AP 9 Q2 LECTURE Estruktura NG Pamilihan STUDENT
AP 9 Q2 LECTURE Estruktura NG Pamilihan STUDENT
AP 9 Q2 LECTURE Estruktura NG Pamilihan STUDENT
ANG PAMILIHAN:
KONSEPTO AT MGA
ESTRUKTURA NITO
•Batay sa mga larawan, ibigay ang
kahulugan o mga konseptong
nakapaloob sa Pamilihan.
•Batay sa aklat, Ibigay at suriin ang
kahulugan o mga konseptong
nakapaloob sa Pamilihan.
•Mga Konsepto o kahulugan ng
Pamilihan:
-Ipinapakita dito ang ugnayan ng
bumibili at nagtitinda.
-Isa itong kaayusan kung saan
nagkakaroon ng ugnayan o
interaksyon ang mamimili at
bumibili.
•Ito rin ang nagsasaayos ng
nagtutunggaliang interes ng
mamimili at bahay-kalakal o
prodyuser.
•Ang pamilihan ay mahalagang
bahagi ng buhay ng prodyuser at
konsyumer.
- Ito
ang nagsisilbing lugar kung
saan nakakamit ng isang konsyumer
ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa at kaya niyang
ikonsumo.
•Sa pamilihan itinatakda kung anong
produkto at serbisyo ang gagawin
at kung gaano ito karami.
•Ibigay ang dalawang pangunahing
tauhan sa pamilihan. Ano ang
gawain ng bawat isa ?
•Ang konsyumer ang bumibili ng mga
produktong gawa ng mga prodyuser,
samantalang ang prodyuser naman ang
gumagawa ng mga produktong
kailangan ng mga konsyumer sa
pamamagitan ng mga salik ng
produksiyon na pagmamay-ari ng mga
konsyumer.
- Kaugnay nito, ayon sa 6th
Principle of Economics ni
Gregory Mankiw, “Markets are
usually a good way to organize
economic activity”.
•Ipinaliwanag ni Adam Smith sa
kaniyang aklat na An Inquiry into
the Nature and Causes of the
Wealth of Nations (1776) na ang
ugnayan ng konsyumer at
prodyuser ay naisasaayos ng
pamilihan.
•Ayon kay Adam Smith, ano
ang gumagabay sa ugnayan ng
dalawang aktor sa pamilihan ?
Ipaliwanag ang sagot.
- Ito ay ang “presyo”, na siyang
instrumento upang maging ganap ang
palitan sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser. Mahalagang bahagi ng
pamilihan ang umiiral na presyo sapagkat
ito ang nagtatakda sa dami ng handa at
kayang bilhin na produkto at serbisyo ng
mga konsyumer.
-Presyo rin ang siyang batayan ng
prodyuser ng kanilang kahandaan at
kakayahan nilang magbenta ng mga
takdang dami ng mga produkto at
serbisyo. Kung kaya’t ang pamilihan ang
siyang mabisang nagpapakita ng
ugnayan ng demand at supply.
-Sa pagkakaroon ng mataas na
demand ng mga konsyumer,
nagiging dahilan ito sa pagtaas ng
presyo. Ito ay nagbubunga ng lalong
pagtaas sa pagnanais ng prodyuser
na magdagdag ng mas maraming
supply.
•Mga Uri ng Pamilihan at ibigay
ang mga Halimbawa nito
Ang kilalang mga sari-sari
store na matatagpuan saan
mang dako ng ating bansa
ay isang magandang
halimbawa ng lokal na
pamilihan.
•Samantalang ang mga
produktong abaka ng Bicol,
dried fish ng Cebu, Durian ng
Davao, at iba pang
natatanging produkto ng mga
lalawigan ay bahagi ng
pamilihang panrehiyon.
•Ang bigas naman ay bahagi ng
pambansang pamilihan.
- Ang Pandaigdigang pamilihan
naman ay gaya ng produktong
petrolyo o gasolina at langis na
inaangkat o binibili sa ibang
bansa.
Ang mga nauusong on-line
shops sa pamamagitan ng
internet ay mga halimbawa ng
pamilihang maaring maging
lokal, panrehiyon, pambansa,
at pandaigdigan ang saklaw.
