Araling Panlipunan 9 Week 7 9 Q2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email: [email protected]

ARALING PANLIPUNAN 9
MODYUL 3
IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________

(Ikapito at Ikasiyam na Linggo) Baitan at Seksiyon: _____________________


November 22-December 10, 2021

Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mag-aaral ay …
 naipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan;
 nasusuri ang iba’t ibang estraktura ng pamilihan; at
 napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa
mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan
ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Pangkalahatang Konsepto:
Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa sa mahahalagang konsepto na binibigyang diin sa
pag-aaral ng ekonomiks. Ang bawat isa ay may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may
kakayahan na magprodyus upang matugunan ang mga ito. Kung kaya’t ang relasyon sa pagitan ng
prodyuser at konsyumer ay lubhang mahalaga para sa kapakinabangan ng lahat.
Sa nakaraang mga aralin, naunawaan mo ang ugnayan ng demand at supply na kumakatawan
sa konsyumer at prodyuser. Subalit, sa anong mekanismo ba ng ekonomiya madaling malaman kung
may sapat bang mga produkto o serbisyo na siyang tutugon sa walang katapusang pangangailangan ng
tao? Sa ganitong aspekto papasok ang bahaging ginagampanan ng PAMILIHAN. Kung kaya’t ang
pangunahing pokus ng araling ito ay ang konsepto ng pamilihan at ang mga estruktura nito bilang
isang mahalagang salik sa pagtugon ng pangangailangan tungo sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran.
Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap sa mga teksto at
mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at magdaragdag sa iyo ng kaalaman.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapaliwanag ng kahulugan ng
pamilihan at makauunawa at makapagsusuri ng iba’t ibang sistema o estruktura ng pamilihan na
tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga tao.
SUBUKIN
Panuto: Iguhit ang inyong komunidad sa loob ng kahon at ituro ang mga pamilihan na
matatagpuan sa inyong lugar.

1|P age
Pamprosesong tanong.
1. Ano ang naramdaman mo habang gumuguhit ka ng larawan ng iyong komunidad?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Ano-anong mga pamilihan ang matatagpuan sa inyong lugar? Ilarawan ang bawat isa.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

ANG LARAWAN NG ESTRUKTURA NG PAMILIHAN


Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing
lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo. Sa
kabilang dako, ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto
upang ikonsumo ng mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at
kung gaano ito karami. Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at
prodyuser. Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang
prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan
ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer.
Ang Estruktura ng Pamilihan
Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado
kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa dalawang
pangunahing balangkas----ang pamilihan na may ganap na kompetisyon (Perfectly Competitive Market
(PCM)) at ang pamilihang di ganap ang kompetisyon (Imperfectly Competitive Market (ICM)). Ang mga
ito ay teoretikal na balangkas ng pamilihan. Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang mga
konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito. Ang katangian ng
dalawang pangunahing balangkas ng pamilihan ay maipapaliwanag ng sumusunod na pahayag:
 Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong
sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng
pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang prodyuser at
konsyumer ng mag-isa ang presyo.
Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming nagtitinda ng
magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Dahil dito, ang mga konsyumer ay may
pamimilian kung saan at kanino bibili ng isang partikular na produkto o serbisyo. Ito ay
nangangahulugan ng balangkas na lubhang napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang ng
mga prodyuser sa pamilihan.
Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may kakayahang idikta ang presyo
dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo.
Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at
serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag ng
konsepto ng price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano
ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.
Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd Edition (2009), ang
pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian:
Marami ang mamimili at tindera ng produkto. Ang pagkakaroon ng napakaraming mamimili at
nagtitinda ng produkto ang isang dahilan ng kawalan ng puwersa o kapangyarihan na magtakda
ng presyo. Karamihan ng mga negosyante sa ganap na kompetisyon ay maliliit na negosyante
lamang at hindi nila kayang kontrolin ang pamilihan.
Magkakatulad ang mga produkto. Ang produkto sa loob ng pamilihan na may ganap na
kompetisyon ay magkakatulad (homogenous) gaya ng mga produkto na madalas na nakikita sa
palengke. Walang pagkakakilanlan kung sino ang nagprodyus ng isang produktong agrkultural
tulad ng bigas, mais, gulay, isda, itlog, asin, at iba pa. Sa estrukturang ito hindi kailangan ng
anunsiyo sapagkat ang mga katangian ng produkto ay magkakatulad.

