Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Kontemporayong Isyu
Baitang 10

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) natutukoy ang konsepto at uri ng karapatang pantao;
b) naipapaliwanag ang uri ng karapatan at katuturan nito; at
c) nabibigyang pagpapahalaga ang karapatang pantao.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Aralin 10: Mga Isyu sa Karapatang Pantao
B. Sanggunian: Kontemporaryong Isyu, Aralin 10 pahina 286-292
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati/Balitaan
2. Panalangin
3. Pagtala ng Liban
4. Pagganyak

“Aking Sinta Ako’y Bigyang Karapatan”


Ang guro ay magpapakita ng mga larawan kasabay nito ang jumbled
letters na huhulaan at isasaayos ng mga mag-aaral.
Mga larawan:

MABUHAY MALAYA EDUKASYON


PAGBOTO TRABAHO ARI-ARIAN

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anu ang mga karapatang tinutukoy mula dito?

B. Paglinang ng Aralin
1. Lunsaran
Gawain 1: Aking Mga Karapatan
Ang mga mag-aaral ay pupunan ang mga talaan sa ibaba ng kanilang mga
karapatang tinatamasa at hindi tinatamasa.

AKING MGA KARAPATAN

TINATAMASA HINDI TINATAMASA

Pamprosesong Tanong:
1. Ano sa palagay niyo ang paksang tatalakayin natin ngayon araw?
2. Anu-ano ang mga uri ng karapatang pantao?

2. Malayang Talakayan
Ang guro ay magsisimulang ipakilala ang tatlong uri ng Karapatang Pantao.
1. Karapatang Likas o Natural (Natural Rights)
2. Karapatang Ayon sa Batas
 Constitutional Rights
 Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Rights)
 Karapatang Pampolitikal (Political Rights)
 Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan
 Karapatang Pangkultura
 Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal (Rights of the Accused)
3. Statutory Rights

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan batay sa karapatang pantao at
ibibigay ng mga mag-aaral kung anong uri ng karapatang pantao ang isinasaad nito.
Mga larawan:
1. 5.

2. 6.

3. 7.

4. 8.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anu-ano ang uri ng karapatang pantao?
2. Ano ang mga karapatang ayon sa batas?
3. Ano ang limang katergorya ng Constitutional Rights?

2. Paglalapat
Video Presentation: Karapatan (by Toto Colongon)
Pamprosesong Tanong:
1. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang mga
karapatang pantao na ibinibigay sa’yo ng estado?
IV. Pagtataya
Magbibigay ang guro ng 3mins sa mga mag-aaral upang gumawa ng kani-
kanilang slogan ayon sa kahalagahan ng Karapatang Pantao.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng sariling komposisyon na awitin o spoken poetry tungkol sa
karapatang pantao.

Inihanda ni:
Henielyn V. Alivar, LPT

You might also like