tulong ng H- Q&A. .
Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang
papasok na sa tarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag
ang hapung-hapong anyo ni Amelita at ang hapis na mukhang pinalamlam ng pagod.
Nguni’t hindi rin nakubli sa paningin ng matanda na wari ay walang nadaramang pagod o
hirap ang anak. Magaan din ang pag-angat at pagbasak ng mga paa nito. Tila may
kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng kanang braso, at ang kaliwa ay may kipkip na
aklat at makapal na kuwaderno. Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik
ng kamay si Amelita, bagama’t hindi niya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin.
Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita; ilang saglit napatitig sa kaniya ang anak bago
unti-unting ibinaba ang tingin. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa
kolehiyo ng may "titulo", tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser",
bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
“Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! Himutok ni Aling
Rosa. “Maaari naman kumuha kahit anong mabuti-buting karera. . . nagpilit na maging
titser lang! Ngayon . . ano? Alila ng buong nayon!”
“Naku, Ambo …ma’nong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba ikaw
itong laging nakapupunang nangangayat na sa pagtuturo ang anak mong ‘yan? Pa’no
laging pagod na pagod!”
Napatango si Mang Ambo. “Sa tingin ko’y nasisiyahan naman sa pagtuturo ang
batang ‘yan, a … baya’n mo na lang ! Pumayag ka na rin lang na ‘yan ang pag-aaralan
niya..”
“Bakit nga hindi pa ‘ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin ko’y ang gusto rin
niya ang susundin!” Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at lumilitaw ang mga ugat
sa leeg.
“Baya’n mo na …talagang gayan ang bunso!”
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo,
isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita.
“Matagal nang nakikiusap sa ‘kin si Osmundo,” patuloy ni Aling Rosa,”at palagay
ko naman, napapanahon na para sumagot ka!” Nag-uutos ang tinig niya.
“Pero, Inang…” Nangangatal na tinig ni Amelita nang magsalita. “hindi ko naman
maaaring sundin ang…”
“Alin ang hindi maaari?” agaw ni Aling Rosa. “Lahat ng gusto ko’y nasuway mo
na Amelita..pero ang isang ito’y hindi mo maaaring baliin!”
“Inang,” higit nang matatag ang tinig ni Amelita, “kailangang malaman ni
Osmundo na ngayon na…na hindi maaari.
Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. “Bakit hindi maaari? Bakit? At niyugyog niya
ang dalawang balikat ni Amelita hanggang mabitiwan nito ang hawak na fountain pen.
Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin ang nabitiwan
ni Amelita.
Subalit, nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at
ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isa rin guro sa pampublikong paaralan. Nang
malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nakipag-
isang dibdib si Amelita kay Mauro.
5
Bigo at napopoot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at
nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng
mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga
ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay.
Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa
nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng
maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na
patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang
inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak
ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon at lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong
bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na manliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Samantala, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na
may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at
naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si
Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita. Labis na
nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni
Osmundo, ngunit, di naglaon ay nagbalik rin ang bata. Ipinagmamalaki pa ang kabaitang
ginawa ni Osmundo. Napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa
at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang
kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na
matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang
ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali
Nagustuhan mo ba ang binasang akda? Naikonekta mo ba ang iyong sarili sa
mga pangyayari at paksa ng kuwento? Upang mas lalo mo pang maunawaan ang
binasang akda, gawin mo na ang H- Q&A.
6
GAWAIN 2- PATUNAYAN MO
Ang husay mo naman! Ngayon ay susuriin naman natin ang mga tauhang
gumalaw sa nobelang ating binasa. Patunayan natin na ang bawat tao ay may
kabutihang taglay sa kanilang sarili. Mas mapadadali ang pagsusuri mo kung
magpapatulong ka sa iyong guro o kahit sinomang maaaring gumabay sa’yo..
Huwag kang matakot, madali lang ang gawaing ito.
Panuto: Suriin ang katangian ng pangunahing tauhan sa binasang akda. Ibigay
ang kaniyang katangian sa pamamagitan ng kilos o gawi at pahayag gamit ang
tsart. Gawin ito sa isang buong papel.