2|P age
May sapat na kaalaman at impormasyon. Ang bawat negosyante at mamimili ay dapat na may
ganap na kaalaman sa nangyayari sa pamilihan. Kung ikaw ay mamimili, makabubuting malaman
mo ang prseyong umiiral sa kasalukuyan upang maisaayos ang pagbabadyet ng iyong kita, mabili
ang pinakamainam na produkto mula sa pinakamurang tindahan, at magkakaroon ng kasiyahan.
Sa panig naman ng mga negosyante, ang ganitong katangian ay makatutulong upang makagawa
ng desisyon kung anong produkto ang gagawin at ipagbibili.
May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa negosyante. Ang sinumang negosyante ay may
kalayaang makapamili ng mga produkto na nais niyang ibenta. Karamihan sa kanila ay maliliit na
negosyante lamang, kaya madali para sa kanila ang lumabas sa industriya o magsara, kung saan
hindi sila nagkaroon ng kita.
Malaya ang paggalaw ng mga salik ng produksiyon. Upang maging ganap ang kompetisyon,
dapat ay walang sinumang negosyante ang nakakakontrol sa paggalaw ng mga salik ng
produksiyon. Lahat ng mamimili at nagtitinda ay malaya kung ano ang kanilang bibilhin at
ipagbibili kung saan nila matatamo ang kasiyahan at tutugon sa kanilang pangangailangan.

Pagtakda ng Presyo at Lebel ng Produksiyon sa Ganap na Kompetisyon


Ang presyo ng produkto ay naayon sa mekanismo ng bilihan na may maraming mamimili at
nagbibili.Walang kumokontrol at walang sinuman ang may sapat na puwersa upang itakda ang presyo.
Ang revenue ay ang kabayaran sa mga binebentang produkto na tinatanggap ng nagtitinda.
Kapag ang dami ng produkto (Q) ay ini-multiply sa presyo ng produkto ay makukuha ang total revenue
(TR) o kabuuang benta. Halimabawa, 2x20=40 habang ang kabuuang benta ay tumataas din kahit
hindi nagbago ang presyo.

Q Presyo Total Total Cost Tubo Average Marginal Marginal


(libo) Revenue (TC) (Libo) Revenue Revenue Cost
(TR) (libo) (AR) (MR) (MC)
1 20 20 18 2 20 20 ----
2 20 40 28 12 20 20 10
3 20 60 40 20 20 20 12
4 20 80 60 20 20 20 20
5 20 100 79 21 20 20 19
6 20 120 99 21 20 20 20
7 20 140 121 19 20 20 22

Ano ang AR at MR? Ang average revenue (AR) ay ang benta sa bawat produkto na ipinagbili
ng negosyante at mga marginal revenue (MR) ay karagdagang bnta sa bawat karagdagang
produkto na ipinagbili.
Ang dalawang ito ay makukuha sa paraang AR=TR/Q (20/1=20) at MR= TR/ Q, kung
saan ang TR= TR2-TR1 (40/2=20).
Sa pag-alam ng pinakamalaking tubo sa isang negosyante, ginagamit ang dalawang
pamamaraan.
1. Total Revenue (TR)- Total Cost (TC) ang pagbabawas sa kabuuang benta ng
kabuuang gastos ay magreresulta ng pagkuha ng tubo. Bawat negosyante sa
ganap na kompetisyon ay naghahangad na matamo ang pinakamalaking tubo
sa anumang lebel ng produksiyon.
2. Marginal Revenue(MR)- Marginal Cost (MC) ang tawag sa paraang
nagpapaliwanag na anumang karagdagang gastos ng negosyante na siyang
pinakamainam na lebel ng produksiyon na tinatawag na optimum level.

3|P age
GAWAIN 1

A. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang talahanayan.

Q (libo) P TR TC Tubo MR MC
(libo) (libo) (libo)
1 10 8
2 10 15
3 10 25
4 10 26
5 10 32

1. Magkano ang pinakamalaking TR?____________________________________________


2. Anong antas ng produksiyon natamo ang pinakamalaking tubo?_______________
3. Ano ang pinakamainam na antas ng produksiyon?____________________________
4. Ano ang pormula sa pagkuha ng tubo?________________________________________
5. Magkano ang tubo sa tatlong libong dami?____________________________________

B. Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Bakit hinahangad ng mga negosyante na matamo ang pinakamalaking tubo?


