Epekto NG Online Class Sa Mga Working StudentFINALIZE
Epekto NG Online Class Sa Mga Working StudentFINALIZE
Epekto NG Online Class Sa Mga Working StudentFINALIZE
na mag-aaral sa Pamantasan ng
Arellano- Jose Rizal Campus
Introduksyon
Ilan sa mga bansang ito ay ang United States, India, China, South Korea, Malaysia,
United Kingdom, Australia at South Africa. Ang United States kung saan ang mga
kabataan ay binibigyan ng libreng edukasyon at pagdating sa tamang edad ay
kinakailangang matutong maghanapbuhay at maging responsible sa kanilang mga sarili
ay may mataas na bilang ng mga estudyante na nagpatala ng kanilang mga kurso sa
pamamagitan ng “Online Class” kumpara sa nakasanayang edukasyon na isinasagawa
sa loob ng paaralan dahil nakakapagbigay ito ng opportunidad para sa mga mag-aaral
na nagtatrabaho sa tulong ng kanilang mataas na kalidad ng teknolohiya kaya ang
stratehiyang ito ay naging modelo at tinularan ng ibang bansa.
Ang unang pangkalahatang pagpapatupad ng “Online Class” kabilang ang mga
pampublikong paaralan sa Pilipinas ay naisakatuparan noong nakaraang taon nang
magsimula ang pandemya laban sa Covid-19 upang patuloy na matugunan ang
pangangailangang pang-edukasyon para sa mga mag-aaral. Ito ay isinakatuparan
upang maging bahagi ng pag-iingat na ang virus ay hindi madaling kumalat lalo na para
sa mga kabataan.
Suliranin ng Pag-aaral
Pangkayariang Konseptwal
Marahil iba’t iba ang epekto ng “Online Class” para sa mga “working students” dahil
nakabase ito sa kung paano nila iisinasaayos ang kanilang bawat hakbang.
Nagdaragdag ito ng presyon o bigat sa kanilang araw araw na pamumuhay. Ang
kanilang pag-iisip ay nahahati sa trabaho at pag-aaral. Gayunpaman, ang “Online Class”
para sa mga “working students” ay may positibo ring epekto gaya ng pagsasagawa ng
kanilang mga gawain tuwing day-off o kahit sa kanilang break time. Ngunit hindi
maaring ipagpaliban o iurong ang klase mga hindi “working students” para sa kanila
kung kaya sila ay nangangailangang magsagawa ng pansariling pagsasaayos ng
kanilang iskedyul na may pagsang-ayon ng kanilang mga guro upang makatugon sa
kanilang mga pinapasukang klase. Sa kabilang banda, ang pagiging “working student”
ay maagang pagpapamulat sa mga kabtaan sa kalakaran ng buhay na maaaring
bentahe sa kanilang paghahanap ng trabaho sa darating na panahon.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalagang malaman ang epekto nito sa mga “working students” sapagkat ito
ay bahagi ng kanilang araw-araw na suliranin sa pagbabalanse ng kanilang oras at
kakayahan kasabay ng kanilang paghahanapbuhay. May mga iilang “working students”
ang nahihirapan dahil sa kanilang kakulangang pangpinansyal at karamihan sa kanila ay
kabilang sa mahirap na mamamayan na nagpapasan ng maraming responsibilidad sa
kanilang pamilya. At sa aking pananaw, ito ay kinakailangang mabigyan ng atensyon ng
nakatalagang kagawaran ng edukasyon.
Sa bansang United States, isa sa mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral o
estudyante doon ay maagang namulat sa industriya ng paghahanap-buhay ay ang
pagiging ”working students” nila. Dahil sa kagustuhan nilang makapagtapos ng kolehiyo
sa kanilang bansa, sila ay nagtatrabaho upang makalikom ng sapat na pera pang-aral
dahil mataas ang kalidad ng edukasyon sa kanilang bansa kalakip ang mataas na
presyo o halaga nito. Ang “Optical Training Program” sa United States ay nagbibgay ng
oportunidad na magtrabaho sa loob ng isang taon na maari mong tapusin bago o
pagkatapos mong grumadweyt sa kolehiyo. Ang “Curricular Practical Training” naman
ay ang pagpapahintulot sa mag-aaral na magtrabaho sa isang kompanya kung saan sila
ay maaring direktang mamasukan o mag-apply pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Isa
ito sa tinutularan ng Arellano University kung saan ilan sa mga “working students” ay
nagtatrabaho sa isang particular na kompanya na kalaunan ay maari silang tanggapin
bilang empleyado.
Ayon kay Villeroz (2014) ang pagiging working student ay hindi biro. Ang
pinakamatinding kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong
paaralan ay ang kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang
pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit hindi
ganoon kadaling makapag-aral, mayibang estudyante na nakatuon ang pansin sa
kanilang pangangailangan na makahanap ng trabaho upang matustusan ang
kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Sa makatuwid, kailangan talaga ng
pagpuporsige para makatapos ng pag-aaral. Sa kaparehong taon, ayon sa
Georgetown, ang mga working students ay nagtatrabaho sa average na 30
oras sa isang linggo. Pero mahigit 25 porsyento ng working students ay tuloy-tuloy na
nagtatrabaho full-time at enrolled sa kolehiyo. Dahil sila’y estudyante sa umaga at
empleyado sa gabi.
https://www.facebook.com/
https://www.messenger.com/
https://monitor.icef.com/2012/06/8-countries-leading-the-way-in-online-
education/
https://www.ice.gov/sevis/practical-training
https://www.internationalstudent.com/study_usa/way-of-life/working-in-the-usa/
https://www.coursehero.com/file/p7cdiil/EPEKTO-NG-PAGIGING-WORKING-
STUDENTS-SA-AKADEMIKONG-PERPORMANS-NG-MGA-MAG-AARAL/