CHARACTER- ATTRIBUTE ANALYSIS CHART
Sariling Pahayag ng
Tauhan
O, ‘di ba madali lang ang gawain mo? Marahil naging malinaw sa iyo na batay
sa isinagawang aktibiti, masasalamin nating sa pananaw humanismo, ang karakter ng
pangunahing tauhan ay nagbibigay- diin sa dignidad at kahalagahan ng tao sapagkat
pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang rasyunal, may sariling pag- iisip kaya alam ang
makabubuti para sa kaniya at sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Nabasa natin na sa
kabila ng mga pagtutol at hindi magagandang ipinakita ng ina ni Amelita, na si Aling
Rosa, sa kaniyang pagpili ng karera at sa asawang si Mauro, ang pagiging mabuting
anak pa rin ang kaniyang isinukli sa ina lalo na nang nagkasakit ang huli.
GAWAIN 3- DESISYUNAN MO
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Lagyan ng (nakangiting emoticon) kung
ito’y makabubuting gawin at
kuwaderno.
X (ekis) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
SITWASYON
X
1. Pabalik- balik si Mang Gener sa bilihan ng bisikleta. Siya ay 83 gulang
na. Sa kabila nito, naghahanapbuhay pa rin siya upang mabili ang
bisikletang nais niya kaya lang hindi pa sapat ang pera niya. Sa
kaniyang pagbalik, nagulat siya dahil binigay na lamang ng may-ari ang
bisikleta sa kaniya.
7
2. Sa panahon ngayon ng pandemya, maraming mga frontliner ang
nagsakripisyo upang mapaglabanan ang Covid-19. Sa kabila nito,
nakararanas pa rin sila ng diskriminasyon.
3. Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan na tayo ay mag- ingat
laban sa Covid-19. Kaya naman, nagsusuot ka pa rin ng face mask at
nananatiling maingat sa sarili.
4. Pinagbubutihan mo ang iyong pag- aaral dahil sa iyong pangarap na
maiahon ang pamilya sa kahirapan.
5. Sa dami ng mga pagsubok na dumarating sa buhay, hindi nawawala sa
mga Pilipino ang paghingi ng gabay sa Lumikha.
TANDAAN
8
PAG- ALAM SA MGA NATUTUHAN
SIYASAT-LARAWAN
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon
Tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa larawan? Ipaliwanag ang naging reaksyon ng mga tao sa
larawan.
________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging reaksyon ng mga tao sa larawan?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa mga paksang tinalakay sa
modyul na ito. Titik lamang ng pinakawastong sagot ang isulat sa kwaderno.
9
5. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mabubuhay naman ako kahit wala ka.
Alam kong mas magiging maligaya ka sa kaniya.” Ang pahayag ay
nagpapahiwatig na ang nagsasalita ay may katangiang ______________.
A. mapagparaya B. mapagmahal C. masunurin D. malambing
6. Natamo ni Amanda ang kaganapan ng kaniyang pagkatao sa pagtulong na
kaniyang ginagawa sa mga sugatang kasamang dinadala ni Jules. Tungkuling
hindi naman iniatas sa kaniya ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man
kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan. Ang pahayag ay mula sa
akdang Dekada ’70 na ipinakikitang si Amanda bilang ina ay ______________.
A. gagawin ang lahat para lamang sa ikaliligaya ng anak
B. nagmamahal sa kaniyang kapwa nang walang alinlangan
C. ginagampanan ang tungkulin sa kabila ng mga balakid
D. nahanap ang kaniyang halaga sa mundo dahil sa tungkuling ginampanan
7. Isang pandemya ang nagdulot sa daigdig nang di matatawarang takot. Marami
ang dinapuan ng sakit, maraming namatay, maraming nagsakripisyo at nanganib
na bumagsak ang ekonomiya ng bawat bansa. Sa kabila nito, unti- unting
bumabangon ang bawat bansa sa trahedya sa pamamagitan ng pagtutulungan
ng bawat mamamayan nito. Ang nagsasalita ay may katangiang ____________.
A. matatakutin C. maalalahanin
B. mapagmalaki D. may positibong pananaw
8. Ipinakikita ng mga pangyayari sa bilang 7 na ang mga tao ay natural na _____.
A. makatao B. maprinsipyo C. matapang D. malakas ang loob
9. Kung susuriin natin ang mga pangyayari sa bilang 7, masasabi natin na ang mga
tao ay naniniwala na ___________________________.