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Bakit normal na tubo ang natatamo ng mga negosyante sa ganap na kompetisyon?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, nanaisin mo bang magnegosyo sa pamilihan na may
ganap na kompetisyon?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

 Pamilihang may Di Ganap na Kompetisyon


Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala ang anumang
kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. Sa pangkalahatang
paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Sa pagkakataong ito, may kumokontrol sa presyo, may
hadlang sa pagpasok ng negosyante at tindera sa industriya, nabibilang ang dami ng mamimili at
negosyante, at limitado ang pagpipiliang produkto. Ang sumusunod na anyo ang bumubuo sa
pamilihang may di-ganap na kompetisyon.
Monopolyo. Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o
nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili. Dahil dito, siya ay may kakayahang
impluwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan. Sa ganitong kadahilanan, ang mga
konsyumer ay napipilitang tanggapin na lamang ang pagiging makapangyarihan ng mga
monopolista. Ang mga halimbawa ng mga prodyuser na nasa ganitong uri ay ang mga kompanya ng
koryente sa aspekto ng transmission, tubig, at tren. Ang mga pangunahing katangian ng monopolyo
ay ang sumusunod:
1. Iisa ang prodyuser. Monopolista ang tawag sa nag-iisang prodyuser ng produkto sa pamilihan.
Makapangyarihan ang prodyuser na ito sapagkat wala itong direktang kakompetensiya sa
pagkakallob ng mga produkto sa mga mamimili. Nakokontrol ng monopolista ang presyo at dami
ng produkto sa pamilihan. Nagagawa niyang itakda ang presyo ng produkto batay sa kaniyang
4|P age
pagnanais kaya ang mga prodyuser sa monopoly ay itibuturing na price maker dahil sa
kapangyarihan na magtakda ng presyo.
2. Kakayahang hadlangan ang kalaban sa negosyo. Ang monopolyo ay malaking kompanya na
nagtataglay ng puwersa na kontrolin ang bilihan ng produkto. Isa sa paraan ng monopoly sa
hadlangan ng kalaban ay ang pagkontrol sa pinagkukunan ng mga hilaw na salik ng produksiyon
upang ang kakompetensiya ay mawalan ng materyales na gagamitin sa paggawa ng produkto. Ang
mga produkto ng monopoly ay may patent at copyright upang hindi gayahin ang paraan ng
paggawa ng mga produkto. Ang patent ay lisensya na ipinagkaloob ng pamahalaan sa isang
indibidwal na magkaroon ng karapatan na gumawa, gumamit, at magbili ng isang produkto. Ang
copyright naman ay pagtatalaga ng karapatang-ari sa isang kompanya na maglathala at
magpalabas ng isang makasining na gawain at lathalain sa isang takdang panahon.
3. Walang malapit na kapalit ang produkto. Ang mga produkto na ipinagbibili ng mga
monopolista ay walang kauri o malapit na kapalit kaya madali nilang makontrol ang demand ng
produkto.
Monopsonyo. Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming
prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng
pamilihan ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis,
sundalo, bumbero, traffic enforcer, at iba pa. Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng
serbisyo ng mga nabanggit bilang empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda ng
halaga ng pasahod sa mga ito.
Oligopolyo. Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na
prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Sa ganitong
uri ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo
na umiiral sa pamilihan. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa pamilihan ay ang
semento, bakal, ginto, at petrolyo. Maaari din nilang gawin ang hoarding o ang pagtatago ng
produkto upang magkulang ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang
presyo. ilan sa mga aspekto pagkilos ng mga oligopolista ay ang mga sumusunod:
1. Pagsasagawa ng collusion. ang collusion ay ang pagsasabwatan ng mga kompanya upang
matamo ang kapakinabangan sa negosyo. Isang paraang upang maisagawa ang sabwatan ay ang
pagbuo ng kartel. Ang kartel ay grupo ng mga kompanya o negosyante na nagkaisa upang
limitahin ang produkisyon at magtaas ng presyo. Ito ay illegal, kaya lihim itong isinasagawa
upang maitakda ang presyo at higit na makamit ang malaking tubo.
2. Hindi naglalaban sa presyo. Isang mahalagang bagay na pinag-uusapan kapag may collusion
ay tungkol sa pagtatakda ng presyo. Ninanais ng bawat kompanya na matamo na pinakamalaking
tubo. Ang presyo ay matatag at hindi nagbabago.
3. Magkakatulad ang reaksiyon. Ang pagkilos ng isang oligopolista ay naaayon sa
pinagkasunduan ng ibang oligopolista para sa kanilang kapakinabangan. Ang desisyon ng isang
kompanya na magprodyus ng dami ng produkto at ang presyo nito ay nakadepende sa kalabang
kompanya.
Monopolistikong Kompetisyon. Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming
kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga
konsyumer. Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda
ng presyo ng kanilang mga produkto. Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga
produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig. Ang kanilang
pagkakapareho ay maaaring sa uri ng produkto gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste. Sila ay
nagkakaiba-iba sa packaging, labeling, presentasyon, at maging sa lasa o flavor. Ginagawa ito ng
mga prodyuser sapagkat ang kanilang layunin sa product differentiation ay kumita at mas makilala
ang kanilang mga produkto. Layunin din ng mga prodyuser na maitaas ang antas ng kasiyahan ng
konsyumer. Ang pag-aanunsiyo o promotional gimmick ay isang mabisang pamamaraan na
ginagamit ng mga prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo. Ang mga
halimbawa ng mga produkto at serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang may monopolistic
competition ay ang mga sabong panlaba at pampaligo, toothpaste, pabango, fabric conditioner,
5|P age
cellphone, softdrinks, appliances, fast food restaurant, serbisyo ng mga ospital, hair salon, beauty &
cosmetics product, at marami pang iba.