PAKSA: Estruktura ng
Pamilihan at mga uri nito
- Kahulugan ng estruktura
ng pamilihan
Ang estruktura ng pamilihan
ay tumutukoy sa balangkas na
umiiral sa sistema ng merkado
kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng konsyumer at
prodyuser.
•Ito ay nahahati sa
dalawang pangunahing
balangkas tulad ng ______
1. Ang pamilihan na may
ganap na kompetisyon
(Perfectly Competitive
Market (PCM) - Ibigay ang
mga katangian nito.
- Ito ang estruktura ng pamilihan na
kinikilala bilang modelo o ideal. Dahil, sa
ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman
sa prodyuser at konsyumer ang maaaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan
partikular sa presyo. Ito ay
nangangahulugang hindi kayang idikta
nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-
isa ang presyo.
•Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito
kayang kontrolin sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong uri ng
produkto at serbisyo sa pamilihan. Dahil
dito, ang mga konsyumer ay may
pamimilian kung saan at kanino bibili ng
isang partikular na produkto o serbisyo.
•Ito ay nangangahulugan ng
balangkas na lubhang
napakaliit ng prodyuser
kumpara sa kabuuang bilang
ng mga prodyuser sa
pamilihan.
•Sa panig naman ng mga konsyumer,
walang sinoman ang may
kakayahang idikta ang presyo dahil
lubha rin silang napakaliit kumpara
sa buong bilang ng maaaring bumili
ng produkto o serbisyo.
•Ang lahat ng prodyuser at
konsyumer ay mapipilitang
magbenta at bumili ng
produkto at serbisyo sa
itinakdang presyo ng
ekwilibriyo ng pamilihan.
Ang sitwasyong ito ay
ipinaliliwanag ng konsepto ng price
taker na kung saan ang prodyuser at
konsyumer ay umaayon lamang sa
kung ano ang takbo ng presyo sa
pamilihan at walang kapasidad na
magtakda ng sarili nilang presyo.
•Ayon kay Paul Krugman at
Robin Wells sa kanilang aklat
na Economics 2nd Edition
(2009), ang pamilihang may
ganap na kompetisyon ay may
sumusunod na katangian:
1. Maraming maliliit na
konsyumer at prodyuser – Dahil sa
marami at maliliit ang konsyumer at
prodyuser, walang kakayahan na
maimpluwensiyahan ang presyo na
papabor sa interes ng sinoman sa
pamilihan.
2. Magkakatulad ang produkto
(Homogenous) – Ito ay
nangangahulugang maraming produkto
na magkakatulad kung kaya’t ang
konsyumer ay maraming pagpipilian.
Halimbawa, ang pechay, na galing sa
Benguet ay walang pagkakaiba sa
pechay na galing sa Nueva Ecija.
3. Malayang paggalaw ng
sangkap ng produksiyon - Dahil
walang direktang may kontrol sa mga
salik ng produksiyon, maraming
mapagkukunan ng mga sangkap para
makabuo ng mga produkto. Bunga nito,
maraming produkto ang nagkakatulad
na maaaring ipagbili sa pamilihan.
4. Malayang pagpasok at paglabas sa
industriya – Ang pamilihan partikular na
ang sistema ng pagnenegosyo ay bukas
sa lahat ng may kapasidad na maibahagi.
Walang kakayahan ang mga dating
prodyuser na sila ay hadlangan o
pagbawalan sa pagpasok sa
pamilihan.
- Ito ay nakatutulong upang
paigtingin ang kompetisyon sa
pamilihan na nagdudulot para
siguraduhin ng mga prodyuser na
ang kanilang produkto ay may
mataas na kalidad at tamang presyo
upang tangkilin ng mga konsyumer.
5. Malaya ang Impormasyon ukol sa
pamilihan - Dahil ang sistema ay malaya,
ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa
pagtatakda ng presyo at dami ay bukas
para sa kaalaman ng lahat. Malayang
makagagawa at makapagbebenta ang
isang prodyuser sa pamilihan.
- Gayundin, ang mga
konsyumer ay malaya kung
bibili o hindi bibili ng mga
produkto at serbisyo sa
pamilihan.