A. may sukatan ang lahat ng bagay C. ibinabandila ang sariling kalayaan
B. di- makatao D. pinahahalagahan ang paglikha ng
kagandahan
10. Ang pangungusap na nagpapakita ng kabutihang- loob ay _________.
A. Sa kabila ng mga panawagan ng pamahalaan na huwag palayasin ang mga
nangungupahang hindi nakababayad ng renta dahil sa pandemya, may
nababalitaan pa ring tinanggalan ng bubong upang umalis sa inuupahan.
B. Maraming mga OFW ang hindi pa rin tinatanggap ng kanilang mga LGU kahit
natapos na ang 14-day quarantine.
C. May mga sasakyang pribado na nagpapasakay kahit hindi nila kakilala ang
nadaraanang naglalakad dahil walang masakyan papasok sa trabaho,
D. Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng covid- 19 sa Pilipinas dahil
sa katigasan ng ulo ng ilang mga kababayan natin.
10
Aralin ANGKOP NA GAMIT NG MGA HUDYAT
INAASAHAN
Panibagong araw, panibagong kaalaman! Oo, tama ka ng binasa. Ito ang hatid
naming pagmamahal dahil sa ipinamalas mong galing sa nakaraang aralin. Sa aralin na
ito, matututuhan mo naman ang angkop na gamitin sa pangungusap o talata ang mga
hudyat sa pagsusunod- sunod ng pangyayari.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• nagagamit ang angkop na hudyat sa pagsusunod- sunod ng mga pangyayari
• naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa nabasa/napakinggan
Handa ka na ba? Simulan na natin ang iyong paglalakbay.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Buuin ang salita sa puzzle sa tulong ng mga klu. Isulat ang sagot sa kwaderno.
2. Ito ang nagbibigay- linaw at nag- uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang
teksto o diskurso.
11
Mayroon ka bang naaalala sa mga salitang nabuo mula sa ating gawain? Tama!
Mga panandang pandiskurso nga ang ating tatalakayin sa ating aralin. Pero bago ‘yan,
balikan natin ang dating kaalamang natutuhan mo.
BALIK-TANAW
CLOZE PROCEDURE
Panuto: Buuin ang salaysay. Piliin sa loob ng panaklong ang kataga o salitang
pupuno sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa kwaderno.
12
• nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan - tuloy, bunga nito, kaya naman
• nagsasaad ng kondisyon o pasubali - kapag, sakali, kung
GAWAIN
GAWAIN 1 – EVENT CHART
Panuto : Isalaysay ang mga pangyayari ng isang napanood na palabas na nagpapakita
ng kabutihang- loob ng isang tao gamit ang sumusunod na panandang
pandiskurso o hudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Gawin ito
sa isang buong papel.
Pagkatapos
GAWAIN 2-
PYRAMID OF EVENTS
Sinubukan mo na bang tumingin ngayon sa iyong paligid? Nakita mo ba ang
mabubuting ginawa ng tao sa kaniyang kapwa sa kabila ng mabigat na suliraning ating
kinaharap? Ibahagi mo naman sa amin ang iyong namasid, napanood o nagawa mo rin
sa sunod na gawain. Upang matulungan ka sa gawaing ito, tawagin mo na si nanay o
tatay o kung sinomang maaring tumulong sa’yo.
Panuto: Isa- isahin ang mga pangyayaring nagpapakita ng mabubuting ginawa ng tao
Sa kaniyang kapwa sa kabila ng pagharap sa mabigat na suliranin na
Nakapagpaantig sa iyong puso. Sikaping gumamit ng mga panandang
pandiskurso. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Tanong:
Bakit mahalagang maibahagi ang ating kabutihan sa kapwa? Paano ito
nakatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaaan at pagharap sa mga suliraning
kinakaharap?
______________________________________________________________________
GAWAIN 3- POINTS OF VIEW
13
TANDAAN
1. Ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng
diskurso. Karaniwan nang ito’y kinakatawan ng mga pang- ugnay o pangatnig.
2. Mahalaga ang mga pang- ugnay o pangatnig bilang panandang pandiskurso sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari dahil nabubuo nito ang diwa at
nagiging tuloy- tuloy ang paglalahad ng isinasalaysay.
3. Mahalagang maipakita natin ang kabutihan sa sarili, sa kapwa at sa lipunan lalo
na sa pagharap ng mga suliranin upang mapagaan at mapadali ang pagbibigay-
solusyon ditto.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa mga paksang tinalakay sa
aralin na ito. Titik lamang ng pinakawastong sagot ang isulat sa
kwaderno.