GAWAIN 2 Panuto: Ang mga kaalaman na natutuhan ang magiging gabay sa pagpapaliwanag ng
mga sagot.
1. Paano nagkaiba ang mga katangian ang monopoly at ganap na kompetisyon?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Paano nagagawa ng mga kasangkot sa monopolyo na magtaas ng kanilang presyo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Paano isinasagawa ang pagsasabwatan sa oligopolyo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
4. Bakit tinatangkilik pa rin ang mga produkto sa pamilihan na may ganap na kompetisyon
kahit hindi gamitan ng pag-aanunsiyo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, alin ang mas dapat tangkililin, ang monopolyo o monopolistikong
kompetisyon na pamilihan at bakit?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Pakikialam at Regulasyon ng Pamahalaan sa Presyo sa Pamilihan
Ang pagkakasundo ng mamimili at prodyuser ay mahalaga sa pamilihan. Ang ekilibriyong presyo
ay nakamit sa pamamagitan ng interaksiyon ng mamimili at nagbebenta. Ngunit, may pagkakataon na
ang presyo ay itinatakda ng pamahalaan upang tulungan ang mga mamimili o prodyuser.
Price Control-Ipinatutupad ang price control kapag nahaharap sa matinding krisis at kalamidad ang
maraming lalawigan sa bansa, tulad ng lupa, bagyo, lindol, at kapag naideklarang nasa state of
calamity ang bansa. Ito ay isinasagawa ng pamahalaan upang tulungan at bigyang-proteksiyon ang
mga mamimili laban sa mga abusado at mapagsamantalang tinder at negosyante.
Ang Republic Act 7581 na kilala sa tawag na Price Control Act ay ipinatupad upang maisagawa ng
pamahalaan ang pagkontrol sa presyo ng bilihin. Ang National Price Coordinating Council ay nabuo
sa tulong ng Price Control Act. Ito ay may layunin at gawaing i-monitor at mabantayan ang presyo ng
produkto pagkatapos magpalabas ng price ceiling ang pamahalaan.
Ang price ceiling ay ang pinakamataas na presyong itinakda ng pamahalaan upang pagbili ang mga
produkto. Ito ay naayon sa pagpapatupad ng price control ng pamahalaan. Ang price ceiling ay bunga
ng pagkontrol sa presyo. Itinakda ito na mas mababa sa presyong ekilibriyo na umiiral sa pamilihan.
Ito ay isang pamamaraan ng pamahalaan upang ang mga pangunahing produkto ay mabili nang mas
mura.
P Pagkakaroon ng Shortage sa Pamilihan
S
Presyo ng bigas (kilo)

E
44 

Price
Ceiling
22  
Shortage D
500- 100=400
Q
100 300 500
Dami ng bigas (kilo)
Mapapansin sa pigura ang epekto ng pagtatakda ng price ceiling. Ang presyong ekilibriyo ng bigas ay
P44.00 bawat kilo at ang ekilibiryong dami ay 300 kilo. Ito ang pinagkasunduan ng mga mamimili at
6|P age
prodyuser. Ngunit ang presyong P44.00 ay itinuturing ng mga mamimili na napakataas, lalo na sa
panahon ng krisis. Bunga nito, ang pamahalaan ay kikilos at magsasagawa ng pagkontrol sa presyo.
Itinakda ang presyong P22.00 bawat kilo ng bigas. Ang aksiyon ng pamahalaan ay ikinasiya ng mga
mamimilim ngunit sa pagbaba ng presyo mula sa P44.00 na naging P22.00 ang mga negosyante, tinder
ay nawalan ng gana at sigla na magbili ng marami. Kaya, binawasan nila ang supply ng bigas, mula
300 kilos ay naging 100 kilos ng bigas na lamang, samantalang ang mga mamimili ay nagtaas ng
demand bunga ng pagbaba ng prseyo mula 300 kilos ng bigas ay naging 500 kilos.
Price Support- Ito ang pinakamababang presyo na maaaring bilhin ang isang produkto. Halimbawa,
ang presyo ng tabako ay itinakda ng pamahalaan ayon sa kahilingan ng mga magsasaka na
nagtatanim ng tabako. Ang pagkakaroon ng price support ay para sa kapakanan ng mga prodyuser at
magsasaka na makabawas sa mga gastusin sa produksiyon at makagamit ng kita para sa kanilang
pamumuhay. Ang pagtatakda ng price floor sa maaaring bilhin na tabako ay bahagi ng pagbibigay
tulong ng pamahalaan.
Ang price floor ay mas mataas kaysa sa presyong ekilibriyo na umiiral sa pamilihan. Itinuturing ng
mga prodyuser na ang presyong ekilibriyo ay hindi sapat upang tustusan ang kanilang gastusin sa
produksiyon at pangangailangan sa buhay. Ang pagpapatupad ng price support ay nakaaapekto sa
naitakdang ekilibriyo sa pamilihan. Ang anumang pinagkasunduang presyo at dami ng mga mamimili
at prodyuser ay magbabago bunga ng pagkakaroon ng price floor.

