Ap 1 Modyul 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1

Araling Panlipunan
Kwarter 1: Modyul 5
Timeline sa Pagbabago sa Buhay
at Mga Personal na Gamit
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kuwarter 1 – Modyul 5: Timeline sa Pagbabago sa Buhay at Mga Personal na Gamit

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang
sinumang lalabag dito.

Ang mga akda/materyales (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ang Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul Bilang Kagamitan ng Mag-aaral

Manunulat: Analiza B. Bordeos

Editor: Ma. Lourdes B. Brutas

Mga Tagasuri: Edgar B. Collantes


Florenia C. Toralde

Tagalapat: Ricky B. Tangtang


Antonio L. Morada
ARALIN 1: Timeline sa Pagbabago sa Buhay at Mga
Personal na Gamit

Isang masayang pagbati saiyo!


Sa araling ito, matututuhan mo ang mga
pagbabagong nagaganap sa iyong buhay at mga
personal mong gamit mula noong ikaý sanggol pa lamang
hanggang sa kasalukuyang edad.

Layunin:
Naipakikita sa pamamagitan ng timeline at iba pang
pamamaraan ang mga pagbabago sa buhay at mga
personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa
kasalukuyang edad.

Talahulugan:

timeline- ay isang linya na nagpapakita ng oras at


pagkasunod-sunod ng mga nangyari sa
buhay

pagbabago- pagkakaiba-iba ng mga bagay mula


sa dati o nakasanayan.

personal- tumutukoy sa sarili

1
Panimulang Pagsubok:
Ayusin ang mga larawan ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito sa pamamagitan ng paglagay
ng letrang A-D sa loob ng kahon.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


May mga pangyayari sa ating buhay na mayroong
relasyon sa ating paglaki mula noong tayo ay sanggol pa
lamang hanggang sa kasalukuyan.
Mayroon ding pagbabago sa mga gamit ng isang
bata habang siya ay lumalaki. Halimbawa nito ay ang
gamit mo noong ikay sanggol pa lamang ay hindi mo na
pwedeng gamitin sa kasalukuyan.
Ang mga pagbabagong nangyari sa iyong buhay ay
maipapakita sa pamamagitan ng timeline o tinatawag na
linya ng oras/panahon. Dito mo makikita ang
pagkakasunod-sunod na mga pagbabago sa iyong
buhay kaakibat ang oras o panahong nagdaraan.

2
Pagsasanay 1
Tingnan ang mga larawan sa loob ng kahon. Bilugan
ang mga bagay na ginamit mo noong ika’y sanggol pa at
ikahon naman ang ginagamit mo sa
kasalukuyan.

Pagsasanay 2
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba at kulayan mo
ito ayon sa sumusunod:
Asul - 1 taon
Pula - 2 taon
Dilaw – 5 taon

3
Pagsasanay 3
Iguhit mo sa loob ng kahon sa timeline ng aking buhay
ang iyong sarili batay sa edad o taon na nakasulat dito.
TIMELINE NG AKING BUHAY

Pangwakas na Pagsubok:
Lagyan ang guhit sa ibaba ng larawan nang masayang
mukha kung ang gamit na nasa loob ng kahon ay
kasalukuyan mo itong ginagamit at malungkot na mukha
naman kung hindi.

4
4-5. Iguhit ang nawawalang larawan sa timeline para
mabuo ito.

Karagdagang Gawain
Gumawa ng simpleng timeline sa pamamagitan ng
pagdikit ng iyong larawan mula ng ikaý sanggol
hanggang sa kasalukuyan. Maaari kang magpatulong sa
iyong magulang o kapatid.

5
For inquiries or comments, please contact:

You might also like