2 Panunuring Pampanitikan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANUNURING PAMPANITIKAN

Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan


Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim napaghimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at
katha.
Ito ay isang pagsusuri nang malalim at kritikal sa mga akda ng mga manunulat
upang mahimay ang kanilang mga likha at malaman ang tunay na mensahe
nito.

Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan


Sa panunuring pampanitikan ay mabubuksan ang mga kritisismo hinggil sa
akda, dito makikita ang maaaring patlang o kakulangan sa isang likha dahil
pinupuna nito ang mga teknikal na kabuuhan. Maganda na may panunuring
pampanitikan dahil naiwawasto at napapaunlad ang mga gawain.
Ang pagsusuri ng gma akda ay makatutulong sa mga pag-aaral upang
malaman ang kanilang gustong iparating sa mga mambabasa o kaya suriin ang
iba’t ibang simbolismo na ibinigay ng may akda.
Nagbibigay ito ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa
sa nilalaman ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.
Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na
binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang
pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga
pampanitikang kasangkapang (pananalita, matalinghagang paglalarawan,
simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang tema nito.
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan
Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na
Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-
tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon ganito ang ipinahayag
ni Abadilla (1954):
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, se del
Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng
mga buwan at taon.
Sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang
larangan ng pamumuna o panunuri, s Alejandro G. Abadilla naman aypumagitna sa
larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag
mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahusay na
akda, maging tula o akda man.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,”
isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunod-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa
mga mambabasabilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng
panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa
kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Ano-ano ang mga isyu na nalutas na at
ano pa ang hindi nalulutas?
Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika? Tulad ng pagigng
manunulat ng alinmang akdang pampanitikan, ang isang kritiko sa panitikan ay dapat
ding magtaglay ng magagandang katangian. Dahil dito, iminumungkahi ng manunulat
ng aklat na ito ang sumusunod na mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko:
Ang kritiko ay matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining.
Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya.
Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan.
Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya,
atbp.
Ang kritiko ay atapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim
sa paraanang pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at
batas.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan
ang kanyang pagmamalasakit.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad
ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng
aqtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may
opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat.

You might also like