-Ikalawang uri o anyo ng
Estruktura ng Pamilihan
2. Pamilihang May
Hindi Ganap na
Kompetisyon
- Ang lahat ng prodyuser na
bumubuo sa ganitong estruktura ay
may kapangyarihang
maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan. Ang mga sumusunod na
anyo ay ang____________
1.Monopolyo – Ito ay ang uri ng
pamilihan na iisa lamang ang
prodyuser na gumagawa ng
produkto at nagbibigay-serbisyo
kung kaya’t walang pamalit o
kahalili.
- Dahil dito, siya ay may kakayahang
impluwensiyahan ang pagtatakda ng
presyo sa pamilihan. Sa ganitong
kadahilanan, ang mga konsyumer ay
napipilitang tanggapin na lamang ang
pagiging makapangyarihan ng mga
monopolista.
-Ang mga halimbawa ng
mga prodyuser na nasa
ganitong uri ay ang mga
kompanya ng koryente sa
aspekto ng transmission,
tubig, at tren.
-Ano ang mga pangunahing
katangian ng monopolyo ?
1. Iisa ang nagtitinda – Dahil iisa
ang nagbebenta,
ang presyo at dami ng supply ay
idinidikta, batay sa tinatawag na
profit max rule o pagnanais ng
prodyuser na makakuha ng
malaking kita.
2. Produkto na walang
kapalit – Ang mga
produkto ay walang kauri
kaya nakokontrol ang
presyo at dami ng supply.
3. Kakayahang hadlangan ang kalaban –
Dahil sa mga patent, copyright, at
trademark gamit ang Intellectual
Property Rights, hindi makapasok ang
ibang nais na maging bahagi ng
industriya na kaparehas sa hanay ng
produkto at serbisyong nililikha ng mga
monopolista.
a. ang copyright ay isang uri ng
intellectual property right na
tumutukoy sa karapatang
pagmamay-ari ng isang tao na
maaaring kabilang ang mga akdang
pampanitikan (literary works) o
akdang pansining (artistic works).
Kabilang din dito ang mga
gawa gaya ng aklat, musika,
paintings, iskultura, pelikula,
computer programs,
databases, advertisements,
maps, at technical drawings.
• HALIMBAWA NG COPYRIGHT:
b. ang Patent naman ay pumoprotekta
sa mga imbentor at kanilang mga
imbensyon. Ito ay ipinagkakaloob ng
gobyerno sa isang imbentor upang
mapagbawalan ang iba na gawin,
gamitin, ibenta, iangkat, at iluwas ang
imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat
sa publiko ng mga detalye ng kaniyang
imbensiyon.
- Ang impormasyong ito ay
maaaring gamitin sa
hinaharap para magkaroon
ng inobasyon at pag-unlad.
HALIMBAWA NG PATENT DESIGN:
c. Ang trademark naman ay ang
paglalagay ng mga simbolo o marka o
tatak sa mga produkto at serbisyo na
siyang nagsisilbing pagkakakilanlan
ng kompanyang may gawa o
nagmamay-ari nito.
• MGA HALIMBAWA:
•Sa kabilang banda, mayroon din
tayong mga prodyuser na kabilang
sa tinatawag nating natural
monopoly o iyong mga kompanyang
binibigyang-karapatan na
magkaloob ng serbisyo sa mga
mamamayan.
• Ito ay dahil sa kaya nilang
gawin ang mga produkto at
serbisyo sa mas mababang
gastos kaysa sa kumuha pa ng
mas maraming kompanya.
•TANONG SA ORAL RECITATION:
( 10 minutes bago mag-time )
Sa isang pangungusap na sagot,
ibigay ang buod ng mahalagang
tinalakay sa paksang aralin natin
ngayon.
( Hindi Babasahin ang sagot )
•Pagpapatuloy ng pagtalakay sa
mga Katangian ng Estruktura ng
Pamilihan sa ilalim ng Hindi
Ganap na Kompetisyon
Isa pa sa Pamilihang May Hindi
Ganap na Kompetisyon mula sa
Estruktura ng Pamilihan:
2. Monopsonyo – Sa ganitong uri ng
pamilihan, mayroon lamang iisang
konsyumer ngunit maraming
prodyuser ng produkto at serbisyo.
-Sa ganitong kalagayan,
may kapangyarihan ang
konsyumer na
maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan.
Ang Halimbawa nito ay ang
pamahalaan na nag-iisang
kumukuha ng serbisyo at
nagpapasahod sa mga pulis,
sundalo, bumbero, traffic
enforcer, at iba pa.