P Pagkakaroon ng Surplus sa Pamilihan

Price Floor S
30  
Presyo ng buko

E
15 

D
0 Q
200 400 600
Dami ng buko

Ipinapakita sa pigura ang epekto ng pagpapatpad ng price support. Halimbawa, batay sa graph, ang
ekilibriyong presyo ay P15.00 ang bawat piraso ng buko na ipagbibili at ang prodyuser ay magbibili ng
400 piraso. Ngunit, sa pagtaas ng gastusin sa produksiyon at sa pamumuhay, ang P15.00 bawat piraso
ng buko ay napakaliit para makabawi sa mga gastusin, kaya ang mga prodyuser at magsasaka ay
humingi ng tulong sa pamahalaan.
Itinakda ang price floor na P30.00—ito ang pinakamababang presyo na mabibili ang bawat piraso ng
buko. Dahil sa pagtaas ng presyo ng buko, ang mga prodyuser at dami ng magsasaka ay naganyak na
taasan ang dami ng supply; mula sa dating 400 piraso ay naging 600 piraso ng buko ang kanilang nais
ipagbili. Samantala, abg mga mamimili ay magbabawas ng bibilhin bunga ng pagtaas ng presyo, kaya
ang dami ng demand na 400 piraso ng buko ay magiging 200 piraso na lamang.

7|P age
Panuto: Suriin ang graph at sagutin ang mga tanong.
GAWAIN 3

A B S
90 

75
E
60 

45 C 
30 D
15
0
40 60 Q
20 80 100

____________1. Ano ang dalawang punto na nagpapakita ng surplus?


____________2. Magkano ang presyong ekilibriyo?
____________3. Ilan ang kulang na produkto?
____________4. Ano-ano ang punto ng supply?
____________5. Magkano ang floor price?
____________6. Mula sa price ceiling, magkano ang itinaas ng presyo ng ipatupad nag price
support?
____________7. Ilan ang demand nang ipatupad ang price floor?
____________8. Ano ang punto na nagpapakita ng supply sa price ceiling?
____________9. Ilan ang ekilibriyong dami?
____________10. Ilan ang labis na produkto?

GAWAIN 3 Panuto: Gamitin ang kaalaman upang ipaliwanag ang sagot.

1. Bakit kailangang i-monitor kung sinusunod ng mga negosyante ang price control?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang posibleng mangyari kung hindi makontrol ang presyo sa pamilihan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
3. Paano ka nakikinabang sa pagpapatupad ng price control ng pamahalaan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
4. Makakabuti bas a ekonomiya ang pakikialam ng pamahalaan sa presyo sa pamilihan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay isang mamimili, magagalit ka rin ba tulad ng iba kung hindi nababahala
ang pamahalaan sa patuloy na pang-aabuso ng mga negosyante?

8|P age
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

NOTE: Para sa karagdagang tanong o klaripikasyon tungkol sa aralin, maaaring makipag-ugnayan sa


guro gamit ang numerong ito, 0953-270-5200.

SANGGUNIAN:
 Batayan at sanayang aklat sa Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks), akda nina Consuelo M.
Imperial, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria Carmelita B. Samson, at Celia D.
Soriano, pahina 180-200.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

APPLE L. SIAGAN APPLE L. SIAGAN


Guro Sabjek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

REYCHELA C. FORTO JERIC T. VALDEZ


Head, JHS Dept. Punong Guro

Binigyang pansin ni:

NELIA Z – ANGULUAN, PhD


Direktor

9|P age

You might also like