1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ________ ang bayad
sa kuryente. Anong panandang pandiskurso ang dapat gamitin sa patlang?
A. ngunit B. at C. sapagkat d. samakatuwid
2. Ang ginamit na pandang pandiskurso sa bilang 2 ay naghuhudyat ng ano?
A. pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
B. pagbubukod o paghihiwalay
C. kinalabasan o kinahinatnan
D. kondisyon o pasubali
3. Nahirapan si Carlo papasok ng trabaho sa unang araw ng pagbalik niya sa
trabaho matapos ang Enhanced Community Quarantine. Hindi birong tatlong
14
oras ang kaniyang nilakad mula Camarin, Caloocan City hanggang Quiapo
___________ lumiban. Alin ang panandang pandiskursong pupuno sa
pangungusap?
A. sapagkat
B. bunga nito
C. sakali
D. huwag lang
4. Ang ginamit na pandang pandiskurso sa bilang 3 ay naghuhudyat ng ano?
A. pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
B. pagbubukod o paghihiwalay
C. kinalabasan o kinahinatnan
D. kondisyon o pasubali
5. Nais mong makatulong sa pagbaba ng bilang ng mga tinamaan ng Covid-19, ano
ang gagawin mo bilang kabataan?
A. Pupunta ako sa aming barangay at mag- aaplay na volunteer.
B. Araw-araw na makikinig/manonood ng balita at babalewalain ito.
C. Mananatili ako sa aming tahanan at susundin ang ipinag- uutos ng
pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit.
15
SYNTHESIS GRAPHIC ORGANIZER
SANGGUNIAN
Jocson, Magdalena O., et.al. (2015). Filipino sa Baitang 10- Modyul para sa mga Mag- aaral.
Department of Education- Instructional Materials.
Arceo, Liwayway A. (1995).Ang Titser. Ateneo De Manila University Press.
https://www.academia.edu/38809099/Titser_ni_Liwayway_A_Arceo
Villafuerte, Patrocinio V. (2000). Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay). Mutya
Publishing House, Valenzuela City.
Hugot Lines from Pinoy Movies.https://www.youtube.com/watch?v=59x_d3dO1Y4
Ang Teoryang Humanismo. https://www.slideshare.net/eijrem/teoryang-humanismo
https://pixabay.com/vectors/teacher-female-woman-girl-avatar-295387/
https://www.easyteacherworksheets.com/pages/pdf/graphicorgs/writing/characters/11.html
16
SUSI SA PAGWAWASTO
ARALIN 1- PAGSUSURI NG NOBELA SA PANANAW HUMANISMO
Unang Pagsubok
1. A 2.B 3.A 4.A 5.A
Balik- Tanaw
1. A 2. D 3.C 4.E 5.B
17
Gawain 2 – CHARACTER- ATTRIBUTE ANALYSIS
Sariling Pahayag ng Tauhan Pagkakaroon ni Amelita ng
“Pero, Inang…” Nangangatal na matatag na paninindigan sa
tinig ni Amelita nang magsalita. kanyang mga desisyon sa
“hindi ko naman maaaring sundin propesyong napili
ang…” kailangang malaman ni
Osmundo na ngayon na…na hindi
maaari.
1. 2.
X 3. 4. 5.
Pangwakas na Pagsusulit
1. B 3. B 5. A 7. D 9. A
2. D 4. D 6.A 8.D 10.C
ARALIN 2
Unang
Pagsubok
1. pangkayarian 2. pandiskurso 3. pang-ugnay 4. diskurso 5. pagsasalaysay
Balik-Tanaw
1. at 3. at 5. dahil dito 7. bunga 9.bunga nito
2. nang 4. ngunit 6. kaya 8. sa huli 10.at
Gawain 1- EVENT CHART (Ang sagot sa gawaing ito ay depende sa mag- aaral.)
Gawain 2- PYRAMID OF EVENT (Ang sagot sa gawaing ito ay depende sa mag- aaral.)
Gawain 3- POINTS OF VIEW (Ang sagot sa gawaing ito ay depende sa mag- aaral.)
Pangwakas na Pagsusulit
A. 1. B 2. A 3. D 4. B 5. C
18