Dahil ang pamahalaan ang nag-
iisang kumukuha ng serbisyo ng mga
nabanggit bilang empleyado, ito ay
may direktang kapangyarihan sa
pagtatakda ng halaga ng pasahod.
3. Oligopolyo – Ito ay isang uri ng
estruktura ng pamilihan na may maliit na
bilang o iilan lamang na prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay na produkto at serbisyo.
- Sa ganitong uri ng pamilihan,
may kakayahan ang prodyuser
na maimpluwensiyahan o
madiktahan ang presyo na
umiiral sa pamilihan.
- Ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri
ng produkto sa pamilihan ay ang
semento, bakal, ginto, at petrolyo.
Maaari din nilang gawin ang hoarding o
ang pagtatago ng produkto upang
magkulang ang supply sa pamilihan na
magdudulot ng pagtaas ng
pangkalahatang presyo.
-Sa ganitong sistema,
maaring magkaroon ng
pagkontrol o sabwatan ang
mga negosyante na
tinatawag na collusion.
Ito ay nagaganap partikular na sa
presyo sa ilalim ng kartel o samahan
ng mga oligopolista. Ang konsepto ng
kartel ay nangangahulugang
pagkakaroon ng alliances of
enterprises.
•Hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon
ng kartel sa ating bansa upang mabigyan
ng proteksiyon at isulong ang kapakanan
ng mga konsyumer ayon sa itinatakda ng
Consumers Act of the Philippines o
Republic Act 9374 na isinabatas noong
Abril 23, 2011.
Sa kaniyang aklat na “An Inquiry into
the Nature and Causes of the Wealth
of Nations” (1776), si Adam Smith ay
nagpahayag ng kaniyang pananaw
tungkol sa katotohanan ng
pagkakaroon ng kartel.
•Ayon kay Adam Smith, ang mga
negosyante ay hindi aktuwal na
nagkikita upang pag-usapan ang takbo
ng kanilang mga negosyo subalit sila ay
nagkakaroon ng pagkakaunawaaan sa
pamamagitan ng sabwatan sa
pagtatakda ng presyo ng mga produkto
at serbisyo sa pamilihan.
Ang Organization of Petroleum
of Exporting Countries (OPEC) ay
isang halimbawa ng pandaigdigang
kartel sapagkat sila ang nagtatakda
ng supply at presyo ng produktong
petrolyo o langis sa buong daigdig.
4. Monopolistic Competition – dito ay
maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng mga produkto sa
pamilihan subalit marami rin ang mga
konsyumer. Gayunpaman, may
kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang
mga prodyuser na magtakda ng presyo ng
kanilang mga produkto.
-Dahil sa product
differentiation, ang katangian
ng mga produkto na
ipinagbibili ay magkakapareho
ngunit hindi eksaktong
magkakahawig.
-Ang kanilang pagkakapareho ay
maaaring sa uri ng produkto gaya ng
shampoo, sabon, o toothpaste,
pabango, fabric conditioner, cellphone,
softdrinks, appliances, fastfood
restaurant, serbisyo ng mga ospital, hair
salon, beauty & cosmetics product, at
marami pang iba.
Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging,
labeling, presentasyon, at maging sa
lasa o flavor.
- Ginagawa ito ng mga prodyuser
sapagkat ang kanilang layunin sa
product differentiation ay kumita at
mas makilala ang kanilang mga
produkto.
-Layunin din ng mga
prodyuser na maitaas ang
antas ng kasiyahan ng
konsyumer.
-Ang advertisement o pag-
aanunsiyo ay isang mabisang
pamamaraan na ginagamit ng
mga prodyuser upang
maipakilala ang kanilang mga
produkto at serbisyo.
Mga Halimbawa ng Monopolistic
Competition:
UNILEVER COMPANY VS
- MGA PRODUKTONG SABON NA
MAY KOMPETISYON SA MARKET:
PALMOLIVE SOAP, LUX SOAP, DOVE
SOAP, LIFEBUOY AND TENDER CARE
•Procter & Gamble Company:
- SAFEGUARD, IVORY, ZEST, CY
GABRIEL PAPAYA SOAP, OLAY,
CAMAY SOAP
- MGA SABONG PANLABA para sa
UNILEVER COMPANY VS
- TIDE, ARIEL, PERLA, BONUX